You are on page 1of 20

3

Araling
Panlipunan
Unang Markahan-Modyul 5
Pagkakaugnay-ugnay ng mga
Anyong Tubig at Anyong Lupa sa
Ating Lalawigan at Rehiyon
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Pagkakaugnay-ugnay ng mga Anyong Tubig at
Anyong Lupa sa Ating Lalawigan at Rehiyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang -sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang -ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may -
akda ang karapatang -aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may -akda ng mga it o.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Antoniette Q. Regori

Editor/ Tagasuri/ Tagalapat: Karen Mae P. Salces/Christel May J. Paguican

Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV ± Regional Director


Fiel Y. Almendra, CESO V ± Assistant Regional Director
Omar A. Obas, CESO V - Schools Division Superintendent
Jasmin A. Isla - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera ± Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. ± REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug ± REPS, ADM
Johnny M. Sumugat ± REPS, Araling Panlipunan
Dr. Meilrose B. Peralta ± CID Chief
Dr. Hazel G. Aparece - EPS In Charge of LRMS/ADM
Ronnie C. Cabaya ± EPS, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon Dose

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
3

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5:
Pagkakaugnay-ugnay ng mga
Anyong Tubig at Lupa sa Ating
Lalawigan at Rehiyon
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling
Panlipunan 3 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa
araling Pagkakaugnay-ugnay ng mga Anyong Lupa at Anyong
Tubig sa Ating Lalawigan at Rehiyon
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapag daloy upang
matulungang makamit ng mag -aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang -ekonomikong hamon sa pag -aaral.
Ang tulong -aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag -
aaral sa map atnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag -aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan -21 siglo habang isinasaalang -alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag -aaral.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag -aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag -unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, i naasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag -aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

1
Para sa mag -aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 3 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagkakaugnay-
ugnay ng mga Anyong Tubig at Anyong Lupa sa Ating Lalawigan
at Rehiyon
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag -
aaral habang wala ka sa loob ng silid -aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik -


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

2
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang -unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

3
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag -iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sa gutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kas alukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito, huwag mag -aalinlangang ko nsultahin ang

4
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag -iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang -unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin

Magandang araw sa iyo, kaibigan! Kumusta na ang iyong


pag -aaral ?Sa araling ito ikaw ay inaasahang natutukoy ang
pagkakaugnay -ugnay ng mga anyong tubig at lupa sa mg a
lalawigan ng sariling rehiyo n.

Subukin
Panuto: Piliin at salungguhitan ang tamang sagot.

1. Mataas
 Bundok
 Bulubundukin

2. Mababa at patag
 Kapataga n
 Lambak

5
3. Mataas at patag
 Talampas
 Burol

4. Malaki at maalat
 Karagatan
 Dagat

5. May kalupaan sa paligid


 Lawa
 Ilog

Aralin Pagkakaugnay-ugnay ng mga Anyong

5 Tubig at Lupa sa mga Lalawigan ng


Sariling Rehiyon

Panimula

Batay sa mga nakaraang aralin, napag -alaman natin na


ang ating lalawigan sa ating rehiyon ay may kanya -kanyang
kasaysayan at katangian na dapat ipagmalaki. Sa
paamamagitan ng pagsulat ng kuwento o salaysay, lubos nating
mailalarawan at maipakilala ang ating kinabi bilangang lalawigan
o rehiyon. Sa ganitong paraan, maaari nating iparating sa ating
kapwa ang magaganda at katangi -tanging bagay tungkol sa
ating lalawigan at rehiyon.

6
Balikan
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang pahayag na naglalarawan sa
lalawigan ng rehiyon.
1. Iba’t iba ang pisikal na katangian
aming rehiyon.
2. Binubuo ng mga malalaki at maliliit na pulo ang aming
rehiyon.
3. Malapit sa Karagatang Pasipiko ang aming lalawigan.
4. Napapaligiran ng mga katubigan ang aming rehiyon.
5. May mga matataas na bundok sa aming rehiyon.

