You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV A – CALABARZON
Schools Division of Batangas City
Kumintang Elementary School

Petsa: Nobyembre 10, 2022

Banghay Aralin sa ARALING PANLIPUNAN 3


Week 1-Day 4
Kwarter 2

I. Layunin
Nasusuri ang kasaysayan ng kinabibilangang rehiyon.
II. Nilalaman
Paksang Aralin: Pagsuri sa Kasaysayan ng Kinabibilangang Rehiyon
Sanggunian: Modyul 1, Aralin 2 k to 12, AP 3 LM- 145-149; (3)
Kagamitan: Powerpoint presentation
Pagpapahalaga: Pagmamahal sa bayan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magtatanong ng mga sariwang balita na narinig/napanood sa radyo o telebisyon
2. Balik-aral
1. Ano ang mga pagbabagong naganap sa lalawigan ng Cavite noon at
ngayon? Magbigay ng mga halimbawa.

3. Pagganyak
Buuin ang salita sa pamamagitan ng mga larawan. Tukuyin ang unang letra
ng bawat larawan na ipapakita ng guro.

K A S A Y S A Y A N
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Bawat komunidad sa ating bansa ay may sariling kuwento. Nalalaman natin ang kuwento o
kasaysayan ng ating rehiyon sa ating mga magulang at mga matatanda sa ating lugar. Masusuri natin
ang kasaysayan ng ating kinabibilangang rehiyon sa pamamagitan ng pagtatanong sa ating mga magulang
o sa matatanda sa ating komunidad, tulad ng ating mga lolo at lola. Maaaring sila ay isa sa mga naging
saksi sa kasaysayan o maaaring naisalin-salin na sa bawat henerasyon ang kwento ng kasaysayan. Maari
din nating malaman ang kuwento ng ating komunidad sa pamamagitan ng mga labi ng kasaysayan o
nakuhang mahahalagang bagay o palatandaan sa lugar. Sa araling ito ay susuriin natin ang kasaysayan ng
ating kinabibilangang rehiyon, ang rehiyon IV-A CALABARZON. Ang Rehiyon IV-A na mas kilala bilang
CALABARZON, ay binubuo ng limang lalawigan. Ang mga lalawigang ito ay ang Cavite, Laguna, Batangas,
Rizal at Quezon. Sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap 103 nilagdaan ni dating Pangulong Gloria
Macapagal Arroyo noong May 17, 2002 ang pagpapahintulot na hatiin ang Rehiyon IV sa dalawang rehiyon.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV A – CALABARZON
Schools Division of Batangas City
Kumintang Elementary School

Ito ay hinati bilang Rehiyon IV-A CALABARZON at Rehiyon IV-B MIMAROPA. Ang Rehiyon IV-A
CALABARZON ay mayaman sa mga likas na yaman. Tagalog ang wika ng mga mamamayan dito.
 Lalawigan ng Cavite
Ang Cavite ang pinakamaliit na lalawigan ng CALABARZON. Mabilis ang pag-angat ng
ekonomiya rito dahil ito ang pinakamalapit na probinsiya sa Metro Manila.
Ang Cavite ay isang makasaysayang lalawigan. Ito ay naging tahanan ng mga katipunero.
Dito rin unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas ng unang Presidente ng bansa na si
Emilio Aguinaldo sa kanyang tahanan sa kawit Cavite. Dito rin naganap ang pagbaril sa
labintatlong Paring martir dahil sa kanilang pagkasangkot sa katipunan noong panahon ng
himagsikan ng Pilipinas laban sa Espanya. Sila ay binaril noong Setyembre 12, 1896.
Isinunod ang pangalang Trece Martires sa lalawigan ng Cavite bilang paggunita sa kanilang
ala-ala.
 Lalawigan ng Laguna
Ang laguna ay matatagpuan sa timog-silangan ng kalakhang Maynila. Ito ay napaliligiran ng
Laguna de bay, ang pinakamaling lawa sa buong Pilipinas. Ang pangalan ng lalawigan ay
nanggaling sa salitang Espanyol na “Lago,” Laguna nangangahulugang lawa. Ang Laguna ay
kilala bilang tahanan ni Dr. Jose Rizal na ating pambansang bayani. Makikita rito ang bahay
ni Rizal.

