You are on page 1of 1

Pangalan____________________________________________________

Lektyur sa Araling Panlipunan 3


Kultura-Kahulugan at Konsepto ng Sariling Kultura
Ang Kultura ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay ng mga tao
 May sariling pamamaraam ng pamumuhay ang mga sinaunang Pilipino. Ito ay tinatawag na kultura.
Bahagi ng kulturang ito ang mga pangangailangang material at di material na nagpapakilala sa ating
pagka-Pilipino.
 Kulturang material- Tumutukoy sa mga bagay na nahahawakan at nakikita gaya ng pagkain tirahan
pananamit at iba pang kagamitan.
 Kultural di Materyal – binubuo ng pamahalaan, relihiyon, o pananampalataya at edukasyon kabilang
ang musika, sining, panitikan at sayaw.
Bilang isang mamamayan ay responsibilidad ng bawat isa na:
 Pangalagaan at paigtingin ang kulturang Pilipino dahil pinagyaman pa n gating mga ninuno.
 Gumawa ng batas at programa ang pamahalaan upang mapagtibay ang pangangalaga at pagpapa-
unlad n gating kultura.
Salik Heograpikal (Impluwensya ng lokasyon at klima sa paghubog ng uri ng pamumuhay sa Las Piñas)
 Ang Las Piñas ay pangunahing pangisdaan sa baybayin ng Manila Bay at malaking bahagi rin nito ay
asinan. Noong unang panahon.
 Ngunit sa paglipas ng panahon ito ay nagging isang pangunahing residensyal o panahanan,
komersyal at industriyal na lugar sa Metro Manila.
Pagkakakilanlang kultural ng lungsod ng Las Piñas
A. Diyalekto at Wika
 Mataas ang literasi sa Maynila at kbilang ditto ang Las Piñas. Ingles ang pangunahing wika sa
negosyo, pamahalaaan, mga paaralan, sa mga pagsulat na opisyal na komunikasyon at
pagpupulong. wikang
B. Mga Produkto at Pagkain
 Parol, mga produktong gaya bag, wallet, banig, pandekorasyon sa bahay na mula sa waterlily
 Walang partikular na pagkaing kilala sa Las Piñas ngunit bilang sila ay tanyag bilang isa sa taga-
gawa ng pampalasa sa pagkain, ang asin, na ginagawa sa tradisyunal na pamamaraan.
 Dito rin matatagpuan ang tanyag na pagawaan ng mga pampasaherong jeepney ang SARAO Inc.
C. Kaugalian, Paniniwala, Tradisyon at Pagdiriwang
 May kanya-kanyang paniniwala at pananampalataya ang mga naninirahan sa Las Piñas. Ngunit
likas p arin sa mga mamamayan dito ang pagiging magalang, masayahin, matalungin, pagiging
palakaibigan at madasalin.
 May mag kilalang pagdiriwang sa lungsod tulad ng sumusunod:
a.Kapistahan ng Bayan ng Las Piñas-Tuwing unang linggo ng Mayo para sa Patron na si San
Josep
b. Water Lily Festival-Tuwing ika-27 ng Hulyo
c. Parol Festival-tuwing panahon ng kapaskuhan
d. International Bamboo Organ Festival-
D. Papel na ginagampanan ng Kultura sa Pagbuo ng Pagkakakilanlan ng Las Piñas:
Mahalaga ang kultutra ng Las Piñas dahil:
A Nakikilala ang ating lungsod hindi lamang sa ibang lugar kundi ganun din sa ibang bansa
b. nakikilala ang mga produktong nagmula o ginawa sa ating lungsod
c. Napapanatili ang mga mabubuti at magagandang kaugalian, paniniwala at gawaing sinimulan n
gating mag ninuno.

You might also like