Tuklasin

Iba -iba ngunit magkakaugnay -ugnay ang mga anyong


tubig at lupa sa ating rehiyon.
Ang baybaying dagat nito ay umaabot ng 320 km mula sa
mga bayan ng Sultan Kudarat patungo sa mga bayan ng
Sarangani hanggang sa Lungsod ng General Santos.
Ang mga kabundukan
naman ay matatagpuan sa
hilaga at silangang bahagi
ng Cotabato, at sa gitna at
timog -kanlurang bahagi ng
rehiyon mula sa Sultan
Kudarat, South Cotabato,
a t Sarangani. Sa Cotabato,
ang Kabundukan ng Tuael
ang nagdurugtong sa mga

7
bayan ng Matalam, President Roxas, at Magpet, samantala ang
Kabundukan ng Kitubod ay bumabaybay sa Banisilan hanggang
sa Carmen. Nagsisilbi namang hangganan ng Cotabato at
Davao ang Bundok Apo.
Sa katimugan naman ng rehiyon, matatagpuan ang
Kabundukan ng Daguma kung saan makikita ang lawa at mga
bulkan. Nakalatag ito sa Sultan Kudarat hanggang sa dulong
timog ng South Cotabato. Sa silangan ay nakalatag din ang
Kabundukan ng Roxas, mul a sa Sultan Kudarat hanggang South
Cotabato. Sa pagitan nito ay matatagpuan ang Lambak ng
Allah. Sa kabila ng Bulubundukin ng Roxas ay ang Lambak ng
Koronadal, na hinahangganan naman ng bulubundukin ng
Quezon. Umaakyat ito hanggang sa paanan ng Bundok Matu tum
sa South Cotabato.
Ang Lawa ng Holon, na dating tinatawag na Lawa ng
Maughan, ay makikita sa bunganga ng Bundok Parker.
Samantalang ang mga Lawa ng Agco at Venado sa Kidapawan
City ay nasa paanan ng Bundok Apo.
Ang Ilog Rio Grande de Mindanao naman n g Lungsod ng
Cotabato ay bumabaybay hanggang sa mga karugtong na ilog
sa mga lalawigan ng Cotabato at Sultan Kudarat na
pinagkukunan ng patubig sa mga pananim (Amparado et al,
2019).

Sagutin ang mga tanong.


1. Alin sa mga sumusunod ang tama ayon sa talata ?
A. Ang rehiyon ay binubuo ng anyong lupa lamang.
B. Magkakaugnay ang mga anyong tubig at anyong lupa
sa ating rehiyon.
C. Ang mga anyong tubig at lupa sa ating rehiyon ay
makikita sa mga bulubunduking bahagi lamang.
D. Hindi mahalaga ang mga anyong lupa at anyong tubig
sa pamumuhay ng mga mamamayang nakatira sa
paligid nito.

8
2. Anong kabundukan ang nagdurugtong sa mga bayan ng
Matalam, President Roxas, at Magpet ?
A. Kabundukan ng Katibod
B. Kabundukan ng Kitanglad
C. Kabundukan ng Roxas
D. Kabunduk an ng Tuael
3. Saan matatagpuan ang Ilog Rio Grande de Mindanao ?
A. Cotabato City
B. General Santos
C. Sarangani
D. Sultan Kudarat

Suriin
Panuto: Ilahad ang matapat mong pagtupad sa bawat
kasanayan. Lagyan ng tsek (/) ang kolum kung saan ito
naangkop. I lahad ang plano mo sa huling kolum.

Mga Layunin/Kakayahan Ganap


Kaukulan/ Di-
Angkop ganap
na Aksiyon
1. Paglalarawan ng iba’t ibang
anyong tubig at anyong lupa
gamit ang mapang
topograpiya ng rehiyon .
2. Paghahambing ng mga iba’t
ibang anyong lupa at anyong
tubig sa mga lalawigan sa
sariling rehiyon .
3. Pagtukoy ng pagkakaugnay -
ugnay ng mga anyong lupa at
tubig sa mga lalawigan ng
sariling rehiyon.

9
4. Paggawa ng payak na
mapa na nagpapakita ng
mahahalagang anyong lupa
at tubig ng sariling lalawigan at
mga karatig lugar nito .
5. Pagbuo ng interpretasyon ng
kapaligiran ng sariling
lalawigan at karatig na mga
lalawigan ng rehiyon gamit
ang mapa .

