You are on page 1of 16

Petsa: Pebrero 22, 2022

FILIPINO 1

Pangunahing Paksa: Panghalip


Tiyak na Paksa: Panghalip na Pananong
Sanggunian: Filipino Curriculum Guide
Kompetensi:. Natutukoy ang salita/ pangungusap sa isang talata (F1PN-IIIe-45)

Mga layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naiisa- isa ang mga panghalip na pananong;
2. nakabubuo ng mga sariling pangungusap gamit ang panghalip na pananong; at
3. nakalalahok na may kasiglahan sa klase.

Pamamaraan Gawaing Guro Gawaing Bata


I. Panimula Magandang araw sa inyong
lahat!
Magandang araw po, Teacher

Tayo ay manalangin…

Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng


Espiritu Santo, Amen.

Amang makapangyarihan sa
lahat, kami po ay
nagpapasalamat sa (Ang lahat ng mag-aaral ay
panibagong araw na inyong
ibinigay, maraming salamat po nanalangin)
sa mga biyaya na inyong
ipinagkaloob sa amin. Gabayan
niyo po kami sa araw-araw na
aming tinatahak nawa’y ilayo
niyo po kami sa
kapahamakan.Ito lamang po
ang aming dalangin sa ngalan
ng inyong anak na si Hesus.
Amen.
Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng
Espiritu Santo, Amen.

Magandang araw ulit, mga


bata! Ako nga pala si teacher
Janelle at ako ang inyong
magiging guro para sa araw na
ito.

Ngayon, mayroon lamang


akong mga paalala at
alituntunin na dapat ninyong
sundin sa online na klasi.

1. I-mute ang mikropono


kung hindi tinatanong at
walang sasabihin. Ano
nga ulit ang una nating I-mute ang mikropono kung hindi
alituntunin?
tinatanong at walang sasabihin

2. Kung maari buksan ang


inyong camera para
makita kayo ng guro.
Ano nga ulit ang ikalawa Kung maari buksan ang inyong
nating alituntunin? camera para makita kayo ng guro.

3. Makinig ng mabuti sa
guro at maging aktibo sa
diskusyon Ano nga ulit ang Makinig ng mabuti sa guro at
huli nating alituntunin? maging aktibo sa diskusyon

Magaling! Naiintindihan ba ang


aking mga paalala at Opo, teacher.
alituntunin?

Magaling! Panibagong araw,


panibagong aralin na naman.
Bago tayo dadako sa ating
bagong aralin ay babasahin
muna natin ang ating learning
targets sa araw na ito na kung
saan ay nakaangkla ang ating
aralin.

Pagkatapos ng aralin, ang mga


mag-aaral ay inaasahang:
1. Naiisa- isa ang mga
panghalip na pananong;
2. nakakabuo ng mga
sariling pangungusap
gamit ang panghalip na
pananong; at
3. nakalalahok na may
kasiglahan sa klase.

Nauunawan ba? Mga bata,


kakayanin nating makamit ang
mga ito bago matapos ang
ating klase. Opo, teacher
II. Pagpapaunlad
ng Aralin Mga bata, ang tinalakay natin
noong nakaraan ay patungkol
sa panghalip na pamatlig
A. Pagbabalik-aral
Natatandaan niyo pa ba kung
ano ang mga panghalip
pamatlig sa bagay?
Opo teacher.
Mabuti naman, maari niyo bang
isa isahin ang mga panghalip
na pamatlig?
Ito, iyan, iyon, nito,niyan, noon,
heto, hayan, hayun po teacher.

Magaling! Mga bata maari ba


kayong makapagbibigay ng
halimbawa ng pangungusap
gamit ang panghalip na
pamatlig sa bagay? Teacher, ito ang aking paboritong
sombrero.

Magaling! Ano ang ginamit


Ito po teacher.
niyang panghalip?

Magaling! Sino pa ang


makapagbibigay? Iyon ang aming bahay.

Magaling! Mga bata may mga


Wala na po
katanungan pa ba kayo?

