You are on page 1of 8

Banghay Aralin sa Filipino 3

I. Layunin: sa loob ng 45 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Makilala ang dalawang uri ng panghalip na panao
b. Matukoy ang mga panghalip panao sa isang kwento na binasa
c. Napapahalagahan ang pag gamit ng Panghalip panao sa komunikasyon.

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Panghalip na Panao
b. Reference: Bagong Filipino sa Salita at Gawa 3
c. Kagamitan: Biswal na kagamitan, video presentation, power point presentation

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
- Hinihiling ko ang lahat na
tumayo at tayo at
manalangin.
-
Ama namin sa langit, nagpapasalamat kami sa
panibagong buhay na inyong pinagkaloob sa
amin. Nawa ay gabayan mo kami sa pang araw-
araw naming ginagawa lalo na sa aming
talakayan ngayon. Hinihiling namin na bigyan mo
kami ng sapat na pag-unawa at karunungan sa
aming talakayan at mga gawain ngayon. - Amen
Patawarin niyo po kami sa aming mga kasalanan.
Yan lamang po ang aming pinapanalangin. Sa
ngalan ng inyong anak na si Hesus Kristo. Amen.

b. Pagbati
- Magandang umaga mga
bata
- Magandang umaga din po aming
guro at sa mga kapwa ko mag-
aaral. Nagagalak kaming Makita
kayo muli.
- Kumusta naman kayo? Sana
ay maganda ang inyong
araw ngayon. - mabuti naman po titser.

c. Pagtatala ng Lumiban sa Klase


- May lumiban ba sa ating
klase ngayon?

- Magaling, sana ay
mapanatali natin ang
ganitong bilang sa klase - Wala po titser

d. Pag bibigay pamantayan sa


klase
- Bago tayo magsimula sa
ating klase ngayon, ano nga
muna ulit ang mga dapat
nating gawin habang
nagsisimula na ang klase at
habang si titser ay
nagsasalita ditto sa - Tumahimik at huwag makipag
harapan? usap sa katabi
- Making ng mabuti
- Itaas ang kanang kamay kapag
may katanungan.
- Umupo ng maayos.
B. Panlinang na Gawain
a. Pagganyak

- Sabay-sabay tayong tumayo mga bata at


awitin ang kantang “kung ikaw ay
masaya, tumawa ka” na may kasamang - (tatayo ang mga bata, aawit sila
galaw at sasayaw)

Tanong:
Sino sa palagay ninyo ang
tinutukoy na masaya sa inyong
kinanta? - Hindi po naming ito matukoy
dahil ikaw at ka lamang ang
nabanggit sa kanta.
Hindi mo ito matukoy diba?
Maaring ito ay si Alex, Paul o
Toni at iba pa.
Masyado itong marami kaya
pinalitan ito ng ikaw at ka.

Ngayong umaga ay tatalakayin


natin kung ano ang mga tawag
sa mga salitang iyan at kung
paano at saan ba natin ito
gagamitin.
b. Pahahawan ng Balakid

c. Paglalahad

Ang inyong inawit kanena na


“kung ikaw ay masaya tumawa
ka” ay may kinalaman sa ating
tatalakayin ngayon. Napansin ba
ninyo ang salitang ikaw at ka ?
Yan ang ilan lamang sa mga
halimbawa ng Panghalip Panao.
Maraming pa ang mga
halimbawa ng panghalip panao
at mauuri natin ito sa dalawang
klase..
Halina’t gayon kay titser at
tatalakayin natin gayong araw
ang Panghalip Panao

d. Pagtatalakay
- Ano nga ba ang Panghalip panao?

Ang Panghalip panao ay


panghalili sa pangalan ng tao.
- Ano kaya ang dalawang uri ng Panghalip
panao?

Mayroong Dalawang klase ng


Panghalip Panao
1. Isahan - Ginagamit o
ipinapalit sa taong nagsasalita,
kausap, at taong pinag-
uusapang iisa lamang ang bilang.
Halimbawa: Ako, siya , ka, akin,
Iya, mo, kanya at niya.

Halimbawa sa pangungusap:
- Si Ana ay maganda.
- Siya ay maganda.

Sa halip na banggitin ang pangalan ni Ana,


pinalitan ito ng Siya na siyang tumutukoy kay
Ana.

Mag bigay pa nga kayo ng mga iba pang


halimbawa ng Panghalip panao sa isahan gamit
ang pangungusap.
Wow. Magaling mga bata! Ako ay maraming laruan.
Sa kanya ang lapis na iyan.
Hindi niya alam ang mga
2. Maramihan - inihahalili rin sa pangyayari sa paligid.
ngalan ng taong nagsasalita,
kinakausap, at pinag-uusapan na
marami ang bilang.
Halimbawa: kami, tayo, amin,
namin, kayo, ninyo, sila, kanila
at nila.
Halimbawa sa pangungusap:
- Sina Ana, Cassy, at gab ay magagaling sa
klase.
- Sila ay magagaling sa klase.

Imbes na banggitin ang kanilang mga pangalan.


Ihalili na lamang ito gamit ang salitang sila.

Magbigay pa nga kayo ng mga iba pang


halimbawa ng Panghalip panao na maramihan sa
pangungusap.

- Magiging mga bata! Tayo na at mag aral ng mabute.


Sa amin ang bahay na iyan.
Sa kanila ang mga sapatosna
- Ngayon, gusto niyo ba manood ng bidyo iyan.
maga bata?

- Pakinggan ninyo ng mabuti ang bidyong


inyong panonoorin.
( Bidyo tungkol sa kwento ni
langgam at tipaklong)

- Ngayon ay pakinggan ninyo ako at ako


naman ang mag babasa ng kwento.
Pagkatapos ay kayo na naman ang mag
babasa.

