You are on page 1of 18

Magandang Umaga

Magandang Hapon
Ano ang pang-uri?
Ang pang-uri (adjective) ay salita na
naglalarawan o nagbibigay-turing sa
pangngalan (noun) o panghalip (pronoun).
Ang pang-uri ay nagbibigay ng karagdagang
impormasyon tungkol sa isang pangngalan
(tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari) o
panghalip sa pangungusap.
May tatlong uri ng pang-uri:
1) pang-uring panlarawan
(descriptive adjective)
2) pang-uring pantangi
(proper adjective)
3) pang-uring pamilang
(numeral adjective or number
adjective).
1. Pang-uring Panlarawan
Ang pang-uring panlarawan ay nagsasaad ng laki,
kulay, at hugis ng tao, bagay, hayop,lugar at
pangyayari. Maaaring ilarawan din ang anyo, amoy,
tunog, yari, at lasa ng bagay. Ang mga pang-uring
panlarawan ay karaniwang nagsasaad ng mga
katangian na napupuna gamit ang limang pandama
(five senses). Nailalarawan din ng mga panguring
panlarawan ang mga katangian ng ugali, asal, o
pakiramdam ng tao, hayop o bagay.
MGA PANG-URING PANLARAWAN KAUGNAY NG
PANDAMA
1.Paningin- kaugnay ay nakikita
2.Panlasa- kaugnay ay nalalasahan
3.Pandinig- kaugnay ay naririnig
4.Pang-amoy- Kaugnay ng naaamoy
5.Panghipo- Kaugnay ng nararamdaman o
nahahawakan
panghipo

pandinig panlasa

paningin pang-amoy
PANDAMA
Si Ana ay maganda.
Mabango ang bulaklak na
pinitas ni Lira mula sa hardin.
Iwasan mong kumain ng mga
pagkain na masyadong matamis.
Nagising ako sa kanyang sigaw na
napakalakas.
Ang sarap matulog sa malambot
na kama.
Humanap ng kapareha. Bawat isa sa
inyo ay magsusulat ng mailalarawan
ninyo sa inyong kapareha sa isang
kalahating papel.Ilarawan ang inyong
kapareha sa lima hanggang sampung
pangungusap.
6. Takdang Aralin

Isaliksik ang mga sumusunod:


1.Pang-uring Pamilang
2.Pang-uring Pantangi

(Isulat ito sa inyong assignment


notebook)
Kung ano ang tulak ng bibig
sya ring kabig ng dibdib.
od bless class
kitakits bukas :-)

You might also like