You are on page 1of 22

8

Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan-Modyul 3

Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng


Edukasyon, Paggabay sa Pagpapasya, at
Paghubog ng Pananampalataya
Edukasyon sa Pagpapakatao– Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon,
Paggabay sa Pagpapasya at Paghubog ng Pananampalataya.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Maricel C. Dano
Editor: Albert R. Antipuesto
Tagasuri: Vicentina B. Acuña
Tagaguhit: Maricel C. Dano, Leah F. Cabaya, Cherie Mae V. Hermoso
Tagalapat: Albert R. Antipuesto
Tagadesinyo ng Takip-Sining: Reggie D. Galindez
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV- Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V-Assistant Regional Director
Omar A. Obas,CESO V-Schools Division Superintendent
Jasmin P. Isla-Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera- Chief, CLMD
Arturo P. Tingson Jr.-REPS,LRMS
Peter Van C. Ang-ug - REPS,ADM
Cynthia Diaz - REPS, Subject Area Supervisor
Meilrose B. Peralta,Ed.D. – CID Chief
Hazel G. Aparece, Ed.D.-Division EPS In-Charge of LRMS
Antonio R. Pasigado Jr.- Division ADM Coordinator
Vicetina B. Acuña- Division Subject Area Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon- Rehiyon ng SOCCSKSARGEN

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XII


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
8
Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan-Modyul 2

Ang Misyon ng Pamilya sa


Pagbibigay ng Edukasyon,
Paggabay sa Pagpapasya, at
Paghubog ng Pananampalataya
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Misyon ng Pamilya sa
Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay sa Pagpapasya, at Paghubog ng
Pananampalataya.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng
Edukasyon, Paggabay sa Pagpapasya at Paghubog ng Pananampalataya.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Bago pa man tayo magsisimula narito ang mga pamantayan na dapat nating
isaalang-alang.

Pagtatakda ng Pamantayan

✓ Ihanda ang sarili sa panibagong kaalaman.

✓ Iwasan ang anumang balakid na makahahadlang sa pag-aaral


gaya ng gadgets

✓ Sundin ang lahat ng mga gabay sa pagkatuto at maging aktibo sa


mga gawain.

✓ Kung may nais linawin mula sa aralin, huwag mahihiyang


magtanong.

✓ Gawin ang mga gawain sa takdang oras.

v
Alamin

Sa nakaraang aralin ay natutunan mo ang tungkol sa pamilya bilang natural na


institusyon.Nabanggit sa araling ito na ang pamilya ang pangunahing institusyon sa
lipunan na nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa
kanilang walang pag-iimbot, wagas at romantikong pagmamahal sa kapwa na
nangakong magsasama hanggang sa wakas ng kanilang buhay, magtutulungan sa pag-
aaruga at pagtataguyod ng edukasyon ng kanilang mga magiging anak. Karagdagan pa
rito, ang pamilya ay isang kongkretong pagpapahayag ng positibong aspeto ng
pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng kawanggawa, kabutihang loob at paggalang
o pagsunod sa hiyas na dapat taglayin sa isang pamilya. Ang mga magulang ay binigyan
ng napakahalagang misyon na arugain, igalang, at mahalin ang kanilang mga anak. Ito
ay isang misyon na hindi madali manapay magiging daan upang ibayong pagsisikap at
pagpupunyagi ang gagawin upang maisakatuparan ang misyong dapat gampanan.
Kumusta ang iyong pamilya? Nakita at naramdaman mo rin ba ang nabanggit
na pagmamahal ng iyong mga magulang?
Sa modyul na ito ay matutunan mo ang iba’t ibang misyon ng pamilya sa
pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya at paghubog ng pananampalataya.
Kailan mo ba huling narinig na nagbigay payo sa iyo ang iyong mga magulang,
matatandaan mo pa ba kung ilang beses ka ginabayan nila upang ikaw ay makagawa
ng tamang pagpapasya at kailan kayo huling nagsimba o nanalangin kasama ang buong
pamilya? Titingnan natin kung paano magiging Mission: Possible….ang pagganap ng
pamilya sa napakahalagang misyon na ito at sa huli ay sasagutin natin ang mahalagang
tanong na: Ano ang pinakamahalagang gampanin ng magulang sa kanilang mga
anak?

