You are on page 1of 18

Department of Education

Region III
DIVISION OF CITY OF SAN FERNANDO

Self-Instructional Packets (SIPacks)


Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikatlong Markahan
Ikalawang Linggo

Mungkahing Timeline sa Paggawa ng SIPacks sa ESP


BAWAT LINGGO
A. Balik-aral sa nakaraang aralin/pagsisimula ng bagong Alalahanin
aralin Sagutan
Unang B. Paghahabi ng layunin sa aralin (Ano ang inaasahang
Basahin
Araw Maipamamalas Mo?)
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Sagutan
(Pagtuklas ng Dating Kaalaman)
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1 (Paglinang ng Kaalaman, Kakayahan Sagutan
Ikalawang
at Pag-unawa)
Araw
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng
Sagutan
bagong kaalaman #2 (Integration of GMRC)
Ikatlong
F. Paglinang ng Kabihasaan (Pagpapalalim) Basahin
Araw
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay
Sagutan
Ikaapat (Pagsasabuhay)
na Araw Basahin o
H. Paglalahat ng Aralin (Paghinuha ng Batayang Konsepto)
Sagutan
Ikalimang I. Pagtataya ng Aralin (Pagganap/Pagninilay) Sagutan
Araw J. Karagdagang gawain/takdang-aralin Sagutan

*maaaring sagutin ang mga gawain sa EsP ayon sa itinakdang oras ng inyong
paaralan

PANGKALAHATANG PANUTO
Sa mag-aaral:
Sa iyong pagbabasa, isaisip mo na ang mga ginawang SIPacks na ito ay
makapagbibigay ng dagdag-kaalaman at impormasyon sa iyo bilang mag-aaral.
Lilinangin din ng mga aralin ang iyong kasanayan na nakabatay sa
Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto o MELCs. May mga nakatakdang
gawaing iyong sasagutin sa bawat pahina para sa isang linggong aralin.

1
Para malubos ang paggamit sa mga kagamitang pagkatuto (SIPacks), isaalang-
alang ang sumusunod na paalala:
1. Huwag madaliin ang pagbabasa. Unawaing mabuti ang aralin.
2. Alamin sa iyong guro kung sa mga SIPacks sasagot o gagamit ng sagutang
papel.
Kung hindi susulatan ang mga SIPacks sundin ang panuto 3 & 4
3. Isulat mo ang lahat ng iyong sagot sa ISANG BUONG PILAS NG PAPEL ng
PAD PAPER (one whole sheet) bilang SAGUTANG PAPEL (Answer Sheet)
4. Isulat ang mga sumusunod na impormasyon sa iyong SAGUTANG PAPEL bago
sumagot sa mga gawain.
a. Ang Iyong Buong Pangalan (mag-aaral) e. Bilang ng Kwarter
b. Ang Iyong Antas at Pangkat f. Linggo ng Pagsagot
c. Asignatura at Petsa ng Pagsagot g. Bilang ng Gawain, Pamagat at
d. Pangalan ng Iyong Guro sa Nasabing Asignatura Bilang ng mga Aytem

Narito ang isang halimbawang ilustrasyon ng mga panuto sa itaas:

Buong Pangalan: (Hal. Juan P. Dela Cruz) Asignatura: (Hal. ESP 8) Kwarter: (Hal. 3)
Antas at Pangkat: (Hal. 8 Bonifacio) Pangalan ng Guro: (Hal. Lucia Santos)
Linggo ng Pagsagot: (Hal. Ikatlong Linggo) Petsa ng Pagsagot: (Hal. Nov 9-13, 2021)

Gawain Bilang ______

1.
2.
3.
4.

Gawain Bilang ______

1.
2.
3.

