You are on page 1of 7

Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino

Inihanda ni Afia Apple D. Corpuz

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahan nang;

a. Natutukoy ang kahulugan at ibat-ibang uri ng pangngalan.


b. Nailalarawan ang ibat-ibang uri ng pangngalan.
c. Nakapagbibigay ng mga halimbawa at pangungusap gamit ang ibat-ibang uri ng
pangngalan.

II. Paksang-Aralin

a. Paksa: Uri ng Pangalan


b. Sangunian: Internet, Pinterest: The Learning Center
c. Kagamitan: Loptop, Powerpoint Presentation, Projector, Larawan

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
Bago tayo magsimula sa ating aralin, magbigay Makikinig ang mag-aaral para sa isang
pasasalamat at alay tayo ng isang maikling maikling panalangin.
panalangin.
(Magtatawag ng isang mag-aaral para sa
pangunguna sa panalangin)

2. Pagbati
Magandang araw rin po sa inyo Ma’am Apple.
Magandang araw sa inyo mga mag-aaral.

3. Pagtsetsek ng Attendance Wala po. Lahat po ay narito, Ma’am.


Sa araw na ito wala bang lumiban sa klase?

4. Pagbabalik-Aral
Nakaraan ay tinalakay natin ang kahulugan ng
Pangngalan.

Sino ang pwedeng makapagbigay ng kahulugan


ng pangngalan?

G/Bb. ________, maaari bang ibigay mo ang Ma’am, ang kahulugan ng pangngaalan ay mga
kahulugan nito? salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop,
bagay,lugar, pook at pangyayari.

Mahusay!
Jose, Aso, Lapis, Maynila
Magbigay ng halimbawa ng Pangngalan G/Bb.

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak
(Pagmasdan ang mga larawan)

Ang nasa larawan po ay mga ibat-ibang uri ng


Gulay at Prutas.
Sino ang makapagsasabi sa akin kung ano ang
nasa larawan? G/Bb__________. Ang pagkain ng gulay at prutas ay
nakapagbibigay sustansya sa ating katawan.
Magaling, Bakit kailangan natin kumain ng
prutas at gulay? G/Bb_________.
Ang isang halimbawa ng gulay ay kalabasa.
Mahusay!
Ang isang halimbawa ng prutas ay mansanas.
Magbigay ng isang halimbawa ng Gulay at
Prutas? G/Bb_________
Ang mga mag-aaral ay makikinig ng mabuti sa
babasahin na maikling kwento.
Magaling!

Ang guro ay magbibigay ng isang maikling


kwento ukol sa Masustansyang Prutas at Gulay.)

Maglabas ng Kwaderno para isulat ang


mahahalagang detalye na may kaugnayan sa
pangngalan.

(Magtatawag ng tatlong mag—aaral para sa


pagbasa ng maikling kwento)
Simula

Si Shunshine ay isang walong taong gulang na


bata. Sya ay isang mag-aaral sa Subic Central
School. Naging ugali ni Sunshine ang
magkwento sa kanyang mommy ng mga bagay
na natutuan niya sa paaralan pag-uwi niya ng
bahay.

mommy: Maligayang pagdating anak.

Shunshine: Salamat po mommy! Alam niyo po


may natutunan na nanaman ako ngayong araw.

mommy: Talaga Shunshine? At ano naman


iyon?

Shunshine: Tinuro po kasi ngayong araw ni Bb.


Jackie ang kahalagahan ng prutas at gulay sa
katawan. Sabi nya po kappa kumakain nito ay
hindi kami magkakasakit agad-agad dahil ito
daw an gaming proteksyon. Totoo po ba iyon?

mommy: Tama ang guro mo, Shunshine. Ang


gulay at prutas kasi ang nagtataglay ng mga
bitamina na kailangan sa ating katawan para
labanan ang mga sakit.

Shunshine: Ah!!! Kaya po pala mahalaga talaga


ito.

mommy: Tama, naalala mob a ong sinabi ng


doctor m tungkol sa tamang pagkain?

Shunshne: Opo! Sabi ni Dr. Cruz na dapat daw


kasabay ng prutas at gulay ay umiinom din ako
ng gatas para lalo po akong lumakas.

mommy: Tama! Mabuti at naalala mo pa. Oh


maghis ka na at kumain. pagkatapos mo ay aalis
tayo

Shunshine: Saan po tayo pupunta?

mommy: Sa Farmer’s Market at dadaan na rin


tayo sa grocery para makabili ng paborto mng
Nestle Fresh Milk.

Shunshine: Mamimili po tayo? Yehey! sa wakas


makakasama na rin po ako sa inyo sa palengke! Shunshine at ang kanyang mommy po.

mommy: Oo, iisasama kita nang mapili mo ang


mga prutas at gulay na gusto mo.

Wakas Shunshine, Subic Central School, Nestle Fresh


Milk, Bb. Jackie, Dc. Cruz, St Farmers Market
Sino ang pangunahing tauhan sa maikling
kwento?

Tama!

Sa tinalakay na maikling kwento tukuyin kung


ano ang mga pangngalan nabanggit?

