You are on page 1of 9

7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Ang Likas Na Batas Moral
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Ang Likas Na Batas Moral
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot
ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb CESE, DEM

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Gemma I. Franco, Alma H. Nacional, Jucel L. Nierva
Rosette H. Rivera, Mary Grace S. Talha

Editor: Rozar Ric C. Catabian

Tagasuri: Paolo I. Carvajal

Tagalapat: Diane Marie B. Lavarias

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Narcie Fe M. Solloso
Pandibisyong Tagapag-ugnay/Pandistritong Tagamasid

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

2
Alamin

Binuo at isinulat ang modyul na ito na ikaw, aming minamahal na mag-aaral


ang isinasaalang-alang. Sa modyul na ito, inaasahan namin na matutunan mo nang
may kahusayan na ang Likas na Batas Moral ay natatangi sa tao dahil ito ay
pagtungo sa kabutihan gamit ang kamalayan at kalayaan na tanging tao lamang
ang nagtataglay. Ang pagkakasunod-sunod ng mga aralin sa modyul na ito ay
naaayon sa nakatakdang pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon.

Ang nilalaman ng Modyul na ito ang aralin na:

Ang Likas na Batas Moral

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang maipapamalas mo ang mga


sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa.

1. Nakikilala na natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral dahil ang


pagtungo sa kabutihan ay may kamalayan at kalayaan. Ang unang
prinsipyo nito ay likas sa tao na dapat gawin ang mabuti at iwasan ang
masama.

2. Nailalapat ang wastong paraan upang baguhin ang mga pasya at kilos
na taliwas sa unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral.

Subukin

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na aytem. Piliin sa loob ng kahon ang
tamang kasagutan. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.

__________1. Ito ay ang pakikiisa ng tao sa Walang-hanggang batas ng Diyos.


__________2. Gamit ang ating _____, nauunawaan natin ang mga kondisyon (ng
iyong kasagutan sa #1).
__________3. Ito ay ang dakilang karunungan o katuwiran ng Diyos na nag-uutos
na panatilihan ang likas na kaayusan ng sanilikha at iwasan ang pagkasira nito.
__________4. Ang mga pangunahin at konkretong utos (ng iyong kasagutan sa
#1) ay makikita sa _____.
__________5. Sa tulong (ng iyong kasagutan sa #1), tinutulungan at ginagabayan
nito ang ating _____.

Isip Kilos-loob Konsensiya


People Power Kalayaan Walang-hanggang batas
Likas na Batas Moral Sampung Utos Saligang Batas Kakayahan
Kabutihan Katwiran

1
Modyul
Ang Likas Na Batas Moral
3

Kadalasan sa buhay mo bilang kabataan ay naitatanong mo kung bakit


halos sa lahat ng pagkakataon ay mayroong kang mga alituntunin na kailangang
sundin. Mula sa tahanan, pamayanan hanggang sa paaralan at mayroong
ipinatutupad na alituntunin. Sa mga alituntuning ito, karamihan ay nakasulat
o naka-lathala. Subalit mayroon ring hindi nasusulat subalit ito ay patuloy na
ipinaalalang sundin. Mayroon ka bang natatandaan na ganitong mga
alituntunin? Alin ang mas higit na madaling sundin, ang nakasulat o ang hindi?
Dahil ba hindi nakasulat, ibig sabihin nito ay hindi ito mahalaga?

Halina at ipagpatuloy natin ang ating paglalakbay patungo sa patuloy na


pagtuklas sa pagiging katangi-tanging nilalang.

Balikan

Panuto: Punan ang graphic organizer gamit ang mga gabay na tanong sa ibaba.

1. _ 2. _
1. __________ 2. _________________________________ 1. __________
_ _
_
_

Gabay na tanong:

1. Ano-ano ang nagpapabukod-tangi sa tao?

2. Ano ang kaugnayan ng dalawang ito?

Mga Tala para sa Guro

Ipaalala sa mga mag-aaral na mahalagang basahing mabuti


ang mga panuto sa bawat gawain. Ipaunawa na gumamit
ng activity sheet na kalakip ng modyul sa pagsagot sa mga
pagsasanay at gawain sa modyul.

2
Tuklasin

Panuto: Basahin ang sitwasyon at sagutan ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang
sagot sa iyong kuwaderno o notebook.

