You are on page 1of 14

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
Ang Wastong Pamamahala ng
Emosyon
Subject – EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Ikalawang Markahan – Modyul_6: Ang Wastong Pamamahala ng Emosyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaadsa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa ano mang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon paman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabingahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mgaiyon. Pinagsumikapang matunton ang
mgaitoupangmakuha ang pahintulotsapaggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-ari ng iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinalna may-akda ng mg
aito.

Walang ano mang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Cora C. Amaro Editor:


Robert Doria, Leilani Avila
Tagasuri:
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagagawa ng Template:Neil Edward D. Diaz Tagapamahala:
Evelyn R. Fetalvero Reynaldo M. Guillena
Mary Jeanne B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada Lydia V. Ampo

Inilimbag saPilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI Davao City Division

Office Address : DepEd Davao City Division, E. Quirino Ave.,


Davao City, Davao del Sur, Philippines
Telefax : (082) 224 0100
E-mail Address : info@deped-davaocity.ph
8
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan –Modyul:6
Ang Wastong Pamamahala ng
Emosyon

Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa
kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga


paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay
at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na
may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong
tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng
aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung
tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng
ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay
makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na


matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin Natin
Ang tao ay may isip at damdamin. Ito ay dumadaloy sa kanyang pagkatao na
kailangang maging wasto ang pamamahala dahil ito ay magdudulot ng magandang
relasyon sa pakikipagkapwa. Ang damadamin o emosyon ay nagdidikta ng malaking
bahagi sa pag-unlad ng pagkatao. Ang magandang pakikisama sa kapwa ay isa sa
mga epekto ng mabuting pamamahala ng emosyon.
Ang maayos na pamamahala sa mga problema na hinaharap ay
nagpapatunay na may maayos na kaugnayan sa sariling emosyon. Ito rin ay paraan
upang may maiambag na kabutihan sa lipunan tungo sa masayang pakikpagkapwa.
Makikita at maramdaman ng ating kapwa kung ang isang tao ay may maayos na
emosyon. Napakahalag ang pagkakaroon ng wastong pamamahala ng emosyon.Sa
modyul na ito ay mas maintindihan mo ang halaga ng pakilala sa sariling emosyon at
kung paano ito pamamahalaan at mapapaunlad ang iyong kaalaman upang
maipapamalas mo ang mga inaasahang kasanayang pampagkatuto sa modyul na
ito. Inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at
pag-unawa: Napangangatwiran na:
a. Ang pamamhala ng emosyon sa pamamagitan ng pagtataglay ng mga
birtud ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili at pakikipagkapwa.
(EsP8PIIf-7.3),
b. Ang katatagan (fortitude) at kahinahunan (prudence)ay nakakatulong
upang harapin ang matinding pagkamuhi, matinding kalunkutan,takot at
galit.
c. Naisasagawa ang angkop na kilos upang mapamahalaan nang wasto
ang emosyon.(EsP8IIf- 7.4)

Mahalagang tanong:
1. Bakit mahalagang pamamahalaan ng maayos ang emosyon?
.
.

Subukin Natin
Paunang Pagtataya:
Panuto: Unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang salitang

1
TAMA kung ito ay maayos na pamamahal ng emosyon at MALI kung ito ay
kabaliktaran.

1. Ang takot at pangamba na mahawaan ng sakit dahil sa virus ay


nagdudulot ng matinding pagod sa kalusugan.
2. Ang galit na sa damdamin ay natural na emosyon kaya dapat na magalit
palagi kapag may suliranin sa buhay.
3. Nagpapagaan ng kalooban ang mga taong masayahin sa buhay.

4. Ang pagiging matulungin sa kapwa na naging biktima ng mga kalamidad


ay nagpapatatag sa kalooban.
5. Ang labis na pagmamahal sa sarili at walang pakialam sa kapwa na may
mga pangangailangan ay matatawag na kasakiman.

AralinNatin

Gawain 1: Panuto: Suriing mabuti ang sarili at ibigay ang sagot ayon sa
hinihingi nito na nasa loob ng bawat kolum. Isulat ang sagot sa sagutang papel
Pagpapakita ng Nagdudulot ng sa Dahilan Nagbigay ng Paano ko
Pagmamahal Pagkagalit ng kasiyahan sa malampasan
damdamin pagkatakot buhay ang
sa buhay negatibong
emosyon?
1.
2.
3.
4.
5.