Tama, ang mga nabangit ay tumutukoy sa Sa Hanay A po ang mga pangngaalan ay


ngalan ng tao, bagay hayop, lugar o pangyayari. nagsisimula sa malaking titik.
C. Paglalahad Samantala sa Hanay B ay nagsisimula po ang
mga pangngalan sa maliliit na titik.
Ano ang inyong napansin sa dalawang hanay
ng pangngalan ?

Hanay A Hanay B
Shunsine mag-aaral
Dr. Cruz gatas
Nestle Fresh Milk palengke
Subiic Central guro
School doktor
St. Farmers Market
Bb. Jackie

Mahusay! Tama ang inyong sagot. Ang nakita


nyong mga pangngalan ay may malaking titik at
may maliit na titik.

Ang pangngalan ay may dalawang- uri,at ito ay


ang Pangngalang Tiyak o Pantangi at
Pangngalang Di-tiyak o Pambalana.

Pangngalang Tiyak o Pantangi – ito ay Samsung, Bb. Apple, Pepe, Adamson


tumutukoy sa Tiyak (specific) na ngalan ng tao, University
hayop, bagay lugar o pangyayari. Nagsisismula
ito sa malaking titik.
Halimbawa: Tanging ngalan ng tao - Juan,
Tanging ngalan ng hayop – Blackie, Tanging ngalan
ng lugar- Luneta Park, Tanging ngalan ng bagay-
Huawei

Magbigay tayo ng halimbawa ng Pangngalang


Pantangi.
G/Bb. ___________.

Ang Pangalang Pambalana – ito ay tumutukoy lalaki, bata, doctor, gatas


sa pangkahalatang (general) ngalan ng tao,
hayop, bagay, lugar at pangyayari. At
nagsisismula ito sa maliit na titik
Halimbawa: Pambalanang Ngalan ng hayop-
aso, Pambalanang ngalan ng lugar- parke, Si Dr. Jose Rizal ang pambansang bayani ng
Pambalanang ngalan ng pangyayari- kaarawan, ating bansa.
Pambalanang ngalan ng tao- nars, Pambalanang
ngalan ng bagay- pisara Ang aso ay tumatahol tuwing gabi.

Magbigay naman tayo ng halimbawa ng


Pangalang Pambalana.
G/Bb._________.

Mahusay! Tama ang lahat ng inyong sagot.

Magbigay naman tayo ng isang halimbawa ng


pangungusap na tumutukoy sa Pangalang Tiyak. 1. Pambalana
2. Pantangi
Tama, Magbigay naman tayo ng halaimbawa 3. Pambalana
para sa Pangalang Pambalana. 4. Pantangi
5. Pantangi
Magaling, tama lahat ng binigay nyong
6.Pantangi
halimbawa. Bigyang palapak ang inyong sarili.
7. Pambalana
D. Paglalapat
8. Pambalana
9.Pantangi
A. Tukuyin ang mga pangngalan kung ito
10.Pambalana
ba ay Pangngalang pantangi o
Pangngalang pambalana.

1. guro
2. Png. Rodrigo Duterte
3. doctor
4. Dr. Jose Rizal
5. MONGOL
6. DOH
7. lapis
8. sasakyan
9. Manila Cathedral
10. senador

B. Tukuyin ang mga pangngalan sa


pangungusap kung ito ba ay Pantangi o
Pambalana
Ang pangalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao,
1. Si Architect Park ay mayaman sa
bagay, hayop, lugar at pangyayari.
kanyang lugar.
2. Ang nars ay hindi marunong gumamot Ang dalawang uri ng pangngalan ay
ng sugat. Pangngalang Pantangi- tumutukoy tiyak
3. Nag-aaral ang aking kaibigan sa (specific) na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar
Kolehiyo Ng Subic o pangyayari. At ito ay nagsisimula sa
4. Samsung ang gamit kong cellphone. malaking titik.
5. Sa jeep sumakay ang mga bata.

Tama ang lahat ng inyong sagot! Mahusay! At Pangngalang pambalana- tumutukoy sa


pangkahalatang(general) ngalan ng tao, bagay,
E. Paglalahat hayop, lugar o pangyayari. At ito ay
nagsisimula sa maliit na titik.
Ibigay muli ang kahulugan ng Pangngalan?

Ano ang dalawang uri ng pangngalan?

1. jeep- Pambalana
2. aso, pusa- Pambalana
3. Aling Thesa- Pantangi
4. barangay-Pambalana
Tama ang lahat ng inyong sagot! Mahusay! 5. Dr. Jose Rizal-Pantangi
6. Rizal Park- Pantangi
IV. Ebalwasyon

Basahin at salungguhitan kung ang


pangungusap ay Pangngalang
pambalana o Pangngalang Pantangi.

1. Sumakay kami sa jeep pauwi.


2. Hinabol ng aso ang pusa.
3. Masarap ang suman na ginawa ni
Aling Thesa.
4. Hindi kami pumunta sa palaro sa
barangay namin.
5. Si Dr. Jose Rizal ang
pambansang bayani ng Pilipinas.

6. Namasyal ang mag-anak sa Rizal


Park kahapon.

V. Takdang Aralin

Sumulat ng limang pangugusap


gamit ang Pangalang Pantangi at
limang pangungusap gamit ang
Pangalang Pambalana. Ilagay ito sa
isang buong papel.

You might also like