You are on page 1of 11

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Kwarter 1-Modyul 4
(Linggo 8.1)
Ang Papel na Panlipunan at
Pampolitikal ng Pamilya
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Unang Markahan- Modyul 4: Ang Papel na Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-ari (sipi) sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa orihinal na may akda ng mga ito.

Walang anomang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Antonio A. Aplacador Jr


Editor: Jenith D. Canada
Tagasuri: Gloria E. Fontelar
Tagaguhit: Rizka Viktoria E. Fontelar
Tagalapat: Cynthia M. Bandol
I.PANIMULA
Magandang araw. Sa nakaraang aralin ay iyong nasuri ang isang halimbawa ng
pamilyang ginagampanan ang panlipunan at pampolitikal na papel nito. Sa modyul na ito ay
ipagpapatuloy muli ang iba pang mahahalagang konsepto hinggil sa papel ng pamilya sa
pamayanan.

II. LAYUNIN

Nahihinuha na may pananagutan ang pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na


pamayanan sa pamamagitan ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan (papel na
panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan (papel na
pampolitikal).

III. PAUNANG PAGTATAYA/PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN

Balikan ang mga napag-aralang karapatan ng pamilya? Magbigay ng dalawa sa mga ito.

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

IV. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN, PAG-UNAWA

Panuto: Sa gawaing ito, titingnan natin kung batid mo at ng iyong pamilya ang mga
tungkulin ninyo sa inyong komunidad at sa mga usapin o isyung nakaaapekto sa inyong
pook. Lagyan ng tsek ( / ) ang hanay na tugma sa inyo.

Paminsan- Hindi
Parati
Mga Tungkulin minsan Kailanman
1. Tinitiyak ko at ng aking pamilya na hindi
magtapon ng basura sa kalye o kalsada

2. Mahina lamang ang aming pagpapatunog ng


mga sound equipments (tulad ng radyo,
videoke, music box at iba pa) sa bahay
upang hindi maistorbo ang mga kapitbahay.

3. Hindi naming hinahayaan na lumabas ng


bahay at bakuran para gumala-gala ang
aming mga alagang hayop.

1
Paminsan- Hindi
Mga Tungkulin Parati
minsan kailanman
4. Dumadalo kami sa mga pulong sa barangay
hangga’t maaari.

5. Nakikilahok kami sa mabubuting gawain at


kampanya sa barangay.

6. Pumupunta kami sa konseho ng barangay


kapag mayroon kaming mga mungkahi o
reklamo.

Gawing batayan ang nasa ibaba para sa iyong mga sagot.

Mga katumbas na puntos sa hanay na may tsek

Parati = 2 na puntos
Paminsan-minsan = 1 punto
Hindi Kailanman = Walang puntos

Kunin ang kabuuang puntos na iyong nakuha para sa buong aktibidad.

Ano ang inyong naging kabuuang puntos? _______

Ihambing ang iyong kabuuang puntos sa tsart na nasa ibaba upang malaman natin
kung anong uri ng kasapi sa komunidad ikaw at ang iyong pamilya.

Kabuuang
Uri ng kasapi sa Komunidad
puntos
10-12 puntos Tagapagbigay ng Kalinga sa Komunidad
Batid ninyo ang inyong mga responsibilidad bilang kasapi ng inyong
komunidad. Alam ninyo kung paano makatutulong upang pangalagaan ang
inyong komunidad. Maaari kayong maging isang pinuno ng komunidad at
suportahan ang pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan nito. Ipagpatuloy
ninyo ang mabuting gawain.
7-9 puntos Paminsan-minsang Pakikilahok
Kahit na ginagampanan ninyo ang ilan sa inyong mga responsibilidad bilang
kasapi ng inyong komunidad, mayroong mga pagkakataon na hindi kayo
nakapagbibigay para sa ikauunlad at pagpapanatili nito. Subukan ninyong
alamin kung ano pa ang inyong magagawa para dito.
0-6 puntos Couch Patato Neighbor
Hindi naman ibig sabihin na kayo ay tamad (bagama’t ito ang kahulugan ng
couch potato), ngunit hindi ninyo nagagampanan ang inyong tungkulin
bilang kasapi ng komunidad. Tumulong sa ibang tao sa labas ng iyong
tahanan. Maging isang responsable at aktibong kasapi ng iyong komunidad.
Kailangan ng bawat komunidad ang mga kasaping tulad ninyo. Kailangan
kayo nito.

2
Sagutin ang mga tanong batay sa impormasyon sa tsart:

1. Batay sa tsart, anong uri ng kasapi ikaw at ang iyong pamilya sa komunidad?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Ano ang iyong nais gawin batay sa naging resulta ng gawain?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

V. PAGPAPALALIM

Basahin at unawain ang sanaysay. Sugutin ang kasunod na mga tanong.