Sagutin ang tanong sa sagutang papel:

1. Bakit kailangang suriin ang sariling emosyon?


2. Alin sa mga hinihingi sa itaas nasa kolum ang nagdudulot ng kasiyahan mo?

Nadadala ka ba ng iyong emosyon? Ang pag-unawa ng emosyon ay kailangan


upang maintindihan ang sarili. Ano nga ba ang emosyon? Paano ba ito
pamamahalaan at unawain? Ayon kay Ken Lumogdang (2010) ang wastong
2
pamamahala ng emosyon ay kaugnay ng maunlad na pakikipagkapwa. Dahil kung
wasto ang pamamahala mo ng iyong emosyon higit na maging madali para sa iyo
ang makihalubilo at makisama sa iyong kapwa. Hindi ka matitinag ng kahit
anumang magandang maririnig o mararanasan mula sa iba. Gawaan ka man ng iba
ng masama, manatili ka pa rin sa panig ng kabutihan Ganito ang may wastong
pamamahala ng emosyon – nasa tamang direksyon ang pag-iisip at pagkilos.

Kailangang harapin ang bawat damdamin at maghanap ng paraan sa bawat


pagsubok sa buhay kung paano maiaayos ang lahat. Pahalagahan ang makakabuti
sa tao. Bigyan natin ng pansin kung paano gawin ang mga ito dahil kung hindi, ang
matinding emosyon na negatibo ay magdudulot ng masamang epekto sa pag-iisip,
kalusugan at damdamin kaya sapat na kaalaman ang kailangan upang maiwasan
ang pagkasira ng pagkatao.
Ang emosyon ay bahagi nang pagkatao na walang isip kaya napakahalaga na
suriin ang damdamin gamit ang wastong pag-iisip. Ipahayag ang mga saloobin at
mga damdamin na may buong katapatan at integridad na may paggalang sa sarili at
sa iba. Bagaman kung minsan may mga sitwasyon na nangangailangan ng
pagpapasya, katatagan at kahinahunan na labanan ang matinding emosyon. Ngunit
higit sa lahat, upang panatilihin sa ilalim ng wastong pamamahala ang sarili, ang
panahon ay tumutulong upang may bagong pananaw at saloobin na magmumula sa
isyu ng pag-iisip. Ito ay upang makuhang pamahalaan ang emosyon, na kung saan
hindi maaaring humantong sa maling direksyon.
Ayon sa mananaliksik mula sa isang French University sinusukat ang
kahalagahan ng pangiti upang labanan ang negatibong emosyon dahil ang sabi nila
ang bawat kalooban ay may sariling kahulugan. Iminungkahi nila na dapat
makipagusap sa isang taong hindi kasangkot sa iyong problema o damdamin.
Kapag nasa harap ka ng problema ang utak ay nagsisimulang mag-isip at
hinahanap ang proseso o solusyon Ang wastong pamamahala ng emosyon ay
magdudulot ng katatagan sa sarili gamit ang isipan at damdamin na gawin ang mga
positibong paguugali at gawin ito na may kapuri-puri. Dahil ang puso ay templo ng
pag-ibig kung saan ang emosyon ay nakapaloob. Kasiyahan ay makamtan sa
wastong pagtanggap sa bawat sitwasyon na dulot ng panahon.

MGA HAKBANG UPANG MAKITUNGO SA EMOSYON

1. Alamin ang iyong mga emosyonal na pangangailangan


Upang makontrol ang iyong damdamin, dapat mong lubos na makilala ang
mga ito. Ang lahat ng tao ay may pang- emosyonal na pangngailangan na
katulad ng mahalaga sa pisikal na pangangailangan Halimbawa ang
pakiramdam na iginagalang at kumportable kapag hindi ito natutugunan ay
nagdudulot ng negatibong emosyon. Kapag ang iyong utak ay naramdaman
na kung nawala ang isang bagay na kailangana nito o para bang naalis ito,
ang pinakaraniwang damdamin ay galit, takot o kaluntkutan. ang mga
pangangailangan ay hindi masama, ngunit mahalaga na malaman ang mga
ito at malaman kung paano makontrol ang mga ito.

