You are on page 1of 9

MASUSING BANGHAY ARALIN SA

FILIPINO V
I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay kaya ng:


1. Magbigay ng halimbawa ng antas ng pang-uri.
2. Magamit ang (3) tatlong antas ng pang-uri sa pangungusap.
3. Matukoy ang (3) tatlong antas ng pang-uri sa pangungusap.

Paksang aaralin

• Aralin: Antas ng Pang-uri

Sanggunian: Alab Filipino, pahina


109-111 Ona,
Luzviminda,et. al.,
Libro sa Filipino V: Hiyas sa Wika.
Lexicon Inc., Tandang Sora, Quezon City, Phil.2003, pp.1-8
• Kagamitan
Manila paper
Flash Card
Printed na Larawan

Gawaing Guro Gawaing Bata


II. Pamamaraan

Magandang Umaga mga Bata! Magandang umaga ma’am, Magandang umaga


sa inyong lahat!
Bago po tayo mag umpisa sa ating aralin
tumayo ang lahat at tayo ay manalangin.
(Sasabayan ng mga mag-aaral ang kanilang
guro)
Panalangin ng Isang Mag-aaral

Makapangyarihang Diyos,

Sa pamamagitan ng iyong Anak


na si Jesus,
Humihingi ako ng iyong tulong
upang maipagpatuloy ko ng
maayos ang aking pagaaral.
Upang makamit ko ang
karunungang aking minimithi, na
magkaroon ng katuparan ang
aking mga pangarap. Isinasama
ko ito sa ngalan ng aming ama
na si Jesus.
Amen. Amen!

Okay, maari na pong mag siupo ang bawat isa.


(Tahimik na uupo)
Tayo ay Mag tsek ng atendans.
Pag tinawag ko ang inyong pangalan, sabihin niyong
MABUHAY! (Isipin nalang na tapos na ang pag tse-tsek.)

A. Panimulang Gawain
i. Balik-aral

Para sa ating pagbabalik aral, may natandaan ba kayo


sa ating tinalakay noong nakaraan?
Opo, ma’am.
Ang mga salitang iyon ay napagaralan natin
nung nakaraan. Ano ang tawag sa mga salita na
yon? Pang uri po

Mahusay!

Mayroon akong inihandang chart, ngayon ay


basahin natin ng sabay sabay

1. Ang kape ay mainit Sabay sabay na babasa ang mag aaral


2. Ang tubig sa talon ay malinis
3.Ang puto ay matamis.
4. Si kuya Angelo ay masipag mag aral
5.Ang baboy ay mataba

Magaling.

Ano ano ang pang uri na ginamit sa mga


Nagtaas ng kamay*
pangungusap na inyong binasa?

Itaas ang kamay ng gustong sumagot

Okay jelcy?
mainit po
Okay magaling, ano pa ang mga ginamit?
malinis po ma'am!
Eph?
ma'am mataba po
Magaling!

ii. Pag ganyak

Meron ako ditong inihandang isang tula. Ang tula na


ito ay may pamagat na "Sa Bukid"

Sa Bukid

Ang hangin sa bukid ay sariwang tunay.


Lalo't kung umaga ay masarap mamasyal
Dito ay sagana sa lahat ng bagay. Matamis ang
prutas at berdeng gulay.

Ngayon ay babasahin nyo naman ito ng sabay sabay sabay sabay na babasa

Ang hangin sa bukid ay sariwang tunay.


Lalo't kung umaga ay masarap mamasyal
Dito ay sagana sa lahat ng bagay. Matamis ang
Mahusay! prutas at berdeng gulay.

Mga bata ano kaya ang mga pwede nating


maranasan sa bukid? Base sa ating binasang tula? Sariwang hangin po

Okay tama! Pwede nating maranasan ang sariwang


hangin. Ano pa? Masarap mamasyal

Tama, ano pa?

Sagana po sa lahat ng bagay

Tama sagana sa lahat ng bagay. Matamis na prutas ar berdeng gulay mam

Meron pa ba kayong ibang napansin sa tula?


May salungguhit po

Tama! may mga salungguhit. Ano ano ang mga


salitang iyon? Sariwa
Sagana
Masarap
Matamis
Berde
Tama! Ano kaya ang tawag sa mga ito?

Mamaya ay ating tatalakayin ang ating paksang


aralin
B. Panlinang na Gawain
Meron akong mga larawan na ipapakita sa inyo.

Okay, tignan ninyo ang bawat larawan at magbigay


ng pwedeng naglalarawan dito.

Ano kaya ang pwede nating ilarawan sa unang


larawan? Ito ay bata, ano kaya ang masasabi natin sa
batang ito? Tumatakbo
Tama tumatakbo1 Ano pa?
Mahusay! Mabilis po tumakbo

Sa mga kasunod namang larawan ay ano kaya?


Masayang nagsasayaw
Matamis
Umiiyak
Malinis
• Paglalahad ng Aralin
Ngayon, mas may ideya na ba kayo sa ating aralin
na tatalakayin ngayon? Opo!

Tama! Pang uri po

Ang ating tatalakayin ngayon ay ang Antas ng pang


uri. Ang inyong mga salitang ginamit at binasa
kanina ay isang pang uri at ito may uri ng antas ang
Lantay, Pahambing at Pasukdol

Narito ang inihanda kong tsart upang mas


maintindihan pa ninyo ang ating aralin.