Okay mga bata. Mabuti at


naalala ninyo ang ating
leksiyon. Ngayong araw
magkakaroon tayo ng Opo teacher
panibagong aralin. Handa na
ba kayo?

B. Pagganyak
Mga bata handa na ba kayo sa
panibago nating leksyon?
Opo teacher

Mabuti naman! Ngayon mga


bata maaari niyo bang kunin
ang inyong mga white board?
(kinuha ang kanilang white board)
Ngayon ang gagawin ninyo ay
hanapin sa mga letrang ito ang
mga salitang ginagamit ninyo
kapag kayo ay nagtatanong.

Okay mga bata, maari niyo


bang ibahagi kung ano ang
mga salitang nakita ninyo sa Ano po teacher
word search puzzle?
Tama! ano pa? Sino teacher

Magaling! Mayroon pang


tatlong natitira.
Saan teacher
Tama! ano pa?
Ilan po.
Magaling! At ang panghuli ay?
Kailan po
Tama, makikita sa word search
puzzle ang Ano, sino, saan, ilan
at kailan. Mga bata alam niyo
baa ng tawag sa mga salitang
iyan?
Panghalip na pananong
Tama! yan ay mga panghalip
na pananong. Iyan ang ating
tatalakayin ngayon.

Mayroon ba kayong ideyaa kun


ano ang panghalip na
pananong? Teacher ito po ang mga salitang
ginagamit pag nagtatanon.

Tama! ang

C. Paglalahad ng Mga bata mayroon akong


paksa hinandang kwento, makinig ng
mabuti dahil pagkatapos nito ay
may sasagutang kayong
katanungan.

https://www.youtube.com/
watch?v=5uUzlqteyvY

Mga bata nagustuhan niyo baa


ng kwento? Opo teacher
Ngayon sasagutin natin ang
mga katanungan.
1. Ano ang nangyari sa
pagong dahil sa Siya ay nahulog
kaniyang kadaldalan?
2. Sino ang dalawang
kaibigan ni pagong? Si abuhing gansa at putting gansa
3. Saan nagkita-kita ang Sa sapa.po
magkakaibigan?
4. Ilan silang Tatlo po
magkakaibigan?
5. Kailang nagkita-kita ang Isang umagang maganda.
magkaibigan?

Magaling! Mga bata anong aral Dapat ay tumupad sa pangako.


ang nakuha ninyo?
Magaling! Tumutupad din ba Opo teacher.
kayo sa pangako?
Mabuti naman.

Mga bata, nasubukan niyo na Opo


bang gumawa ng tanong?

Kung napapansin ninyo ay


gumamit ako ng salitang Ano,
sino, saan, ilan at kailan upang
simulan ang akin mga
katanungan. Iyan ay mga
halimbawa ng panghalip na
pananong na tataklakayin natin
ngayon.

Mga bata mayroon ba kayong


ideya kung ano ang panghalip Ang mga salitang ginagamit sa
na pananong? pagtatanong.

Tama! ang panghalip na


pananong ay ang mga salitang
ginagamit sa pagtatanong o
pang uusisa. Laging tandaan
na ito ay nagtatapos sa bantas
na tandang pananong (?)

D. Pagtatalakay
Ito ang mga halimbawa ng
panghalip na pananong.

Ano

Sino

ilan

Saan

kailan

Kailan kaya natin ginagamit


itong mga panghalip na
pananong? Mga bata makinig
ng mabuti. Opo

Mayroon ba kayong ideya kung


kailan ginagamit ang panghalip
Ginagamit ito kapag ang tinutukoy
pananong na ano?
ay bagay.
Ano- ito ay ginagamit kung nais
magtanong tungkol sa bagay,
hayop, katangian, pangyayari o
ideya.

Hal.

Tanong: Ano ang pambansang


prutas ng pilipinas?

Sagot: Mangga ang


pambansang prutas ng
pilipinas.

Ang salitang manga ay


sumasagot sa tanong na ano,
ang manga ay halimbawa ng
ngalan ng bagay.

Ngayon maari ba kayong


makapagbibigay ng halimbawa
sa pangungusap gamit ang
panghalip pananong na ano? Ano ang hugis ng bulking mayon.