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang sumusunod na kaalaman,


kakayahan, at pag-unawa:

1. Nakikilala ang mga gawi o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng


pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya at paghubog ng
pananampalataya.
2. Nasusuri ang mga banta sa pamilyang Pilipino sa pagbibigay ng edukasyon,
paggabay sa pagpapasya at paghubog ng pananampalataya.

6
Subukin
Paunang Pagtataya (Pre- Test)

A. Panuto: Kilalanin ang mga gawi o karanasan ng pamilya na nagpapakita


ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya at paghubog ng
pananampalataya. Isulat ang salitang SANG-AYON sa patlang
kung ang sinasaad na sitwasyon ay tama at DI SANG-AYON kung
ito naman ay mali.

___________1. Habang bata pa ay tinuruan na ni Aling Nena si Ben sa


mga gawaing bahay.
___________2. Mahalagang magabayan ang isang bata sa paggawa ng tamang
pagpapasya upang masanay siya na gumawa ng tamang
desisyon.
___________3. Tanggapin ang Diyos at dapat maging sentro sa pamilya.
___________4. Ang pagpapasyang isasagawa ng bata ang siyang
batayan kung anong uri ng tao siya sa hinaharap.
___________5. Ang karapatan para sa edukasyon ng mga anak ay
maaaring isawalang-bahala ng mga magulang.

B. Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pangungusap, iguhit ang kung


ito ay banta sa pagbibigay ng edukasyon,paggabay sa pagpapasya o paghubog
ng panampsalataya at naman kung hindi.

___________6. Ang kawalan ng panahon ng mga magulang upang turuan at


gabayan ang kanilang mga anak ang siyang maaaring dahilan
upang malihis ng landas ang mga ito.

___________7. Magkasama ang buong pamilya sa pagsimba tuwing linggo.

___________8. Unti-unting nagkawatak-watak at nagkaroon ng hindi


pagkakaintindihan ang pamilya dahil sa palaging busy ang bawat
kasapi nito.

___________9. Hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang anak ni Mang Juan na si


Lena dahil sa padalos-dalos na desisyon nito sa buhay.

___________10. Masayang nakapagtapos at nagkaroon ng magandang trabaho


ang kambal na sila Nero at Mira dahil sa gabay na ibinigay ng mga
magulang nila.

7
Ang Misyon ng Pamilya sa
Aralin Pagbibigay ng Edukasyon,
2 Paggabay sa Pagpapasya, at
Paghubog ng Pananampalataya

Sa araling ito ay makikilala mo ang mga gawi o karanasan sa sariling pamilya na


nagpapakita ng pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya at paghubog ng
pananampalataya. Tatalakayin din sa araling ito ang mga banta na dapat malampasan
ng pamilya tungo sa pagkakaroon ng isang masaya at matiwasay na pagsasama.

Balikan

Tingnan ko nga kung ano ang iyong natutuhan sa nakaraang paksa.

Nang dahil sa COVID 19, nabigyan ng pagkakataon ang bawat pamilya na


magsama-sama lalong-lalo na sa hapag-kainan. Nagkataon na work from home si Inay
kaya buong araw namin siyang nakakasama. Dali-dali siyang nagluto ng isang masarap
na kare-kare na pinagsaluhan naming lahat. Walang patid ang kasiyahan na aming
nadarama na kasama ang bawat isa.
Tanong:
1. Ano ang kahulugan o kabuluhan ng pamilya para sa iyo?
2. Ano-ano ang mga misyong ginagampanan ng bawat kasapi ng pamilya?
3. Paano mo mailalarawan ang isang pamilya?

Mga Tala para sa Guro

8
Tuklasin

A. Gamit ang “Concept Map” nais kong magbigay ka ng sariling


pagpapakahulugan sa salitang MISYON. Uumpisahan KO.

Turuan ang mga anak ng wastong


asal at may takot sa Diyos.

MISYON

B. Tingnan nga natin ang iyong kahusayan sa pagsuri ng larawan. Sa puntong


ito ay nais kong paghambingin MO ang dalawang larawan na nasa ibaba
batay sa pagkakatulad at pagkakaiba gamit ang Venn Diagram.

