You are on page 1of 20

3

Araling Panlipunan
Kwarter 2 - Modyul 4:
Ilang Sagisag na Nagpapakilala sa
Iba’t Ibang Lalawigan sa Rehiyon

1
Ikalawang Markahan – Modyul 4: Ilang Sagisag na Nagpapakilala sa Iba’t ibang
Lalawigan sa Rehiyon

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: HAZEL M. OÑATE

Editor: MARIBEN D. BERJA

Tagasuri: ANA N. CALISURA

Tagaguhit: IVAN LEE LEONEM

Tagalapat: MARIBEN D. BERJA

2
ILANG SAGISAG NA NAGPAPAKILALA SA IBA’T IBANG
LALAWIGAN SA REHIYON

Magaling ang ipinakita mong kahusayan sa nakaraang aralin.


Sa ngayon, matututunan mo na ang bawat larawan sa sagisag ay
nagtataglay ng kahulugan na itinuturing na napakahalagang
bagay para sa mamamayan ng isang lalawigan. Tara na! Simulan
mo na!

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang:


1. natatalakay ang kahulugan ang ilang simbolo at sagisag
ng sariling lalawigan at rehiyon. (AP3KLR-IIe-4)

Sa araling ito, basahin at tandaan mo ang kahulugan ng mga


sumusunod na salita upang mas madali mong maunawaan ang
buong konsepto.

• Karatig - lugar o bagay ay katabi lamang at


hindi matatagpuan sa malayong pook o lugar.

• Kultura - kabuuang
1 pamumuhay at
tradisyon ng isang lugar.

1
• Sagisag - simbolo o pananda ng bagay na
ginamit upang magpahayag o magpakilala ng isang
natatanging pagkakakilanlan.

• Selyo - isang bagay na ginagamit


ang iba’t ibang simbolo na pinagsama-sama upang ilarawan
at mabuo ang isang ideya o konsepto.

Bago tayo magsimula, halika at sagutin natin ang sumusunod.


Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Anong simbolo ang makikita sa selyo ng Camarines Norte na


kumakatawan sa paniniwalang pangrelihiyon ng lalawigan?
a. bato c. bantayog ni Rizal
b. simbahan d. krus

2. Ang tatsulok at parisukat na hugis sa selyo ng Albay ay


kumakatawan sa ______________.
a. Mapa c. Anyong lupa
b. Watawat d. karagatan

3. Ano ang kahulugan ng larawan ng isang pulo na makikita sa


opisyal na sagisag ng Masbate?
a. Ito ay kumakatawan sa pangunahing isla ng lalawigan
nahitsurang isang ulo ng pana na nakaturo sa hilaga.
b. Ito ay nagpapakilala na pangingisda ang pangunahing
hanapbuhay sa lalawigan.
2
c. Ito ay nangangahulugan na ang Masbate ay nagsilbing
daungan ng mga barko patungong Visayas at Mindanao.
d. Ito ay nagpapakita sa masaganang yamang dagat ng
lalawigan.

4. Ilan ang simbolong ginamit sa selyo ng lalawigan ng Sorsogon


na nagpapakilala sa kanilang simple subalit mayaman na
kultura?
a. Tatlo c. Lima
b. Apat d. Dalawa

5. Ito ang pinakasikat na talon sa Catanduanes na kilala sa


malamig na tubig, preskong hangin at magandang tanawin
nito na makikita sa kanilang selyo?
a. Maribina Falls c. Paloway Falls
b. Bato Falls d. Amenia Falls

Ang mga lalawigan sa ating rehiyon ay nagtataglay ng


ilang simbolo at sagisag na nagpapakilala nito. Ang bawat
larawan sa sagisag ay may kaniya-kaniyang kahulugan na
itinuturing na mahalaga sa pamumuhay, tradisyon, paniniwala
at kasaysayan ng mga tao sa isang lalawigan.

3
Mahalagang malaman mo ang ilan sa mga sagisag na
ito sa iyong rehiyon upang makikilala mo rin ang mga
pinahahalahagan at itinuturing na yaman ng mga karatig-
lalawigan,. Tuklasin natin ang kuwento sa likod ng selyo ng
ibang lalawigan sa Rehiyon ng Bicol.

