You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN III

I. LAYUNIN
A.Pamantayang Naipamalalas ang pang-unawa at pagpapahalaga ng iba’t ibang kwento at mga sagisag na
Pangnilalaman naglalarawan ng sariling lalawigan at mga karatig lalawigan sa kinabibilangang rehiyon.
B. Pamantayan sa Nakapagpapamalas ang mga mag-aaral ng pagmamalaki sa iba’t ibang kwento at sagisag na
Pagganap naglalarawan ng sariling lalawigan at karatig lalawigan sa kinabibilangang rehiyon.
C. Mga Kasanayan sa
Pagkatuto Napahahalagahan ang mga naiambag ng mga kinikilalang bayani at mga kilalang mamamayan sa
Isulat ang code sa bawat sariling lalawigan at rehiyon.
kasanayan
MELC AP3KLR-IIh- 7.1

II. NILALAMAN
Ang Mga Bayani ng Sariling Lalawigan at Rehiyon
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa 110-112
Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa 154-156
Kagamitang Pang-Mag-
aaral
3. Mga Pahina sa SOCCSKSARGEN 154-156
Teksbuk
B. Iba pang Laptop, projector, teaching chart, tula
Kagamitang Panturo

III. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa Panimulang panalangin
Nakaraang Aralin at/o Pagbibigay ng pamantayan ng klase
Pagsisimula ng Bagong (star rewards)
Aralin

Balik-aral:. Pagtukoy sa mga bayani

B. Paghahabi sa Layunin Pagkuha ng Sagabal:


ng Aralin
Nagawa, kont
o naibahagi
Naitulong, na
C. Pag-uugnay ng mga Pagganyak:
Halimbawa sa Bagong Para sa inyo, sino ang inyong bayani? Bakit siya naging bayani para sa inyo?
Aralin Ano ang kanyang katangian?

Pangganyak na Tanong:
Sino ang matatawag na bayani?
Ano ang katangian ng bayani?
D. Pagtalakay ng Bagong .Pagbabasa ng Tula:
Konsepto at Paglalahad Bayani ng Rehiyon XII
ng Bagong Kasanayan #1 SOCCSKSARGEN rehiyon naming minamahal
Nabuo mula sa mayamang kasaysayan
Sultan Muhammad Dipatuan Kudarat
Bayani sa talino at tapang malaki ang naiambag
Nang mamamayan sa manananakop makaalpas
At Cotabato ay patuloy na uunlad
Heneral Paulino Santos, isang sundalo
Sa kabutihan at tapang nahikayat mga tao
Mula Luzon at Visayas na manirahan dito
Koronadal, Polomolok, Tampakan, Banga,
Buayan nabuo at naging progresibo
South Cotabato noong 1966 naging Malaya ito
Kaya’t ipinangalan sa kanya Heneral Santos na malaki nang asenso
Lang Dulay manlilikha ng bayan
Sa murang gulang ipinakita ang galing sa paghahabi
Nang mapanatili ang kultura ng mga T’boli
Kaya pinarangalan ng NCCA
Mga buhay na bayani sa rehiyon ay marami
Overseas Filipino Workers makabagong bayani
Malaking ambag para sa bayan ay katangi-tangi
Maging si Senador Manny Paquiao sa boksing ay bayani
Sundalo, doktor, nars , Covid 19 Frontliners at iba pa
Pagod at buwis-buhay ay hindi alintana
Upang maihatid ang serbisyo sa bayan
Nang kaligtasan at katahimikan makamit ng mamamayan
Mga Tanong:
Panuto: Subuking sagutin ang mga tanong para sa kalinangan ng paksa.

1. Sino ang bayaning Senador at bakit siya ay bayani?


2. Mahalaga ba ang kontribusyon ni Lang Dulay? Bakit?
3. Ano ang kabayanihang nagawa ni Sultan Kudarat? Paano kinilala o pinahalagahan ang
kanyang natatanging ambag?
4. Sino ang may malaking naiambag upang South Cotabato ay mabuo at naging malayang
lalawigan?
5. Kailan ito naging ganap na lalawigan?
- Kung ito ay naging ganap na lalawigan noong 1966, ilang taon nang lalawigan ang South
Cotabato ngayon? Paano natin makukuha ang sagot dito? Anong operation ang gagamitin natin?
6. Bakit maituturing bayani ang mga OFW at mga Frontliners ng COVID-19?
7. Paano natin matulungan ang mga COVID 19 Frontliners? Paano tayo maging ligtas sa sakit?
8. Sa inyong palagay, ang simpleng pagtulong sa kapwa ba ay isang kabayanihan? Bakit?

