You are on page 1of 13

Department of Education

8 National Capital Region


S CHOOLS DIVIS ION OFFICE
MARIK INA CITY

Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 8
Ang Pamilyang Marikeño sa Pakikibahagi sa Panlipunan
at Pampolitikang Gampanin sa Pamayanan

CECIL C. SAMSON
Manunulat

MARY JANE B. ROLDAN


Tagaguhit

May-akda: Cecil C. Samson


Tagaguhit: Mary Jane B. Roldan

City of Good Character 0


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Kapag natapos mo ang modyul na ito, inaasahang mauunawaan mo na


ang pamilya ay may tungkuling makilahok sa gawaing panlipunan,
makisangkot at makialam sa mga paglutas ng suliraning pampamayanan.
Inaasahan din na maipamalas at maunawaan mo ang mga sumusunod na
kaalaman at kakayahan:

1. Nahihinuha na may pananagutan ang pamilya sa pagbuo ng


mapagmahal na pamayanan sa pamamagitan ng pagtulong sa
kapitbahay o pamayanan (papel na panlipunan) at pagbabantay sa mga
batas at institusyong panlipunan (papel na pampolitikal).

2. Naisasagawa ang isang gawaing angkop sa panlipunan at pampolitikal


na papel ng pamilya.

Subukin

Basahin mo at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon. Lagyan ng tsek


( ) ang patlang kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng pagtulong sa
lipunan at ekis ( ) naman kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

___1. Humingi ng tulong si Trixie sa barangay upang makakuha ang namatayang


kaibigan ng libreng puwesto upang maiburol ang ama nito.
___2. Pansamantalang pinatuloy ni Gelo ang kanilang kapitbahay na nasunugan
sa kanilang tahanan.

___3. Nagsagawa ng Feeding Program si Roman at ang kanyang pamilya sa


bahay-ampunan.

___4. Sumulat si Lea sa kanilang Congressman upang makapagsagawa ng Clean-


up drive sa kanilang pamayanan.

___5. Tumulong ang pamilya ni Jean sa pagre-pack ng relief goods na


ipamamahagi sa kanilang komunidad.

___ 6. Sinulatan ni Reina ang kanilang mayor upang ipaalam at maisaayos ang
nasirang tulay na nasalanta sa bagyo na dinadaanan ng mga tao upang
makapunta sa lungsod.

___ 7. Umutang ng pera si Aling Minda upang makapaghanda ng masarap at


sosyal na pagkain para sa kanilang mga bisita.

City of Good Character 1


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
___ 8. Binoto ni Ruding ang mga kandidatong nagbigay ng limandaang piso sa
kanilang pamilya.
___ 9. Sumali si Nanding sa rally ng mga kabataan laban sa gobyerno.

___ 10. Palaging iniimbitahan ni Mang Kanor ang kanilang Kapitan sa tuwing
may pagtitipon o handaan sa kanilang tahanan.

Ang Pamilyang Marikeño sa


Aralin
Pakikibahagi sa Panlipunan
1 at Pampolitikang Gampanin
sa Pamayanan
Sa ikapitong linggo ng iyong pag-aaral ng aralin sa Edukasyon sa
Pagpapakatao ay natukoy mo at nasuri ang mga gawain at kilos na ginagampanan
mo at ng iyong pamilya sa inyong lipunan. Mahalaga na isaisip at isapuso mo na
ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan ay ang mga karanasan sa
pakikibahagi at pagbibigayan na dapat na bahagi ng buhay-pamilya sa araw-araw.
Ang mabuting pakikipagkapwa-tao na naranasan mo sa loob ng inyong tahanan ay
mahalagang kontribusyon kung paano ka makikitungo sa iyong kapwa na labas sa
iyong pamilya. Kung iyong pagmumuni-munihan ang mga nangyaring pagsubok sa
ating bansa lalo ngayong panahon ng may pandemiya, masasabi natin na likas sa
ating mga Pilipino ang pagtulong at pagdadamayan. Kahit sa maliit na paraan ay
nais nating maghatid ng pakikiisa at pagdamay sa anumang pagsubok na
nararanasan ng ating kapwa. Isa ito sa panlipunan at pampolitikang gampanin mo
sa bayang iyong kinabibilangan. Sa mga susunod na gawain sa modyul na ito ay
higit mong mauunawaan ang panlipunan at pampolitikang papel ng pamilyang
Pilipino.

Balikan

Bakit mahalagang matukoy at magampanan ng iyong pamilya ang mga


panlipunan at pampolitikang gampanin sa inyong pamayanan? Sa pagkakataong ito,
maaari kang humingi ng tulong sa iyong mga magulang, mga kapatid at
tagapamatnubay upang sagutan ang tanong na ito. Isulat sa iyong kuwaderno ang
kanilang mga kasagutan.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

City of Good Character 2


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tuklasin

Paano nga ba ginagawa ng mga Pilipino ang bayanihan noon at ngayon?