Ang kwento ni Langgam at Tipaklong

Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng


araw. Maaga pa lamang ay gising na si Langgam.
Nagluto siya at kumain. Pagkatapos, lumakad na
siya. Gaya nang dati, naghanap siya ng pagkain.
Isang butil ng bigas ang nakita niya. Pinasan niya
ito at dinala sa kanyang bahay. Nakita siya ni
Tipaklong.
Magandang umaga, kaibigang Langgam”, bati ni
Tipaklong. “Kaybigat ng iyong dala. Bakit ba wala
ka nang ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng
pagkain?”

“Oo nga. Nag-iipon ako ng pagkain habang


maganda ang panahon”, sagot ni Langgam.
Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam”, wika ni
Tipaklong. “Habang maganda ang panahon tayo
ay magsaya. Halika! Tayo ay lumukso, tayo ay
kumanta.”

“Ikaw na lang, kaibigang Tipaklong”, sagot ni


Langgam. “Gaya nang sinabi ko sa iyo, habang
maganda ang panahon, ako ay maghahanap ng
pagkain. Ito’y aking iipunin para ako ay may
makain pagsumama ang panahon.”
Lumipas pa ang maraming araw. Dumating ang
tag-ulan. Ulan sa umaga, ulan sa hapon at sa
gabi ay umuulan pa rin. At dumating ang
panahong kumidlat, kumukulog at lumalakas ang
hangin kasabay ang pagbuhos ng malakas na
ulan.

Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang


kawawang Tipaklong. Naalaala nilang puntahan
ang kaibigang si Langgam.
Paglipas ng bagyo, pinilit ni Tipaklong na
marating ang bahay ni Langgam. Bahagya na
siyang makalukso. Wala na ang dating sigla ng
masayahing si Tipaklong.

Tok! Tok! Tok! Bumukas ang pinto.

“Aba! Ang aking kaibigan”, wika ni Langgam.


“Tuloy ka. Halika at maupo.”

Binigyan ni Langgam ng tuyong damit si


Tipaklong. Saka mabilis na naghanda siya ng
pagkain.

Ilan pang sandali at magkasalong kumain ng


mainit na pagkain ang magkaibigan.

“Salamat, kaibigang Langgam”, wika ni


Tipaklong. “Ngayon ako naniwala sa iyo.
Kailangan nga pa lang mag-ipon habang
maganda ang panahon at nang may makain
pagdating ng taggutom.”

Mula noon, nagbago si Tipaklong. Pagdating ng


tag-init at habang maganda ang panahon ay
kasama na siya ng kanyang kaibigang si
Langgam. Natuto siyang gumawa at natuto
siyang mag-impok.

e. Pangkatang Gawain

- Ipapangkat ko kayo sa apat.


- Sa apat na grupo na iyan, bibigyan ko
kayo ng tig-iisang cartolina, pentelpen,
at pandikit.

Ganito ang iyong gagawin.


Tukuyin ang mga Panghalip na
panao sa kuwento ng langgam at
tipaklong
Ang mga natukoy ninyong mga
Panghalip panao ay isulat sa isang
cartolina. Gamitin ang mga natukoy na
Panghalip panao sa isang pangungusap
na nagsasaad ng aral na inyong
natutunan sa kwento ng "langgam at
tipaklong".

Narito ang Pamantayan sa inyong pangkatang


Gawain.

2 3 5
Kawastuhan
(Natukoy ang
lahat ng mga
Panghalip Panao
sa kuwento)
Presentasyon
(Nailahad ng
maayos ang
Gawa sa kaklase
)
Kooperasyon
( Ang lahat ay
nagtutulungan)
Karunungan
(Natukoy ng
wasto ang aral
sa kuwento)
Total: 20

- mayroon lamang kayong 10 minuto para gawin


ang inyong mga kailangang gawin.

C. Pangwakas na Gawain

a. Paglalahat
Ang Panghalip panao ay ginagamit
Ano nga Panghalip panao? panghalili sa pangalan ng tao.

Ang dalawang klase ng Panghalip panao


Ano ang dalawang klase ng ay isahan at maramihan.
Panghalip panao?

Ikaw, ka, siya, ako, ko, akin, iyo, mo ,


Mag bigay ng halimbawa sa kanya, at niya.
salitang isahan.

Sila, Kami, tayo , amin, namin, kayo,


Mag bigay naman ng halimbawa ninyo, nila.
sa salitang maramihan.

B. Paglalapat

Panuto: Basahin ng mabuti ang mga


pangungusap. Tukuyin ng mabuti ang mga
Panghalip panao at isaad kung ito ba ay isahan o
maramihan.

1. Siya ay isang mabuting kaibigan


2. Tayo na at mamasyal sa parke.
3. Ako ay mayroong alagang hayop sa bahay.
4. Kayo ba ang mga mananayaw sa paaralan? 1. Siya- isahan
5. Sa akin ang lapis na iyan. 2. Tayo- maramihan
3. Ako- isahan
4. Kayo- maramihan
5. Akin- isahan

IV. Pagtataya
I. Panuto: Basahin ng mabute ang pangungusap. Salunguhitan ang Panghalip panao na pang-
isahan at bilugan naman kung maramihan.
1. Mahinhin talaga siyang kumilos.
2. Likas sa kanila ang pagiging mahusay sa pag-awit.
3. Mayroon kaming bagong sasakyan.
4. May pasalubong na dala si mama para sa amin.
5. Natural ang aking kagandahan.

V. Takdang Aralin
Sumulat ng pangungusap tungkol sa iyong mga karanasan na maihahambing kay Tipaklong
at kay langgam. Paano mo ito nalampasan at ano ang mga aral na napulot mo rito.

You might also like