(1) (2)

Masayang namamasyal sa parke Isang araw nagkaroon ng hindi


ang buong pamilya ni Mang Lauro pagkakaintindihan sina Mang Pablo
at ang kanyang asawa kasama ang at Aling Maria dahil matagal
kanilang anak na babae at lalaki. nakauwi si Mang Pablo sa kanilang
Makikita na mahal na mahal nila bahay.
ang isat-isa.

9
Pagkakaiba
Pagkakatulad Pagkakaiba

Pag-isipan MO!
Batay sa mga larawan na nasa itaas, sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano-ano ang mga gampanin ng bawat kasapi ng isang pamilya?
2. Ano kaya sa tingin mo ang dahilan ng pagkakaroon ng isang masayang pamilya
katulad ng nasa unang larawan?
3. Ano naman kaya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan
sa isang pamilya katulad ng nasa ikalawang larawan?
4. Paano maiwasan ang sitwasyon na nasa ikalawang larawan? Ano-ano ang misyon
ng pamilya tungo sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya at
paghubog ng pananampalataya?

Pamantayan sa Pagbibigay Puntos


RUBRIKS (Pag-isipan mo)
Angkop na mga
KAALAMAN impormasyon ang ginamit 6 puntos
na may kaugnayan sa
bawat gampanin ng
pamilya.
Malikhaing nailahad ang
PARAAN NG PAGLALAHAD konsepto hinggil sa 4 puntos
gampanin ng bawat kasapi
ng pamilya.

KABUUAN 10 puntos

10
Suriin

Gawain 1
Panuto: Sa puntong ito, sabayan MO ako sa maikling kwentuhan at pagkatapos ay
sagutin ang mga katanungan.

Araw ng Sabado, tinaguriang araw ng pamilya, walang pasok at buo ang


kasapi ng pamilya. Lahat ay tuwang-tuwa dahil sabay-sabay silang kumakain sa hapag-
kainan. Habang kumakain ay napag-usapan nila ang mga ginawa sa karaniwang araw
na silang lahat ay nasa kanya-kanyang pinapasukang trabaho. Napagkwentuhan nila
ang hinahangaang babae ng kanyang anak na lalaki. Hindi naman ganoon kahigpit ang
ama at ina ngunit nagbibigay sila ng paalaala sa kanilang mga anak na pagbutihin
muna ang pag-aaral at huwag magmadali dahil ang lahat ng bagay ay darating ayon sa
kagustuhan ng Diyos at sa tamang panahon.
Tanong:
1. Ano ang mahalagang mensahe na nais ipabatid ng teksto?
2. Paano mo maiuugnay ang larawan sa tunay na sitwasyon ng pamilyang Pilipino?
3. Bakit mahalagang magampanan ng magulang ang kanilang misyon sa pamilya?

Pamantayan sa Pagbibigay Puntos

PAMANTAYAN Deskripsyon Puntos


Nilalaman Naibibigay ang kaalaman na may kaugnayan sa 6
tekstong binasa.

Organisasyon Malinaw at maayos na inilahad ang mga 4


pagpapaliwanag.

Kabuuan: 10

11
Gawain 2: Pamilya Ko
Panuto: Basahin at unawain ang maikling kwento ng aking buhay at pagkatapos
ay isulat sa metastrips/papel ang mga mahalagang gampanin ng bawat
kasapi ng aking pamilya.

Handa KA na ba?

AKO, bilang isang ina na naging ilaw ng aming tahanan, nais kong ibahagi sa
inyo ang aking personal na karanasan sa aming pamilya. Biniyayaan kami ng
Panginoong Maykapal ng dalawang anak isang babae at isang lalaki. Isang pulis ang
aking kabiyak at nadistino sa malayong lugar at minsan lang sa isang buwan siya
umuuwi dahil sa matinding pangangailangan ng kanyang serbisyo lalong-lalo na
ngayon na mayroong pandemyang COVID19.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay pinagsisikapan kong sabay na maisagawa ang


aking papel bilang ina, ama at isang guro. Mula sa pagluluto ng kanilang pagkain,
paglalaba, paglilinis at pag-aalaga ng mga anak. May mga gabing walang maayos na
tulog sa tuwing nagkakasakit ang aming anak lalong-lao na ang aming pangalawa na
isinilang na mayroong karamdaman. Mula Lunes hanggang Biyernes ay masigasig
akong nagtuturo sa paaralan. Lahat ng ito ay nagampanan ko kahit na halos ako lang
mag-isa ang nagsasagawa ng bawat gawain. Pinalaki namin ang aming dalawang anak
na may takot sa Diyos, tinuruan namin silang magrespeto sa kapwa lalong-lalo na sa
mga nakatatanda. Ginagabayan din namin sila tungo sa paggawa ng tamang desisyon
sa buhay.

