Professional Documents
Culture Documents
PAUNANG SALITA
College of Teacher Education
Layunin ng Pananakop
Nanguna sa mga layunin o pakay ng ekspedisyon ni Miguel Lopez
de Legazpi ang magtatag ng permanenteng pamayanan sa
Pilipinas at ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Si Padre Andres
de Urdaneta ang napiling pangunahing nabigador at tagapayong
espiritwal.
Sa maraming historyador, ang pagsakop ng Espanya sa bansa ay
dahil sa 3Gs – God, Gold and Glory . (Note: Sa ating pagtatalakay
sa araling ito , iyong unawain at alamin kung alin sa kanilang tatlong
pakay ang nangunguna).
Paraan ng Pananakop
Nakarating sa Cebu ang ekspedisyon na pinamunuan ni Legazpi
noong ika-13 ng Pebrero 1565. Hindi maganda ang pagtanggap ng
mga katutubo sa kanila kaya lumipat sila sa ibang lugar hanggang
nakarating sila sa Bohol. Malugod silang tinanggap ng mga katutubo
sa pamumuno ni Raha Sikatuna . Nagkaroon ng sanduguan sina
Legazpi at Raha Sikatuna bilang tanda ng kanilang pagkakaibigan.
Nakipagkasundo rin si Legazpi kay Sigala , ang isa pang raha ng
Bohol.
Noong ika-27 ng Abril 1565 bumalik si Legazpi at ang kanyang
mga kasamahan sa Cebu. Tumutol ang mga katutubo na
nakipagkasundo sa kanila at sila’y lumaban sa pamumuno ni Raha
Tupas. Natalo si Tupas at sapilitang umurong ang mga katutubo .
Nilisan nila ang kanilang panirahan at tumakas sa kagubatan.
Sinikap ni Legazpi na maging kaibigan si Raha Tupas at mga
katutubong Cebuano sa tulong ni Cid Hamal (Sidamit), isang Muslim
Malay. Dahil dito, bumalik ang mga Cebuano sa kani-kanilang
dating panahanan.
Nahikayat ang maraming Cebuano na tumanggap sa pagiging
Kristiyano. Si Raha Tupas ay pinangalanang Felipe ng tinanggap niya
ang pagka-kristiyano bilang parangal kay Haring Felipe (Philip II) ng
Espanya at ang kanyang anak na si Pinsuncan na tinawag ding
Carlos.
Ang Cebu ang unang pamayanan ng mga Espanyol sa bansa.
Tinawag itong Ciudad del Santissimo Nombre de Jesus (City of the
College of Teacher Education
Most Holy Name of Jesus) bilang parangal sa imahen ng Sto. Nino na
natagpuan ng isa sa mga kasamahan ni Legazpi sa isang bahay ng
mga katutubo.
Mula sa Cebu, lumipat ang grupo ni Legazpi sa Panay. Habang
nasa Panay narinig niya ang maunlad na kalakalan sa Maynila.
Inutusan niya si Martin de Goiti at ilang kasamahan noong taong
1570 upang sakupin ito ngunit ito’y hindi nagtagumpay.
Sa sumunod na taon, si Legazpi na ang sumalakay sa Maynila.
Nakipagkasundo si Raha Lakandula sa kanya dahil nakita niya ang
lakas ng pwersa ng mga ito. Hinikayat niya rin ang kanyang
pamangkin na si Raha Sulayman na makipagkasundo . Dahil dito,
ganap na nasakop ni Legazpi ang Maynila noong ika-24 ng Hunyo
1571 at ginawa itong punong-lungsod ng Pilipinas. Ipinagpatuloy ni
Legazpi ang pananakop sa iba’t ibang lugar sa Luzon. Siya ang
tinaguriang kauna-unahang mananakop na Espanyol at
gobernador-heneral ng Pilipinas.
Nagpatupad ng iba’t ibang paraan ng mga Espanyol upang
magtagumpay ang kanilang pananakop at manatiling maging
kolonya ng Espanya ang Pilipinas. Narito ang mga paraan:
1. Kristiyanismo o Ebanghelisasyon – Ipinagpatuloy ng mga
misyonero ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa mga
katutubo. Gumamit din sila ng mga larawan na
naglalarawan ng langit (heaven) na pupuntahan ng mga
Kristiyano kapag sumakabilang buhay at impiyerno (hell)
para sa mga hindi tumanggap ng Kristiyanismo.
