You are on page 1of 13

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN III

I. LAYUNIN
 Natatalakay ang kahulugan ng “official hymn” na nagpapakilala sa
sariling lalawigan
 Nailalarawan ang lalawigan ayon sa mensahe ng awit
 Naipagmamalaki ang katangian ng lalawigan
II. PAKSANG ARALIN
PAKSA: Official Hymn na nagpapakilala sa sariling lalawigan
KAGAMITAN: Kartolina, Oil Pastel, Marker, Miniature, mga larawan
SANGGUNIAN: Araling Panlipunan III(Kagamitan ng mag-aaral)pahina
212-223
- Araling Panlipunan (patnubay ng guro) pahina 104-106

III. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. PANIMULANG GAWAIN

Magandang hapon mga bata! Magandang hapon din po.

Tumayo ang lahat at sabay-sabay tayong Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu


manalangin. Santo. Amen
(Ipapalabas ng guro ang bidyu ng (manunuod ng bidyu para sa panalangin)
dasal na sasabayan ng mga bata)

Maaari ng maupo ang lahat. (uupo na ang lahat)

Ngayon mga bata, itaas ang kanang kamay


at sabihin ang katagang “narito po” kapag
tinawag ko ang inyong pangalan.
Nauunawaan ba? Opo. Nauunawaan po namin.
(magsisimula na ang guro sa
pagtawag ng mga estudyante)

Abadilla, Jeric… Narito po.


Abelita, Sarah Jane… Narito po.
Buagas, Alpha Kristalyn… Narito po.
Capacia, Renelyn… Narito po.
Sapusao, Ela Marie… Narito po.
Villanueva, Ronalyn… Narito po.

Mabuti naman at walang lumiban sa inyo.


Dahil diyan, bigyan ninyo ang inyong mga
sarili ng limang palakpak. (papalakpak ng lima)

Bago tayo dumako sa ating aralin, may mga


ilan lamang akong panuntunan sa klaseng ito
na nais kong lubos ninyong malaman at
maunawaan.
UNA, kapag itinaas ko ang larawang ito,
nangangalulugan na kayo ay dapat
tumahimik.

IKALAWA, kapag ang larawang ito ang


itinaas ko, nangangahulugan lang na kayo ay
umayos ng upo at;

Opo Ma’am. Maliwanag po.

PANGHULI, kapag may nais kayong BATA 1. Ma’am kapag ang larawan pong
sabihin o isangguni sa akin itaas lang ang iyan ang inyong itinaas, nangangahulugan
inyong kanang kamay. Maliwanag ba mga po na dapat kami ay tumahimik.
bata?

Mabuti naman kung ganon. Kung lubos nga BATA 2. Kapag ang larawan pong iyan ang
ninyong naunawaan, sige nga ano ang ibig inyong itinaas, dapat po kaming umayos
sabihin kapag itinaas ko ang larawang ito? ng upo.
(tatawag ng mag-aaral)
BATA 3. Ang atin pong panghuling
alituntunin ay kapag may nais po kaming
sabihin o isangguni sa inyo itataas lang
Kapag ang larawang ito naman ang itinaas namin ang aming kanang kamay
ko? (tatawag ng mag-aaral)

Ano naman ang ating panghuling alituntunin?


(tatawag ng mag-aaral)

