You are on page 1of 10

1

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1
Ang Aking Sarili
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Ang Aking Sarili
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Brian E. Ilan EdD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marilyn G. Coronel
Editor: Michael V. Lorenzana
Tagasuri: Michael M. Mercado
Tagaguhit: Mikhail Angelus G. Coronel
Martina Ysabela G. Coronel
Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: John Jesson S. Monserate
Arnold G. Chan
Tagapamahala: Angelita S. Jalimao
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati
(Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin

Magandang araw sa iyo. Sa modyul na ito ay makikilala mo ang iyong sarili.


Kabilang dito ang mahahalagang impormasyon sa iyong sarili. Gayundin ang
mapahalagahan ang sarili. Makikita sa larawan ang mga bata na katulad mo
na buong pagmamalaki na ipinakikilala ang sarili.

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin. Ito ay ang sumusunod:


Aralin 1 – Mga Batayang Impormasyon Tungkol sa Sarili
Aralin 2 – Kahalagahan ng Pagkilala sa Sarili
Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang
makakamit mo ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto
(most essential learning competency - MELC) at mga kaugnay na layunin:
1. Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili (MELC); at
2. Napahahalagahan ang pagkilala sa sarili.

Subukin

Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel.
1. Lahat ng tao, bata man o matanda ay may pangalan. Alam mo ba ang
iyong pangalan?
A. Hindi ko po alam.
B. Opo, alam ko ang aking pangalan.
C. Magpapaturo pa lang po ako sa aking ina.
D. Kailangan ko po na sundan lang ang aking ina.
2. Sina nanay at tatay ay may mga pangalan din, kaya mo bang sabihin ang
kanilang buong pangalan?
A. Hindi ko po alam ang pangalan nila.
B. Opo, nanay at tatay ang pangalan nila.
C. Opo, alam ko po ang buong pangalan nina nanay at
tatay.
D. Mahirap pong matandaan ang pangalan nina nanay at tatay.

1
3. Namasyal kayo sa mall. Hindi mo napansin na napahiwalay ka sa iyong
nanay at tatay. Kaya lumapit ka sa security guard. Ikaw ay tinanong kung
saan ka nakatira. Ano ang iyong sasabihin?
A. Opo, alam ko po ang tirahan ko.
B. Hindi ko po alam ang tirahan ko.
C. Mahirap tandaan ang tirahan ko.
D. Nakakalimutan ko po ang tirahan ko.
4. Tingnan mo ang iyong sarili sa salamin. Kaya mo bang ilarawan ang iyong
sarili?
A. Opo, kaya ko po.
B. Hindi ko po kaya. C. Wala po akong masasabi sa aking sarili.
D. Mahirap ko pong ilarawan ang aking sarili.
5. Ang bawat batang Pilipino ay may katangian na tulad sa
larawan. Ikaw ba ay may katangian?
A. Wala po akong katangian.
B. Opo, ako po ay may katangian.
C. Siguro po, mayroon akong katangian
D. Hindi ko po alam kung may katangian ako.

Modyul
Pagkilala Sa Sarili
1
Sa aralin na ito ay matututuhan mong ipakilala ang iyong sarili. Ito ay sa
pamamagitan ng pagsasabi nang buong husay ng mga batayang
impormasyon. Halimbawa nito ay pangalan, kaarawan, edad, at tirahan.
Gayundin ang pangalan ng magulang, at iba pang pagkakakilanlan bilang
batang Pilipino. Mahalaga na makilala ang iyong sarili nang may pagmamalaki.

Balikan
Marami ka na bang natatandaan tungkol sa iyong sarili? Ano-ano ang
mga natatandaan mo sa iyong sarili? Lagyan ng tsek kung alam mo na.
_____ 1. Ang pangalan
_____ 2. Kasalukuyang edad
_____ 3. Buwan, araw at taon ng kapanganakan
_____ 4. Pangalan ng mga magulang
_____ 5. Kasalukuyang tirahan

Tuklasin
Halika ka, pakinggan mo ang babasahing
tula ng iyong ina o ama.

