You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III
SCHOOLS DIVISION OF NUEVA ECIJA
Brgy. Rizal, Sta Rosa, Nueva Ecija

FOURTH PERIODICAL TEST


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

I. Pagsusuri ng mga Comic Strip (15pts)


Panuto: Kompletuhin ang pag-uusap ng dalawang tauhan sa bawat comic strip.
Pauto: Punan ang sumusunod na tsart.

Comic Strip Alam Ko tungkol sa Ginagawa/ Ginawa Natuklasan Tungkol


Pinag-uusapan Ko sa Aking Sarili

A.
B.
C.

II. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot na kumakatawan sa bawat katanungan.

1. Ang sumusunod ay mga umiiral na karahasan sa paaaralan maliban sa:


a. Pambubulas b. Pandaraya c. Fraternity d. Gang
2. Ang sumusunod ay mga sanhi ng pambubulas sa paaralan maliban sa:
a. Pagkakaranas ng karahasan sa tahanan
b. Paghahanap ng mapagkatuwaan
c. Pagkakaroon ng pagkakaibang pisikal
d. Pagkakaroon ng mababang marka sa klase
3. Ano ang nararapat na tugon ng mga may kinauukulan ng paaralan sa pambubulas?
a. Hindi intindihin dahil natural lamang sa mga kabataan ang kakulitan.
b. Pagalitan ang nambubulas pagkatapos ay pabalikin sa klase.
c. Suspindihin ang gumawa ng pambubulas sa paaralan.
d. Humanap ng pangmatagalang at mabilisang paraan sa pagsupil sa karahasan sa paaralan.
4. Bakit my mga mag-aaral na sumasali sa fraternity at gang?
a. Wala silang mapaglaanan ng kanilang oras
b. May kikilala sa kanila bilang kapatid.
c. Kulang sila ng atensiyon mula sa kanilang mga magulang.
d. Marami ang lalaban para sa kanila kung masangkot sila sa gulo.
5. Maiiwasan at masusupil ng mga mag-aaral ang karahasan sa paaralan sa pamamagitan ng
___________.
a. Pagsunod sa payo ng mga magulang
b. Paggalang sa awtoridad ng paaralan
c. Pag-aaral ng mabuti
d. Pagmamahal sa sarili at sa kapwa at paggalang sa buhay
6. Kailangan sa pagmamahal ang paggalang sa sarili sapagkat
a. Nakatutulong ito sa pagbuo ng malusog at mapanagutang pananaw sa buhay.
b. Nakatutulong ito sap ag-unawa sa mga gumagawa ng karahasan sa paaralan
c. Nakatutulong ito sa paghanap ng paraan paano mapansin at mahalin ng iba.
d. Nakatutulong ito sa pagbuo ng mga pangarap sa buhay habang nag-aaral.
7. Ang sumusunod ay kailangansa pagmamahal sa kapwa maliban sa
a. Pagtanggap sa kaniya anuman ang estado niya sa buhay
b. Pagbibigay sa kaniyang dignidad bilang tao
c. Pagbibigay sa kaniya sa lhat ng nais niya sa buhay
d. Pagmamahal sa kaniya na may kaakibat na katarungan
8. Ano ang pinakamaituturing na dahilan kung bakit dapat iwasan at supilin ang mga karahasan sa
paaralan?
a. Upang makatuon sap ag-aaral
b. Upang wala ng banta sa buhay sa loob ng paaralan
c. Upang mabawasan ang pagliban o paghinto sap ag-aaral
d. Upang wala ng suliranin ang mga magulang at ang awtoridad ng paaralan
9. Ito ay ang pisikal na pananakit sa isang indibidwal o pangkat at paninira ng kaniyang mga pag-
aari.
a. Sosyal o Relasyonal na Pambubulas
b. Pisikal na Pambubulas
c. Pasalitang Pambubulas
d. Wla sa nabanggit
10. Pagsasalita ng masasamang salita laban sa isang tao.
a. Sosyal o Relasyonal na Pambubulas
b. Pisikal na Pambubulas
c. Pasalitang Pambubulas
d. Wla sa nabanggit

III. AGWAT TEKNOLOHIKAL

Panuto: Kilala mob a ang iba’t ibang henerasyon? Sa ibaba ay may limang grupo ng mga salita na
tumutukoy sa mga henerasyon at sa konseptong kaugnay nito. Ayusin ang mga letra ng salita upang
buuin ang tinutukoy sa pangungusap. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

1. LISTEN GONTARIENE = ___________________

UNANG IKALAWANG Ang henerasyong


2 SALITA
ipinanganak at
INGLES SALITA SALITA lumaking walang
2 PANTIG 4 NA PANTIG makabagong
teknolohiya.

2. TEN RAGENETINO = ____________________


Ang henerasyong
IKALAWANG ipinanganak sa panahon ng
2 SALITA UNANG SALITA information overload. Sa
SALITA
INGLES 2 NA PANTIG edad na tatlong taon ay
4 NA PANTIG gumagamit na ng internet o
cellular phone.

3. TALIRAM AWL EBBISA = _____________________

UNANG IKALAWANG IKATLONG


3 SALITA
SALITA SALITA SALITA
INGLES
2 NA PANTIG 1 NA PANTIG 2 NA PANTIG

Ang henerasyong
ipinanganak sa panahon ng
Martial Law ni Ferdinand
Marcos. Tinatawag din
itong Generation X.
4. ABBY OOMBERS = __________________________

2 SALITA UNANG SALITA IKALAWANG Ang henerasyong


ipinanganak at nakaisip sa
INGLES 4 NA PANTIG SALITA
mga taong 1946-64. Sa
2 NA PANTIG ngayon sila ang mga
namumuno at mga
politico sa bansa.

5. NITOREANEG APG = ______________________

IKALAWANG Ang agwat o pagkakaiba-


2 SALITA UNANG SALITA
iba sa pananaw ayon sa
SALITA
INGLES 4 NA PANTIG edad. Kadalasan itong
2 NA PANTIG pinag-uugatan ng di
pagkakaunawaan sa
pagitan ng mga magulang
at mga anak.

IV. PAGSASALAYSAY

Panuto: Batay sa iyong sariling pananaw sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa
kabila nitong papel.

1. Ipaliwanag ang iyong pananaw ukol sa migrasyon (pag-alis ng tao) sa Pilipinas.


2. Paano ka makakatutulong sa kapwa mga kabataan biktima ng pambubulas (bullying)?
3. Nakatutulong ba ng teknolohiya upang mapabuti ang komunikasyon sa pagitan mo at ng iyong
mga magulang at guro? Bakit?
4. Bakit kailangan pag-usapan nang may bukas at mapanuring isip ang mga isyu ng seksuwalidad?
Paano ito makatutulong sa iyong paghahanda sa pagdadalaga o pagbibinata. Ipaliwanag.

Good Luck and God Bless!!!

Inihanda ni:

LESTER JOHN M. CATAPANG


Guro ng Asignatura

Sinuri ni:

MARLYN P. VIJANDRE
Ulong Guro III

Natunghayan ni:

RODALYN JANE M. ESCAÑO


Punong Guro II

You might also like