You are on page 1of 7

1

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 9


Activity Sheet No. 6.3
First Edition, 2020

Published in the Philippines


By the Department of Education
Region 6 – Western Visayas

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work
of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or
office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.
Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of
royalties.

This Learning Activity Sheet is developed by DepEd Region 6 – Western Visayas.


ALL RIGHTS RESERVED. No part of this learning resource may be reproduced or
transmitted in any form or by any means electronic or mechanical without written permission
from the DepEd Regional Office 6 – Western Visayas.

Development Team of EsP Activity Sheet

Writer/s: Divine Grace Marie S. Rosos

Illustrator/s: Eldiardo E. de la Peña

Layout Artist/s: Antonio O. Rebutada

Schools Division Quality Assurance Team:


Claudia T. Villaran
Gethel A. De Guzman
Jona S. Demaraye
Marineth I. Villena
Division of Escalante City Management Team:
Clarissa G. Zamora, CESO VI
Ermi V. Miranda, PhD
Ivy Joy A. Torres, PhD
Jason R. Alpay
Alma C. Sinining
Regional Management Team
Ma. Gemma M. Ledesma,
Dr. Josilyn S. Solana,
Dr. Elena P. Gonzaga,
Mr. Donald T. Genine
Mirriam T. Lima

2
Introductory Message

MABUHAY!

Ang EsP 9 Learning Acivity Sheets na ito ay nabuo sa pamamagitan ng


sama-samang pagtutulungan ng Sangay ng Lungsod ng Bacolod sa
pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6- Kanlurang Visayas at
sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Management Division. Inihanda
ito upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-
aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K
to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang mga mag-aaral na mapagtagumpayan


nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang
kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap
na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang
kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning Facilitator:

Ang EsP 9 Learning Acivity Sheet na ito ay binuo upang matugunan ang
pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang
kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang
bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.

Para sa mga mag-aaral:

Ang EsP 9 Learning Acitivity Sheet na ito ay binuo upang matulungan ka,
na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit wala ka ngayon sa iyong paaralan,
pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at
makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang
mga panuto nga bawat gawain.

3
Learning Activity Sheets
Pangalan ng Mag-aaral:
Grado at Pangkat:
Petsa:

GAWAING PAMPAGKATUTO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL

KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA

• Nahihinuha na ang pagsunod sa batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral


(Natural Law), gumagarantiya sa pagtugon sa pangangailangan ng tao at
umaayon sa dignidad ng tao at sa kung ano ang hinihingi ng tamang katwiran,
ay mahalaga upang makamit ang kabutihang panlahat. (Week 4a/ EsP9TT-
Ild-6.3)

PANIMULA

Paano ko nalaman kung ano ang mabuti at ano ang masama? Itinuturo
ito sa atin ng ating mga magulang. Nakuha natin sa mga kapitbahay,
napanood sa telebisyon, nabasa o narinig. Ang nakamamangha rito ay sa
dami ng ating narinig o nalaman, may maliit na tinig pa rin ng kasiguraduhan
sa ating loob na nagsasabi sa atin kung ano ang mabuti.
Noong nakaraang aralin, natutukoy ninyo ang mga “utos” o “batas” na
umiiral sa loob ng tahanan na ipinapapatupad ng mga magulang. Sila ang
nagsisilbing gabay upang mamuhay nang maayos ang mga anak sa loob at
labas ng tahanan. Ipinapakita ang pagkapantay-pantay, pagmamahalan,
paggalang at pagtutulungan sa isa’t isa.
Sa lipunang ating ginagalawan, ay may namumuno sa atin. Ang
gobyerno ang nagpapatupad ng mga batas o ordinansa na umiiral upang
maging matiwasay ang ating pamumuhay at maging mapabuti ang
pakikitungo natin sa ating kapuwa.

Ang mga sumusunod ay iilan sa mga Batas at Alituntunin sa Paaralan:


1. Pagsuot ng wasto at disenteng kasuotan
2. Pagrespeto sa mga bagay na pag-aari ng iba at ng paaralan
3. Pigilin ang sarili laban sa mga marahas na gawain tulad ng pakikipaglaban
sa kapwa, kaguluhan, pambubulas, atbp.