Kahit nasa malayo ang aking kabiyak sa buhay ay tinutupad din niya ang
kaniyang tungkulin bilang isang ama lalong-lalo na sa aspetong pinansiyal. Ngayon na
malaki na ang aming mga anak ay tinuruan na namin sila ng mga gawaing bahay na
siya namang tungkulin din nila sa loob ng aming munti ngunit masayang tahanan.

Kumusta? Nasiyahan ka ba sa aking kwento?


Sagutin mo nga!
1. Ano ang maaaring maidudulot kung ang mga gampaning ito ay hindi matugunan
ng bawat kasapi ng iyong pamilya?
2. Bakit mahalaga ang mga gampanin na ito para sa iyo? Ipaliwanag.
3. Sa panahon ngayon ng krisis na dulot ng COVID 19, Paano ito naging banta sa
iyong pamilya sa aspetong:
a. Pagbibigay ng edukasyon
b. Paggabay sa pagpapasya
c. Paghubog ng pananampalataya
Pamantayan sa Pagbibigay Puntos

Puntos
PAMANTAYAN Deskripsyon
Repleksyon Ang nilalaman at kaalaman ng sagot ay may 6
kaugnayan sa tunay na karanasan at sa kwentong
binasa
Paglalahad ng Malinaw at maayos na inilahad ang mga 4
Kaisipan pagpapaliwanag.
Kabuuan: 10

12
Sa bahaging ito ay ibabahagi ko sa iyo ang mahahalagang gampanin ng bawat
kasapi ng pamilya.
Handa ka na ba?
Mission Impossible?

Matanong nga kita….

1. Narinig mo rin ba ang mga katagang nasa larawan?


2. Marahil ay paulit-ulit mo na itong naririnig sa pamilya mo…
3. Naitanong mo na ba sa sarili kung bakit sila ganito sa iyo?

Sa pagkakataong ito, hayaan mong buksan natin ang iyong isip at puso sa
malalim na dahilan nang walang sawang paalala mula sa iyong pamilya.

Alam mo ba na isa kang regalo para sa iyong pamilya? Hindi mo


maipaliliwanag ang kanilang saya nang ikaw ay lumabas mula sa sinapupunan
ng iyong ina. Hindi ka pa nga nila nasisilayan, labis na ang kanilang tuwa, lalo
na nang marinig nila ang una mong iyak, na hudyat na ikaw ay dumating na at
nabuksan na ang napakagandang regalo mula sa Diyos.
Bahagi ng misyon ng mga magulang sa pamilya ay ang pagbibigay ng
edukasyon sa kanilang mga anak, paggabay sa paggawa ng tamang pagpapasya
at paghubog ng pananampalataya tungo sa magandang kinabukasan ng mga ito.

Pag-isipan mo nga at ipaliwanag:


1. “Magmahal…kaysa masuklam”
2. “Tamang pagpapasya… upang lumaya at tunay na lumigaya”
Pamantayan sa Pagbibigay Puntos

PAMANTAYAN Deskripsyon Puntos


Refleksyon May kaugnayan ang nilalaman at kaalamang inilahad sa 6
karanasan at sa pahayag na binigay
Organisasyon Malinaw at maayos na inilahad ang mga pagpapaliwanag. 4

Kabuuan: 10
Ibahagi mo nga!

13
Magbahagi KA nga ng isang sitwasyon sa isang pamilya na nagpapakita ng epekto
ng kawalan ng matibay na pananampalataya.

