You are on page 1of 2

MGA MAYORYANG PANGKAT ETNIKO NG BANSA

Ang Ifuggao ay isang walang baybayin na lalawigan na


Pilipinas sa Cordillera Administrative Region sa Luzon Lagawe
ang Kpital nito at napapaligiran ang Benguet sa Kanluran,
Mountain Province sa hilaga Isabela sa Silangan at Nugeva
Vizcaya sa Timog. Pinangalan ito sa Ilog Ifugao sa lalawigan ito
pangunahing atraksiyon sa mga turista ang Hagdan-Hagdang
Palayan ng Banawe. Nabuo ang mga Hagdan0Hagdang palayan
na ito sa mga bundok na walang tulong ng makina na nagbigay
ng mga hagdan para sa mga katutubo upang makapatanim ng
palay Noong 1995, Ipinahayag ng UNESCO ang lugar nito
bilang Pamang Lugar sa Mundo (World Heritage Site)

Ang mga Bikolano ay matatagpuan sa Tangway Timog Silangan


Luzon at pati na rin sa Albay, Catanduanes, Masbate, Sorsogon,
Camarines Norte. Sila ay nabibiyaan ng kalikasan sa lupain tullad ng
magagandang tanawin, matabang lupa at mga mineral. Ang kanilang
mag ari-arian ay nakakapinsal sa kanilang buhay at nakakapipigil sa
kanilang pag-unlad ang malinit na pagdaan ng banyo sa luugar nila .
kilala sila sa pagiging relihiyoso nila at ang kahiligan nila sa mga
pagkaing maaanghang at may gata. Mahilig sila sa pagsasayaw at
pagdalo sa mga kasayahan. Simple lamang ang pananamit ng mga
kalalakihang Bikolano ngunit ang mga kababahian ay mahilig
magpaganda at gumagamit sila ng mga palamuti sa kaotawan

Ang Mga Cebuano (Cebuano; Sugbuanon) ay isang pangkat


etniko mula sa Kabisayaan na pangjunahing matatagpuan sa pulo ng
Cebu at bumubuo sa ikalawang pangkat Lingwistiko sa Pilipinas
Ang mga Waray ay Bisayang grupong etniko sa Pilipinas. Matatagpuan ang karamihan sa kanila
sa Silangang Kabisayaan na kabilang ang Samar, Hilagang Samar,atSilangang Samar, habang bumubuo ng
signipikong populasyon sa Leyte at Sorsogon. Ang pangunahing hanapbuhay nila ay ang pagsasaka,
pangingisda, paggawa ng banig at iba't ibang kagamitan yari sa abaka, kahoy, at niyog.

Ang mga taong Yakan ay ang pangunahing pangkat ng mga Muslim na nasa Basilan, isang pulo na
nasa timog lamang ng lalawigan ng Zamboanga sa Mindanao, Pilipinas. Tinawag ng mga Kastila ang mga taong
Yakan bilang Sameacas at itinuring nila ang mga taong ito bilang "mahirap lapitan" at kung minsan bilang mga
taong mapusok na naninirahan sa mga burol (Wulff 1978:149; Haylaya 1980:13).
Ang mga Yakan ay mayroong tampok na mga katangian na mula sa mga Malay. Maliit ang balangkas ng
kanilang pangangatawan, na mayroong kayumangging balat, singkit na mga mata at maiitim na mga buhok; na
mga katangiang kahalintulad ng sa mga Dayak ng Hilagang Borneo, na humantong sa pagpapalagay na
nagmula ang mga Yakan buhat sa lahi ng mga Dayak. Nagsasalita ang mga Yakan ng isang wikang nakikilala
bilang Bahasa Yakan, na isang baryasyon ngSamal Sinama o Siama at ng Mga Wika ng Tausug (Jundam 1983:
7-8). Isinusulat ang wikang Bahasa Yakan sa panitik na Arabeng Malayano, na mayroong mga adaptasyon o
pagbabagay ng mga tunog na wala sa wikang Arabe (Sherfan 1976)

You might also like