You are on page 1of 13

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Kwarter 2-Modyul 9
Emosyon (6.7.1)

1
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Ikalawang Markahan- Modyul 9: Emosyon

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-ari (sipi) sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang – aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa orihinal na may akda ng mga ito.

Walang anomang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Emmarie C. Martinez


Editor: Jenith D. Canada
Tagasuri: Gloria E. Fontelar
Tagaguhit: Rizka Viktoria E. Fontelar
Tagalapat: Cynthia M. Bandol

2
I.PANIMULA

Ang emosyon ay ang aspektong emosyonal ng tao katulad ng pagdamdam,


pagkagusto, pagmamahal at pagkapoot. Mahalagang matutunan mo kung paano
mapapamahalaan nang wasto ang iyong emosyon upang mapagbuti ang ugnayan mo sa
iyong kapuwa. Sa pamamagitan ng modyul na ito, inaasahan na makakamit ng mga
kabataang katulad mo ang malalim na pag-unawa sa emosyon at ang kahalagahan ng
pagtataglay ng mga birtud upang mapamahalaan ito nang wasto tungo sa mapanagutang
pakikipagkapuwa.

II. LAYUNIN

7.1 Natutukoy ang magiging epekto sa kilos at pagpapasya ng wasto at hindi


wastong pamamahala ng pangunahing emosyon.

III. PAUNANG PAGTATAYA/PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN

Panuto: Ang bawat tao ay may iba’t ibang sitwasyong hinaharap. May sarili rin
siyang paraan kung paano niya ito haharapin at kung ano ang emosyong ipakikita.
Tukuyin mo ang emosyon na angkop sa bawat sitwasyon. Piliin ang sagot mula sa kahon sa
susunod na pahina. Isulat sa iyong kuwaderno ang iyong mga sagot.

Mga Pahayag Emosyon


1. Naku! Hindi pa ako tapos sa aking proyekto. Ipapasa na
ito bukas.
2. Ano ang gumugulo sa isip mo? May maitutulong ba ako?
3. Tiyak na matutuwa si Nanay! Matataas ang marka ko!
4. Naniniwala ako na kayang- kaya mong mapanalunan
ang premyo sa sinalihan mong paligsahan.
5. Huwag ka ngang maingay! Nakikita mong may ginagawa
ako,
6. Malapit nang umuwi si Tatay. Ano kaya ang kaniyang
pasalubong?
7. Sobrang trapik naman dito! Hindi na ako makakahabol
sa aking klase.
8. Mothers’ Day na sa Linggo. Sorpresahin natin si Nanay.
9. Naku! Nandiyan na naman ang laging nanunukso sa
akin. Huwag niyo akong ituturo sa kaniya.
10. Akala mo naman kung sino ka! Huwag ka ngang
mayabang!

3
Mga Pangunahing Emosyon
Pagmamahal Katatagan Paagkatakot
Pag-aasam Pagkamuhi Pagkagalit
Pagkagalak Pag-iwas Kawalan ng pag-asa
Pag- asa Pighati

IV. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN, PAG-UNAWA

Panuto:

1. Sa gawaing ito, gunitain ang hindi malilimutang karanasan at damdamin.


Magbigay ng tatlong magkakaibang karanasan na nagdulot ng iba’t ibang emosyon.
2. Sa unang hanay, isulat ang karanasan (maikling paglalarawan lamang).
3. Isulat sa ikalawang hanay ang hindi malimutang emosyon.
4. Isulat sa ikatlong hanay ang iyong ginawa dahil sa hindi malilimutang emosyon.
5. Sa ikaapat na hanay, isulat kung bakit mo ginawa ang nasa ikatlong hanay.
6. Isulat sa ikalimang hanay ang iyong natutuhan mula sa pangyayari.
7. Maging matapat at makatotohanan sa iyong mga sagot.
8. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.

Karanasan Hindi Anong Bakit ginawa? Mga pagkatuto


malilimutang ginawa? sa mga
emosyon pangyayari
Nahuli ng guro Pagkabalisa at Inilihim sa mga Para hindi Mag- aaral na
na pagkatakot magulang mapagalitan nang mabuti
nangongopya
sa oras ng
pagsusulit

4
9. Sagutin ang sumusunod na tanong:

a. Bakit hindi mo makalimutan ang mga damdaming iyong tinukoy?

b. Paano mo nabigyan ng solusyon ang mga negatibong damdamin?

c. Nakabubuti ba ito sa iyong ugnayan sa sarili at sa iyong kapuwa? Ipaliwanag.

