You are on page 1of 20

Aralin 12: Paggalang,

Palaganapin Natin
Mahalagang Kaisipan:
Ang paggalang ay ang pagbibigay ng nararapat
na pagkilala at pagpapahalaga sa mga taong
nakatatanda at mga taong may awtoridad sa
atin.
May kasabihan tayong mga Pilipino na
ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay
hindi makararating sa paroroonan.
Bagama’t ukol sa pagtanaw ng utang na
loob ang pangunahing mensahe nito, hindi
maikkailang kaakibat tuwina sa
kasabihang ito ang ugnayang pampamilya
partikular ang paggalang sa mga
magulang at nakatatanda.
Mahalagang bahagi ng ating pagka-Pilipino ang
pagsasabuhay ng paggalang. Una natin itong
natutuhan sa pamilya at dito rin natin ito unang
isinasabuhay. Ang paggalang na itinuro sa
pamilya ay nagagamit kapag tayo ay lumalabas
na at nakikihalubilo sa ating kapuwa. Sa
paggalang nakasalalay ang maayos na ugnayang
pampamilya at pangkapuwa. Ang paglalakip ng
mga katagang po at opo, at pagmamano ay ilan
lamang sa mga panlabas na manipestasyon ng
ating paggalang.
Lumalawak ang ating paglalapat ng paggalang
habang lumalawak ang saklaw ng ating
pakikipagkapuwa. Kadalasan, ang paaralan ang
pangalawang lugar kung saan nabibigyang-diin pa
at pinauunlad ang konsepto ng paggalang sa
pamamagitan ng pagsunod sa guro at pamantayan
at tuntunin sa paaralan.
Maging sa pagtatrabaho ay mahalaga ang
pagsasabuhay ng paggalang tungo sa maayos na
daloy ng mga gawain at sa ugnayan ng pinuno at
pinamumunuan.
Ang paggalang sa batas at sa mga itinalagang
awtoridad na nagsasakatuparan nito ay mahalaga
upang magawa nila ang kanilang tungkulin nang
maaayos at payapa para na rin sa kabutihang
panlahat.
Ang paggalang ay isang likas na pagpapahalaga para
sa mga Pilipino. Walang taong isinilang na magalang
na. Ito ay itinuturo sa murang edad pa lamg at
patuloy na pinayayabong habag siya ay tumatanda.
Hapag bata pa, ang unang anyo ng paggalang na
itinuturo ay ang paggamit ng po at opo sa
pagsasalita lalo na kung ang kausap ay nakatatanda.
Sa pamilya ito unang natututuhan at ang
mga magulang ang unang tagapagturo nito.
Kasabay ng pagkatuto ng batang magsalita
itinuturo rin ang mga katagang po at opo.
Nasa buong tiyagang paggabay ng mga
magulang ang ikinasasanay ng bibig ng anak
sa paggalang.
May tula nga sa elementaarya na itinuturo
ng mga mmag-aaral sa unang baitang:
“Ang po at Opo”
Ang bilin sa akin ng ama’t ina ko
Maging magalangin, mamumupo ako
Sa lahat ng oras, sa lahat ng dako.
Kapag ang kausap ko’y matanda sa akin
Na dapat igalang at dapat na sundin
Masisiyahan ako na bigka-bigkasin
Ang po at opo nang buong giliw.
Makikita sa tula ang pagsisikap na maikintal
sa murang kaisipan ng mga mag-aaral ang
kahalagahyan ng paggalang sa pananalita.
Habang lumalaki at tumatanda ang bata,
nadagdagan din ang lawak at uri ng
paggalang na nararapat niyang taglayin,
isabuhay at paunlarin. Nariyan ang mga anyo
ng paggalang sa pagkilos, sa pagpapahayag,
sa pagsunod, sa pagiging makatarungan at
makatuwiran.
Sa tahanan unang natutuhan ng bata na sundin ang
kaniyang mga magulang. Sa kultura nating mga
Pilipino, malinaw na makikita ang paggalang sa
pananalita pa lamang. Kapag narinig mo ang dalawang
taong nag-uusap, madaling malaman kahit hindi mo
nakikita, kung sino ang bata at sino ang mas matanda
sa pamamagitan ng pakikinig sa kanilang usapan.
Kapag ang isa ay gumagamit ng po at opo, tiyak ang
usapan nito ay nakakatanda sa kaniya. Kung hindi
naman magkakilala ang nag-uusap, ginagamit din natin
ang mga panghalip panao na atin, natin, ninyo, kayo
at sila upang ipakita ang ating paggalang.
Sa kilos ay may kaakibat ding paggalang tulad ng
pagmamano, pag-aangat o pag-aaalis ng sombrero
kasabay n pagyukod nang marahan ng mga
kalalakihan bilang tanda ng paggalang sa
kababaihan o sa nakatatanda. Pagkatok sa pinto at
pagsasabi ng “tao po’’ kung pupunta sa isang
bahay, pagbati ng magandang umaga o magandang
araw, magandang tanghali, magandang hapon o
