You are on page 1of 8

Detalyadong Banghay-Aralin sa

Filipino 3

I. Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaashang:

a. nakatutukoy sa mga salitang magkatugma;


b. nakalilikha ng isang makabuluhang akda gamit ang mga salitang magkatugma; at
c. nakapagbibigay halaga sa mga salitang magkatugma.

II. Paksang-Aralin

Paksa: Mga Salitang Magkatugma


Sanggunian: CG. Week 4, Filipino 3 (Kamalayang Ponolohiya) pahina 98
Kagamitan: stripo, poster, test papel, mga larawan at makulay na mga enbelop

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A.Panimulang Gawain

(Panalangin)

Bago tayo mag-umpisa mga bata, tumayo muna


ang lahat para sa ating panalangin. Panguluhan mo
ang panalangin, Sophia. Halika rito sa harapan.
(pumunta si Sophia sa harapan at pinanguluhan
ang panalangin)

Panalangin:
Panginoon, maraming salamat po sa ibinigay
ninyong panibagong pagkakataon upang kami ay
matuto. Gawaran mo po kami ng isang bukas na
isip upang maipasok namin ang mga itinuturo sa
amin at maunawaan ang mga aralin na
makatutulong sa amin sa pagtatagumpay sa buhay
na ito. Amen.
(Pagbati)

Magandang Umaga, mga bata! Magandang Umaga po, titser.


Kumusta naman kayo sa araw na ito? Mabuti lang po, titser.
Mabuti naman kung ganun. Masaya akong
malaman na kayo ay nasa mabuting kalagayan.
Mayroon na naman tayong bagong leksyon
ngayong araw, mga bata. Ngunit, sa pagkakataong
ito ay kumunta muna tayo ng awiting may kilos na
pinamagatang “Tong Tong Tong Pakitong Kitong”.
Gusto niyo ba ‘yon, mga bata? Opo, titser!
Okey! May ipapatugtog ako dito at gayahan niyo Maliwanag po, titser.
lamang si titser, maliwanag ba mga bata?

Okey, simulan na natin.


(nag-umpisa ng umawit ng awiting may aksyon)
(nag-umpisa ng umawit ng awiting may aksyon)

(natapos na ang pamukaw sigla)

Ang galing niyo naman mga bata! Nagustuhan Opo, titser.


niyo ba, mga bata?

(Pagsasaayos ng Silid-Aralan)
(pinulot ng mga bata ang mga basura na nasa
Bago kayo umupo, nais ko munang pulutin ninyo sahig at inayos ang mga upuan)
ang mga nakakalat na basura sa sahig at ayusin
ninyo ang inyong mga upuan. Siguraduhin ninyong
nakahanay ito ng maayos. (umupo na ang mga bata)
Kung tapos na ay maaari na kayong umupo.

(Pagtala ng Liban)

Ngayon ay susuriin ko kung sino ang dumalo at


liban sa klase. Sabihin lamang ang “narito po” Maliwanag po, titser.
kung tinatawag ko ang inyong pangalan,
maliwanag ba mga bata?

(nag-umpisa ng magtala ng liban ang guro)

(Pamantayan sa loob ng klase)

Sa pagkakataong ito, nais ko munang basahin Pamantayan sa loob ng klase


ninyo ang ating mga pamantayan sa loob ng klase. 1. Makinig ng mabuti kapag ang guro ay
Ano-ano ang mga ito? Pakibasa mga bata. nagsasalita.
2. Makilahok sa oras ng talakayan.
3. Itaas ang kanang kamay kapag sasagot at
kung may mga katanungan.
4. Sundin ang mga direksiyon.
5. Makilahok sa mga pangkatang gawain.

Ito ang ating mga pamantayan sa loob ng klase.


Mahalaga ang mga ito upang magkaroon ng Opo, titser.
kaayusan. Kaya, maaasahan ko ba sa inyo ang mga
pamantayang ito, mga bata?

Mabuti naman kung ganun. Inaasahan kong


susundin ninyo ang mga ito.

(Pagbabalik-Aral)
Opo, titser.
Naaalala niyo pa ba ang tinalakay natin noong
nakaraang tagpo, mga bata? Ang paksang tinalakay po natin ay tungkol po sa
Pagsasakilos ng Tula.
Ano ba ang paksang tinalakay natin, Bea?

Tama! Ang paksa na ating tinalakay ay tungkol sa Ang pamagat po ng tula ay “Pera at Basura”.
Pagsasakilos ng Tula. Ano ba ang pamagat ng tula,
Zephanie?
Ang tulang “Pera at Basura” po ay tungkol sa
Magaling! Tungkol saan ba ang tulang “Pera at tamang pagtatapon ng basura.
Basura”, Cyni?
Hinihiwalay po ang nabubulok na basura sa hindi
Tama! Paano ba pinaghihiwalay ang basura, nabubulok.
Michael?