Ipinagdiriwang din ang pista ng mga patron sa bawat
bayan.
2. Reduccion – Ito ang sapilitang paglipat ng mga Pilipino
mula sa malalayong pamayanan upang pagsama-
samahin sa mga pueblo.
3. Encomienda - Ito ay lupang ipinagkaloob ng hari ng
Espanya bilang gantimpala sa matapat na mga tauhang
Espanyol. Kasamang ibinibigay rito ang mga
mamamayang naninirahan sa lupa. Encomendero ang
tawag sa namumuno dito. Tungkulin ng encomendero ang
maningil ng buwis sa kanyang nasasakupan .
4. Tributo - Alinsunod sa batas na ipinatupad ng mga
Espanyol ang tributo o buwis ng pagkamamamayan ay
may katumbas na walong (8 )reales o piso na maaaring
bayaran ng pera o ginto , tela, bulak o bigas na may
halagang takda sa bawat produkto . Noong 1851 ang
tibuto ay itinaas sa halagang 12 reales . Noong 1884 ,
pinalitan ito ng sedula personal. Lahat ng may edad na 18
taon pataas ay kumuha at magbayad ng sedula bilang
tanda ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino at pagtanggap
sa kapangyarihan ng Espanya . Tanging ang mga kasapi
lamang ng principalia at mga katutubong naglilingkod sa
pamahalaan at simbahan ang hindi nagbabayad ng
buwis .
College of Teacher Education
5. Polo Y Servicios – Ito ay tinatawag ding sapilitang
paggawa. Lahat ng mga kalalakihang may edad na 16
hanggang 60 taong gulang na may kakayahang
magtrabaho at maglingkod sa mga pagawaan ng
pamahalaang Espanyol, gaya ng pagtatayo ng simbahan,
pamahalaang bayan, tulay at paggawa ng barkong
galyon. Polista ang tawag sa kanila . Sila’y naglilingkod ng
40 araw sa pamahalaan bawat taon ngunit ibinaba ito ng
15 na araw noong 1884 . Ilan din sa mga polista ay
isinasama sa pakikidigma sa mga Muslim at ilan ay
isinasama sa mga ekspedisyon sa ibang lugar.
6. Bandala – Ito ang sapilitang pagbenta ng mga Pilipino sa
kanilang produkto sa pamahalaang Espanyol.
Pagbabago ng Lipunan
Ang mga Espanyol ay nagtatag ng Pamahalaang Kolonyal na
binubuo ng Pamahalaang Sentral at Pamahalaang Lokal. Pag-
aralan ang diagram.
College of Teacher Education
Pag-usbong ng Malayang Kaisipan at Naunang Pag-aalsa
Ang mga ninuno natin ay namuno ng maraming pag-aalsa
laban sa mga Espanyol dahil sa kanilang maling pamamalakad.
Mahigit kumulang isang daang pag- aalsa ang isinagawa upang
tumuligsa sa kanilang maling pamamalakad. Ang mga dahilan ng
pag-aalsang ito ay dahil sa polo y servicios , tributo , bandala ,
sistemang encomienda , kilusang agraryo , gawaing may
kaugnayan sa relihiyon at pagbawi sa nawalang kalayaan.
Ang ilan sa mga Pilipinong namuno ng pag-aalsa ay sina
Lakandula , mag-asawang Diego at Gabriela Silang , Francisco
Dagohoy , Gaspar Morales , Hermamo Pule , Pedro Almazan ,
Tamblot , Bankaw , Sumuroy , Malong , Tapar, Magalat at marami
pa . (Note : Basahin at alamin ang mga iba pang namuno ng pag-
aalsa at ang dahilan ng kanilang pag-aalsa).
Sa kasaysayan ng Pilipinas , walang pag-aalsa ang
nagtagumpay na magpatigil sa pamamahala ng mga Espanyol sa
bansa ngunit ang mga ito ang nagmulat sa diwang Nasyonalismo
sa mga Pilipino.