V. PAGPAPALALIM

Ang Emosyon

Ang buhay ay punong-puno ng makukulay na karanasan at pakikipag-ugnayan na


nagbibigay-sigla at kahulugan dito. Mula sa mga karanasang ito ay napukaw ang iba’t ibang
emosyon at damdamin.

Hindi basta-bastang nakokontrol o napamamahalaan ang mga damdamin. Di tuluyan


ang pagkontrol o pamamahala sa mga ito, sa pamamagitan ng pagkontrol ng mga sanhi o
epekto (pagsasakatawan, kilos) nito. Sang-ayon sa lohiko ng damdamin ni Pascal,
isinasalarawan ni Scheler ang kaayusan at magkakaibang antas ng buhay-damdamin ng
tao.

May apat na uri ng damdamin:

1. Pandama (sensory feelings). Ito ay tumutukoy sa limang karamdamang pisikal o


mga panlabas na pandama na nakapagdudulot ng panandaliang kasiyahan o paghihirap sa
tao. Halimbawa ng mga ito ay pagkagutom, pagkauhaw, kalasingan, halimuyak, panlasa,
kiliti, kasiyahan, at sakit. Sa katotohanan, ang kasiya-siya ay higit na naiibigan. Ang ilan ay
hinaharap ang hindi kasiya-siya bilang pagsasakripisyo tungo sa pagtatamo ng mas mataas
na halaga.

2. Kalagayan ng damdamin (feelings state). Ito ay may kinalaman sa kasalukuyang


kalagayan na nararamdaman ng tao. Halimbawa nito ay kasiglahan, katamlayan, may gana,
walang gana.

3. Sikikong damdamin (psychical feelings). Ang pagtugon ng tao sa mga bagay sa


kaniyang paligid ay naiimpluwensiyahan ng kasalukuyang kalagayan ng kaniyang
damdamin. Dahil ang tao ay may likas na kagalingan o kahusayan, at may pagpapahalaga
sa mabuti, ang kaniyang dagliang tugon ay maaaring mapagbago ng kaniyang kalooban at
pag-iisip tungo sa positibong panlipunang pakikipag-ugnayan. Ilan lamang sa mga
halimbawa nito ay sobrang tuwa, kaligayahan, kalungkutan, kasiyahan, pagdamay,
mapagmahal, poot.

5
4. Ispiritwal na damdamin (spiritual feelings). Ayon kay Dr. Manuel B. Dy Jr., ang
mga ispiritwal na damdamin ay nakatuon sa paghubog ng pagpapahalaga sa kabanalan
tulad ng pag-asa at pananampalataya.

Talaan ng pangunahing emosyon na hango sa aklat ni Esther Esteban na Education


in Values: What, Why and For Whom: (1990, ph. 51).

Mga Pangunahing Emosyon

Pagmamahal (love) Pagkamuhi (hatred)


Paghahangad (desire) Pag-iwas (aversion)
Pagkatuwa (joy) Pagdadalamhati (sorrow)
Pag-asa (hope) Kawalan ng pag-asa (despair)
Pagiging matatag (courage) Pagkatakot (fear)
Pagkagalit (anger)

Marahil ay alam mo na ngayon kung ano ang tinatawag na emosyon at ang apat na
uri nito. Bago ka magpatuloy sa susunod na mga Gawain ay sagutin mo muna ang
mga gabay na tanong:

1. Paano ba dapat kinokontrol o pinamamahalaan ang ating emosyon batay sa iba’t


ibang sitwasyon at pagkakataon?
2. Alin sa mga nabanggit na mga pangunahing emosyon ang sa palagay mo ay
mahirap kontrolin o pamahalaan? Bakit?
3. Nakaramdam ka na ba ng ilan sa mga hindi kasiya-siyang emosyong dala ng
matinding pagsubok sa sarili o pamilya? Paano mo ito hinarap? Ilahad ang buong
pangyayari.

VI- PAGSASAPUSO

Gawain 1
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa iyong kwaderno.
1. Ano ang emosyon?

