You are on page 1of 6

8

Edukasyon sa Pagpapakatao
Gawaing Pampagkatuto
Ikatlong Markahan – MELC 5

Pagsunod at Paggalang sa
mga Magulang, Nakatatanda,
at may Awtoridad

REGION VI – WESTERN VISAYAS


Gawaing Pampagkatuto

Pangalan ng Mag-aaral:___________________________ Grado________________


Seksiyon:_____________________________________ Petsa: ______________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATO 8

Pagsunod at Paggalang sa mga Magulang, Nakatatanda, at may Awtoridad

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nakikilala ang:
a. mga paraan ng pagpapakita ng paggalang na ginagabayan ng
katarungan at pagmamahal
b. bunga ng hindi pagpapamalas ng pagsunod at paggalang sa
magulang,nakatatanda at may awtoridad (EsP8PBIIIc-10.1)

II. Panimula (Susing Konsepto)


Paano nga ba maipapamalas ang paggalang sa mga magulang,
nakatatanda at sa mga taong nasa awtoridad? Ang simpleng pagsabi ba ng
“po” at “opo” ay sapat na para maipakita ang paggalang? Bakit nga ba
kailangan ang paggalang?

“Tatayo kayo kapag may kaharap na matanda. Igalang ninyo sila at


matakot kayo sa Diyos. Ako si Yahweh,”( Sa bibliya: Levitico 19:32). Sa
ngayong panahon, nakakalungkot isipin na may ibang mga kabataan na hindi
na kakikitaan ng paggalang sa kanilang mga magulang at sa ibang tao. Ilan
sa mga ipinapakita ay ang pagsagot nang pabalang, hindi tumutugon sa mga
utos o tagubilin, walang pagsasaalang-alang sa kung ano ang
mararamdaman ng iba. Kusang maipapamalas ang paggalang kung may
tunay at wagas na pagmamahal na pumapagitna sa mga tao. Dapat nating
isaisip na kung walang pagmamahal, mahirap maisabuhay ang paggalang.

Ang pagkilala sa halaga ng tao o bagay ang makapagpapatibay sa


kahalagahan ng paggalang. Nagsisimula sa pamilya ang kakayahang
kumilala sa pagpapahalaga.

Mga Sanggunian

Edukasyon sa Pagpakatao 8
Modyul para sa Mag-aaral ,pahina 256-266.

Regina Mignon C. Bognot, Romualdes R. Comia, Sheryll T. Gayola, Marie


Aiellen S. Lagarde, Marivic R. Leaño, Eugenia C. Martin, Marie Ann M.
Ong, at Rheamay T. Paras
MELC p. 107
III-Mga Pagsasanay

Pagsasanay 1

Tunghayan ang iba’t ibang sitwasyon sa ibaba. Tukuyin at ilapat sa


kasunod na hanay ang nararapat na gamiting paraan para maipakita ang
paggalang na ginagabayan ng katarungan at pagmamahal. Isulat naman sa
huling hanay ang magiging bunga kung hindi maipapamalas ang pagsunod at
paggalang sa mga magulang, nakatatanda at awtoridad.

Sitwasyon Paraan na nagpapakita Bunga kung hindi


ng paggalang na naipamalas ang
ginagabayan ng pagsunod at paggalang
katarungan at sa magulang,
pagmamahal nakakatanda at
awtoridad
1. Aalis ng bahay para
tumambay kasama ang
mga barkada kahit may
pinapatupad na curfew ang
mga opisyal ng barangay.

2. Nakita mo na ang
nakakatandang kapatid mo
ay minumura at minamaliit
ng kapwa nya mag-aaral.

3. Ang kapitbahay mong


hindi sumusunod sa
“health and safety
protocols” na pinapatupad
ng pinuno ng Rural Health
Unit ng bayan ngayong
may Covid 19 pandemic.

4. Sinasagot ng kapatid
mo ang inyong mga
magulang gamit ang mga
masasakit na salita.

5. Pagpasa ng iyong kuya


ng kanyang mga sagot sa
modyul sa di-tamang oras.

Pagsasanay 2: Ikaw Naman!


Panuto: Punan ang mga sumusunod na hanay.
1. Gamit ang talaan, isulat ang dalawang bagay na mabuting ipinag-
uutos ng iyong magulang, nakatatanda, at awtoridad.
2. Batay sa mga utos na sinulat, ano sa palagay mo ang mga paraan na
dapat gawin upang maipakita ang paggalang at pagmamahal sa mga
taong nabanggit?
3. Isulat kung ano ang magiging bunga kapag ang mga mabuting utos ay
hindi sinunod.

1 2 3

Utos na ipinapasunod Paraan kung paano Bunga kung hindi


ng Magulang sundin ang utos na sinunod ang
1 1
may paggalang at mabuting pinag-uutos
1
pagmamahal ng magulang
2 2 2

Utos na ipinapasunod Paraan kung paano Bunga kung hindi


ng mga Nakatatanda sundin ang utos na sinunod ang
1 1
may paggalang at 1
mabuting pinag-uutos
pagmamahal ng nakatatanda
2 2 2

Utos na ipinapasunod Paraan kung paano


ng mga awtoridad sundin ang utos na Bunga kung hindi
1 1
may paggalang at sinunod1 ang
pagmamahal mabuting pinag-
2 2 uutos ng 2awtoridad

Patnubay na mga Tanong:


1. Ano ang iyong natutunan sa ginawang gawain?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Ano/sino ang mga hadlang kung bakit hindi nasusunod ang mga ipinag-uutos
ng magulang, nakatatanda at awtoridad?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Mahalaga ba na dapat sundin ang magulang? nakatatanda? at may


awtoridad? Palawakin ang iyong kasagutan.

________________________________________________________________

Rubrik para sa pagbibigay ng puntos sa mga sagot.

15 10 5
Pagkakabuo Angkop at wasto May ilang salitang Walang kaugnayan
ang mga salitang ginamit na hindi at hindi wasto ang
ginamit sa angkop at wasto mga salitang
pagbubuo. ginamit
Nilalaman Mabisang Hindi gaanong Hindi naipahayag
naipahayag ang naipahayag nang nang mabisa ang
mensahe mabisa ang nilalaman ng
mensahe mensahe

III.Repleksyon

Isabuhay natin ang paggalang sa kapwa , ito’y nagpapakita na


pinapahalagahan natin ang pagiging makatarungan at mapagmahal sa ating
kapwa.
Sa isang buong “bond paper”, gumawa ng “islogan o gumuhit ng poster”
na naghihikayat sa kapwa kabataan sa pagsunod at paggalang sa mga
magulang, nakatatanda at awtoridad.

Pamantayan Puntos
Pagiging orihinal at malikhain 35%
Naipapakita ang panghihikayat 45%
Pagpasa sa takdang oras 20%
Kabuuan 100%

III. Susi sa Pagwawasto

Depende sa sagot ng mga mag-aaral.

You might also like