Magaling mga bata! Naniniwala akong mayroon na


kayong sapat na kaalaman tungkol sa ating
nakaraang leksyon.

(Pagganyak)

Ngayon mga bata,


may ipapakita
akong larawan.

Aso po, titser.

Bella: Meron po, titser.


Mark: Wala po kaming aso, titser.
Ano ang nakikita ninyo sa larawan?

Tama, ang larawang ito ay larawan ng aso. May


alaga ba kayong aso, mga bata?
Handa na po, titser.
Okey, meron ditong nag-aalaga ng aso at meron
ding hindi nag-aalaga ng aso. Ngayon mga bata,
may tula akong ipaparinig sa inyo. Alamin natin
kung ano-ano ang mga katangian ng aso. Handa na
ba kayo?

Tula:
“Ang Aking Alaga”

Ako ay may alaga,


asong mataba,
buntot ay mahaba,
malinis ang mukha.
Ang pamagat po ng tula ay “Ang Aking Alaga”.
Ako’y mahal niya,
mahal ko rin siya,
Aso po, titser.
kaya’t kaming dalawa,
ay laging magkasama.

Ano ang pamagat ng tula, Zeb? Mataba po, titser.


Tama. Ang pamagat ng tula ay “Ang Aking
Alaga”. Ano naman ang alagang nabanggit sa tula, Mahaba ang buntot po, titser.
Aiza?
Malinis ang mukha, titser.
Tama. Ang alagang nabanggit sa tula ay aso. Ano-
ano ang mga katangiang nabanggit ng kanyang
alaga sa tula? Magbigay ng isa, Sheila?
Mga Salita:
Tama. Ano pa, Fred?
alaga-mataba
Magaling. Ano pa, Algene? mahaba-mukha
niya-siya
Tama ang lahat ng inyong mga sagot, mga bata.
Ngayon ay basahin ninyo ang mga salita at Magkatunog po ang hulihan nila, titser.
pakinggang mabuti ang hulihang tunog nito.

Hindi po, titser.

Ano ang napansin niyo habang binabasa ang mga


salita? Juan, ano ang napansin mo?

Okey, tama si Juan. Magkatunog ang hulihan ng Sa tingin ko po ang tatalakayin natin ngayon ay
mga salita. Parehas rin ba ang kanilang kahulugan, tungkol sa mga salitang magkatugma.
Pedro?

Magaling mga bata! Ang mga nabasa ninyong


salita ay magkatugma ang hulihang tunog ngunit
hindi magkasingkahulugan. Ano kaya sa tingin
ninyo ang tatalakayin natin ngayon? Okey, Jeffrey?

Tumpak! Ang tatalakayin natin ngayon ay tungkol


sa mga salitang magkatugma. Mga Salitang Magkatugma

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay


(Paglalahad) inaashang:
Ano nga ulit ang leksyon natin ngayon? Pakibasa, a. nakatutukoy sa mga salitang magkatugma;
mga bata. b. nakalilikha ng isang makabuluhang akda
gamit ang mga salitang magkatugma; at
Okey. Ngunit bago tayo magpatuloy, basahin muna c. nakapagbibigay halaga sa mga salitang
natin ang ating layunin sa paksang ito. Pakibasa ng magkatugma.
ating layunin, mga bata.

Para po sa akin, ang salitang magkatugma ay ang


mga salitang pareho ang hulihang tunog.

(Pagtatalakay) Ang salitang magkatugma ay kadalasang


ginagamit sa tula upang magandang pakinggan.
Para sa inyo, ano nga ba ang salitang magkatugma? Ito ay galing sa salitang ugat na tugma na ang ibig
Okey, Lenny? sabihin ay pagkakapareho-pareho ng dulong
tunog ng dalawa o higit pang salita sa taludtod sa
Magaling! Ang salitang magkatugma ay mga isang saknong ng tula.
salitang magkasintunog o parehas ang isa o
dalawang letra sa hulihan ng salita. Pakibasa, Sa tula po, titser.
Winna.

Okey, saan nga kadalasang ginagamit ang salitang


magkatugma, mga bata?

Tama. Madalas ginagamit sa tula ang mga salitang


magkatugma. Kagaya na lamang ng tulang “Ang
Aking Alaga”. Ang dulong tunog ng mga salita sa
taludtod sa isang saknong ng tulang ito ay
magkakapareho. Tingnan natin. Mayroon akong
mga buto na may mga salita. Ang mga salitang ito
ay galing sa tulang “Ang Aking Alaga”.

alaga mahaba mataba

mukha niya siya alaga, mataba, mahaba, mukha, niya, siya,


dalawa, magkasama

dalawa magkasama

Opo, titser.

Magkatugmang salita po, titser.


Basahin mo nga ang mga salita, Kisha?
Magkatugma rin po ang kanilang tunog sa huli,
Magaling! Ngayon, kung babasahin natin ang titser.
salitang ‘alaga’ at ‘mataba’, magkapareho ba ang Magkatugma po, titser.
dulong tunog nila?