2. Ano-ano ang magiging epekto sa kilos at pagpapasya kung wasto ang pamamahala
ng emosyon?

3. Ano-ano ang magiging epekto sa kilos at pagpapasya kung hindi wasto ang
pamamahala ng emosyon?

6
Gawain 2:
Ipahayag ang iyong mga natuklasan sa pamamagitan ng pagtatapos ng mga inumpisahang
pangungusap.

1. Ang emosyon ay …

https://www.google.com/search?q=heart+emoji&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ah
UKEwjf1sfX373pAhWo3mEKHY7ECzwQ_AUoAXoECA8QAw

2. Ang positibong emosyon ay …

https://www.google.com/search?q=happy+emoticon&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=c6
Vq5ICBDyuX6M%253A%252CkFyH143SxiJdeM%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kS4QQ_CiS6YfDPc5InCBSR-9cZOgg&sa=X&ved=2ahUKEwi6kKTa1b3pAhXD-
GEKHVxiDNcQ9QEwBXoECAkQOg#imgrc=c6Vq5ICBDyuX6M:

3. Ang negatibong emosyon ay

https://www.google.com/search?q=sad+emoticon&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2
ahUKEwi_x-LIzb3pAhUjBKYKHcRhCX4Q_AUoAXoECA8QAw

7
4. Nararapat na pamahalaan ang emosyon sapagkat …

https://www.fluentu.com/blog/japanese/learn-japanese-with-anime-series/

VII. PAGSASABUHAY

1.Magbalik-tanaw ka ngayon. Isipin ang mga emosyon na madalas mong


maramdaman na nagdudulot ng hindi magandang epekto sa iyo at sa iba.

2. Isulat ang mga ito sa loob ng bawat bahagi ng bilog.

3. At sa bawat kahon, magtukoy ng mga maimumungkahi mong paraan upang


mapamahalaan mo ito kapag muling maramdaman. Maaaring higit pa sa dalawang
pamamaraan ang maibabahagi mo.

4. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.

1. Magrelax muna tulad ng


pag-eehersisyo.

2. Magpalamig muna ng ulo


upang hindi na lumala ang alitan.

GALIT

8
VIII. PAGTATAYA

Tukuyin at isulat kung WASTO o HINDI WASTO ang pamamahala ng emosyon sa


bawat sitwasyon sa ibaba at ipaliwanag ang magiging epekto nito sa kilos at
pagpapasya. Isulat ang mga kasagutan sa iyong kuwaderno.

1. May bagong lipat na kapitbahay sina Lisa. Umalis ang pamilyang Muslim na ito sa
Mindanao dahil sa digmaan. Nakikipagkaibigan si Lisa sa mga anak na tinedyer.

2. Napagalitan ng guro sa Matematika ang kaklase mo dahil sa hindi pagsagot sa


takda. Mula noon, ayaw na niyang pumasok dito. Nagtatago siya at nanginginig
kapag nakikita niya ang guro.

3. Nalaman ni Elena na pinintasan siya ng kaniyang mga kaibigan dahil sa


pananamit niya. Labis niyang ikinagalit ito. Mula noon, ayaw na niyang kausapin
ang mga ito.

4. Tuwang-tuwa si Ana nang malamang siya ang nanalo sa eleksyon sa kanilang


paaralan. Siya na ang pinuno ng pinakamataas na samahan sa paaralang iyon.
Pinasalamatan niya ang kaniyang mga kamag-aral at kaibigan. Sinabi niya na
kaniyang tutuparin ang kaniyang ipinangako noong siya ay nangampanya.

5. Nakangiti si Elena habang nagsasayaw. Lalo niyang hinusayan nang


magpalakpakan ang mga taong nanonood.

IX. KASUNDUAN

Kapanayamin ang (5) miyembro ng iyong pamilya. Gamitin ang pormat sa baba sa
gagawing panayam.

PANGALAN KARANASAN NAGING PAANO HINARAP


EMOSYON

9
SUSI SA PAGWAWASTO
III. PAUNANG PAGTATAYA
1. Pagkatakot
2. Katatagan
3. Pagkagalak
4. Pag- asa
5. Pagkagalit
6. Pag- asam
7. Kawalan ng pag- asa
8. Pagmamahal
9. Pag- iwas
10. Pagkamuhi

IV. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN, PAG- UNAWA


Maaring mag- iba o depende sa sagot ng mag- aaral

V. MGA PANGPROSESONG KATANUNGAN


Inaasahang kasagutan:
1. Hindi basta-bastang nakokontrol o napamamahalaan ang mga damdamin. Di tuluyan ang
pagkontrol o pamamahala sa mga ito, sa pamamagitan ng pagkontrol ng mga sanhi o
epekto (pagsasakatawan, kilos) nito.
2. Maaring mag- iba o depende sa sagot ng mag- aaral.
3. Maaring mag- iba o depende sa sagot ng mag- aaral.