Magaling mga bata! Tunay ngang


naunawaan ninyo ang ating alituntunin sa Opo.
araw na ito.
Ngayon mga bata tayo ay aawit. Ang (tatayo ang lahat)
pamagat nito ay “Tong, tong, tong, tong
pakitong kitong”. Alam kong magugustuhan
ninyo ito. Ako muna ang unang aawit Tong, tong, tong, tong pakitong kitong
pagkatapos ay aawitin natin ito ng sabay-
sabay. Maliwanag ba? Tong, tong, tong, tong pakitong kitong
(aawitin ng guro ang awit) Alimango sa dagat,
Magsitayo na ang lahat at sabay-sabay natin Malaki at masarap
itong awitin. Mahirap mahuli,
Sapagkat nangangagat
Tong, tong, tong, tong pakitong kitong (uulitin ang kanta at papalitan ang mga
patinig nito ng A, E, I, O, U)
Tong, tong, tong, tong pakitong kitong
Alimango sa dagat,
Malaki at masarap Opo.
Mahirap mahuli, (uupo ang lahat)
Sapagkat nangangagat
(uulitin ang kanta at papalitan ang mga Opo.
patinig nito ng A, E, I, O, U)
BATA 4. Ma’am ang paksa po na tinalakay
natin kahapon ay tungkol sa mga sagisag
Nasiyahan ba kayo? ng kinabibilangang lalawigan.
Maaari ng umupo ang lahat. BATA 5. Ma’am ipinapakita po nito ang
katangian ng isang lalawigan.
Natatandaan niyo pa ba kung ano ang ating
tinalakay kahapon?
Sige nga kung nag-aral kayo ano ang paksa
na tinalakay natin kahapon? (tatawag ng
mag-aaral)
Mahusay! Ano nga ulit ang ipinapakita ng
simbolo ng bawat lalawigan? (tatawag ng
mag-aaral)
Tama. Ipinapakita nito ang katangian ng
isang lalawigan.

B. PANLINANG NA GAWAIN

1. Paunang pagtataya
Ngayon mga bata may ipaparinig akong
isang awitin na ating sasabayan. Tiyak akong
alam ninyo ito dahil ito ang ating
Pambansang awit ng Pilipinas. Magsitayo na
ang lahat at ilagay ang kanang kamay sa (tatayo at ilalagay ang kanang kamay sa
dibdib. dibdib)

Handa na ba kayo? Opo.

(patutugtugin ang awitin) (sasabayan ang awitin)

LUPANG HINIRANG LUPANG HINIRANG

Bayang magiliw Bayang magiliw


Perlas ng Silanganan Perlas ng Silanganan
Alab ng puso Alab ng puso
Sa dibdib mo’y buhay Sa dibdib mo’y buhay

Lupang Hinirang Lupang Hinirang


Duyan ka ng magiting Duyan ka ng magiting
Sa manlulupig Sa manlulupig
Di ka pasisiil Di ka pasisiil

Sa dagat at bundok Sa dagat at bundok


Sa simoy at sa langit mong Sa simoy at sa langit mong
bughaw; bughaw;
May dilag ang tula May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal. At awit sa paglayang
minamahal.
Ang kislap ng watawat mo’y
Tagumpay na nagniningning, Ang kislap ng watawat mo’y
Ang bituin at araw niya Tagumpay na nagniningning,
Kailan pa ma’y di magdidilim. Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma’y di magdidilim.
Lupa ng araw, ng luwalhati’t
pagsinta, Lupa ng araw, ng luwalhati’t
Buhay at langit sa piling mo; pagsinta,
Aming ligaya na pag may mang- Buhay at langit sa piling mo;
aapi Aming ligaya na pag may mang-
Ang mamatay ng dahil sa iyo. aapi
Ang mamatay ng dahil sa iyo.

Maaari ng umupo ang lahat. (uupo sa silya)

Mga bata ano nga ang pamagat ng awiting BATA 6. Ma’am ang pamagat po ng
ating inawit kani-kanina lang? (tatawag ng awiting ating inawit kani-kanina lang ay
mag-aaral) “Lupang Hinirang”

Tama. Ang pamagat ng ating Pambansang


awit ay “Lupang Hinirang”.
Bakit nga ba mahalaga ang magkaroon ng BATA 7. Ma’am mahalaga po ang
Pambansang Awit? (tatawag ng mag-aaral) magkaroon ng pambansang awit sapagkat
ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng
ating bansa.
Mahusay! Mahalagang magkaroon ng
Pambansang Awit dahil ito ang nagsisilbing
pagkakakilanlan ng isang bansa at isa rin
itong paraan upang ipakita ang ating
pagmamahal sa bayan. Nauunawaan ba? Opo.
2. Paglalahad
Ngayong natalakay na natin ang
Pambansang awit na nagpapakilala sa ating BATA 8. Ma’am ang awitin po na
bansa, Sino sa inyo ang nakakaalam ng nagpapakilala sa ating lalawigan ay ang
awitin na nagpapakilala sa ating lalawigan? awiting “Lalawigan ng Quezon”
(tatawag ng mag-aaral)

Magaling! Ngayon may ideya na ba kayo Opo…


kung ano ang paksa na ating tatalakayin sa
araw na ito?