4
4. Paunlarin ang mapayapa at maayos na kapaligiran
5. Regular na pagdalo at aktibong pakikilahok sa klase

MGA SANGGUNIAN

1. Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Batayang Aklat ng mag-aaral, pp. 65-78.


2. Student’s Handbook
3. https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2012/05/DO_s2012_40.pdf

MGA GAWAIN

A. Mga Panuto Batay sa Sanggunian


Basahin ang sumusunod na mga Sanggunian:
1. Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Batayang Aklat ng mag-aaral, p. 71.
2. Student’s Handbook
3. https://www.deped.gov.ph/wp-
content/uploads/2012/05/DO_s2012_40.pdf

B. Pagsasanay/Aktibidad

Gawain: ANG MAPANAGUTANG KABATAAN!


Panuto:
1. Unawaing mabuti ang mga batas sa ibaba.
2. Lagyan ng tsek () ang tsart kung ang batas ay gumagarantiya
sa pagtugon ng pangangailangan ng tao, umaayon sa dignidad
ng tao, at makatwiran para sa tao at ekis () naman kung hindi.

Batas na nakabatay Gumagarantiya sa Umaayon sa Makatwiran para


sa Likas na Batas pagtugon ng dignidad ng tao sa tao
Moral pangangailangan ng
tao.
1. Pagsuot ng wasto
at disenteng
kasuotan
2. Pagrespeto sa
mga bagay na pag-
aari ng iba at ng
paaralan

5
3. Pigilin ang sarili
laban sa mga
marahas na gawain
tulad ng
pakikipaglaban sa
kapwa, kaguluhan,
pambubulas, atbp.
4. Paunlarin ang
mapayapa at
maayos na
kapaligiran.
5. Regular na
pagdalo at aktibong
pakikilahok sa klase.

C. Mga Batayang Tanong

1. Ano ang epekto kapag hindi sinusunod ang mga batas na pinaiiral sa ating
paaralan?
2. Bakit mahalagang sundin ang mga batas na nakabatay sa Likas na Batas
Moral? Ilarawan ang kabutihang dulot nito para sa lahat.
3. Bilang isang mapanagutang kabataan, paano ka makatutulong na
a. maipaglaban ang karapatan ng mga inaapi?
b. mapaunlad ang isang matiwasay at mapayapang pamayanan?

D. Batayan sa pagbibigay ng iskor sa Rubrik

15 10 5
Pagkakabuo Angkop at wasto May ilang Walang
ang mga salitang salitang kaugnayan at
ginamit sa ginamit na hindi wasto ang
pagbubuo hindi angkop mga salitang
at wasto ginamit
Nilalaman Mabisang Hindi Hindi
naipahayag ang gaanong naipahayag
mensahe naipahayag nang mabisa
ng mabisa ang nilalaman
ang mensahe ng mensahe

6
7
C. Mga Batayang Tanong
1. Posibleng magkakaroon ng hindi pagkauunawaan sa kapwa. Hindi mabigyan ng halaga ang paggalang sa karapatang-pantao
na magdudulot ng karahasan at kaguluhan.
2. Mahalagang sundin ang mga batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral sapagkat ito’y gumagarantiya sa pagtugon sa
pangangailangan ng tao at umaayon sa dignidad
ng tao at sa kung ano ang hinihingi ng tamang katwiran. Ito ay makatutulong upang makamit ang kabutihang panlahat.
3. Bilang isang mapanagutang kabataan, makatutulong ako na:
a. maipaglaban ang karapatan ng mga inaapi sa pamamagitan ng pagsumbong sa kinauukulan, upang mabigyan sila ng
karampatang tulong at katarungan.
b. mapaunlad ang isang matiwasay at mapayapang pamayanan sa pagsunod ng mga batas ayon sa Likas na Batas Moral na
pinaiiral sa ating lipunan.
SUSI SA PAGWAWASTO
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Bilang mag-aaral, mahalaga ba para sa iyo ang paksang-araling ito? Bakit?
REPLEKSIYON

You might also like