5. Tandaan mo na ang lahat ng mga gawaing iyong sasagutin ay magsisilbing awtput


at ibibigay sa iyong guro sa nasabing asignatura para iwasto at itala sa class
record.
6. Kapag nahihirapan o mayroong hindi maintindihan makipag-ugnayan sa iyong guro
sa EsP.
7. Higit sa lahat, ialay sa Panginoon ang lakas at talino na ibibigay mo sa pagsagot
sa mga aralin.

2
Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Ikatlong Markahan- Ikalawang Linggo

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa
pasasalamat

B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos sa isang pangkatang
gawain ng pasasalamat

C. Pamantayan sa Pagkatuto (MELCs)


1. Napatutunayan na ang pagiging mapagpasalamat ay ang pagkilala na ang
maraming bagay na napapasaiyo at malaking bahagi ng iyong pagkatao ay
nagmula sa kapwa, na sa kahuli-hulihan ay biyaya ng Diyos. Ang paggawa
ng kabutihan sa kapwa ay ginagawa nang buong-puso. Kabaligtaran ito ng
Entitlement Mentality, isang paniniwala o paiisip na anomang inaasam mo ay
karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang pansin. Hindi naglalayong bayaran
o palitan ang kabutihan ng kapwa kundi gawin sa iba ang kabutihang ginawa sa
iyo (EsP8PB-IIIb-9.3)
2. Naisasagawa ang mga angkop na kilos at pasasalamat sa kapwa
(EsP8PB-IIIb-9.4)

II. NILALAMAN
Aralin: Pagpapasalamat, Mahalagang Sangkap sa Pakikipagkapuwa:
Kaugnay na Pagpapahalaga: Mapagkumbaba

III. KAGAMITANG PANTURO


Sanggunian
Bognot, Reginan Mingnon C. et. al. 2013. Department of Education. Edukasyon sa
Pagpapakatao Ikawalong Baitang, Kagamitan ng Mag-aaral: (DepEd-IMCS)
2nd Floor Dorm G, Philsports Complex Meralco Avenue, Pasig City. 227-255

3
Punzalan, Twula G. et. al. 2018. RBS Pagpapakatao. Edukasyon sa Pagpapakatao
8, Batayang Aklat: Rex Book Store, Inc. (RBSI) 856 Nicanor Reyes Sr. St.,
Samapaloc, Manila. 118-127
Most Essential Learning Competencies (MELC) K to Grade 12 S.Y. 2020-2021.
Accessed on May 10, 2020. 115
https://www.depedclick.com/2020/05/mostessential-learning-competencies_html

IV. PAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
(Ano ang inaasahang Maipamalas Mo)

Sa nakaraang aralin, natutunan mong maraming bagay kang dapat


ipagpasalamat sa araw-araw. Ang bawat biyaya na tinatanggap mo katulad ng
masarap na pagkain sa iyong hapag-kainan, maayos na tirahan, maging ang malusog
mong pangangatawan at kaligtasan sa mga sakuna ay iilan lamang sa mga dapat
mong ipagpasalamat. Ang mga bagay na ito ay hindi kusang dumating, may mga tao
na naging daan para matanggap mo ang mga ito.

Kaya nararapat lamang na bigyan mo rin ng pagpapahalaga ang mga taong


naging daan para makamit mo ang mga ito.

Ngunit may mga taong hindi marunong magpasalamat o iniisip na hindi na kailangan
ang magpasalamat dahil sa impluwensiya ng kanyang kapaligiran, pamilya at pangkat
na kinaaniban.

Gawain 1: MENTALIDAD KO SA PAGPAPASALAMAT!