Kung ganon ano kaya ang paksa na ating BATA 9. Ma’am sa palagay ko po ang
tatalakayin? (tatawag ng mag-aaral) paksang tatalakayin natin sa araw na ito ay
tungkol sa awitin na nagpapakilala sa ating
lalawigan.

Mahusay! Ang paksang ating tatalakayin ay


tungkol sa awitin na nagpapakilala sa ating
lalawigan. Tinatawag itong Opisyal na Himno
o ‘Official Hymn’. Ito ay isang awitin na
nagpapakilala sa kinabibilangan nating
lalawigan.

Ano nga ulit ang Opisyal na Himno ng ating BATA 10. Ma’am ang opisyal na Himno po
lalawigan? (tatawag ng mag-aaral) ng ating lalawigan ay ang awiting
“Lalawigan ng Quezon”.

Maaari mo bang ulitin ang sinabi ng iyong BATA 11. Ang opisyal na Himno po ng
kaklase? (tatawag ng mag-aaral) ating lalawigan ay ang awiting “Lalawigan
ng Quezon”.
Tama. Ang opisyal na Himno ng ating
lalawigan ay ang awiting “Lalawigan ng
Quezon”. Bigyan natin sila ng Limang (papalakpak ng lima)
palakpak.

Mga bata meron tayong bisita. Siya ay ang


butihing Gobernador ng ating lalawigan.
Kilala niyo ba siya? Opo. Kilala po namin.

Kung ganon heto na siya. Si Gobernador


David “Jay jay” Suarez. Batiin nga natin siya Magandang hapon po Gobernador Suarez.
ng isang magandang hapon.
(may ipaparinig ang guro na boses)

Narito siya upang saksihan kung paano natin


awitin ang Himno ng ating lalawigan. Sino sa
inyo ang may alam ng awiting ito? (tataas ng kamay)

Magaling! Ngayon mga bata aawitin natin


ang Himno ng ating lalawigan, ngunit bago
yan ay ako muna ang unang aawit at
pagkatapos ay aawitin natin ito ng sabay-
sabay kasabay ng pagkumpas ko. Maliwanag
ba? Opo.
(aawitin ang Himno) (makikinig kung paano inaawit ng guro ang
Himno)

Ngayon naman ay aawitin na natin ito ng


sabay-sabay. Magsitayo na ang lahat. (tatayo ang lahat)

LALAWIGAN NG QUEZON LALAWIGAN NG QUEZON

Lalawigan…Lalawigan ng Quezon Lalawigan…Lalawigan ng Quezon

Ang bayan kong sinilangan Ang bayan kong sinilangan


Ay tunay kong minamahal Ay tunay kong minamahal
Ang bayan kong tinubuan Ang bayan kong tinubuan
Dapat nating ikarangal Dapat nating ikarangal

Tahimik at maligaya Tahimik at maligaya


Mahirap man o Dukha Mahirap man o Dukha
Sagana sa lahat ng bagay Sagana sa lahat ng bagay
Sa dagat at kabundukan Sa dagat at kabundukan
Ito ang aming lalawigan Ito ang aming lalawigan
Pinagpala ng Maykapal Pinagpala ng Maykapal
Ang buhay ay mapayapa Ang buhay ay mapayapa
Sa lahat ng dako Sa lahat ng dako

Sa lahat ng nayon, Lalawigan ng Quezon Sa lahat ng nayon, Lalawigan ng Quezon


Lalawigan ng Quezon, ay aming tinatanghal Lalawigan ng Quezon, ay aming
Lalawigan ng Quezon, ay aming tinatanghal
minamahal… Lalawigan ng Quezon, ay aming
minamahal…

Maaari ng maupo. (uupo ang lahat)

Nasiyahan ba kayo sa ating inawit? Opo.