magandang gabi, pag-alis ng panyapak kapag
papasok sa ibang bahay. Pananahimik kung
pinagsasabihan ng magulang o ng isang nakatataas
ang katungkulan.
Kapag nasa paaralan, itinuturo ang anyo ng
paggalang sa mga panuntunan at patakaran ng
paaaralan. Isang halimbawa ay ang pagbibigay-galang
sa watawat at Pambasang Awit. Katunayan, may
nararapat na kilos kapag isinasagawa ito, ang paghinto
at pagtayo ng matuwid habang umaawit habang ang
kanang kamay ay nasa kaliwang dibdib.
Isa sa mahalagang pundasyon nang maayos na
ugnayan sa loob man o labas ng pamilya ang paggalang.
Pananagutan ng bawat magulang bilang tagapaghubog
ng mabuting asal na ituro ito sa kanilang mga anak.
Si Confucious, ang pinakadakilang Pilosopong Intsik
ang lumikha ng balangkas na nauukol sa limang
mahalagang ugnayan na siyang susi sa pagkakaroon
ng maayos at matiwasay ng lipunan. Ang pag-iral ng
paggalang sa mga ugnayang ito ay lubhang mahalaga.
Ugnayan sa pagitan ng:
1. Pinuno sa pinamumunuan
2. Ama sa anak na lalaki
3. Asawang lalaki sa asawang babae
4. Nakatatandang kapatid sa nakababatang kapatid
5. Kaibigan sa kaibigan
Mahalagang salik sa ugnayang ito ang
pagsunod at paggalang sa mga itinalagang
awtoridad, likas man o itinalaga ng
lipunan. Sinasabi niyang kung matutuhan
ng anak na gumalang sa magulang, saan
man siya pumunta, sa paaralan, simbahan,
pamahalaan at sa lipunan, dadalhin niya sa
kaniyang pagkatao ang natutuhang
paggalang.
Hindi na mahihirapan ang guro na ituro sa
kaniya ang paggalang dahil naikintal na ito sa
kaniya sa loob ng tahanan. Kung ang isang taong
nagtatrabaho na taglay ang paggalang ay hindi
na rin mahihirapan pang sumunod sa kaniyang
mga pinuno. Sa huli, makikinabang din ang
lipunan dito dahil sa magiging maayos ang daloy
ng ugnayang pampamahalaan at mamamayan dahil
sa mga paggalang ang mga mamamayan sa batas
at sa karapatang pantao ng iba.
Masasabi nating mataas na ang antas ng paggalang
ng isang tao kung ginagawa niya ito bunsod ng
pagmamahal at pagiging makatarungan.
Magagawa ito kung laging isasaisip ang ginintuang aral
na:
“Ang masama sa iyo, huwag mong gagawin sa kapuwa
mo” Ang paggalang ng anak sa kaniyang magulang ay
nararapat na bunsod ng kaniyang pagmamahal sa mga
ito bilang mga natural na itinalagang awtoridad ng
Diyos dito sa lupa na siyang mag-aaruga, magmamahal
at huhubog sa kaniyang pagiging mabuting tao.
Ang paggalang sa matatanda ay nararapat ding
ginagawa bunsod ng ating pagmammahal sa kanila
at sa mga naiambag nila sa lipunan noong kanilang
kabataan. Ang kanilang mga hindi matatawarang
kaalaman at karunungang dulot ng mahabang
karanasan sa buhay ay nararapat pakinggan at
pahalagahan.
Ang paggalang sa awtoridad ay nararapat na
isinasabuhay bunsod ng pagbibigay katarungan natin
sa kanila. Ang pagbibigay ng nararapat sa isang
tao ay katarungan.
Kung gayon, kapag ang kaharap natin ay isang may
awtoridad na itinalaga upang magpatupad ng batas
para sa kaayusan at para sa kabutihang panlahat,
marapat lamang na na ibigay ang tamang pagsunod
at pagrespeto sa kanila bilang itinalagang
mangangalaga sa kabutihang panlahat.
Ang paggalang ay pagbibigay halaga sa dignidad
ng tao. Kapag pinaiiral natin ang paggalang,
kinikilala natin na ang ating kapuwa ay may taglay
ding maniniwala, pananaw at paninindigan na dapat
bigyang halaga
“Hindi tayo laging bata.Darating ang
panahong tayo naman ang matanda, kaya
dapat na paggalang ay ibigay sa magulang
at nakatatanda upang kapag tayo’y
matanda na ay maramdaman din natin ang
naramdaman nila.”
Sagutin ang mga Katanungan:
Bakit mahalagang ibigay ang kaukulang paggalang sa
iyong mga magulang? Sa mga nakatatanda? Sa mga
itinalagang awtoridad sa lipunan?
Ano ang pagtingin mo sa mga taong hindi marunong
gumalang?
Ano ang epektong idudulot sa pamilya kung hindi
igagalang ng mga anak ang kanilang mga magulang?
Ano ang epektong idudulot sa lipunan kung hindi
igagalang ng mga mamamayan ang mga itinalagang
awtoridad?

You might also like