Ang Selyo ng Camarines Norte


Makikita sa selyo ng
lalawigan ang simbolong krus
na kumakatawan sa
paniniwalang pangrelihiyon ng
lalawigan. Ang Camarines
Norte ay pinahahalagahan
ang usaping ispiritwal sapagkat
noong panahon ng dayuhan,
ang probinsiyang ito ay
ginawang puwesto ng
pagpapalaganap ng usaping
Pinagkunan:http://www.camari
nesnorte.gov.ph/ panrelihiyon.

Sa gitna naman ng krus ay


makikita ang isang monumento. Ito
ang kauna-unahang bantayog ni
Jose Rizal. Gawa ito sa mga bato
na galing sa isang lumang
kulungan. Obelisk ang desinyo at
may simbolong araw at mga bituin
gaya ng nasa watawat ng Pilipinas. Pinagkunan:http://www.camarinesnorte.gov.ph/

4
Ang mga bilog at piko naman
ang sumisimbolo sa ibat-ibang
bato na simbolo ng yamang
mineral ng lalawigan Maraming
deposito rito ng ginto, iron, copper,
uranium, lead, at zinc. Nakilala ang
probinsiya na mayaman sa
deposito ng ginto lalo na ang
bayan ng Paracale.
Pinagkunan:http://www.camari
nesnorte.gov.ph/

Ang Selyo ng Albay

Sa opisyal na sagisag ng
lalawigan ng Albay ay makikita
ang ibon sa loob ng tatsulok at
ang bulkan na may kidlat sa gilid
nito ay nasa loob ng parisukat na
pinahaba ang hugis sa ibaba.
Ang hugis na ito ay katulad ng
hugis tatsulok ng watawat ng
Pinagkunan:http://www.ipophil.gov.ph/
Pilipinas.
Ang ibon ay ang tinatawag na
Rufous Hornbill o Philippine Hornbill
(mas kilala bilang kalaw sa Pilipinas)
na makikita sa lalawigan at
inaalagaan sa Albay Park and Wildlife
dahil nanganganib itong mamawala.
Pinagkunan:http://www.pna.gov.ph
/
5
Ang bulkan naman ay
ang aktibong Bulkang
Mayon na tanyag sa lugar
na ito dahil sa perpekto
Pinagkunan: rsso05.psa.gov.ph

nitong hugis-apa.
Ang kidlat ay
sumisimbolo sa mga
bagyong naranasan ng
lugar dahil sa lokasyon
nito. Pinagkunan:http://www.pna.gov.ph
/

Ang Selyo ng Masbate

Makikita sa mataas na bahagi


ng opisyal na sagisag ng Masbate
ang larawan ng isang pulo. Ito ay
sumisimbolo ng pangunahing isla sa
lalawigan na hitsurang isang ulo ng
pana na nakaturo sa hilaga. Pinagkunan:http://www.rsso05.psa.gov.ph/

Makikita sa gilid na bahagi


ang larawan ng mga barko. Ito ay
sumisimbolo sa kasaysayan ng
lalawigan na kung saan noong
panahon ng Espanyol ay
nagkaroon ng pagawaan ng
mga barko na ginamit sa
pagpalitan ng produkto sa
Pinagkunan:http://www.marina.gov.ph/
pagitan ng Maynila at Acapulco,
Mexico.

6
Makikita rin dito ang
larawan ng mga yamang
tubig tulad ng isda. Ito ay
sumisimbolo sa saganang

Pinagkunan:http://www.fishcoral.bfar.da.gov.ph
lamang dagat.
/

Isa pang simbolo na makikita


sa selyo ay ang baka. Ito ay isang
industriya na sinimulan bago pa
dumating ang mga Amerikano sa
lalawigan at ang “Rodeo Festival”
ay isang paraan nila upang
bigyan-halaga ang kanilang
pinakasikat na produkto.
Pinagkunan:http://www.asingan.gov.ph
/

Ang Selyo ng Sorsogon

Makikita sa simpleng
selyo ng lalawigan ang
mapa nito. Ito ay
napapaligiran ng lalawigan
ng Albay sa hilaga. Nasa
dulo ang Sorsogon ng
tangway ng Bicol at
nakaharap sa pulo ng
Samar sa timog-silangan sa
ibayo ng kipot ng San
Bernardino.
Pinagkunan:http://www.rsso05.psa.gov.ph/

7
Makikita rin sa kanilang
opisyal na selyo ang larawan
ng tao na nakasakay sa isang
bangka. Tinatawag itong
“Gateway to Southern
Philippines” dahil ang
lalawigan ay nagsisilbing
daanan ng mga barko
papuntang Visayas at
Pinagkunan:http://www.pia.gov.ph/

Mindanao.