Mabuti kung ganon. Ating tandaan na ang


bawat lalawigan ay may sariling opisyal na
awitin na siyang nagpapakilala sa kanilang
kinabibilangang lalawigan. Karaniwang
sinusulat ito upang pukawin ang damdamin
ng mga taga lalawigan sa kagandahan ng
kanilang lugar. Ito din ang nag-uudyok sa atin
na mahalin ang ating lalawigan upang mas
lalo itong umunlad. Naiintindihan ba mga Opo. Naiintindihan po namin.
bata?

Okey. Base sa Himno na inawit natin kanina,


magbigay nga kayo ng mga katangian ng
ating lalawigan na nabanggit sa awit. Sino (tataas ng kamay)
ang makapagbibigay ng kahit isang
katangian? BATA 12. Ma’am ang katangian po ng
(tatawag ng mag-aaral) ating lalawigan na nabanggit sa awit ay
tahimik at maligaya.

Mahusay! Maaari mo ba itong isulat sa ating (pupunta sa unahan at isusulat ang sagot)
pisara?
May iba pa bang katangian? BATA 13. Ma’am ang iba pa pong
(tatawag ng mag-aaraal) katangian ay sagana at mapayapa.
Isulat mo din ang iyong kasagutan sa ating (pupunta sa unahan at isusulat ang sagot)
pisara.
Magaling mga bata. May natitira pa bang Wala na po.
katangian?

Basahin natin ng sabay-sabay ang mga


katangian ng ating lalawigan na nakasulat sa (babasahin ang nakasulat sa pisara)
pisara.
Mga bata magpaalam na kayo kay Governor Paalam po Governor Suarez.
Suarez.

3. Pagtuturo at paglalarawan
Suriin ang nasa larawan. Ito ang simbolo ng
ating lalawigan at simbolo ng isa sa karatig
nating lalawigan, ang lalawigan ng Laguna.

Sa inyong palagay, paano kaya naiiba ang


simbolo ng Lalawigan ng Quezon sa
Lalawigan ng Laguna? BATA 14. Ma’am ang pinagkaiba po ng
(tatawag ng mag-aaral) simbolo ng Lalawigan ng Quezon sa
Lalawigan ng Laguna ay; Makikita po natin
sa simbolo ng lalawigan ng Quezon ang
mapayapang dagat samantala sa
lalawigan po ng Laguna makikita po natin
sa simbolo ang isang talon.

Magaling! Maaari mo bang ulitin ang sinabi BATA 15. Ma’am ang sabi po ng aking
ng iyong kaklase? (tatawag ng mag-aaral) kaklase makikita po natin sa simbolo ng
Lalawigan ng Quezon ang mapayapang
dagat samantala sa Lalawigan po ng
Laguna makikita po natin sa simbolo ang
isang talon.

Okey. Ang makikita natin sa simbolo na BATA 16. Ma’am sa lalawigan po ng


iyan ay siyang makikita natin sa mga Quezon matatagpuan natin sa simbolo ang
nasabing lalawigan. Ano pa ang napansin mukha ng isa sa mga bayani na si Manuel
ninyong pagkakaiba sa dalawang simbolo? L. Quezon.
(tatawag ng mag-aaral)

Magaling! Tama ang lahat ng inyong sinabi,


ang mga nakita ninyo sa bawat simbolo ay
nagpapakita din ng maipagmamalaki ng
mga lalawigang nabanggit.

Nauunawaan ba mga bata? Opo.

Mabuti kung ganon.

4. Kasanayang
pagpapayaman/pagkabisa
Ngayon mga bata may inihanda akong
gawain para sa inyo. Ang pamagat ng gawain
na gagawin ninyo ay “Lalawigan ko,
Ilalarawan ko”. Ilalarawan ninyo ang ating
lalawigan sa pamamagitan ng pagguhit.
Hahatiin ko ang klase sa tatlong pangkat.
Bibigyan ko lang kayo ng limang minuto para
sa paghahanda at dalawang minuto para sa
presentasyon ng inyong gawa. Kailangan din
ninyong pumili ng isang representante para
mag paliwanag ng inyong gawa. Maliwanag
ba mga bata? Opo.

Bago natin simulan ang gawain, narito


muna ang aking mga pamantayan sa pag
gagrado ng inyong gawa.