Mga Nagawa ng mga Bayani sa Lalawigan at Rehiyon

1. Sultan Kudarat - Mithiin niya na magkaroon ng pagkakaisa, pagsamasama at kalayaan ng lahat ng mga
tao sa kanyang sinasakupan.
Pagpapahalaga - Hinango sa kanyang pangalan ang lalawigan ng Sultan Kudarat.
- Pinatayuan ng bantayog sa kapitolyo ng lalawigan.

2. Heneral Paulino Santos - Magalang at matapang na sundalo. Naghikayat sa mga tao mula Luzon at
Visayas na manirahan ditto. Nabuo ang Koronadal, Polomolok, Tampakan, Banga at Buayan
Pagpapahalaga - Ang Dadiangas ay ipinangalan sa kanya. Ito ay naging Lungsod ng Heneral Santos.
- Inilipat sa harap ng Pamahalaang Lungsod ng Heneral Santos ang kanyang
libingan at monumento

3. Lang Dulay - Manlilikha ng Bayan. Magaling sa paghahabi


- Napanatili ang kulturang T’boli
Pagpapahalaga - Ginamit ang T’nalak at naging permanenting hanapbuhay dahil sa mataas na
pangangailangan nito sa merkado. Pagdiriwang ng T’nalak Festival taon taon.

4. Manny Pacquiao - Nagbigay karangalan sa bayan sa larangan ng boksing.


Pagpapahalaga - Magbasa ng mga artikulo tungkol sa kanyang ginawa.
- Ikuwento sa iba.

5. COVID 19 Front liners - Naglingkod at tumulong sa mamamayan ng rehiyon upang makaiwas sa sakit.
Pagpapahalaga - Sundin ang kautusan ng pamahalaan lalo na sa pagsunod sa Health Protocols.

6. OFW - Mga Pilipinong nagsasakripisyong magtrabaho sa ibang bansa upang


maibigay ang pangangailangan ng pamilya.

Pagpapahalaga - Magbasa ng artikulo tungkol sa sakripisyong nagawa ng mga OFW


at ikuwento sa iba.

E. Pagtalakay ng Bagong Panonood ng video clip tungkol sa isang bayani.


Konsepto at Paglalahad 1. Tukuyin ang bayani.
ng Bagong Kasanayan #2
2. Ano ang naiambag ng bayani?
3. Paano mapapahalagahan ang naiambag nito?
F. Paglinang sa Sagutin ng TAMA kung tama ang sumusunod na salaysay. Isulat ang MALI kung ito ay mali. ( p.9 )
Kabihasaan
(Tungo sa Formative _____ 1. Bayani ang tawag sa taong tumutulong sa kapwa.
Assessment) _____2. Matatawag lamang na bayani ang isang tao kapag ito ay nagbuwis ng buhay para sa lalawigan.
_____3. Ang mga bayani ay handang magbuwis ng buhay.
_____4. Ang mga doktor at nars ay bayaning maituturing sa panahon ng Pandemya tulad ng COVID-19.
_____5. Kahit sino ay maaring ituring bayani kapag may naiambag na katangi-tangi sa kanilang lungsod o
lalawigan.

G. Paglalapat ng Aralin Paano mo mapapahalagahan ang mga sakripisyong nagawa ng mga COVID19 frontliners para
sa Pang-Araw-araw na sa mga mamamayan?
Buhay Magbigay ng tatlo.
1.
2.
3.
H. Paglalahat ng Aralin Sa anong paraan natin mapapahalagahan ang mga naiambag ng mga bayani para sa lalawigan
at rehiyon.?
I. Pagtataya ng Aralin Basahin ang sumusunod na pahayag. Idrowing ang mukhang Masaya kung ito ay isang
paraan sa pagpapahalaga ng pagkilala ng kabayanihan ng isang tao. Idrowing ang malungkot
na mukha kung hindi.

___________1. Ipapangalan sa kanya ang isang lugar.


___________2. Sunugin ang larawan ng itinuring bayani.
___________3. Ilimbag o isulat sa aklat ang kanyang katangi-tanging
ambag.
___________4. Pagsawalang bahala sa kanyang tanging nagawa.
___________5. Ikuwento sa iba ang kabayanihang nagawa ng tao
at gawingmagandang halimbawa.

J. Karagdagang Gawain Gumawa ng isang parangal sa bayaning lokal na iyong kinilala. Maaaring ito ay sa pamamagitan
para sa Takdang-Aralin ng mensahe, tula, awit, dibuho collage, mosaic o iba pang sining.
atRemediation

Prepared by:

RG APRIL V. REYES
Teacher Applicant

You might also like