Ang Selyo ng Catanduanes

Makikita sa selyo ng
lalawigan ang isang puno na
nasa isang isla. Ito ay kilala na
puno ng samdong, isang
matigas na uri ng kahoy na
matatagpuan sa isla ng
Kasamdongan. Nahirapan
ang mga Espanyol sa
pagbigkas ng pangalan ng
isla kaya mula sa
Kasamdongan o
katandungan tinawag nila
itong Catanduanes.
Pinagkunan:http://www.catanduanes.gov.ph/

8
Makikita rin sa selyo
ang larawan ng talon. Ito
ay ang pinakasikat na
Marubina Falls na
matatagpuan sa Bato,
Catanduanes. Ito ay kilala
sa pagkakaroon ng
malamig na tubig,
preskong hangin at

Pinagkunan:http://www.catanduanes.gov.ph/
magandang tanawin.

Makikita sa ibabang
bahagi ng selyo ang
kagamitan sa paghukay na
tinatawag na piko. Ito ay
sumisimbolo sa pagkakaroon
ng maraming nahuhukay na
“mollusk fossil” na tinatayang
pangalawa sa
pinakamatandang uri ng
“ammonites” na hindi
matatagpuan sa ibang panig
ng Silangang Asya. Pinagkunan:http://www.natinalmuseum.gov.ph
/

9
A. Paghambingin mo ang selyo ng Masbate at Catanduanes.
Ano ang masasabi mo sa selyo ng mga ito.

Masbate Catanduanes

TALI MAZE
B. Hanapin ang tunay na tali upang matukoy ang lalawigan
na gumamit ng simbolo sa bawat bilang.

Sorsogon
Masbate Albay Catanduanes Camarines
Norte

Ang tao na
Ang isda ay Ang talon ay nakasakay sa
Ang bilog at Ang kidlat ay
nagpapakilal isang bangka
nagpapakita piko ay sumisimbolo
a sa ay
na sagana sa sumisimbolo sa bagyong
pinakasikat na sumasagisag
sa ibat-ibang naranasan ng
lamang dagat Maribina Falls na daanan ito
yamang lugar.
na ng mga barko
dito. mineral ng
matatagpuan papuntang
lalawigan.
sa lugar na ito. Visayas at
Mindanao.
10
Basahing mabuti ang Hanapin ang letra ng tamang sagot
sa Hanay B ayon sa hinihinging impormasyon sa Hanay A.
Hanay A Hanay B
____1. Ang simbolong ito ay nagpapahiwatig

sa pagpapahalaga ng mga taga- a. kidlat


Camarines Norte sa usaping ispiritwal.
____2. Ito ang simbolong ginamit para sa

pinakasikat na tanawin na b. krus


matatagpuan sa Bato, Catanduanes.
____ 3. Ito ay isa sa mga bato na simbolo ng

yamang mineral ng lalawigan ng c. pulo


Camarines Norte.
____ 4. Ito ang sumisimbolo sa mga bagyong

naranasan ng Albay dahil sa lokasyon d. ginto


nito.
____5. Ito ang nagpakilala sa pangunahing
isla ng Masbate na hitsurang isang ulo ng e. talon
pana na nakaturo sa hilaga.

11
Fill Me Out: Buuin ang mga salita ayon sa paglalarawan ng
pangungusap.

1. O E I A

Siya ang bayaning binigyan pugay sa lalawigan ng


Camarines Norte sa pamamagitan ng pagtatayo ng
kaniyang monumento.

2. B R O
Ito ay sumisimbolo sa kasaysayan ng lalawigan na kung saan
noong panahon ng Espanyol ay nagkaroon ng pagawaan ng
mga barko na ginamit sa pagpapalitam sa pagitan ng
Maynila at Acapulco.