(babasahin ang pamantayan)

Maaari ng magsimula. (magsisimula na sa Gawain)

5. Paglalahat
Mga bata kanina tinalakay natin ang opisyal
na Himno na nagpapakilala sa sarili nating
lalawigan, tama? Opo.

Ngayon ano nga ulit ang Himno? BATA 17. Ma’am ang Himno po ay isang
(tatawag ng mag-aaral) awitin na nagpapakilala sa isang lalawigan.

Magaling! Ano naman ang mga katangian BATA 18. Ma’am ang isa po sa mga
ng ating lalawigan ayon sa awit? Magbigay katangian ng ating lalawigan na nabanggit
ng isa sa mga katangian. (tatawag ng mag- sa awit ay tahimik.
aaral)

Ano pa? ( tatawag ng mag-aaral) BATA 19. Ma’am maligaya po.


Okey. Ano pa? (tatawag ng mag-aaral) BATA 20. Ma’am sagana po.
Meron pa ba? (tatawag ng mag-aaral) BATA 21. Ma’am mapayapa po.

Mahusay! Isa-isahin nga natin ang Ang mga katangian ng ating lalawigan ay
katangian ng ating lalawigan. tahimik, maligaya, sagana at mapayapa.

Bigyan ng limang palakpak ang mga sarili. (papalakpak ng lima)

Mga bata sa inyong palagay bakit dapat na


mahalin at ikarangal ang ating lalawigan? BATA 22. Ma’am sa palagay ko po, dapat
(tatawag ng mag-aaral) nating mahalin at ikarangal ang ating
lalawigan upang mas lalo pa itong
umunlad.
Magaling! Nararapat lang na mahalin at
ikarangal natin ang ating lalawigan para sa
lubusang pag-unlad nito. Nauunawaan ba? Opo.

6. Pagpapahalaga
Paano kaya natin maipapakita ang
pagpapahalaga natin sa ating Himno? BATA 21. Ma’am maipapakita po natin ang
(tatawag ng mag-aaral) pagpapahalaga sa ating Himno sa
pamamagitan ng pag-awit nito ng may
paggalang.
Tama. Maipapakita natin ang
pagpapahalaga sa ating Himno sa
pamamagitan ng pag-awit nito ng buong (haharap sa mga katabi at sasabihin;
puso at may paggalang. “dapat awitin ang Himno ng buong puso at
Ngayon sabihin nga sa inyong mga katabi may paggalang”
ang katagang “dapat awitin ang Himno ng (papalakpak)
buong puso at may paggalang”
Magaling! Palakpakan ang mga sarili.

7. Pahuling pagtataya
Mga bata kumuha kayo ng sagutang papel
at magkakaroon tayo ng maikling Opo.
pagsusulit.
Handa na ba kayo?

PANUTO: Punan ang mga patlang ng


nawawalang salita upang mabuo ang
opisyal na awit ng inyong lalawigan. Isulat
at kopyahin ito sa sagutang papel.

LALAWIGAN NG QUEZON
Lalawigan…Lalawigan ng Quezon

Ang bayan kong 1________


Ay tunay kong minamahal
Ang bayan kong tinubuan
Dapat nating ikarangal

2_________ at maligaya
Mahirap man o Dukha
Sagana sa lahat ng bagay
Sa dagat at 3__________

Ito ang aming lalawigan


4________ ng Maykapal
Ang buhay ay mapayapa
Sa lahat ng dako

Sa lahat ng nayon, Lalawigan ng Quezon


Lalawigan ng Quezon, ay aming 5_______
Lalawigan ng Quezon, ay aming
minamahal…

Tapos na ba ang lahat? Opo.


(ipapasa ang kwaderno pauna)
Ngayon mga bata pulutin na ang lahat ng (pupulutin ang mga basura at tatayo para
basurang nakikita ninyo, pagkatapos ay sa panalangin)
magsitayo na ang lahat para sa ating
pangwakas na panalangin. Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu
Paalam mga bata.. Santo. Amen.

Paalam po Ma’am Rejz.

Inihanda ni:
Reygin L. Flores
BEED-III

You might also like