Magaling !

Sino- ito’y ginagamit kung ang


inaasahang sagot ay tungkol sa
tao.

Halimbawa:

Tanong: sino ang paborito


mong artista?

Sagot: Si Kathryn Bernardo ang


paborito kong artista.

Si Kathryn bernardo ang


sumasagot sa tanong na sino.
At si Kathryn bernardo ay
ngalan ng tao.

Maari ba kayong makapagbigay


ng halimbawa sa pangungusap
gamit ang salitong sino? Sino ang iyong iniidolo.

Magaling!

Ngayon mayroon ba kayong


ideya kung kailan ginagamit
ang panghalip pananong na Kapag nais mo malaman ang
ilan? bilang po teacher.

Tama!

Ilan- ginagamit ito kung nais


mong malaman ang bilang ng
tao, bagay at hayop.

Hal.

Tanong: Ilana ng pangkat


etniko sa Mindanao?

Sagot: Apat ang pangkat etniko


sa Mindanao.

Ang apat ay sumasagot sa


tanong na ilan at ang tinutukoy
nito ay ang bilang ng bagay.

Ngayon maari ba kayong


magbigay ng pangungusap
gamit ang panghalip pananong Ilan kayong magkakapatid?
na ilan?

Magaling! Ginagamit ang ilan


kapag gusto mo malaman ang
bilang ng tao, bagay at hayop

Ngayon mga bata abg susunod


na panghalip na pananong ay
saan. Mayroon ba kayong ideya Kapag gusting malaman ang
kung kailan ginagamit ang lugar teacher.
panghalip pananong na saan?

Magaling!

Saan- ito’y ginagamit kung ang


inaasahang sagot ay ngalan ng
lugar.

Hal.

Tanong: Saan matatagpuan


ang mga Igorot.

Sagot: Sa Luzon matatagpuan


ang mga Igorot

Luzon ang sumasagot sa


tanong na saan. Ang Luzon ay
ngalan ng lugar.
Ngayon maari ba kayong Saan kayo nakatira?
magbigay ng pangungusap
gamit ang panghalip na
pananong na saan?

Magaling!
Kapag tungkol po sa panahon
Ngayon mayroon ba kayong teacher.
ideya kung kailan ginagamit
ang kailan?

Tama!

Kailan- ginagamit kung ang


inaasahang sagot ay petsa o
panahon.

Hal.

Tanong: Kailan ang kaarawan


ni Dr. Jose Rizal?

Sagot: Hunyo 19, 1861 ang


Hunyo 19,1861 teacher.
kaarawan ni Dr. Jose Rizal.

Ano ang sumasagot sa tanong


naa kailan?

Tama! Hunyo 19 1861, at ito ay


tumutukoy sa petsa o panahon.
Kailan ka maliligo?
Maari ba kayong magbigay ng
pangungusap gamit ang
panghalip pananong na kailan?
Wala na po
Magaling. Ngayon mga bata
may mga katanungan pa ba?

Mga bata ano nga ulit ang


IV. Paglalahat panghalip na pananong? Ito ang mga salitang ginagamit
kapag nagtatanong o nang
uusisa.
Tama! ano ang bantas na
gingamit kapag ikaw ay
nagtatanong? Tandang pananong po teacher.
Magaling! Ano ang mga
panimulang salita na ginagamit
upang makabuo ng mga
tanong?
Ano, saan, sino, kailan at ilan

Magaling!

Ano ang gagamitin mong


tanong kapag gusto mo
malaman ang ngalan ng tao? sino po teacher
Magaling! Kapag lugar?
Saan po teacher
Tama! kapag panahon?
Kailan po teacher
Magaling! Paano naman sa
bilang?
Ilan po teacher
Magaling!

Bakit kaya kailangan nating


malaman ang mga gamit ng
mga salitang ito?
Upang alam natin kung ano ang
nararapat na salita kapag
nagtatanong.
Magaling! Nang sa gayong ay
alam natin kailan gagamitin ang
mga panghalip na pananong,
kapag gusto nating malaman
ang lugar ang gagamitin ay
saan, sino naman ang
ginagamit kapag ngalan ng tao,
kailan ang ginagamit kapag
petsa o panahon, ano kapag
tungkol sa bagay, hayop,
katangian, pangyayari o ideya
at panghuli ay ilan kapag gusto
mong malaman ang bilang.