Pagyamanin

Ang pamilya ang may pinakamalawak na saklaw sa paghubog ng isang


indibidwal. Pinakapangunahin nito ay ang paghubog ng pananampalataya,
pagpapahalaga ng edukasyon at mabuting pagpapasya para sa kagandahan at
paghahanda sa mabuting kinabukasan ng mga anak.
Naging maingat ang mga magulang sa lahat ng bagay upang mabigyan ng
maayos at magandang buhay ang mga anak, minsan masasabi natin na naging
mahigpit sila ngunit sa huli napagtanto natin na para rin ito sa ating kabutihan.

A. Tingnan nga natin ngayon ang iyong pag-unawa sa ating talakayan.


Sagutin mo nga!
1. Batay sa iyong nabasa, ano-ano ang mga gawi o karanasan ng pamilya na
nagpapakita ng pagtataguyod ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya at
paghubog ng pananampalataya.
2. Ano-ano ang mahahalagang misyon na ginagampanan ng mga magulang para sa
kanilang pamilya?
3. Paano matitiyak na naisasakatuparan ang mga misyon ng pamilya para
sa kanilang mga anak?

B. Ngayon, samahan ninyo AKO na suriin at sagutin NATIN ang mga sumusunod na
tanong:
1. Ano kaya ang pangunahing gawain na dapat matutuhan ng isang anak na tulad
mo mula sa iyong mga magulang?
2. Bakit mahalagang maturuan ng pamilya ang mga anak sa paggawa ng
mabuting pagpapasya? Ipaliwanag.
3. Bakit mahalagang mahubog ng pamilya ang pananampalataya ng mga
kasapi nito?

Isaisip

Ang pagtupad ng mga magulang sa tungkulin sa kanilang mga anak ang siyang
susi sa pagkakaroon ng isang masayang pamilya. Nararapat na sa simula pa lang ay
naibigay na nila ang tamang edukasyon, paggabay sa tamang pagpapasya ng
kanilang mga anak at ikintal sa isipan ang kahalagahan ng pananampalataya sa
Diyos na gawin itong sentro ng kanilang buhay

14
.
Mahalagang handa ang mga anak na harapin ang anumang hamon na darating
sa buhay. Magagawa lamang nila ito kung naihanda sila ng kanilang mga
magulang gamit ang pagpapahalagang naituro sa kanila sa loob ng tahanan
bilang sandata sa anumang mga banta katulad ng pornograpiya,
droga,maruming politika,peer pressure at iba pa.
Isa sa mga pangunahing makatutulong upang ang isang tao ay maging
matagumpay, masaya at magkaroon ng kakayahan na makapag-ambag para sa
kaunlaran ng lipunan ay ang turuan siya na makagawa ng mabuting
pagpapasya at bigyang laya sa pagpapasiya para sa kaniyang sarili.
Nang dahil sa hindi sapat ang karanasan tungo sa wastong pagpapasya,
may mga kabataang nagiging kasapi ng gang, may dalagang maagang
nabubuntis, may mga nalulong sa droga, may mga kabataang nakagagawa na
ng krimen. Ang lahat ng ito ay banta at bunga ng kawalang kakayahan ng ilang
mga kabataan na gumawa ng mabuting pagpapasya.
Ang pananampalataya ang siyang nagpapatibay ng samahan ng isang
pamilya. Mahalagang tanggapin at yakapin ng lahat ng kasapi ng pamilya ang
Diyos at ang tunay na pananampalataya sa Kaniya ang makapagbibigay ng
katiwasayan sa pamilya at sa ugnayan ng mga kasapi nito.

Napakahalaga ring mahubog kayo ng iyong mga magulang sa


kahalagahan ng edukasyon.Ito ang iyong magiging sandata laban sa kahirapan.
Sa panahon ngayon maraming mga tao ang naghihirap dahil sa kawalan at
kakulangan ng edukasyon, marami ang hindi nakapagtapos ng pag-aaral na
siyang naging dahilan na walang maayos na hanapbuhay. Kaya kung ikaw ay
may edukasyon at may kaalaman tiyak na magkakaroon ka ng maayos at
magandang buhay.

Tanong:
1. Ano ang pinakamahalagang naiambag ng iyong magulang sa iyong
pagkatao?
2. Bakit mahalagang malinang ang paghubog ng pananampalataya sa
buhay ng isang tao?
3. Bakit kailangan nating gawing sentro ang Diyos sa ating pamilya?
4. Paano nakatutulong ang edukasyon at pananampatalaya sa mabuting
pagpapasya ng isang tao?