Umusbong ang malayang kaisipan ng mga Pilipino dahil sa mga
pangyayaring ito:
1. Pagbukas sa Pilipinas sa Kalakalang Pandaigdig
Ang pagbukas ng Espanya sa Pilipinas sa kalakalang
pandaigdig ay hindi lamang nagdala ng mga produkto
kundi pati na rin mga kaisipipang liberal nina Montesquieu
, Voltaire , Locke, Rousseau at iba pang pilosopo noong
panahon ng Enlightenment .
Lalo pang napadali ang paglalakbay mula sa silangan
papunta sa kanluran at vice versa sa pagbukas ng Suez
Canal.
2. Education Decree of 1863
Sa bisa ng batas na ito, ang bawat bayan ay nagtatag
ng pampublikong paaralan , isa para sa mga kababaihan
at isa sa mga kalalakihan. Ito rin ang nagbigay daan sa
mga may kayang Pilipino upang pag-aralin ang mga anak
sa Europa lalo na sa Espanya.
3. Paglitaw ng mga Ilustrado
Ang mga Pilipinong nakapag-aral sa Europa ang
bumuo sa pangkat ng mga Ilustrado. Naihambing nila ang
pamamalakad ng mga Espanyol sa Pilipinas at ang
pamamalakad ng pamahalaan sa Espanya. Ilan sa mga
ito ay sina Dr. Jose Rizal , Graciano Lopez Jaena , Marcelo
H. del Pilar, Felix Hidalgo , Antonio Luna at marami pang
iba.
4. Hindi pantay na pagtingin ng mga Espanyol sa mga Pilipino
College of Teacher Education
Maraming mga Pilipino ang nasuklam at nagalit sa
mababang pagtingin ng mga Espanyol sa kanila . Palihim
na nakarating sa bansa ang mga sanaysay o sulatin ng
mga Ilustrado na lalong nagpasidhi sa damdaming
makabansa ng mga Pilipino.
5. Kontrobersiya tungkol sa Sekularisasyon
Ang mga paring Pilipino noong Panahon ng mga Espanyol
ay tinawag na paring sekular ( secular priest). Ninais nilang
mabigyan din ng parokya na tulad ng mga Espanyol na labis
nilang tinutulan. Ang Sekularisasyon o Filipinisasyon ay
pinamunuan nina Archbishop Gregorio Meliton Martinez at
Padre Jose Burgos.
6. Pag-aalsa sa Cavite noong 1872 ( Cavite Mutiny)
Sa panahon ng pamamahala ni Gobernador- Heneral
Rafael Izquierdo , natigil ang mga karapatan ng mga
manggagawa sa Cavite arsenal tulad ng hindi pagbabayad sa
buwis at paglilingkod sa polo y servicios . Marami sa kanila ang
nagalit at nakiisa sa pagplano sa pagprotesta sa
pamamalakad ng gobernador-heneral. Ang protestang ito ay
binigyang kahulugan ng mga Espanyol na isang paraan upang
mapatalsik ang kanilang kapangyarihan sa bansa.
Ang kompanya ng mga Pilipinong pari tungkol sa
Sekularisasyon ay nasa kasagsagan nito ng nangyari ang pag-
aalsa. Pinaratangan ang tatlong pari na sina Padre Mariano
Gomez ,Padre Jose Burgos , at Padre Jacinto Zamora
(GomBurZa) na namuno sa pag-aalsa. Hanggang sa ngayon ,
sina GomBurZa ay kinikilalang mga paring martyr.
College of Teacher Education
masonry sa Madrid, Spain na itinatag ni Marcelo H. del Pilar ay tinawag
na Lodge Solidaridad . Itinatag din ni Pedro Serrano Laktaw ang kauna-
unahang masonic lodge sa Pilipinas na tinawag na Lodge Nilad. Ang
kauna-unahang masonic lodge para sa mga kababaihan sa bansa ay
ang Lodge Walana. Ang unang Filipina na kasapi nito ay si Rosario
Villaruel .Ang iba pang mga kilusang pangreporma ay ang Circulo
Hispano-Filipino at Asociacion Hispano-Filipino na ang ilang mga kasapi
ay mga Espanyol na kaibigan ng mga Ilustrado.