2
Ako ay Isang Bata

Ako ay batang nagpapakilala


Isang batang may pangalan
Ibinulong ng Diyos sa aking ama at ina
Upang hindi tawagi na Hoy! hoy! hoy! Bata!
Ikaw, ako, lahat tayo may araw ng pagsilang
Sa bawat taon pinaghahandaan ang kaarawan
Aba! Ako pala ay anim na taong gulang na
Sa pasukan ay nasa unang baitang na.
Nasasabik makilala ang bagong kamag-aral
May iba’t ibang katangian ang bawat isa
Pagiging palakaibigan ang isang katangian
Dapat ipagmamalaki ng batang Pilipino.
Tanong:

1. Tungkol saan ang tula?


2. Sa pagpapakilala, ano ang mahahalagang sinasabi ng bata?
3. Bakit nasasabik ang bata sa darating na pasukan?

Suriin
Pagpapakilala sa Sarili
Ang bawat bata ay marunong na ipakilala ang sarili. Dapat na alam ng
bawat bata ang kaniyang buong pangalan, kapanganakan, at

Ako ay si Isabela S. Reyes. Ipinanganak ako noong


Abril 14, 2014. Ako ay anim na taong gulang. Nakatira ako
sa Rosal Street, Rizal, Makati City. Ang aking ina ay si Lita S.
Reyes. Ang aking ama ay si Rowell P. Reyes. Ako ay nag-
aaral sa Rizal Elementary School at nasa unang baitang.

edad. Gayundin ang pangalan ng kaniyang magulang, tirahan at kaniyang


paaralan. Malinaw at may pagmamalaki ang paraan ng pagpapakilala sa sarili.
Pakinggan ang sasabihin sa iyo ng isang batang babae na nagpapakilala.

Pakinggan kung paano magpakilala ang isang batang lalaki.

Martin P. Santos ang pangalan ko. Ako ay anim


na taong gulang. Ang aking kaarawan ay tuwing ika-
12 ng Setyembre. Ang aking mga magulang ay sina
Riza P. Santos at Roman M. Santos. Ako ay
naninirahan sa kalye ng Gumamela, Pembo, Makati
City. Nag-aaral ako sa Pembo Elementary School at
nasa unang baitang.

3
Ang dalawang bata ay nagpakilala sa magkaibang paraan. Nasabi nila
ang mahahalagang impormasyon tungkol sa kanilang sarili. Alamin natin kung
ano-ano ang impormasyon na iyon.

Batayang impormasyon

1. Pangalan Isabela S. Reyes Martin P. Santos


2. Kaarawan Abril 14, 2014 Setyembre 12
3. Edad Anim na taon Anim na taon
4. tirahan Rosal St. Rizal, Makati Kalye Gumamela,
Pembo, Makati
5. Magulang (ina) Lita S. Reyes Riza P. Santos
(ama) Rowell P. Reyes Roman M. Santos
6. Paaralan Rizal Elementary School Pembo Elementary
School

Iba Pang Pagkakakilanlan


Bukod sa mga naunang impormasyon ng pagpapakilala sa sarili, ang iba pang
pagkakakilanlan ay maaaring tumukoy sa pisikal na katangian ng tao. Tingnan ang
talahanayan.

Anyo Alyana Carlo

1. buhok mahaba at maitim kulot at maitim

2. ilong matangos katamtaman ang tangos

3. kulay ng balat maputi kayumanggi

4. labi manipis makapal

5. mata singkit at maitim mabilog at maitim

6. taas katamtaman matangkad

Ang iba pang pagkakakilanlan sa sarili ay makikita Tingnan mo


sa pisikal na katangian ng tao. Halimbawa nito ay kulay ng ang iyong sarili
buhok, mata, ilong, labi, kulay ng balat at taas. sa salamin.
Nagkakaiba-iba ang pisikal na anyo ng mga Pilipino. Ang Ano ang
masasabi mo
karaniwang pisikal na katangian ng mga Pilipino ay tuwid
sa iyong
at itim ang buhok. katamtaman ang tangos ng ilong, kapal sariling anyo?
na labi at laki ng mata. May kulay kayumanggi ang balat
ng mga Pilipino.

