You are on page 1of 4

DETAILED LESSON PLAN IN FILIPINO IV: PANG-ABAY

Banghay Aralin sa Filipino IV

I - Layunin
 Natutukoy ang pang-abay sa isang dayalogo.
 Nagagamit ang pang-abay upang mabuo ang pangungusap.
 Nauuri ang pang-abay.

II - Paksang Aralin
Paksa : Pang-abay
Sanggunian : Aklat sa Filipino 4
Kagamitan : Mga larawan
Pagpapahalaga : Pagmamalaki sa kulturang Pinoy ay pagiging Filipino

III – Pamamaraan

A. Pangunahing Gawain

Guro Mag-aaral
Lahat magsitayo at manalangin tayo.

Sa ngalan ng Ama, Anak at Esperitu Santo, Amen. Sa ngalan ng Ama, Anak at Esperitu Santo, Amen.
Salamat po panginoon sa lahat ng bagay na Salamat po panginoon sa lahat ng bagay na
binibigay niyo sa amin sa araw-araw. Nawa’y binibigay niyo sa amin sa araw-araw. Nawa’y
bigyan niyo po kami ng lakas upang magawa po bigyan niyo po kami ng lakas upang magawa po
namin ang aming mga adhikain. Minamahal po namin ang aming mga adhikain. Minamahal po
naming kayo. Hinihiling po naming ito sa ngalan naming kayo. Hinihiling po naming ito sa ngalan
ni Kristo, Amen. ni Kristo, Amen.

Magandang umaga sa lahat! Magandang umaga po, Binibining Miralyn,


magandang umaga rin mga kaklase, ikinagagalak
naming Makita kayo. Mabuhay!

Kamusta kayo? Mabuti po.


(Pamantasan sa silid-aralan)
(PROPEL)
Pagbabalik Aral.
Opo.
Magaling kung ganon. Ngunit bago ang lahat,
maglaro muna tayo. Ang gagawin ninyo ay
ipapasa ang bagay na ito kasabay ang saliw ng (Isinasagawa ang laro)
musika, at kapag ito’y huminto, ang estudyanteng
may hawak ng bagay na ito ay tatanungin
patungkol sa nakaraang leksyon. Handa na ba
kayo?
( MAPEH)
Tungkol po sa pang-ugnay.
Ano ang huling tinalakay kahapon?
Ito po ay nag-uugnay sa dalaw o higit pang
Magaling. Ano ang gamit ng pang-ugnay? pangungusap.

Pagganyak.
Meron po.
May nalalaman ba kayong mga bugtong?
Kami po.
Sinu-sino sa inyo ang mahilig sa bugtong?
Opo, dahil napapalaganap nito ang diwa ng
Mahalaga ba ang bugtong sa kulturang Pilipino? pagka-Pilipino at matalas na kaisipan.
Bakit? (ARAL PAN)
Opo.
Ngayon, may ibibigay akong bugtong sa inyo,
sagutin ninyo ito ng mabilisan. Handan na ba
kayo?
Ito po ay bibingka.
1. Nagising si Insyong, sa ilalim ng gatong. Ano
ang sagot? Bangka po ang sagot.
2. Wala sa langit, wala sa lupa, kung maglakad
patihaya. Parol naman po ang sagot sa bugtong na ito.
3. Bituing buto’t balat, kung pasko lamang
kumikislap. (PROPEL)
(Babasahin ng walang ingay, Umupo nang
Bago ang pagbasa: matuwid at unawain ang binabasa.)

Mayroon akong dayalogo na ipapaskil sa pisara.


Ngunit bago yan, anu-ano ba ang mga
pamantayan sa pagbasa nang tahimik?

Pababasa:
(binabasa ang dayalogo)
Ngayon, basahin na natin nang tahimik ang
dayalogo sa pisara sa loob ng limang minuto.

Pagkatapos ng pagbabasa:

Ano sa tingin ninyo ang paksa ng kanilang


dayalogo? Tungkol sa modules ni Jose at Justine.

Sinu-sino ang mga nag-uusap sa dayalogo? Si Jose at Justine.

Saan papunta sina Jones at Noel? Bakit? (Pa iba-iba ang sagot)

Paglalahad:

Muli ninyong titigan at punahin ang mga nasa


dayalogo. Ano ang napapansin niyo dito?
Ano ang tawag sa kanila? Ang mga salita na tumutukoy sa mga lugar at
pagkilos.
Tama. Ito ay mga pang-abay.

Ano ang ibig sabihin ng pang-abay? Mga pang-abay po.


Magaling. Ito ay tumutukoy sa pandiwa, pang-uri
at kapwa pang-abay. Ito po ay tumutukoy sa pandiwa, pang-uri at
kapwa pang-abay.
Ilang uri mayroon ang pang-abay?
Anu-ano kaya ang mga ito?
Ipaliwanag ang mga ito. May tatlong uri po.
Pamaraan, panlunan at pamanahon.
Aplikasyon

Ngayon ay may mga halimbawa din ako ditto.


1. Sa ilalim ng punong manga kami Sa ilalim po.
nagkukwentuhan. Panlunan po.
Nasaan dito ang pang abay? Anong uri?

2. Malinaw siyang magkwento. Magkwento po.


Nasaan ditto ang pang-abay? uri? Pamaraan po.

3. Tinanghali na nang gumising si Lola Tinay. Tanghali po.


Nasaan ditto ang pang-abay? Anong uri? Pamanahon po.

Paglalagom/paglalahat
1. Ano ang pang-abay? Ito po ay tumutukoy sa pandiwa, pang-uri at
kapwa pang-abay.

2. Anu-ano ang mga uri ng pang-abay? Pamaraan, pamanahon at panlunan po.

Pagtataya

Kumuha ng kalahating bahagi ng papel.


Magkakaroon tayo ng maikling pagsusulit. Opo.
Sagutin ang mga sumusunod: handa na ba kayo?

Isulat sa patlang ang titik PR kung ang pang-abay


na may salungguhit ay pang-abay na pamaraan, (Isinasagawa ang pasulit)
PN kung ito’y pang-abay na pamanahon at PL
kung ito ay pang-abay na panlunan.

1. Nagbakasyon kami sa Tagaytay.


2. Babalik sila sa isang lingo.
3. Masayang naglalaro ang mga bata.
4. Dadalaw kami sa bahay ni Ana.
5. Maagang pumasok ni Noel.
6. Ipagdiriwang ang kaarawan ni Jones sa Sabado.
7. Gaganapin ang pagdiriwang sa Jollibee.

Ipasa ang papel sa harap kapag tapos na.

Takdang Aralin

(Sinusulat ang takdang aralin)


Magsalaysay ng isang karanasan na hindi mo
malilimutan. Gumamit ng mga pang-abay sa
pagsalaysay.

You might also like