Pagyamanin
Panuto: Gumuhit ng isang mapa. Ipakita sa mapa ang
magkaugnay na anyong lupa at anyong tubig sa inyong
lalawigan. Gumamit ng mga simbolo ng bawat kalupaan
at katubigan na makikita rito.

kapatagan


∩ burol

10
∆ bundok

Λ bulkan

▲▲ bulubundukin

~~ dagat

Д talon

≈≈ karagatan

○ lawa

Isaisip
TANDAAN
Panuto: Punan ng tamang sagot ang bawat patlang. Piliin sa
kahon ang sagot.

Cotabato at Davao Kabundukan


Baybaying Dagat Silangan
Kidapawan Kapatagan
1. Sa mga bayan ng Sultan Kudarat, Sarangani, at General
Santos City magkakaugnay ang __________________.
2. Matatagpuan sa hilaga at silangang bahagi ng Cotabato
ang mga __________________.
3. Ang Bundok Apo ay nagsisilbing hangganan ng
__________________.
4. Sa direksyon ng _______ ng ating rehiyon nakalatag ang
Kabundukan ng Roxas, Sultan Kudarat, at South Cotabato.
5. Kay inam puntahan ang Lawa ng Agco at Venado sa
__________________ na nasa paanan ng Bundok Apo.

11
Isagawa
Panuto: Sagutin ng mahusay ang sumusunod na katanungan.
1. Bakit mahalaga ang anyong lupa para sa iyo ? Ipaliwanag.
___________________________________________________________
2. Alin sa mga napag -aralan mong anyong lupa ang may
malaking suliranin sa kasalukuyan ? Talakayin.
_______________________________ ____________________________
3. Paano naipakikita ng mga lalawigang dinadaluyan ng Ilog
Rio Grande de Mindanao ang pakikiisa upang mapanatili
ang ganda nito ?
__________________________________________________________ _
4. Paano naaapektuhan ang pamumuhay ng mga t aga
lalawigang sinasakop ng baybayin ng Sarangani ?
___________________________________________________________

Tayahin

1. Itala ang magkakaugnay na anyong lupa at anyong tubig


sa inyong lalawigan gamit ang mapang pangtopograpiya
ng iyong rehiyon.
2. Isulat sa talahanayan ang magkakaugnay na mga anyong
lupa at anyong tubig na matatagpuan sa bawat lalawigan
at ipaliwanag ang mga ito.

Magkaugnay na Anyong Lupa Paliwanag


at Anyong Tubig
1. Halimbawa: Lawa ng Ang Lawa ng Venado ay
Venado at Bundok Apo matatagpuan sa paanan ng
Bundok Apo.
2.

12
3.

4.

Karagdagang Gawain

Panuto: Gumuhit ng mga magkakaugnay na anyong lupa at


anyong tubig sa inyong lalawigan at rehiyon na iyong
napuntahan. Gawin ito sa isang malinis na papel.

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul


na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na
modyul.

13
Susi sa Pagwawasto

14
15
Rubrik sa Pagguhit at Pagpapaliwanag
BATAYAN Mahusay sa Mahusay Hindi Mahusay
Mahusay (5) (4-3) (2-1)
Pagpapaliwanag Naipapaliwanag Naipapaliwanag Di-gaanong
nang malinaw ang nang malinaw ang malinaw ang
paksa mga katanungan pagpapaliwanag
Kaalaman sa Nakapagbibigay Nakapagbibigay Di-gaanong sapat
Paksa ng pinakatama at ng sapat at ang
pinakamaayos na maayos na pagpapaliwang na
pagsulat upang pagsulat upang isinulat
ipaliwanag ang ipaliwanag ang
aralin aralin
Organisasyon Maayos na Nakasunod sa mga Hindi gaanong
nakasunod sa mga panutong ibinigay nakasunod sa mga
panutong ibinigay upang mabuo ang panutong ibinigay
upang mabuo ang isinagawang upang mabuo ang
isinagawang Gawain isinagawang
gawain Gawain
Kalinisan ng Maayos ang Medyo maayos Hindi maayos ang
Pagkakaguhit at pagkakaguhit at ang pagkaka guhit pagkakaguhit at
Pagkakakulay malinis ang at pagkakakulay pagkakakulay
pagkakakulay
Sanggunian

Antonio V. Amparado, Et.al. 2020. Araling Panlipunan Kagamitan


ng Mag-aaral Rehiyon XII-SOCCSKSARGEN. Kidapawan:
Studio Graphics Corp.

16
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming
hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education ± SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like