Sa loob ng pamilya nagsisimula ang pagiging bukas palad at ang diwa ng bayanihan.
Ngunit hindi sapat na panatilihin lamang ang mga ito sa loob ng pamilya. Kaya nga may
pagkakataon na hindi nagiging positibo ang pagiging labis na makapamilya ng mga Pilipino.
Imbes na makiisa sa lipunan ay pagkakawatak-watak at pagkakani-kaniya ang nililikha nito.
Ang labis na pagkiling sa pamilya ay maaaring mangahulugan ng paggamit ng posisyon at
kapangyarihan para sa kapakanan nito. Nagiging sanhi rin ito ng political dynasties o ang
pagpapanatili ng mga posisyon sa gobyerno at ng kapangyarihan sa pamumuno ng iisang
pamilya lamang. Ang nangyayari ay taliwas sa papel na panlipunan ng pamilya.

Dapat na mauna ang pagmamahal sa kapuwa bago ang debosyon sa pamilya. Ang
pagiging labis na makapamilya ay katumbas din ng pagiging makasarili. “Dahil sa ugnayang
dugo (blood relations) na namamagitan sa mga kasapi ng pamilya, maituturiing na parang
sarili (another self) ang kapamilya. Kaya nga kung may pinintasan sa iyong kapamilya ay
parang ikaw na rin ang napintasan.” (Dy, 2012)

Sa loob ng pamilya dapat natututuhan ng tao na iwaksi ang pagiging makasarili at


magsakripisyo alang-alang sa kapuwa at alang-alang sa ikabubuti ng lahat. Dito niya
natututuhan na ang pagkakawang-gawa ay katumbas ng pagmamahal; na ang paglilingkod
sa kapuwa ay kinakailangan upang maging kabilang sa kapatiran ng tao. Ang kapatirang ito
ay mangyayari lamang kung mayroong pinag-ugatang pagkakapatiran sa pagitan ng mga
tunay na magkakapatid sa loob ng pamilya.

Nakatutuwang isipin na sa murang edad ay iniligtas nina Virginia Rojo, anim na


taong gulang, at James Baroro, pitong taong gulang, ang kanilang mga kapatid mula sa
nasusunog nilang bahay sa mga lalawigan ng Negros
“Ang pagtulong ng pamilya
at Cebu. Hindi nila inuna ang kanilang sarili. Si James
ay paulit-ulit na bumalik sa nasusunog nilang bahay sa pamayanan ay paraan
sa Lapu-Lapu City para sagipin ang tatlo niyang upang maisabuhay ang mga
kapatid. Si Virginia naman bagamat nasunog ang pagpapahalaga at birtud na
bahagi ng mukha at katawan ay walang hinanakit o itinuturo at natututuhan sa
pag-aalinlangan sa kaniyang ginawa. Sa murang loob ng tahanan.”
edad ay napakalawak ng kanilang pag-unawa sa
halaga ng pagsasakripisyo para sa ikabubuti ng iba. Ganito sana ang kapatirang mayroon
sa bawat pamilya. Isipin mo na lang ang kapatirang mangingibabaw sa mundo!

3
Ang pagiging bukas palad naman ay maipakikita ng pamilya sa pamamagitan ng
mga gawaing panlipunan. Maaari itong makilahok sa mga samahan na boluntaryong
naglilingkod sa pamayanan o kaya ay tumutulong sa mga kapus-palad. Higit sa lahat, dapat
na tumulong ang pamilya sa mga nangangailangang hindi naaabot ng tulong ng
pamahalaan. Isang halimbawa ang mga pamilyang nagbukas ng kanilang mga tahanan para
sa mga naaapektuhan ng pagbaha at iba pang sakuna. Karamihan sa mga pamilyang ito ay
hindi nagdalawang-isip at buong pagtitiwalang pinatutuloy ang mga kapitbahay na
kumakatok sa kanilang pinto at mga puso.

Subalit, nakalulungkot isipin na mayroon ding mga nagbibingibingihan sa mga daing


ng mga kapitbahay dahil sa kawalan ng tiwala sa kapuwa. Minsan kung sino pa ang higit na
may kakayahang magbigay ng tulong, sila pa ang nagsasara ng kanilang pinto. Nakatali sila
sa materyalismo at higit na nagpapahalaga sa mga ari-arian kaysa sa kanilang kapuwa.