 Lalawigan ng Batangas
Ang Batangas ay matatagpuan sa timog-kanlurang parte ng Luzon. Kilala ang Batangas
bilang isa sa pinakamagandang destinasyon para magbakasyon dahil sa mga resort na
makikita dito. Ang Batangas ay kilala sa pagsasalita ng tagalog na may punto. Kilala sila sa
pagdadagdag ng salitang “ala eh”. Isa rin sa kilalang katangian ng mga taga-Batangas ang
tinatawag na “Matanda sa Dugo” kung saan nagbibigay respeto ang isang kamag-anak hindi
dahil sa edad kundi dahil sa konsangginidad. Ang Batangueno ay kilala sa pagiging malapit
sa isa’t isa. Halimbawa sa mga pagtitipon ay magkakasama sila hanggang sa matapos ang
pagdiriwang.

 Lalawigan ng Rizal
Ang Rizal ay isang lalawigan sa gitanang bahagi ng isla ng Luzon sa Pilipinas. Pinangalanan
ang lalawigan na ito sa pambansang Bayani ng Pilipinas na si Gat. Jose Rizal. Isa sa mga
patunay na sinaunang pamayanan sa Rizal ay ang mga ukit sa isang kweba sa Angono na
tinaguriang mga Petroglipo ng Angono. Tinatayang ginawa noong 1000 BC ang mga
Petroglipo ay kinabibilangan ng mahigit 120 ukit na hugis tao, palaka at butiki. Bago pa
man maging lalawigan ang Rizal, ang mga pamayanan nito ay naging bahagi ng mga
lalawigan ng Tondo at Laguna noong panahon ng mga Kastila. Sa ngayon, ang lalawigan ng
Rizal ay binubuo ng lamang ng 14 na bayan.

 Lalawigan ng Quezon
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV A – CALABARZON
Schools Division of Batangas City
Kumintang Elementary School

Ang Quezon dating Tayabas ay isang lalawigan sa Pilipinas sa rehiyon ng CALABARZON.


Ipinangalan ang lalawigan kay Manuel L. Quezon ang pangalawang pangulo ng Pilipinas na
nagmula sa bayan ng Baler.

2. Pagtalakay/Pagsusuri
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Saan nagana pang pagbaril sa labintatlong pari ng martir?
2. Saan matatagpuan ang bahay ni Rizal?
3. Anong lalawigan ang kilala sa salitang “ala eh?”
4. Saan matatagpuan ang petroglipo ng Angono?
5. Saan matatagpuan ang bahay ni Hen. Emilio Aguinaldo?
3. Paglalahat

Tandaan:
Bawat komunidad sa ating bansa ay may sariling kuwento. Nalalaman natin ang
kuwento o kasaysayan ng ating rehiyon sa ating mga magulang at mga matatanda sa ating lugar.

4. Paglalapat
Ilagay ang tsek kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at ekis kung hindi.
________1. Ang Rizal ay isang lalawigan sa gitanang bahagi ng isla ng Luzon sa Pilipinas.
________2. Ang Cavite ay kilala bilang tahanan ni Dr. Jose Rizal
________3. Ang Kabisera ng Quezon ay ang Angono.
________4. Ang Petroglipo ay kinabibilangan ng 120 hugis ta, palaka at butiki.
________5. Kilala ang Batangas sa salitang “ala eh.”
5. Pagtataya
Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Tukuyin ang ipinahahayag nito. Piliin ang sagot sa
loob ng kahon.

Cavite Laguna Batangas Rizal Quezon

1. Sa lalawigang ito ipinangalan ang ating pambansang bayani.


2. Kilala ang lalawigan na ito sa “Matanda sa Dugo.”
3. Ang pangngalan ng lalawigan ay nanggaling sa salitang espanyol na “lago.”
4. Dito nagmula ang pangalawang pangulo ng ating bansa.
5. Sa lalawigang ito iwinagayway ni Emilio Aguinaldo ang bandila ng Pilipinas.

IV. Takda
Isalaysay ang mahahalagang pangayayri sa iyong lalawigan.

You might also like