Panuto: Basahin ang dialogue box at suriin at ibigay ang iyong pananaw sa kaisipan
ng taong nagsasabi ng mga dyalogo. Isulat ang sagot sa sagutang papel

“Obligasyon ng pamilya ko ang paaralin ako kaya ok lang na hindi ko sila


personal na pasalamantan”

“Dapat ibili ako ng aking mga magulang nga mga gadget na kailangan sa
pag-aaral ko sa kasalukuyan”

“Ngayong may COVID-19 dapat mabigyan ng pamahalaan ng sustento ang


aking pamilya dahil sa ginawang lockdown”

“Trabaho ng mga nurse ang alagaan ang mga may sakit ng COVID hindi
dapat big deal kung hindi man sila pasalamatan dahil may sweldo naman
sila”

4
Mga tanong:
1. Sa palagay mo, anong klaseng pag-iisip meron ang ganitong tao?
2. Paano ito nakakaapekto sa pakikipag-ugnayan niya sa kapwa?
Subukin mong tayahin ang iyong sarili sa iyong natutuhan sa nakaraang aralin at
ang iyong kaalaman sa araling ito.

Panuto: Isulat kung TAMA o MALI ang mga pahayag, Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
_____1. Itinuturo ng ating mga magulang ang pagsasabi ng “salamat” sa mga taong
nakagawa sa atin ng kabutihan.
_____2. Ang pasasalamat sa wikang ingles ay gratitude.
_____3. Ang pagpapasalamat ay gawi ng isang taong mapagpasalamat.
_____4. Ang pagbibigay ng regalo sa taong gumawa ng kabutihan sa iyo ay isang
Paraan ng pasasalamat.
_____5. Ang pasasalamat ay isa sa mga pagpapahalaga ng mga Pilipino.
_____6. Ang ibig sabihin ng latin na gratus ay libre o walang bayad.
_____7. Ang pagpapakita ng pasasalamat ay para lamang sa taong
pinagkakautangan mo ng utang na loob.
_____8. Ang pangongolekta ng mga quotations ay hindi nagpapabuti sa iyong
pakiramdam.
_____9. Ang paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa ay hindi naghihintay ng kapalit.
____10. Ang pagpapakita ng pasasalamat kahit sa simpleng paraan ay nagdudulot
ng kaligayahan sa taong pinagkakautangan mo ng loob.

B. Paghahabi ng Layunin sa Aralin (Ano ang inaasahang Maipamalas Mo)

Sa aralin na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na


kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

1. natutukoy ang iba’t ibang paraan ng pagpapasalamat sa kapwa;


2. naipapamalas na ang paggawa ng kabutihan sa kapwa ng buong puso ay
pagpapakita ng pasasalamat sa mga biyayang natatanggap;
3. naipapahayag ang kahalagahan ng pagbibigay ng pasasalamat sa
pamamagitan ng paggawa ng liham-pasasalamat sa mga taong nais
pasalamatan; at

5
4. naipapamalas ang pagpapakumbaba sa mga kilos at gawi sa araw-araw bilang
tanda ng pagpapasalamat.

Inaasahang sa pamamagitan ng mga pag-aaral mo sa modyul na nabanggit


masasagot mo ang mga tanong na ito at sa huli’y maipaliliwanag ang sagot sa
mahalagang tanong na: Bakit mahalagang magpasalamat sa nagawang kabutihan
ng ating kapwa?

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa bagong Aralin


(Pagtuklas ng Dating Kaalaman)

Ang pagiging mapagpasalamat ay isang magandang birtud na dapat taglayin


ng isang tao. Kung iyong maipamamalas ang pagiging isang mapagpasalamat,
magiging madali para sa iyo ang makipagkapwa at matututo ka na maging
mapagpakumbabang nilalang.

Gawain 2: Pagraranggo ng Paraan ng Pasasalamat!

Panuto: Iranggo mo ang mga pamamaraan kung paano mo maipamamalas ang


pagiging isang mapagpasalamat na tao sa iyong kapwa na magsisilbing hakbang
upang taglayin ang birtud ng pasasalamat. Isulat mo ang mga letra ayon sa iyong
ranggo sa iyong sagutang papel.

Sagutin ang mga tanong:


1. Paano mo mapauunlad ang iyong pagiging mapagpasalamat sa iyong kapwa?
2. Bakit kailangan taglayin ang birtud na mapagpasalamat?