Isagawa

A. Bilang isang anak, paano KA makatutulong upang


maisakatuparan ng iyong mga magulang ang misyon nila para sa
iyo?

15
Ipinapahiwatig ng larawan sa ibaba ang hindi magandang epekto sa pamilya kapag
hindi naisabuhay ang tatlong mahalagang gampanin katulad ng pagtaguyod ng
edukasyon, paggabay sa paggawa ng mabuting pagpapasya at paghubog ng
pananampalataya.
B. Bilang isang anak, ano-ano ang iyong gagawin upang mapanatili ang matibay na
samahan ng iyong pamilya? Magbigay ng limang (5) paraan.
1.
2.
3.
4.
5.
Pamantayan sa Pagbibigay Puntos
PAMANTAYAN PUNTOS
NILALAMAN Nailalahad ang tamang ugnayan ng 5
kaalaman at karanasan.
ORGANISASYON Mahusay ang pagkakasunod-sunod 3
ng mga ideya at kaalaman.
PRESENTASYON Maayos at malinaw ang 2
pagkakasulat ng mga sagot.
KABUUAN: 10

Tayahin

Panapos na Pagtataya

A. Panuto: Kilalanin ang mga gawi o karanasan ng pamilya na nagpapakita


ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya at paghubog ng pananampalataya.
Isulat ang salitang SANG-AYON sa patlang kung ang sinasaad na
sitwasyon ay tama at DI SANG-AYON kung ito naman ay mali.
___________1. Tanggapin ang Diyos at dapat maging sentro sa pamilya.

___________2. Ang pagpapasiyang isasagawa ng bata ang siyang batayan kung anong
uri ng tao siya sa hinaharap.
___________3.Ang karapatan para sa edukasyon ng mga anak ay maaaring isawalang-
bahala ng mga magulang.
___________4. Habang bata pa ay tinuruan na ni Aling Nena si Ben sa mga gawaing
bahay.
___________5. Mahalagang magabayan ang isang bata sa paggawa ng tamang
pagpapasiya upang hindi siya masanay na gumawa ng mga maling
pasiya at matuto ang mga ito.

16
B. Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pangungusap, iguhit ang
kung ito ay banta sa pagbibigay ng edukasyon,paggabay sa pagpapasya o paghubog
ng panampsalataya at naman kung hindi.

___________6. Ang kawalan ng panahon ng mga magulang upang turuan at


gabayan ang kanilang mga anak ang siyang maaaring dahilan upang malihis ng
landas ang mga ito.
___________7. Magkasama ang buong pamilya sa pagsimba tuwing linggo.
___________8. Unti-unting nagkawatak-watak at nagkaroon ng hindi
pagkakaintindihan ang pamilya dahil sa palaging busy ang bawat kasapi nito.
___________9. Hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang anak ni Mang Juan na si
Lena dahil sa padalos-dalos na desisyon nito sa buhay.
___________10. Masayang nakapagtapos at nagkaroon ng magandang trabaho ang
kambal na sila Nero at Mira dahil sa gabay na ibinigay ng mga magulang nila.

Karagdagang Gawain

Para sa huling gawain gumawa ng isang scrap book gamit ang larawan ng iyong
pamilya at ibahagi ang kahalagahan ng paghubog nito sa iyong pagkatao.

17
18
Unang Pagtataya
(Pre-test)
1. Sang-ayon
Huling Pagtataya 2. Sang-ayon
(Post Test) 3. Di Sang-ayon
4. Sang-ayon
1. Sang-ayon 5. Sang-ayon
2. Sang-ayon
3. Di Sang-ayon 6.
4. Sang-ayon
5. Sang-ayon 7.
8.
9.
6.
10.
7. 11. NEGATIBO
8. 12. POSITIBO
13. NEGATIBO
9. 14. NEGATIBO
15. POSITIBO
10.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

ESP 8 Modyul para sa mga mag-aaral

19
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng
modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC) ng
Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng
bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong
panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng
modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay
ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

20

You might also like