You are on page 1of 3

KASAYSAYAN NG PAMPANGA

Ang Pampanga ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa


rehiyong Gitnang Luzon. Ito ay nakilala bilang probinsya ng mga
Espanyol noong Disyember 11, 1571. Nagsilbi rin itong kabisera ng
kapuluan nang dalawang taon mula 1762–1764 nang sinakop ng mga
Ingles ang Maynila. Ang salitang pampang, kung saan nagmula ang
pangalan ng lalawigan, ay nangangahulugang "dalampasigan". Ang
pagtatatag nito noong 1571 ang naging dahilan upang maging kauna-
unahang lalawigang Kastila sa Pilipinas. Ang Lungsod ng San Fernando
ang kapital nito. "La Pampanga" ang ipinangalan ng mga Kastila sa mga
katutubong kanilang natuklasang naninirahan sa dalampasigan. Meron
pang ibang probinsya na nabuo sa sobrang dami ng polpulasyon at ang
iba naman ay tumira nalang sa mga barangay ng Pampanga. Noong 1860
ang Bamban, Capas, Conception, Victoria, Tarlac, Mabalacat,
Magalang, Porac at Florida Blanca ay nahiwalay sa Pampanga at
napasailalim sila sa Comandancia Militar de Tarlac. Noong 1817 naman
ang dapat apat na lugar ay naibalik sa Pampanga at ang limang iba pa ay
naging munisipalidad ng probinsya ng Trlac. Disyembre 8, 1941 ang
mga Hapon ay binimba nila ang Clark Air Base at doon nagsimulang
nasakop ang Pampanga. Sa panahon ng 1942 hanggang 1944 ay
lumaban ang mga Kapampangan sa pamamagitan ng
samahang hukbalahap at kapampangan gerilya ay napaalis ang mga
Hapon

KILALANG TAO
Dating Pangulo : DIOSDADO P. MACAPAGAL
Dating Pangulo at ngayon Congresswoman GLORIA MACAPAGAL ARROYO
Senetor Lito Lapid

MAKASAYSAYAN POOK NATATANGING LUGAR SA PANGPANGA

Ilang mga sikat na pasyalang maaaring puntahan sa Pampanga ay matatagpuan sa loob ng Clark; ang
dating base militar ng Amerika sa Pampanga. Maari nyo pasyalan ay ang mga: Nayong Pilipino,
sanktuwaryo ng mga ibon, paligsahan ng mga makukulay na lobo (hot air balloon) na ginaganap taun-
taon, ang mga resort, palaruan ng golf, piknikan, at kung mahilig ka sa sugal, meron ding Casino na
matatagpuan sa loob ng Clark

HANAP BUHAY

Pagsasaka at pangingisda ang dalawang pangunahing industriya sa lalawigan. Bigas, mais, tubo, at
tilapya ang mga pangunahing produkto ng lalawigan. Karagdagan sa pagsasaka at pangingisda,
ang lalawigan ay mayroon din lumalaking industriya sa paglililok, paggawa ng mga kasangkapan,
gitara at iba pang bagay na yari sa kamay. Tuwing panahon ng kapaskuhan, ang lalawigan ng
Pampanga ay nagiging sentro ng pagawaan ng "parol".
Tanyag ang lalawigan sa pagluluto. Kilala ang mga Kapampangan sa kanilang husay sa paggawa
ng mga bagong uri ng pagkain, mula sa pinakapayak na ulam hanggang sa kakaiba.
Ang Pampanga's Best at Mekeni Food ay ilan lamang sa mga kompanyang Kapampangan na
gumagawa ng mga tocino, tapa at longganisa.

You might also like