Basahin nga ng sabay sabay

ANTAS NG PANG-URI
basahin nga natin ang kahulugan ng
lantay.
sabay sabay na babasa
Lantay o karaniwan-ito’y
naglalarawan ng isang katangian ng tao,
bagay, lugar o pangyayari. Lantay o karaniwan-ito’y
Ang halimbawa nito ay ang sinabi nyo na naglalarawan ng isang katangian ng
"Matangkad si Jhon Paul." tao, bagay, lugar o pangyayari.
Magbigay nga kayo ng pangungusap na
ginagamitan ng pang-uring lantay
Ang ganda pagmasdan ng karagatan
Magaling !

Ang (2) ikalawang antas naman ay ang


pahambing.

Basahin natin ang kahulugan ng


pahambing.
Pahambing- ito’y pagtutulad o
paghahambing sa dalawang tao,
bagay,lugar hayop, o pangyayari. Pahambing- ito’y pagtutulad o
Ang halimbawa nito ay ang sinabi paghahambing sa dalawang tao,
ninyo na "Mas matangkad si Jhon Dave bagay,lugar hayop, o pangyayari.
kay Jhon Paul."

May mga pananda tayong ginagamit sa


pang-uring pahambing gaya ng mas at
higit.

Sino naman ang makapagbibigay ng


halimbawa ng pangungusap na Ako po!
ginagamitan pang-uring pahambing?

Mas mainit ang apoy sa kape

Magaling

Ang ikatlong antas naman ay pasukdol. Basahin nga


natin ang kahulugan nito.

Pasukdol
ito ay ginagamit kunghigit sa dalawang tao,
bagay, hayop, lugar o pangyayari ang
pinaghahambing.

Ang halimbawa naman nito ay


ang sinabi nyo na “Pinakamatangkad si James sa
tatlo"

Magbigay ka nga ng halimbawa nito Angel?

• Paglalahat Ang Baguio ay ang may pinakamalamig na


Dahil nga po ang pang uri ay naglalarawan sa ngalan klima sa pilipinas
ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari. Magbigay
nga po tayo ng mga halimbawa ng pang uri?
Okay magaling, maliit! Ano pa?
Maliit po
Mataas
Mahusay! Lahat nyan ay tama dahil ito ay Maganda
naglalarawan ng tao,bagay, hayop, lugar o Maputi
pangyayari.

Ano nga po ang tawag na naglalarawan sa mga ito? Pang uri po

Mahusay! Ito ay pang uri!

• Paglalapat
Meron po akong inihandang larawan at inyong
ilarawan ito gamit ang mga pang uri na ating
tinalakay.
1. Alin kaya sa mga larawang ito ang mas mainit sa
kape?

Apoy po

Mahusay!

2. E sa pangalawang larawan naman ay alin kaya ang


pinaka matamis na pagkain?

Jelcy, alin sa larawan ang pinaka matamis? Cake po

3. At sa pangatlo ay ilarawan kung sino sa mga


hayop na ito ang pinaka malaki?
Sino ang gustong maglarawan sa pangatlo ?

Giraffe po

Ngayon naman ay magkakaroon tayo ng


pangkatang Gawain.

Hahatiin ko kayo sa dalawang grupo. Sa aking


kanan ay unang grupo at sa aking kaliwa ay ang
pangalawang grupo.

Mayroon akong inihandang flash card kung saan


ay may mga blanko ang mga pangungusap. Ang
bawat pangkat ay paunahan dapat makapagbigay
ng salita o pang uri na makakabuo at
makakapaglarawan sa pangungusap.

Maliwanag po ba? Ang lahat po ay pwedeng


sumagot at ang pangkat na mananalo ay
magkakaroon reward.

1. Ang aso ay _____ tumakbo 1. Mabilis


2. Ubod ng ______ ng bundok na aming inakyat 2. Taas
3. Mas______ ang calamansi sa mansanas 3. Maasim
4. Si Gina ay _____ magluto 4. Masarap
5. Mas _____ lumakad ang pagong sa pusa 5. Mabagal
6. Mas _____ ang sintron sa ruler 6. Mahaba
7. Higit na_____ sa bansang North Pole kaysa sa 7. Malamig
Pilipinas 8. Berde
8. Ang dahon ay kulay _____ 9.Makulay
9. Ang bahaghari ay ______ 10.Malakas
10. Ang aming lugar ay tinamaan ng _____ na
bagyo

Mahusay! Bigyan natin ng tatlong palakpak ang


pangkat na nanalo

IV. Pagtataya
Bumalik sa mga sariling upuan at tumahimik.
Kumuha ng isang pirasong papel at sagutin ang nasa
tsart na aking ipapakita.

PANUTO: Basahin ang bawat pangungusap isulat sa


patlang ang tamang sagot kung ito ay lantay,
pahambing o pasukdol

Halimbawa: Pasukdol. Si Ana ang pinaka mabait na


anak ni Aling Susan
_______1. Ang pangkat ni Ramon ay mabilis
tumakbo
1. Lantay
_______2. Si Ken ay mas magaling kumanta kay 2. Pahambing
Brent 3. Pasukdol
4. Lantay
_______3. Ubod ng linis ng bahay ni Lina. 5. Pahambing
6. Pahambing
_______4. Maganda ang mga tanawin sa Baguio 7. Pahambing
_______5. Si Yannah at Bea ay magkasing taas 8. Pasukdol
na. 9. Pahambing
_______6. Higit na masustansya ang gulay sa junk 10. Lantay
foods
_______7. Mas malayo ang bahay ni Pearl kaysa sa
bahay ni Gina
_______8. Pinaka maingay ang grupo nila Joshua

_______9. Mas ginalingan ni Angela ang pag aaral


kaysa kay Mila
_______10. Ang dagat ay kulay asul

V. TAKDANG ARALIN

Sumulat ng limang pangungusap gamit ang mga


antas ng pang uri.

Inihanda ni:
Ellaine Margarette G. Mallare

You might also like