Sitwasyon:

Niyaya ka ng iyong kaibigan na lumabas ng bahay upang maglaro kasama


ang iba pa ninyong kaibigan sa komunidad. Hindi lingid sa iyong kaalaman na
mahigpit itong ipinagbabawal ng pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat ng
COVID-19. Matagal-tagal ka na ring hindi nakalalabas nang bahay upang
maglaro.

1. Ano ang gagawin mo? Pangatwiranan.

2. Ano ang naging batayan mo ng iyong gagawing kilos?

Suriin

Sapagka't kung ang mga Gentil na walang kautusan sa katutubo, ay


nagsisigawa ng mga bagay ng kautusan, ang mga ito, na walang kautusan, ay
siyang kautusan sa kanilang sarili

Romano 2:14

“When freedom does not have a purpose, when it does not wish to know
anything about the rule of engraved in the hearts of men and women,
when it does not listen to the voice of conscience, it turns against humanity
and society.”

St. Pope John Paul II

Sa mga nakaraang aralin, malimit ang ating pagtalakay sa isip at kilos-


loob bilang nagpapabukod-tangi sa atin sa iba pang nilikha. Sa pagkakataong
ito, higit nating mauunawaan kung paanong gamit ang ating isip at kilos-loob
ay mayroon tayong kakayahang makamit ang ating kaganapan sa pamamagitan
ng pagsunod sa kalooban ng Diyos na nakapaloob sa Likas na Batas Moral na
itinanim Niya sa bawat tao1.

Ang Likas na Batas Moral ay ang “pakikiisa nang tao sa Walang-hanggang


batas ng Diyos”2. Ang Walang-hanggang batas ng Diyos (Eternal Law) ay ang

1
Pontifical Council for Justice and Peace. 2004. Compendium of the Social Doctrine of the Church. Makati: CBCP & Word & Life
Publications. p.85
2
Agapay, Ramon B., Ethics and the Filipino. (National Bookstore., 2008) p.79

3
dakilang karunungan o katwiran ng Diyos na nag-uutos na panatilihan ang likas
na kaayusan ng sanilikha at iwasan ang pagkasira nito 3. Subalit paano nga ba
tayo nakikiisa rito? Gamit ang ating isip, nauunawaan natin ang mga kondisyon
nito. Ito rin ang dahilan kung bakit tinatawag na Likas na Batas Moral-likas
sapagkat ang batas na ito ay ating nauunawaan sa likas na pamamaraan at
angkop sa tao4. Sa pamamagitan nito, mayroong kakahayan ang tao, gamit ang
isip, na gawin ang mabuti at iwasan ang masama5 na siyang nakakapagbukod-
tangi ng tao sa iba pang nilalang. Kaya nga ang tao ay tinatawag na natatanging
moral na nilalang6 dahil mayroong kakayahan ang tao upang malaman ang
kalikasan ng kilos at ang magiging pananagutan niya sa kilos na kanyang
piniling isakatuparan.

Ang mga pangunahin at konkretong utos ng Likas na Batas Moral ay


makikita sa Sampung Utos7 na nagpapakita ng mga una at mahalagang
pamantayan na nagsasaayos sa moral na pamumuhay 8. Ang unang tatlong utos
ay tumutukoy sa pagsamba at pag-ibig sa Diyos,9 na siyang bukal ng
pinakamataas na katotohanan at kabutihan, na ating binanggit sa unang
modyul. Ang mga sumunod na utos naman (4-10) ay tumutukoy sa pag-ibig sa
kapwa tulad ng sa sarili, mula sa ating mga magulang at awtoridad (Paggalang
sa Magulang), ang hindi paggawa ng nakasasama sa sarili at sa kapwa (Huwag
Papatay), ang pagbabawal sa kilos na taliwas sa wastong kaparaanan ng
paglalang at pagbibigay buhay (Huwag Makikiapid), ang paggalang sa ari-arian
ng kapwa (Huwag Magnanakaw), ang pagsasabi ng katotohanan (Huwag Sasaksi
ng mali laban sa kapwa) at ang pagpapanatili ng malinis na pagiisip at hangarin
(Huwag Pagnasaan ang Ari-arian at Asawa ng Kapwa)10. Ang lahat ng ito, kung
ating isasaisip, isasapuso at isasagawa, anuman ang ating relihiyon, kulay, lahi
at antas sa buhay, ang pag-ibig sa Diyos ng higit sa lahat at gayundin sa ating
kapwa, ay nagpapahayag nang dignidad nating mga tao at naglalatag nang
pundasyon ng mga pangunahing tungkulin 11 na kinakailangan nating
gampanan upang makamit ang ating kaganapan at gayundin ang Kabutihang
Panlahat ng lipunan na ating ginagalawan.