Kung ang kabutihan ng pamilya ay napangangalagaan, naitataguyod, at nabibigyang


proteksyon sa lipunan, ang bawat isa ay magkakaroon ng pagkakataong lumaki at maging
ganap na tao sa pinakamabuting kapaligiran- isang kapaligirang nakatutulong sa paghubog
ng mga birtud na dapat taglayin ng isang responsableng mamamayan sa lipunan. Ang
kapaligirang ito ay may lugar para sa kaniyang sarili na nagpapatatag ng kaniyang
kakayahang tumayo sa sariling paa at ng kaniyang pagiging responsable. May
pagmamahalan dito na nagpapatingkad ng kaniyang pakikibahagi sa lipunan at
pakikipagkapuwa. Ang pagiging epektibo ng iba pang mga institusyon sa lipunan ay
nakasalalay sa kabutihan ng pamilya.

Dapat pag-ibayuhin ng bawat pamilya ang pangangalaga at pagbabantay sa mga


karapatan at tungkulin nito dahil maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong
panahon. Ang pagsasabatas ng diborsyo, pagpapalaglag o aborsyon, at materyalismo ay
ilan lamang sa mga sumisira sa pangunahing institusyon ng lipunan. Kung tuluyan nang
masisira ang pamilya, mawawala na rin ang tunay na kanlungan ng moralidad!

Bilang bahagi ng lipunan, tungkulin ng pamilya na panatilihin at paunlarin ang


lipunang kaniyang ginagalawan. Magagawa ito ng pamilya sa pamamagitan ng pagtupad sa
kaniyang papel sa lipunan (pagiging bukas-palad, pagsusulong ng bayanihan, at
pangangalaga sa kaniyang kapaligiran) at papel pampolitikal (ang pagbabantay sa mga
batas at mga institusyong panlipunan).

Mga Tanong:

1. Bakit hindi sapat na panatilihin lamang ang pagiging bukas palad at ang diwa ng
bayanihan sa loob ng pamilya?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Bakit dapat pag-ibayuhin ng bawat pamilya ang pangangalaga at pagbabantay sa


mga karapatan at tungkulin nito?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Ano ang resulta kung ang kabutihan ng pamilya ay napangangalagaan,


naitataguyod, at nabibigyan ng proteksyon sa lipunan?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4
VI- PAGSASAPUSO

Gawain 1: Natutuhan sa modyul

Panuto: Gamit ang graphic organizer sa ibaba, sagutin ang mahalagang tanong: Bakit
mahalagang magampanan ng pamilya ang kaniyang mga papel na panlipunan at
pampolitikal?

Punan ng tamang sagot:

Mahalagang magampanan ng pamilya ang kaniyang mga papel na panlipunan at


pampolitikal dahil ang pamilya ay ______________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Gawain 2: Natuklasan sa sarili kaugnay ng paksa sa modyul

Panuto: Sagutin ang katanungan.

Anong mahalagang reyalisasyon ang iyong napag-isipan tungkol sa


pananagutan ng pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan sa pamamagitan ng
pagtulong sa kapitbahay o kapuwa (papel na panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at
institusyong panlipunan (papel na pampolitikal)?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

5
VII. PAGSASABUHAY

Panuto: Maglista ng tatlong kapitbahay (kahit ang palayaw lang nila). Ilarawan sila
nang pahapyaw. Isulat kung paano mo sila mapapasaya. Gawing batayan ang halimbawa.

Pangalan ng kapitbahay Paglalarawan sa Paano mapasasaya ang


Kapitbahay kapitbahay

Halimbawa:

Tatay Roger Siya ay malapit na Maghahandog ng


(hindi totoong pangalan) kumpare ni tatay. simpleng regalo.
Kaarawan na nya bukas.

Ikaw Naman:

1. _________________ ___________________ ___________________


___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________

2. _________________ ___________________ ___________________


___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________

3. _________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________

6
VIII. PAGTATAYA

Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi ito wasto.

1. __________ May pananagutan ang pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na


pamayanan.
2. __________ Naipapakita ng pagtulong sa kapitbahay ang pagiging responsible ng
isang pamilya.
3. __________ Bilang bahagi ng lipunan, hindi tungkulin ng pamilya na panatilihin at
paunlarin ang lipunang kaniyang ginagalawan.
4. __________ Kalakip ng pananagutan ng pamilya ang pagbabantay sa mga batas at
institusyong panlipunan.
5. __________ Walang banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon.

IX. KASUNDUAN

Suriin ang kakayahan ng sariling pamilya sa pagsasagawa ng mga gawaing angkop


sa panlipunan at pampolitikal na papel ninyo. Ihanda ito para sa susunod na aralin.
.

7
Mga Sanggunian

Para sa Paglinang ng kaalaman, kakayahan, pag-unawa:


ALS Module: Ako, ang Pamilya, at Aking Komunidad pahina 23-24 at 41 (This reference is
cited in the Inventory of Available Learning Resource under ALS column for ESP-8, Quarter
1/Week 7-8)

8
9

You might also like