VI. PAGSASAPUSO
GAWAIN 1:
Mga Inaasahang kasagutan:
1.1 Ang emosyon ay ang aspektong emosyonal ng tao katulad ng pagdamdam, pagkagusto,
pagmamahal at pagkapoot.
1.2 Ang emosyon ang siyang tugon ng tao sa mga bagay na kanyang nakikita,
nararamdaman, naririnig, nalalasahan at naaamoy.
2. Mapagbubuti ang ugnayan sa kapuwa at magiging maayos ang mga gagawing
pagpapasya kung wasto ang pamamahala ng emosyon.
3.1 Kung hindi wasto ang pamamahala ng emosyon hindi lamang sarili ang magiging
biktima. Maaaring maapektuhan nito ang ating ugnayan sa kapuwa at makagawa ng mga
maling desisyon.
3.2 Ang mga emosyon na hindi napamahalaan ay maaaring hindi maganda ang
impluwensiya sa ating mga kilos at pagpapasiya sa sitwasyong may krisis, suliranin, o
pagkalito.

10
GAWAIN 2:
Mga Inaasahang kasagutan:
1.1 Ang emosyon ay ang aspektong emosyonal ng tao katulad ng pagdamdam, pagkagusto,
pagmamahal at pagkapoot.
1.2 Ang emosyon ay hindi basta-bastang nakokontrol o napamamahalaan.
1.3 Ang emosyon ang siyang tugon ng tao sa mga bagay na kanyang nakikita,
nararamdaman, naririnig, nalalasahan at naaamoy.
2. Ang positibong emosyon ay ang mga emosyon na nakakasiya ngunit nangangailangan pa
rin ng wastong pamamahala katulad ng pagmamahal, paghahangad, pagkatuwa, pag-asa at
pagiging matatag.
3. Ang negatibong emosyon ay nagpapahirap sa damdamin dahil ito ay nakakatakot,
nakakalungkot, at nagdudulot ng sakit sa kalooban ng tao. Ang pagkamuhi, pag- iwas,
pagdadalamhati, kawalan ng pag- asa, pagkatakot, at pagkagalit ay halimbawa ng mga
negatibong emosyon.
4. Nararapat na pamahalaan ang emosyon sapagkat ito ay maaring makapagdulot ng
negatibo sa pakikipag- ugnayan sa ating kapuwa at maaaring makaapekto sa mga
pagpapasya na ating gagawin na maaaring hindi lang tayo ang maging biktima kung hindi
pati ang ibang tao.

VII. PAGSASABUHAY
Maaring mag- iba o depende sa sagot ng mag- aaral.

VIII. PAGTATAYA
Mga Inaasahang kasagutan:
1. WASTO. Dahil sa nakipagkaibigan si Lisa sa mga anak na tinedyer ng kanilang
kapitbahay, magkakasundo sila at madaling makakapag- adjust ang mga bagong lipat.
2. HINDI WASTO. Dapat ay mag- aral siya ng mas maigi para sa susunod ay makasagot na
siya dahil kung magpapatuloy siyang ganoon, maaaring siya ay bumagsak.
3. HINDI WASTO. Maaaring tuluyang masira ang pagkakaibigan nina Elena dahil siya ay
nagalit at ayaw na niya silang kausapin. Ang pag- uusap kasi ang magandang paraan para
mas magkaunawaan at hindi tuluyang masira ang samahan.
4. WASTO. Magkakaroon siya ng magandang ugnayan sa kaniyang mga kaklase at ibang
mag- aaral sapagkat marunong siyang magpasalamat sa kanilang suporta at nangakong
tutuparin ang kaniyang mga ipinangako.
5. WASTO. Mas hahangaan siya ng mga taong makakakita sa kaniya dahil mas
hinuhusayan niya ang kaniyang performance.
IX. KASUNDUAN
Maaring mag- iba o depende sa sagot ng mag- aaral.

11
Mga Sanggunian:

Modyul 7: Emosyon Pahina 166 – 173/ Yunit 2 ng EsP – Modyul para sa Mag
– aaral/ Ika – walong (8) Baitang.
http://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-grade-8-edukasyon-sa-
pagpapakatao-learner-module

Pahina 49 - 52 ng DLP sa EsP – 8/ Kwarter 2 DLPs Quarter 2/ ESP Q2


pahina 49 – 52
http://bit.ly/2WccO9P/

PROJECT EASE
Edukasyon sa Pagpapahalaga I
Yunit I Modyul Blg. 4
Kaya Mo Ba?
p.12, 16

12
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 1781288

Email Address: region5@deped.gov.ph

13

You might also like