Nakikilala rin ang isang bata sa pagtukoy ng kaniyang kakayahan o mga


bagay na maaari niyang gawin. Halimbawa ay pagsayaw, pag-awit, pagguhit,
at pagtugtog ng musika. Naipakikilala rin niya ang sarili tulad ng paglalaro ng
basketball, paglangoy at iba pa.

4
Mga Katangian Bilang Pilipino
Mahalaga na nakikilala ng mga Pilipino ang kanilang sarili. Ito ay sa
pamamagitan ng kanilang mga taglay na katangian. Ilan sa mga katangian ng
mga Pilipino ay pagiging matulungin at masipag sa iba’t ibang gawain.
Naipakikita rin ang mabubuting katangian ng mga Pilipino tulad ng pagiging
magalang sa magulang at nakatatanda at pagiging madasalin. Gayundin ang
pagiging palakaibigan at maalaga sa maysakit.
Ikaw, ano ang
katangian mo
bilang Pilipino?

Kahalagahan ng Pagkilala sa Sarili


Mahalaga sa isang bata na kilala niya ang kaniyang sarili, mula sa
pangalan at mga katangian nito. Dapat na matutuhan ng bata na masabi ang
mga impormasyon na may kinalaman sa kaniyang sarili.

Gayundin ang mga gawain na kaniyang nagagawa. Para sa isang bata,


mahalaga rin ang wastong pag-uugali na inaasahan na gawin. Ito ay patunay
na mahal mo ang iyong sarili. Ikaw ay mahalaga. Bawat bata ay mahalaga.

Pagyamanin

Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Pagkilala Sa Sarili”,


masasagot mo ba ang mga gawain? Simulan mo na.

Gawain 1

Lagyan ng tsek (√) kung tama ang pahayag. Lagyan ng ekis (x) kung
mali ang pahayag.

_____ 1. Sa pagpapakilala na sarili, mahalaga na sinasabi ang buong pangalan.

5
_____ 2. Sinasabi ang pangalan ng kapitbahay sa pagpapakilala.
_____ 3. Binabanggit ang kaarawan, edad at kung saan ka nakatira kung
nagpapakilala.
_____ 4. Maaaring sabihin ang alagang hayop kapag nagpapakilala.
_____ 5. Mahalagang masabi ang anyo at katangian sa pagpapakilala ng sarili.

Gawain 2
Tukuyin ang bilang na nagsasabi ng wastong pagpapakilala sa sarili.

1. Ako si Marta Pinol. Ako


2. Mabuhay! Ako si Jana
ay anim na taong E. Silva. Anim na taong
gulang. Ipinanganak gulang at nag-aaral sa
noong Hunyo 11, 2013 Makati City. Ako ay
nina Minda Pinol at may alagang pusa na
Oliver Pinol. Ako ay mahal ko.
maputi at ang aking
buhok ay maitim. Ako ay
matulunging bata.

Magandang araw! Ako si Eba Alfredo B. Diaz ang aking


L. Rama. Anim na taong pangalan. Ang tawag sa
3. gulang. Anak nina Rosa V. 4.
aking ay Fred. Ako ay
Rama at Luis G. Rama. nakatira sa Santol St.
Isinilang ako noong Marso 3, Cembo, Makati City. Ako
2014. Ang aking mga mata ay nasa Unang Baitang at
ay itim na mabibilog. Maputi pumapasok sa Cembo
ang aking balat. Ako ay Elementary School. Ako
matulunging bata. ay palakaibigang bata.

