You are on page 1of 21

Pagkakaugnay-ugnay ng mga

Anyong Tubig at Anyong Lupa


sa Aking Lalawigan at Rehiyon
Bigkasin nang maayos
ang tula at sabay-sabay na
isagawa.
Pag-Ugnayin Natin
 Sa ating lalawigan ay matatagpuan,
mga bundok, burol, talampas at kapatagan,
ilog, lawa, talon at dagat ay mapaliliguan
sapagkat mayaman ito sa likas na yaman.
 
Anyong lupa at anyong tubig ating pag-ugnayin
upang makilala rehiyong kinabibilangan natin.
Ating alagaan at ganda'y panatilihin ipagmalaki ito
at ating mahalin.
a. Ano ang mensahe ng
tula?
b. Naniniwala ka ba na
magkakaugnay-ugnay ang
mga anyong lupa at anyong
tubig sa ating lalawigan?
Nasa bahaging timog ang mga hanay
ng bundok sa ating rehiyon. Ilan dito ay
ang Bundok Banahaw na naghihiwalay
sa Laguna at Quezon.
Samantala, ang Lawa ng Bombon ay
nasa gitna ng Bulkang Taal. Ang
Bulkang Taal naman ay nasa gitna ng
Lawa ng Taal. Ito ang bulkan na
itinuturing na isa sa mga
pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas.
Ang Bundok Makiling na nasa pagitan
ng Laguna at Batangas.
 Ang tinatawag na “Lungsod ng Pitong Lawa” ay ang
San Pablo dahil sa pitong lawa na makikita rito. Ang
mga ito ay ang Bunot, Calibato, Muhikap, Padparan,
Pandin, Sampaloc, at Yambo.
 Maging ang Batangas at
Cavite ay hindi nagpapahuli
kung pag-uusapan ang
katangiang pisikal. Ang
lalawigang ito ay maburol sa
hangganan ng Maragondon
at Batangas.
Sa Rizal naman matatagpuan ang HinulugangTaktak.
Isang talon na masasabing popular na lugar
panturismo sa Lungsod ng Antipolo. Ito ang talon na
nag-uugnay sa anyong tubig at anyong lupa dahil
nanggagaling ang tubig sa bundok patungo sa
bahaging katubigan tulad ng sapa at ilog.
Sagutin ang mga sumusunod:
 Anong anyong lupa ang nag-uugnay sa
Lalawigan ng Quezon at Lalawigan ng
Laguna na makikita sa unang larawan?
 Sa ikalawang larawan, anong anyong
tubig ang pinag-ugnayng Bulkang Taal?
 Ano namang anyong tubig ang
magkakaugnay sa ikatlong larawan?
 Paano nagkakaugnay-ugnay ang mga
anyong lupa at anyong tubig sa ating
lalawigan at rehiyon?
Anu-ano ang mga
anyong lupa at tubig
ang magkakaugnay sa
Rehiyon IV-A?
Gawain A
Pangkatang Gawain
 Itala ang magkakaugnay na anyong lupa at
anyong tubig sa inyong lalawigan gamit ang
mapang topograpiya ng Rehiyon IV-A
CALABARZON.
Pumili ng lider at tagatala upang maipon ang mga
datos na kailangan.
Isulat sa talahanayan o talaan ang magkakaugnay
na anyong lupa at anyong tubig na matatagpuan
sa bawat lalawigan at ipaliwanag ito.
Iulat ang natapos na gawain ng bawat pangkat.
Magkaugnay na Paliwanag
Anyong tubig at
anyong lupa
Talakayin ang mga ulat ng mga mag-aaral
sa tulong ng sumusunod na katanungan
 Ano-anong anyong lupa at anyong tubig
ang nag-uugnay sa mga lalawigan ng inyong
rehiyon?
 Ano ang anyong lupa sa inyong lalawigan
o rehiyon na kaugnay pa sa ibang lalawigan
at rehiyon?
 Masasabi mo ba na lahat ng sinasakop
ng nyong lupa o tubig na ito ay
nakikinabang sa mga magkakaugnay na
anyong lupa at tubig?
 Saan matatagpuan ang Bulkang
Taal?
 Ano ang mga hanapbuhay sa Lawa
ng Taal?
 Kumikita ba ang mga taga-Taal,
Batangas sa Bulkang Taal?
 Alam mo ba na mas higit na
nakikinabang ang mga Tagaytay sa
Cavite sa Bulkang Taal? Sa papaanong
paraan kaya?
Kung susuriin, ano ang lokasyon ng
Tagaytay? Di nga ba nasa mataas itong
lugar na nakikita ang Bulkang Taal?
Dahil sa naging tanyag ang Taal bilang
pinakamaliit na bulkan, naenganyo ang
mga turista na dumayo at makita ito. Sa
Tagaytay mas nakikita ang ganda ng
bulkan, maliban din sa ganda ng lugar
ng Tagaytay. Kung kaya, dumami ng
husto ang dumayo dito at naging isang
industrya na ang pagbabaksyon sa
Tagaytay.
Pagtataya
Gumamit ng sariling sagutang papel sa
pagsagot sa mga tanong.
I. Paano naaapektuhan ang pamumuhay ng
mga mga lalawigan ng sinasakop ng mga
kabundukan ng Sierra Madre?
 Halimbawa:
Ang Paete, Laguna ay tanyag sa paglililok
ng mga kahoy mula sa bundok ng Banahaw.
Ang bundok ang pinagkukunan ng punong
kahoy.
1. May mga 1,400 na pamilya
ng mga Agta ang nakatira sa
paanan ng Sierra Madre sa
lalawigan ng Pampanga. Sa
mga kagutan ng Sierra Madre
sila kumukuha ng kanilang
pagkain.
 
2. May industrya ng bawang at
sibuwas sa mga bayan ng
Bogabon, Laur at Rizal sa
lalawigan ng Nueva Ecija sa
paanan ng Sierra Madre. Kung
kaya tinatawag na “onion
capital” ang Bogabon.
3. May isang tribu ng mga Ilongot na
nakatira sa kabundukan ng Sierra
Madre. Hindi sila tumitigil sa isang
lugar ngunit sila ay dumarayo kung
saan sila makakakuha ng makakain ng
kanilang tribu. Ang mga pagkain ay
nakukuha nila sa kagutan kung saan
sila mapadpad. Kadalasan sila ay nasa
bahagi ng Sierra Madre sa pagitan ng
Nueva Ecija at Nueva Vizcaya.

You might also like