6
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong
kasanayan #1 (Paglinang ng Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa)

Ang pagpapasalamat ay isang moral na obligasyon. Ang sinomang nagbibigay


ay nararapat lamang na pasalamatan. Kailangan nating ibalik sa ating kapwa ang
nararapat lamang para sa kanya. Hindi ito namimili, hindi nakabatay sa kalagayan sa
buhay o sa estado sa lipunan. Asahan mo na ang lahat ng ito ay babalik sa iyo.

Gawain 3: Mga Kwento ng Pasasalamat

Panuto: Basahin ang mga kwento sa ibaba at punan ng sagot ang tsart batay sa
nabasang mga sitwasyon. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

7
Pangunahing Sitwasyong Paano Paano Kung ikaw ang nasa
Kwento Tauhan sa Kinakaharap Nalampasan ipinakita ang sitwasyon Paano mo
kwento birtud ng haharapin ang
pasasalamat sitwasyon
1.

2.

3.

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong


kasanayan #2 (GMRC Integration)

Pagpapakita ng pagiging mapagkumbaba

Ang larawan sa itaas ay hango sa facebook post ng butihing senador na si


Manny Pacquiao. Aniya, nauunawaan niya ang pinagdadaanan ng mga mahihirap
dahil pinagdaanan niya rin ito. Kaya naman ito ang pamimigay ng bahay at ibang
tulong ay kanyang paraan upang maipakita ang kanyang pasasalamat para sa lahat ng
biyaya na natanggap niya mula sa Diyos. Bukod pa rito, ang kanyang itinatag na foundation
ay namahagi din ng scholarship at medical assistance para sa mga nangangailangan. Katulad
ni Senador Manny Pacquiao maipamamalas din natin ang ating pasasalamat sa pamamagitan
ng pagtanaw sa mga kabutihang ginawa ng ibang tao para sa atin at ang kagustuhan natin
na masuklian ang mga ito sa abot na ating makakaya.

8
Gawain 4: Gratitude Jar

Sa bawat araw ng iyong buhay, mula sa pinakamaliit katulad ng pagkakaroon


ng bagong gamit o pagkain sa hapag-kainan hanggang sa mas malalaking biyaya
katulad ng pagmamahal na iyong pamilya o regalo ng pagkakaibigan. Sa gawaing ito,
bigyan mo ng pagpapahalaga ang lahat ng biyayang tinanggap.

Mga kinakailangan kagamitan:

a. Lumang bote
b. Makukulay na papel na may sukat na “2x2”
c. Mga palamuti tulad ng mga lumang butones, beads, ribbon o glitters
d. Pandikit

Pamamaraan:

1. Bigyan ng disenyo ang lumang bote ng naayon sa iyong kagustuhan. Maaaring

talian ng ribbon o dikitan ng mga lumang butones, beads o glitters.

2. Bawat araw ay mag-isip ka ng tatlong bagay o tao na iyong ipinagpapasalamat.

Maaaring ito ay simpleng bagay tulad ng pasalubong ng iyong nanay o kaya ay

pagmamahal na tinatanggap mula sa kasapi ng pamilya. Isulat ang mga ito sa

makulay na papel at isilid sa ginawang gratitude jar. Gawin ito araw-araw hanggang

sa mapuno mo ang iyong gratitude jar.

3. Magpasa ng apat na halimbawa nang iyong ginawang mensahe sa iyong gratitude

jar at idikit ang mga ito sa isang bond paper.

Sa katagalan, mapapansin mong marami kang rason upang magpasalamat.


Makakatulong ito upang pahalagahan at matutong makuntento sa mga bagay na
mayroon ka.