Tama. Kaya naman, ano ang dalawang salitang ito?


Hindi po, titser.
Magaling! Paano naman ang salitang ‘mataba’ at
‘mukha’, Juan?

Tama. Paano naman ang mga salitang ‘dalawa’ at


‘magkasama’, Peter?

Magaling! Ang mga salitang ito ay magkatugma.


Ngunit, pareho din ba ang kanilang kahulugan,
Chrystie?

Tama. Magkasintunog lang ang dulo ng mga


salitang ito ngunit hindi magkasingkahulugan.

Pakinggan ninyo ang tulang ito na pinamagatang


“Ang Alaga Kong Kuting”

“Ang Alaga Kong Kuting”

May alaga akong kuting,


ang pangalan niya ay muning
ang kulay puti’t itim
kung tumakbo ay matulin. kuting-muning

Makinang ang kanyang mata, itim-matulin


sa dilim ay kitang kita
balahibo ay kay haba, mata-kitang kita
masdan mo siya’t kay ganda.
haba-mata

Base sa tula, ibigay ninyo ang mga salitang


magkatugma. Magbigay ng dalawang
magkatugmang salita, Shen.

Tama. Ano pa, Jed? Ginto-Pinto po, titser.


Magaling! Ano pa, Chan? Baso-Laso ppo, titser.
Tama. Ano pa, Fred? Lata-Mata po, titser.
Magaling! Tama ang lahat ng inyong mga sagot.
Natutukoy niyo na talaga ang mga salitang
magkatugma sa napakinggang tula. Ang salitang
magkatugma ay yaong magkapareho ang dulong Opo titser.
tunog ng mga salita. Magbigay ng iba pang
halimbawa, Christine? Wala na po, titser.

Magaling! Iba pang halimbawa, Khen?

Mahusay! Ano pa, Jesty?


Magaling! Ito ang mga halimbawa ng
magkatugmang salita.

Naiintindihan niyo na ba mga bata?

Wala na ba kayong mga katanungan?

Mabuti kung ganun. (pumunta na ang mga mag-aaral sa kanilang


pangkat)
(Paglinang sa Kabihasnan)

Upang malaman kung naiintindihan niyo talaga (pupunta sa harapan ang lider ng bawat pangkat at
ang paksa natin, magkakaroon tayo ng pangkatang kumuha ng enbelop)
gawain. Papangkatin ko kayo sa apat na pangkat.

(pinapangkat ng guro ang mga mag-aaral sa apat na


(nag-umpisa ng maghanda ang bawat pangkat)
pangkat)
(pagkatapos ng 7 minuto ay tinanghal na ng bawat
Ngayon ay pumunta na kayo sa inyong pangkat.
pangkat ang kanilang presentasyon)

Bawat pangkat ay pumili ng isang lider at pumunta


dito sa harapan upang kuning ang enbelop na (pumalakpak ang mga mag-aaral)
naglalaman ng gawain.

Bibigyan ko lamang kayo ng 7 minuto para


maghanda. Mag-umpisa na kayo.
Ang salitang magkatugma ay mga salitang
(pagkatapos ng 7 minuto ay tinawag na ng guro magkasintunog o parehas ang isa o dalawang letra
ang unang pangkat) sa hulihan ng salita po, titser.

Tula po, titser.


Mahusay! Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili
dahil sa mahusay ninyong naitanghal ang inyong
mga likha. Opo, titser.

(Paglalahat) Dahil ang mga tugma ay mas madaling maalala


po, titser.
Ngayon mga bata, ano nga ulit ang salitang Mahalaga rin po ito dahil ito ang nagtuturo sa atin
magkatugma? ng tunog ng salita.

Tama. Ito kadalasang ginagamit sa?

Tama. Ginagamit rin natin ito sa musika. Mga bata,


mahalaga ba ang salitang magkatugma?

Bakit mahalaga ang salitang magkatugma?

Magaling! Mahalaga ito sa pagkatutong bumasa


dahil ito ay nagtuturo sa atin tungkol sa wika.
Tinutulungan ng pagtutula ang mga bata na matuto
tungkol sa mga pamilya ng salita.
IV. Pagtataya
Panuto: Pagtapatin ang tamang salitang magkatugma. Isulat ang letra ng tamang sagot sa linya bago ang
bilang.
Hanay A Hanay B
________ 1. malakas a. masungit
________ 2. mahaba b. malikot
________ 3. marikit c. matagal
________ 4. malungkot d. maangas
________ 5. madaldal e. mapalad
f. mababa

V. Takdang-Aralin
Panuto: Gumawa ng tula tungkol sa iyong pamilya. Itanghal ito sa susunod nating pagkikita.

Inihanda nina:
Ara Shane A. Sialon at Maria Roselle R. Sumingit
BEED-II

You might also like