3. A A
Ito ang kilalang produkto sa lalawigan ng Masbate at
makikita sa larong “Rodeo”.

4. K L

Ito ang uri ng ibon na nasa selyo ng Albay at inaalagaan sa


Albay Park and Wildlife.

5. A D N
Ito naman ang matigas na uri ng puno na inilalarawan sa
selyo ng Catanduanes na matatagpuan sa isang isla.

12
Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tanong. Piliin
at isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang kahulugan ng monumento sa gitna ng selyo ng


lalawigan ng Camarines Norte?
a. Yamang Mineral c.Paniniwalang Pangrelihiyon
b. Pagpupugay kay Jose Rizal d.Pagtatanim ng Pinya

2. Isang simbolo sa selyo ng Camarines Norte ay ginto. Saan


bayan sa lalawigan matatagpuan ang maraming deposito
ng ginto?

a. Mercedes b.San Vicente


c. Vinzons d. Paracale

3. Ayon sa selyo ng Masbate, ito ang pangunahing industriya


ng lalawigan at binibigyang pugay sa pamamagitan ng
isang laro.

a. Pag-aalaga ng baka b.Pgtatanim ng alay


c. Pag-aalaga ng Kalabaw d. pagbebenta ng abaka

4. Kung iyong pagmamasdan ang selyo ng Sorsogon, bakit ito ay


tinaguriang ““Gateway to Southern Philippines”?

a. Dahil ito ay napapaligiran ng lalawigan ng Albay sa hilaga.

b. Dahil ito ay nasa dulo ng tangway ng Bicol.

13
c. Dahil ito ay nakaharap sa pulo ng Samar sa timog-silangan.

d. Dahil ito ay daanan ng mga barko papuntang Visayas at


Mindanao.

5. Ano ang tawag sa ibon na makikita sa selyo ng Albay at nasa


pangangalaga ngayon ng Albay Park and Wildlife?

a. Rufous Hornbill c. Kalaw

b. Philippine Hornbill d. Lahat ng nabanggit

6. Kung pagmamasdan mo ang selyo ng Albay ay nakapaloob


ito sa hugis tatsulok at parisukat na hugis. Anong pambansang
simbolo ang kinakatawan nito?

a. Agila c. Kalabaw

b. Watawat d. Bantayog ni Jose Rizal

7. Kung titingnan mo ang selyo ng Catanduanes ay may makikita


kang kagamitan sa paghukay na tinatawag na piko, ano ang
kinalaman nito sa yaman na taglay ng lalawigan?

a. Ang lalawigan ay kilala sa pagkakaroon ng deposito ng


ginto, iron, copper, uranium, lead, at zinc.

b. Dahil ang pangunahing hanapbuhay dito ay pagtatanim


at pagmimina.

c.Natuklasan na mayaman sa “mollusk fossil” ang lalawigan


na hindi matatagpuan sa ibang panig ng Silangang Asya.

d. Dahil kilala ang lalawigan sa pagkakaroon ng matabang


lupain.

14
8. Kung pag-aaralan mo ang selyo ng Masbate, may makikita
kang larawan ng mga barko. Ano ang kinalaman nito sa
kasaysayan ng lalawigan?

a. Ito ay sumisimbolo sa kasaysayan ng lalawigan na kung saan


noong panahon ng Espanyol ay nagkaroon ng pagawaan ng
mga barko na ginamit sa pagpapalitan sa pagitan ng Maynila
at Acapulco.

b. Ito ay nangangahulugan na maraming gustong bumisista na


turista sa lalawigan. 14

c. Nagpapakita ito na magandang mamasyal sa katubigan ng


lalawigan.

d. Ibig sabihun nito ay maraming magagandang barko sa


lalawigan na galling sa ibang bansa.

9. Anong makasaysayang puno ang makikita sa selyo ng


Catanduanes?

a. Narra c. Samdong

b. Niyog d. Acacia

10. Sinama mo ang iyong kaibigan sa inyong bakasyon ng


pamilya mo sa Bato, Catanduanes, tinanong ka niya kong anong
makasaysayang lugar ang maaari ninyong puntahan. Ano ang
iyong sasabihin?

a. Sasabihan ko siya na walang makasaysayang lugar sa


lalawigan upang hindi na siya magkulit.