Mga Tanong:
1. Paano mapauunlad ng pagiging mapagpasalamat ang iyong pagkatao? Ng iyong
ugnayan sa kapwa?
2. Paano mo maipapakita na pahalagahan mo ang kabutihang ginawa ng iyong kapwa
sa iyo?
9
F. Paglinang ng Kabihasnan (Pagpapalalim)
Bilang Pilipino, ang birtud ng pasasalamat ay isa sa mga katangiang
binibigyan ng lubos na pagpapahalaga, dahil kinikilala ang kabutihan ng kapwa lalo
na sa oras ng pangangailangan. Binibigyang pansin na ang mga biyayang
natatanggap ay dahil sa pagmamalasakit ng kapwa.

Pasasalamat sa Kabutihang-loob ng Kapwa

Ang pagiging mapagpasalamat ay tanda ng isang taong puno ng biyaya, isang


pusong marunong magpahalaga sa mga magagandang biyayang natatanggap mula
sa kapwa. Isang mahalagang bahagi ng pasasalamat ay ang pagpapakumbaba dahil
kinikilala mo na hindi lahat ng mga magagandang nangyayari sa buhay mo ay dahil
lamang sa sarili mong kakayahan o pagsisikap. Mahalaga na marunong kang
magpakumbaba, at kilalanin mo na sa tulong ng ibang tao ikaw ay naging
matagumpay.
Madalas ay naririnig natin sa mga talumpati tuwing Araw ng Parangal sa mga
paaralan ang pagpapasalamat ng mga mag-aaral. Kinikilala ng mga nagpapasalamat
ang tulong at suporta na ibinigay ng kanilang mga magulang, guro, kamag-aral at
lalong-lalo na ang Diyos na nagbigay ng lahat ng pagpapala at tagumpay na nakamit.
Mahalagang tandaan ang pahayag na no man is an island.

Ang taong may pasasalamat ay marunong ding tumingin sa positibong bahagi


ng buhay sa kabila ng mga pagsubok dahil alam niyang may mabuting Diyos na
patuloy na gumagabay sa kaniya. Nagiging daan upang maging malakas at
magkaroon ng pag-asa sa buhay at malampasan ang anumang pagsubok. Minsan ay
naranasan mo na ikaw ay nahaharap sa mga taong nakasasakit ng iyong damdamin,
ngunit napakahalaga na manatili kang matatag at hindi maging daan upang ikaw ay
matutong mag-isip ng masama sa kapwa.

Samakatuwid, ang pasasalamat ay humuhubog sa emosyonal at ispiritwal na


pagkatao sa pamamagitan ng pagtuon sa mga pagpapalang natatanggap mula sa
Diyos. Dahil alam mong pasalamatan ang Diyos na nagbibigay ng iyong mga
pangangailangan at tumutugon sa iyong panalangin, natututuhan mong gantihan ang
kabutihan ng Diyos sa pamamagitan ng paggawa rin ng Mabuti sa kapwa.
10
Napakahalaga na manatili kang positibo lalo na sa oras ng pagsubok upang
makayanan mong malampasan ang anumang hamon sa buhay. Ikaw, nananatili ka
bang positibo sa kabila ng mga krisis sa buhay?

Ang kabaligtaran ng pagiging mapagpasalamat ay masasalamin sa


entitlement mentality. Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam ng
isang tao ay karapatan niya na dapat bigyan ng dagliang pansin. Iniisip niya na
kailangang ibigay ang kaniyang mga karapatan kahit walang katumbas na tungkulin o
gampanin. Isang halimbawa nito ay ang hindi pagbibigay pasasalamat ng mga anak
sa kanilang magulang sa kabila ng sakripisyong ginawa nila para mabigyan ang mga
ito ng magandang kinabukasan.

Kinakatwiran nila na sila naman ay mga anak at nararapat bigyan ng


edukasyon. Mahalagang maunawaan ng mga anak na may karapatan silang mag-aral
ngunit kailangan nilang mag-aral nang mabuti bilang pasasalamat o pagtanaw ng
utang na loob nila sa kanilang magulang. Makikita rin sa mga kabataan ang
entitilement mentality sa pagiging agresibo nila na makuha ang kanilang gusto sa
panahon o oras na gustuhin nila. Dahil sa pag-iral ng materyalismo, inaasahan nila
ang kanilang mga magulang na ibigay ang kagustuhan nila dahil sila ay mga anak at
nararapat na bilhan ng pinakamodernong gadget tulad ng cellphone, tablet, o laptop.
Kung hindi man nila makuha ang gusto nila, sila pa ang magsasalita ng masasakit sa
kanilang magulang.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Pagsasabuhay)

Gawain 5: Journal ng Pasasalamat!