3
2. Baguhin ang pokus
Kapag alam mo ang isang bagay ay nag-uudyok ng negatibong emosyon,
ilihis ang iyong pansin mula sa taong iyon o sitwasyon. Sa halip, tituon sa
isang bagay na positibo upang mabawi ang iyong pag-iingat. Halimbawa
Kung nakaramdam ka ng galit sa iyong sarili sa hindi pagpunta sa gym sa
buong linggo, baguhin ang iyong tuon.

3. Huminahon
Kapag nakaramdam ka ng napakalakas na damdamin, maaaring mahirap
mag-isip at kumilos nang may katwiran. Kapag nagagalit o natatakot ka, ang
iyong katawan ay pumasok sa isang laban o mode ng paglipad, na maaring
gumawa ka ng reaksiyon sa mga emosyon sa halip na may lohika, karaniwan
ang ganitong uri ng tugon ay hindi kapaki- pakinabang. Kaya huminahon ka
kapag nakaramdam ka ng mga negatibong emosyon.Huminga ka ng malalim.
Ang pagtuon sa iyong paghinga ay hindi lamang magbabago sa iyong pokus,
ngunit makakatulong ito sa iyo na huminahon, pisikal at emosyonal.

4. Magpahinga muna
Dahil sa malakas na emosyon ay maaaring gumawa ka ng kilos na
makasisira sa kapwa. Totoo ito para sa parehong positibo at negatibong
damdamin, tulad ng kalugkutan o matinding kaligayahan. Ang isang mahusay
na paraan upang makontrol ang iyong damdamin ay ang magpahinga bago
kumilos kapag nakaramdam ka ng matinding emosyon. Kung ikaw ay nasa
isang mainit na talakayan sa iyong kapareha, huminahon bago gumawa ng
mga pagpapasya. Sabihin sa kanya na kailangan mong lumakad nang mabilis
sa paligid ng bloke bago magpatuloy ang pag-uusap.

Gawin Natin
Gawain 2
Panuto: Upang malaman mo kung wasto ang pamamahala mo ng iyong
Emosyon Sagutin ang mga tanong at ipaliwanag ang bawat sagot.Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1. Umaako ka ba ng responsibilidad at napaninindigan mo ba ito?


2. Marunong ka bang makiisa sa iba?
3. Marunong ka bang tumanggap ng kabiguan?
4. Kaya mo ba maging mahinahon maging sa mga kainis-inis na sitwasyon?
5. Kaya mo bang mag-isip para sa iyong sarili?

4
Sanayin Natin
Gawain 3
Panuto: Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Bumuo ng Pangako sa Sarili.

Ano ang maipapangako mo sa sarili sa kinakaharap ng mga suliranin sa


buhay?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
.
2. Mga hakbang o gawain na makapagpapaunlad at makapagpapatatag ng
iyong emosyon? Magbigay ng 5 sagot.

Tandaan Natin
Gawain 4
Panuto: Bumuo ng isang kuwentong maaaring naranasan mo na
maaaring magpatunay na ang wastong pamamahala ng
emosyon ay nakatutulong sa pag-unlad ng pakikipagkapwa. Isulat ang sagot sa
sagutang papel

“Upang magkaroon ng maayos na pakikipagkapwa’y ito ang tugon;


Sikaping ito’y makamtan hindi bukas o sa isang taon kundi ngayon ang
tamang panahon.”

Suriin Natin
Gawain 5
5
Panuto: Ilarawan ang bawat sitwasyon na nasa ibaba at iugnay ito sa wastong
pamamahala ng emosyon.Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang isang anak na palaging pinapagalitan ng magulang dahil sa paglalaro ng
Mobile legend.
2. Ang pag-aaway ng magulang dahil kulang ang pangastos sa bahay.
3. Pagsusumikap sa buhay upang makamtan ang mga pangarap.
4. Patuloy sa pag-aaral sa gitna ng pandemya.
5. Pagpapasalamat sa Diyos.

Payabungin Natin

Gawain 6
Panuto: Ibigay ang mga sagot sa bawat damdamin o emosyon
Nakapaloob sa bawat kolum. Isulat ang sagot sa sagutang papel
Emosyon Pagkamuhi Matinding Takot Galit Kawalan ng
kalungkutan interest
Negatibong
epekto
Paano
malampasan

6
Pagnilayan Natin
Gawain 6
Panuto:
Bumuo ng video presentation ( 5 minuto) tungkol sa iyong
Sariling Karanasan kung paano mo mapapaunlad ang iyong
pakikipagkapwa dahil sa positibong emosyon.

7
8
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elp idio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224 -3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph

You might also like