5. Hello. Ako si Nita R. Ona.


Ako ay may kaibigan na
si Dina I. Tanyag.

6
Isaisip
Kamusta aking mag-aaral. Sagutin ang mga
tanong sa pisara.
Gawain 3

1. Ano ang mga impormasyon na iyong


sinasabi kapag nagpapakilala?
2. Sa anong pagkakataon ka
nagpapakilala ng sarili?
3. Ano ang iyong gagawin kapag
nagpapakilala ng sarili?
4. Bakit mahalaga na ipakilala ang sarili?

Isagawa
Gawain 4

Magpakilala ka sa harap ng iyong magulang. Gamitin ang lahat ng pinag-


aralan sa pagpapakilala ng sarili. Simulan sa pangalan hanggang sa mga
katangian bilang Pilipino.

Isaalang-alang ang mga pamantayan sa pagmamarka ng gawain.


Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Nilalaman ng Kompleto at wasto ang mga
10
Pagpapakilala impormasyon sa pagpapakilala sa sarili.
Paraan ng Pagsabi Malakas at malinaw ang pagsasalita. 10
Kabuuan 20

Tayahin
Maramihang Pagpili. Piliin ang letra ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa
hiwalay na papel.
1. Alin sa sumusunod ang iyong sasabihin kung magpapakilala ng sarili?
A. Pangalan, edad, kaarawan at tirahan
B. Pangalan ng kapitbahay, pangalan ng magulang
C. Pangalan ng alagang hayop, paaralan, pangalan ng magulang
D. Katangian, anyong pisikal, pangalan, tirahan at pangalan ng
kaibigan

7
2. Paano mo ipakikilala ang sarili?
A. Ibubulong ang sasabihin kung nagpapakilala.
B. Isisigaw nang malakas kung nagpapakilala.
C. Magsalita nang mahina kung nagpapakilala.
D. Magsalita nang malinaw at katamtamang lakas ng
boses.
3. Ikaw ay bagong pasok pa lamang sa paaralan. Sinabihan ka na ipakilala
ang sarili. Kanino ka magpapakilala?
A. Sa mga tao na kilala ka na.
B. Sa mga tao na nakasalubong mo.
C. Sa mga bagong kamag-aral at guro.
D. Sa mga guwardiya at mga nagtitinda.
4. Bilang batang Pilipino, lahat ay may katangian at iba pang
pagkakakilanlan. Paano mo sasabihin ang mga ito?
A. Buong pagmamalaki kong sasabihin ang tungkol dito.
B. Ikinahihiya ko ang sabihin ang aking katangian.
C. Hindi ko ito sasabihin sa kanila.
D. Huwag na itong sabihin.
5. Binigyan ka na pagkakataon magpakilala. Alin sa mga
pahayag ng nagsasabi ng wastong pagpapakilala sa sarili?

A. C.
Hello, ako si Gigi Hi, ako si Gigi
Lontok. Anim na
Lontok. Nakatira
diyan sa may taong gulang at
nag-aaral sa
ilog.
Makati City.

B. D.
Ako si Gigi Lontok. Ako ay
anim na taong gulang.
Ako si Gigi Lontok.
Ipinanganak noong Mayo 1,
Ipinanganak noong Mayo
2014 nina Magi Lontok at
1, 2014. Ipinakikilala ko ang
Romel Lontok. Ako ay maputi
aming alagang pusa na si
at ang aking buhok at itim at
Mingming.
kulot. Ako ay magalang na
bata.

Karagdagang Gawain
Gawain 5
Ipakita ang pagpapakilala sa sarili batay sa iyong impormasyon, pisikal na
katangian, o kakayahan sa iyong guro at kamag-aral. Maaaring gawin ito sa
pamamagitan ng pagguhit, pagkuha ng larawan, o video.

You might also like