Panuto: Sumulat ng mga bagay na iyong ipinagpapasalamat sa iyong buhay at


gawin ito bilang iyong Journal na Pasasalamat.

11
Pamantayan 10 9 8
NILALAMAN Maliwanag na Hindi gaanong Hindi naipahayag
naipahayag ang naipahayag ng mabisa nang mabisa ang
mensahe ang mensahe mensahe
Marka 10 9 8
PAGKABUO Nakapagtala ng Nakapagtala ng 3 bagay Nakapagtala ng 2
5 bagay na na pinasasalamatan at 3 bagay na
pinasasalamatan taong nagbigay ng pinasasalamatan at 2
at 5 taong kasiyahan sa iyo. taong nagbigay ng
nagbigay ng kasiyahan sa iyo.
kasiyahan sa
iyo.
Kabuuang puntos 20

H. Paglalahat ng Aralin (Paghinuha ng Batayang Konsepto)

Gawain 6: Batayang Konsepto


Panuto: Gamit ang graphic organizer buuin ang mahalagang konsepto na nahinuha
mula sa mga nagdaang gawain at babasahin. Isulat ang nabuong pangungusap sa
inyong sagutang papel sa SIPack na ito.

12
I. Pagtataya ng Aralin
Gawain: Kaya Ko Ito!

Panuto: Piliin ang titik ng pinakatamang sagot at isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____1. Ito ay isang gawi o kilos na kailangan na patuloy na pagsasagawa
hanggang ito ay maging birtud.
a. Entitlement Mentality
b. Kabutihang-loob
c. Paggalang
d. Pasasalamat

_____2. Ang pasasalamat ay nalalapit sa pagpapahalaga nating mga Pilipino sa


tawag na utang na loob. Ano ang ibig sabihin ng utang na loob?
a. Pagbabayad sa mga utang sa ibang tao.
b. Pagpapaalala na ikaw ay may utang na dapat bayaran.
c. Paggawa ng mabuti upang magkaroon ng utang na loob ang isang tao.
d. Pagtugon sa kabutihan ng kapwa sa oras ng pangangailangan.

_____3. Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan


mo na dapat bigyan ng dagliang pansin.
a. Entitlement Mentality
b. Kabutihang-loob
c. Paggalang
d. Pasasalamat

_____4. Ang pasasalamat ay hindi lamang para sa taong pinagkakautangan ng loob


dahil….
a. Maaari kang magpasalamat sa paggawa ng mabuti sa kapwa.

13
b. Ang pasasalamat ay sinasabi lang sa taong gustong pasalamatan.
c. Ang pasasalamat ay para lamang sa mababait.
d. Hindi lahat ng tao ay tumutulong sa iyo.

_____5. Niregaluhan ka ng bracelet ng iyong kaibigan, kaya lang hindi mo gusto ang
kulay nito. Ano ang iyong sasabihin?
a. “Ano ba naman ang pangit ng kulay.”
b. “Ibibigay ko na lang sa kapatid ko.”
c. “Ibabalik at sasabihing sa kanya na lang.”
d. “Salamat sa regalo at naalala mo ako.”

_____6. Si Keith ay nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa scholarship na ibinigay ng


gobyerno na ngayon ay isa nang kilalang doctor sa America. Paano
maipapakita ni Keith ang kanyang pasasalamat?
a. Babalik at Ililibre lamang ang mga taong nagpasok sa kanya sa scholar.
b. Babalik upang mapagsilbihan ang kapwa Pilipino bilang pasasalamat.
c. Babalik upang ipakita na mas magaling siya sa ibang doctor.
d. Babalik upang makasingil nang mahal sa kanyang serbisyo bilang
doctor.