Panghuli, sa tulong ng Likas na Batas Moral, tinutulungan at ginagabayan


nito ang ating kalayaan12 upang patuloy na piliin ang mabuti, hindi dahil sa takot
o pamimilit kundi ito ang ninanais o niloloob natin bilang mga wangis at

3
ibid
4
Pontifical Council for Justice and Peace. 2004. Compendium of the Social Doctrine of the Church. Makati: CBCP & Word & Life
Publications. p.85
5
ibid
6
Babor, Eddie R., Ethics The Philosphical Discipline of Action. (Rex Bookstore, Inc., 2006). p.11
7
Exodo 20:2-14; Deuteronomio 5:6-17
8
Pontifical Council for Justice and Peace. 2004. Compendium of the Social Doctrine of the Church. Makati: CBCP & Word & Life
Publications. p.85
9
De Torre, Joseph M., Christian Philosophy. (Sinag-Tala Publishers., 1980) p. 229
10
Ibid
11
Pontifical Council for Justice and Peace. 2004. Compendium of the Social Doctrine of the Church. Makati: CBCP & Word & Life
Publications. p.85
12
De Torre, Joseph M., Christian Philosophy. (Sinag-Tala Publishers., 1980) p. 227-228

4
larawan ng Diyos. Ang kakayahang pumili sa mabuti at naaayon sa katwiran
ng mayroong kalayaan ang isa pang dahilan kung bakit natatangi ang tao13.

Pagyamanin

Panuto: Gamit ang link sa ibaba, pagyamanin mo pa ang iyong pagkaunawa sa


Likas na Batas Moral. Maaari mo ring i-click ang kulay bughaw na button.

https://www.youtube.com/watch?v=7kX1bR0-9PA

Isaisip

Panuto: Matapos mo mapanood ang video, sagutin ang mga sumusunod na


katanungan. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno o notebook.

1. Mayroon bang kakayahan ang tao upang maunawaan at makita sa pang-


araw-araw na buhay ang Likas na Batas Moral? Pangatwiranan.

2. Paanong ang Likas na Batas Moral ay tinatawag na likas? Pangatwiranan.

3. Anong mga instincts ang mayroon ang tao at iba pang nilikha? Anong mga
instincts ang natatangi lamang sa tao?

Isagawa

Panuto: Tukuyin ang mga gawaing taliwas sa Likas na Batas Moral at anong
mga pamamaraan ang maaari mong gawin upang maiwasto ang mga ito.
Magbigay na tig-tatlong paraan upang maiwasto ang mga taliwas na gawain.
Gawin ito sa pamamagitan ng pagbuo sa table.

Utos Mga Taliwas na Gawain MgaParaanupang


Maiwasto
1. Pag-ibig sa Diyos sa 1.
pamamagitan ng 2.
pagsamba at paggalang 3.
sa Kaniyang pangalan at
natatanging araw
2. Paggalang sa mga 1.
Magulang at Awtoridad 2.

13
Babor, Eddie R., Ethics The Philosphical Discipline of Action. (Rex Bookstore, Inc., 2006). p.11

5
3.
3. Paggalang sa Buhay 1.
2.
3.
4. Paggalang sa 1.
Sekswalidad/Pamilya 2.
3.
5. Paggalang sa Ari-arian 1.
ng Iba 2.
3.
6. Paggalang sa 1.
Katotohanan 2.
3.
7. Paggalang sa Malinis 1.
na Pag-iisip at Kalooban 2.
3.

Tayahin

Panuto: Isulat ang TAMA o MALI kung ito ang ipinahahayag ng pangungusap.

Isulat sa nakalaang patlang ang tamang sagot.

______1. Sinasabing likas ang Likas na Batas Moral sapagkat ang batas na ito
ay ating nauunawaan sa pamamagitan ng isip.

______2. Ang likas na batas moral at ang walang hanggang batas ay iisa.

______3. Ang Likas na Batas Moral ay tumutukoy sa pakikiisa nang tao sa


Walang-hanggang batas ng Diyos.

______4. Tanging sa pagkamit nang kaganapan ng tao nakatutulong ang


pagsunod sa Likas na Batas Moral.

______5. Tinutulungan at ginagabayan nang Likas na Batas Moral ang ating


kalayaan upang patuloy na piliin ang mabuti, hindi dahil sa takot o pamimilit
kundi ito ang ninanais o niloloob natin bilang mga wangis at larawan ng Diyos.

6
7

You might also like