Ang mga kasapi ng kilusan ay tinawag na propagandista. Sila ay
matatapang na sumulat ng mga artikulong naglalaman ng pang-aabuso
ng mga Espanyol at ang kaawa-awang kalagayan ng mga Pilipino. Ang
La Solidarridad ang opisyal na pahayagan ng kilusan at si Graciano
Lopez Jaena ang naging unang patnugot. Siya ay isang mahusay na
orador o mananalumpati at manunulat . Sa kanyang mga akdang Fray
Botod , Esperanza, La Hija del Fraile ay tunuligsa niya ang katiwalian ng
mga prayle .
Si Dr. Jose Rizal ay higit siyang nakilala sa kanyang dalawang nobela ,
ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo . Ang ginamit niyang pangalan sa
pagsulat ay Laong Laan at Dimas Alang .
Si Marcelo H. del Pilar ay kinilalang pinakamahusay na manananggol
at pinakadakilang manunulat .Binuksan niya ang isip ng mga Pilipinong
magkaisa upang labanan ang pang-aaping ginawa ng mga Espanyol .
Itinatag niya ang Diaryong Tagalog, isang pang-araw araw na
pahayagang tumutuligsa sa katiwalian ng mga Espanyol. Ginamit niya
ang pangalang Plaridel sa kanyang pagsulat . Nakilala siya sa kanyang
mga akdang Dasalan at Tocsohan , Caiingat Cayo , at Sagot ng Espanya
sa mga Hibik ng Pilipinas .
Sa kabila ng pagsusumikap ng maraming miyembro , nabigo ang
Kilusang Propaganda na tuparin ang mga layunin nito dahil sa
kakulangan ng pondo .Nahati pa ang kilusan sa dalawa : maka-Del Pilar
at maka-Rizal na pangkat na dahilan para umalis si Rizal sa pangkat .
Dagdag pa nito ang napakalungkot na pagkamatay nina Lopez Jaena ,
Del Pilar at Panganiban sa Espanya .
Nang bumalik si Dr. Jose Rizal sa Pilipinas noong 1892 , itinatag niya
ang La Liga Filipina noong ika-3 ng Hulyo 1892 , isang mapayapang
samahang nagsasabi na ang sinumang Pilipinong nagmamahal sa bansa
ay maaring maging kasapi ng samahan . Layunin ng samahang ito na:
1. Pag-isahin ang mga Filipino ;
2. Tulung- tulong na maipagtanggol ng mga Pilipino ang sarili
laban sa karahasan at pang-aabuso ng mga Espanyol ;
3. Mahadlangan ang mga gawaing nakapipinsala at walang
katarungan ;
4. Mapaunlad ang Sistema ng edukasyon , pagsasaka at
pangangalakal sa bansa ; at
5. Mag-aral at magsagawa ng mga reporma .
College of Teacher Education
Maraming sumapi sa samahang ito kabilang sina Andres
Bonifacio at Apolinario Mabini na ikinatakot ng pamahalaang
Espanyol. Kaya’t noong ika-6 ng Hulyo, 1892 ay ipinadakip at
ipinatapon si Rizal na Dapitan na naging dahilan ng paghina at
tuluyang pagwawakas ng samahan .
Pagkatapos madakip si Rizal at ipinatapon sa Dapitan , itinatag ni
Andres Bonifacio ang kilusang Katipunan 0 Kataas-taasan , Kagalang-
galangang Katipunan ng mga anak ng Bayan (KKK) noong ika-7 ng Hulyo
1892. Layunin nitong ipaglaban ang kalayaan ng Pilipinas sa madugong
paraan.
MAGAGAWA NATIN
College of Teacher Education
College of Teacher Education
MGA SANGGUNIAN:
https://www.slideshare.net/mariavictoriaobar/pagbabago-sa-
lipunan-at-kultura-sa-panahon-ng-espanyol
https://www.slideshare.net/mariavictoriaobar/pamumuhay-ng-
mga-pilipino-sa-panahon-ng-espanyol
https://www.slideshare.net/GinoongGood/panitikan-
sapanahonngkatila
https://www.slideshare.net/IssaGo/ang-rebolusyon-powerpoint
https://www.youtube.com/watchx?v=696TYdrA0DE
College of Teacher Education