_____7. Tayong mga Pilipino ay may malakas na pananalig sa Diyos, tayo ay


nagsisimba para _______?
a. magpasalamat sa buhay at biyayang natatanggap.
b. makasama sa pagsisimba ang barkada.
c. masabing madasalin at relihiyoso.
d. masuot ang bagong damit.

_____8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kawalan ng pasasalamat?


a. Pagtulong sa mga taong nangangailangan ng tulong.
b. Pagsuporta sa kakayahan ng mga kaibigan.
c. Pagbibigay donasyon sa mga taong nasalanta ng kalamidad.
d. Hindi pagsunod sa mga magulang.

_____9. Kumakain ng bayabas ang iyong kaibigan at binigyan ka niya. Ngunit hindi
niya alam na hindi ka pala kumakain nito. Ano ang iyong gagawin?

14
a. Hindi na lang kakainin ang binigay niyang bayabas.
b. Magdadabog at sasabihing hindi ako kumakain ng bayabas.
c. Magpapasalamat, itatago ang bayabas at ibibigay kay nanay pag-uwi.
d. Sasabihin sa kanya, “Alam mong di ako kumakain tapos bibigyan mo
ako.”

____10. Paano mo ipapakita ang iyong pasasalamat sa kaibigan na palaging


tumutulong sa iyo?
a. Dapat lang niya akong tulungan dahil tinutulungan ko din naman sila.
b. Hahandugan ko sila ng isang awiting nagsasaad ng pasasalamat.
c. Hihingi pa ako ng karagdagang tulong.
d. Magsasawalang kibo dahil hindi ko naman hinihingi ang tulong nila.

Gawain 7: Paggawa ng Sanaysay


Gumawa ng sanaysay ng naglalaman ng pagkakaiba ng pagiging
mapagpasalamat at ng entitlement mentality. Bigyang diin ang epekto ng pagiging
mapagpasalamat at hindi pagiging mapagpasalamat. Ipaliwanag kung paano
nakatulong ang pagiging mapagpasalamat sa pagtatagumpay ng magandang
hinaharap.

J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin


Gawain 8: Pananaw ko sa Pasasalamat
Isulat ang inyong pananaw sa kasabihan ukol sa pasasalamat. Isulat ang
inyong pananaw sa inyong sagutang papel. At para mabigyan ng malalim na
pang-unawa sa aralin ng pasasalamat maaaring panoorin ninyo ang video link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=iVrQqWIs6ZE

“Ang pasasalamat ay hindi lamang ang pinakadakilang birtud, ngunit ang


magulang ng lahat ng mga birtud,” ayon kay Marcus Tulius Cicero.

Sana sa pamamagitan ng aralin na ito ay matutuhan mong maisabuhay ang birtud


ng pasasalamat.