15
b. Kukumbinsihin ko siya na huwag ng pumunta sa gusto niyang
lugar dahil walang internet o wifi doon.

c. Sasabihan ko siya na pupunta sa isang resort dahil malayo ang


gusto niyang puntahan.

d. Yayayain ko siya sa pinakasikat na Maribina Falls dahil ito ang


pinakatanyag sa talon ng lalawigan.

Maliwanag na ba ang ang kahulugan sa iyo ng mga


sagisag sa selyo ng iyong lalawigan? Sa loob ng kahon sa
ibaba ay iguhit mo ang sagisag ng iyong sariling lalawigan.
Kulayan at isulat ang kahulugan ng bawat simbolo.

Gamitin ang rubrik sa ibaba upang bigyan ng puntos


ang ginawang sining.

16
Rubrik sa Pagwawasto
BATAYAN Mahusay na Mahusay Mahusay (4-3) Hindi Mahusay (2-1)
(5)
Kaalaman sa Paksa Nakapagbibigay ng Nakapagbibigay ng di-gaanong sapat ang
pinakatama at sapat at maayos na pagpapaliwanag na
pinakamaayos na pagsulat upang isinulat.
pagsulat upang ipaliwanag ang aralin
ipaliwanag ang aralin
Organisasyon Maayos na nakasunod Nakasunod sa mga Hindi gaanong
sa mga panutong panutong ibinigay nakasunod sa mga
ibinigay upang mabuo upang mabuo ang panutong ibinigay
ang isinagawang isinagawang gawain. upang mabuo ang
gawain. isinagawang gawain.
Kalinisan ng Maayos ang Medyo maayos ang Hindi maayos ang
Pagkakaguhit at pagkakaguhit at pagkakaguhut at pagkakaguhut at
Pagkakakulay malinis ang pagkakakulay. pagkakakulay.
pagkakakulay

Panimuang Pagsubok Pangwakas na Pagsubok

1. D 1. B
2. B 2. D
3. A 3. A
4. D 4. D
5. A 5. D
6. B
Pagsasanay 1 7. C
8. A
Masbate Catanduanes
A 9. C
. 10. A
• Nagpapakita ito ng • Malinaw na ipinapakita dito
heograpiya ng kung saan bahagi ng rehiyon
lalawigan at
nagpapahayag ng
ng Bicol matatagpuan ang
lalawigan at ang mga karatig
Karagdagang Gawain
mayamang kasaysayan nitong lugar.
nito. • Ipinapahayag din nito kung
• Ipinapakita rin nito ang ano ang mahalagang Gamitin ang ibinigay na rubrik sa
mayamang industriya ginagampanan ng lalawigan
ng pinagkukunan ng sa kalakalan at pakikipag- malikhaing sining na nagawa.
kabuhayan ng mga tao ugnayan ng mga tao mula sa
dito karatig pulo nito sa Visayas.

B Sorsogon Masbate Albay Catanduanes Camarines


Norte

Ang bilog at Ang isda ay Ang tao na


Ang talon ay Ang kidlat ay
piko ang sumisimbolo nakasakay sa
nagpapakilal sumisimbolo
sumisimbolo isang bangka.
a sa sa saganang sa bagyong
sa ibat-ibang bilang
pinakasikat na naranasan ng
yamang lamang dagat daanan ng
Marubina Falls lugar
mineral mga barko

17
• Araling Panlipunan 3 Kagamitan ng Mag-aaral Bikol. Unang Edisyon 2015. DepEd
• Araling Panlipunan 3. Teachers Guide. DepEd
• Curriculum Implementation and Learning Management Matrix. DepEd
• Prototype and Contextualized Lesson Plans in Araling Panlipunan 3 First Quarter. Camarines Sur.
Region V DepEd
• K to 12 Araling Panlipunan Gabay Pangkurikulum Mayo 201 pp 73.
• http://www.camarinesnorte.gov.ph
• http://www.ipophil.gov.ph
• http://www.pna.gov.ph
• http://www.rsso05.psa.gov.ph
• http://www.marina.gov.ph
• http://www.fishcoral.bfar.da.gov.ph
• http://www.asingan.gov.ph
• http://www.pia.gov.ph
• http://www.catanduanes.gov.ph
• http://www.nationalmuseum.gov.ph
• http://www.albay.gov.ph
• http://nhcp.gov.ph/

18

You might also like