Nakuha ba mga bata? Opo teacher


V. PAGLALAPAT/
APLIKASYON Ngayon mga bata mayroon si
teacher na hinandang Gawain,
kunin ang white board at
sagutan ito.

Panuto: Piliin ang tamang


salitang bubuo sa pangungusap
na patanong.

1. Sino Saan Kailan kayo


pupunta sa Cebu?
2. Ano Sino Kailan ang
nagbigay sayo ng
tsokolate
3. Saan Sino Ano kayo
pumunta kanina?
4. Ano Sino Kailan ang
ginawa ninyo sa
paaralan?
5. Ilan Sino Ano kayo
magkakapatid?

Mga Sagot:

1. Kailan
2. Sino
3. Saan
4. Ano
5. Ilan

Magaling mga bata! Talagang


naunawaan na ninyo ang ating
aralin sa araw na ito.

May mga katanungan pa ba


kayo patungkol sa ating aralin
ngayong araw? Wala na po

Kung wala na ay babalikan


muna natin ang ating learning
targets sa araw na ito kung ito
ba ay nakamit natin.

Pagkatapos ng aralin, ang mga


mag-aaral ay inaasahang:
1. Naiisa- isa ang mga
panghalip na pananong;
2. nakabubuo ng mga
sariling pangungusap
gamit ang panghalip na
pananong; at
3. nakalalahok na may
kasiglahan sa klase.

Mahusay! Kung ganon ay


nakamit na natin ang ating
learning targets para sa araw
na ito. Ngayon ay tiyak na
talaga si teacher na naunawaan
na ninyo ang ating aralin sa
araw na ito at handa na kayo sa
ating pagsusulit para sa araw
na ito.

VI. Ebalwasyon
Formative Assessment
Panuto: Piliin sa
pangungusap ang panghalip
pananong na ginamit.

1. Sino ang kausap mo?


2. Ano ang ating takdang
aralin?
3. Kailan kaya tayo
magkikita?
4. Ilan na baa ng iyong
medalyang natanggap?
5. Saan mo nabili ang
magandang kwentas
na iyan?
6. Saan baa ng daan
papuntang bahay niyo?
7. Ano ang paborito
mong damit?
8. Kailan uuwi ang tatay
mo?
9. Ilan na ba ang natapos
mo na Gawain?
10. Sino ang paborito
mong kaibigan?

Summative Assessment:

Panuto: Buohin ang


pangungusap sa bawat
bilang. Tukuyin ang
panghalip na pananong na
bubuo sa pangungusap.

1. _____ ang sumundo sa


iyo sa istasyon ng bus?
2. ______ ka nakatira?
3. ______ ang paborito
mong ulam?
4. ______ ang iyong
kaarawan?
5. ______ kayong
magkakapatid?
6. ______ ang lagi mong
kalaro
7. _______ ang natanggap
mong regalo noong
kaarawan mo?
8. _______ ang alis niyo
papuntang Maynila?
9. _______ ang lasa ng
ampalaya?
10. ______ na ang
napuntahan mong
bansa?

VII. Takdang Aralin


Panuto: Tingnan ng mabuti
ang larawan. Bumuo ng tig-
iisang tanong gamit ang ano,
sino, saan , ilan at kailan.

CORE VALUE: Integrity of Quality Education


Ang panghalip na pananong ay mahalagang pag aralan sapagkat ito ay
ginagamit natin sa ating pang araw-araw. Nararapat din na ibahagi sa iba an gating
nalalaman at pagyamanin ito ng walang pag-aalinlangan.

Inihanda ni: JANELLE KATE V. JACINTO Petsa ng Pagpasa: Pebrero 25,2022


Pre-Service Teacher
Winasto ni : GNG. ROSALINDA S. PACIENTE Petsa: ___________________
Critic Teacher

You might also like