15
16
Posibleng sagot
Pangunahing Sitwasyong Paano Paano Kung ikaw
Kwento Tauhan sa Kinakaharap Nalampasan ipinakita ang ang nasa
kwento birtud ng sitwasyon
pasasalamat Paano mo
haharapin
ang
sitwasyon
Nakapulot ng Ibinalik sa Tinulungan Posibleng
pera at tseke may-ari ang sa opersayon sagot:
pera at tseke ang anak ni Maaring
1. Jayson
Jayson magawa ko
ang ginawa ni
Jayson.
Maagang Nagkaroon ng Bumalik sa Posibleng
naulila sa mga scholar at nag Pilipinas sagot:
magulang working upang Padadalhan
student pasalamatan ko ng regalo
2. Mateo
ang tumulong at tulong ang
sa kanya mga taong
tumulong sa
akin.
Hindi Tinulungan na Nangakong Posibleng
makalakad maoperahan tutulong din sagot:
ng isang siya sa mga Magtatapos
orthopedic nangangailan ako ng aking
surgeon gan pag-aaral
3. Luis upang ako ay
makatulong
gaya ng
ginawang
pagtulong sa
akin.
Gawain 3: Mga Kwento ng Pasasalamat
1. entitlement mentality
(Posibleng sagot ay base sa sariling
2. posibleng sagot
pamamaraan)
Iisipin ng iyong kapwa na ikaw ay isang taong
1. A 2. C 3. D 4.F
makasalit.
5. B 6. E
Mga tanong
1. Sa pamamagitan ng pagsasabuhay sa Mentalidad ko sa Pasasalamat!
mga hakbang ng pasasalamat na aking Gawain 1:
ginawang pagranggo.
2. Dahil ang birtud na nagturo sa atin na
maging mapagkumbaba 1. Tama 6. Mali
2. Tama 7. Mali
3. Tama 8. Mali
4. Tama 9. Tama
5. Tama 10. Tama
pasasalamat
Pagrarango ng paraan ng
Gawain 2: Balik-Aral
Susi sa Pagwawasto
17
Maaring Iba-iba ang sagot ng mga bata
Posibleng sagot:
Ang pasasalamat ay nagtuturo sa atin na maging mabait sa ating kapwa.
Naipapakita ang pagiging mapagpakumbaba kung tayo ay marunong
magpasalamat. Marami birtud naituturong birtud ang pasasalamat kung ito ay ating
isasabuhay.
Gawain 8: Pananaw ko sa Pasasalamat
1. D 6. B
2. D 7. A
3. A 8. D
Maaaring iba-iba ang sagot ng mga bata 4. A 9. C
5. D 10. B
Gawain 7: Paggawa ng Sanaysay Maikling Pagsusulit
Batayang Konsepto:
Ang paggawa ng kabutihan sa kapwa ay ginagawa nang buong-puso. Kabaligtaran
ito ng Entitlement Mentality, isang paniniwala o paiisip na anomang inaasam mo
ay karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang pansin. Hindi naglalayong bayaran o
palitan ang kabutihan ng kapwa kundi gawin sa iba ang kabutihang ginawa sa iyo.
Gawain 6: Pagbuo ng Pangungusap
Maaaring iba-iba ang sagot ng mga bata
Posibleng sagot:
Panalangin ng pasasalamat:
Salamat sa Panginoon at natapos kong nasagutan ang aking mga modules.
Mga Natutunan sa mga Pagsubok na Naranasan:
Natututo akong ng time management sa pagsagot ng aking mga modules.
Mga Taong Pasasalamatan:
Salamat sa aking magulang sa paggabay nila sa aking pag-aaral.
Pinakamagandang Pangyayari sa araw na ito:
Nakapagpasa ako ng aking mga modules sa aking guro sa araw na ito
Gawain 5: Journal ng Pasasalamat!
Maaring iba-iba ang sagot ng bata
Posibleng sagot sa mga Tanong
1. nakatapos ng module
2. binili ako ng bagong cellphone para magamit sa aking pag-aara sa online
Gawain 4: Gratitude Jar
Grupo ng Tagapaglinang

Grupo ng Tagapaglinang ng mga SIPacks


agwawasto
Manunulat: Marlet R. Santos
Tagaguhit: Allkhem C. Moran
Patnugot: Jean R. Canlas, Ph.D
Tagasuri ng Nilalaman: Jean R. Canlas, Ph.D
Rosalinda Ibarra, Ph.D
Feligena Bugay, Ph.D
Lordennis T. Leonardo, Ph.D
Norma A. Ison, Ph.D

Patnugot ng Wika: Edelwiza Cadag

Grupo ng Tagapaglinang: Imelda P. Macaspac, Ph.D


Rosalin S. Muli, Ph.D
Remedios D. Sitchon
Rodel D. Lintag

18

You might also like