Suriin ang mga larawan sa ibaba at ilarawan kung ano ang pagkakaiba at
pagkakatulad nila. Matapos pagkumparahin ang mga larawan ay sagutin mo ang
mga gabay na tanong.

Bayanihan Noon

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Bayanihan_2.JPG

Bayanihan Ngayon

City of Good Character 3


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Mga gabay na tanong. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Anong pagpapahalaga o birtud ang nais ipahiwatig ng mga larawang
ito?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Paano mo ilalarawan ang bayanihan noon at ngayon?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Suriin
Ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan ay ang karanasan sa
pakikibahagi at pagbibigayan na dapat na bahagi ng buhay-pamilya sa araw-araw.

Hindi sapat na panatilihin ang pagiging bukas-palad at ang diwa ng


bayanihan sa loob lamang ng pamilya. May mga pagkakataon na hindi nagiging
positibo ang pagiging labis na makapamilya ng mga Pilipino. Sa halip na makiisa sa
lipunan ay pagkakawatak-watak at pagkakani-kaniya ang idinudulot nito. Ang
matimbang na pagkiling sa pamilya ay maaaring mangahulugan ng paggamit ng
kapangyarihan at posisyon para sa kapakanan ng buong angkan. Isa sa mga
implikasyon nito ay ang pagbuo ng political dynasties o ang pagpapanatili ng mga
posisyon at ng kapangyarihan sa gobyerno man o isang kumpanya na nasa ilalim ng
pamumuno ng iisang pamilya lamang. Hindi ito ang papel na panlipunan at
pampulitikal ng isang pamilya.

Mahalaga na mangibabaw ang pagmamahal sa kapwa bago ang debosyon sa


pamilya. Ang pagiging labis na makapamilya ay katumbas din ng pagiging
makasarili. Dahil sa pagiging magkakadugo ng bawat kasapi ng pamilya, na ang
tingin nila sa isa't isa ay parang sarili na rin nila. Kaya nga kung may pinintasan sa
iyong kapamilya ay parang ikaw na rin ang napintasan. (Dy, 2012)

Dapat na manguna sa ating kalooban ang pagtulong sa kapwa bago ang


debosyon sa pamilya sapagkat maituturing ito na makasarili kung mas inuuna mong
tulungan palagi ang iyong kadugo o kamag-anak. Ang pagiging bukas-palad ng
pamilya ay maipapakita sa pagtulong sa lipunan sa maraming paraan at
pagkakataon. Marapat na tumulong ang pamilya sa mga kapus-palad na hindi
maabot ng tulong ng pamahalaan. Pinatunayan ng Pandemiyang COVID-19 na ang
pagbabayanihan ay hindi lamang dapat maganap sa loob ng inyong tahanan. Ang
pagbabayanihan ay hindi na bago sa mga Pilipino. Isa ito sa ipinagmamalaking
katangian na bahagi ng ating kultura mula noon hanggang ngayon.

Ang pagtulong ng pamilya sa pamayanan ay paraan upang maisabuhay ang


pagpapahalaga at birtud na itinuturo at natutuhan sa loob ng tahanan. Ang
pagbubukas ng ating mga pintuan sa mga kapitbahay na nangangailangan ay hindi
na iba sa atin. May mga pamilyang nag-iisponsor ng mga bata sa bahay ampunan o
kakilala upang mapag-aral sila. Mayroon namang mga kabataan na imbes na

City of Good Character 4


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
maghanda sa kanilang kaarawan ay nagsasagawa ng feeding program sa isang
bahay-ampunan o di kaya naman ay sa isang barangay.
Sa kasaysayan ng mga pagsubok na ating naranasan dito sa Marikina,
marahil ikaw at ang pamilya mo ay may sariling kuwento ng pagtulong at
pakikibahagi. Halos taon-taon ay nararanasan ng ating bayan ang baha sa tuwing
hahagupit ang mapinsalang bagyo o matinding pag-ulan.

Hindi lamang sa pagtulong sa kapwa naipakikita ang pagganap sa panlipunan


at pampolitikang gawain ng isang pamilya. Isa na dito ang pangangalaga sa ating
kalikasan. Sa kalikasan nagmumula ang ating ikinabubuhay, ang ating mga
kinakain. Ito ang nagsisilbing kanlungan ng ating kalusugan. Paano nga ba dapat
pangalagaan ang ating kalikasan? Mula sa loob ng inyong tahanan, mula sa
simpleng pagtitipid sa paggamit ng kuryente at tubig, sa tamang pagtatapon ng
basura, sa pagtatanim ng mga halaman, sa tamang paggamit ng kalikasan sa
pagnenegosyo at marami pang iba. Ilan lang ito sa mga bagay na maaari mong gawin
kasama ang iyong pamilya upang makibahagi at makilahok sa panlipunang
gampanin. Dapat pangalagaan ang ating kapaligiran at huwag itong sirain, huwag
itong dumihan at lalong higit ay huwag itong abusuhin. Ang kalikasan ay dapat
pagyamanin sa pamamagitan ng tamang pag-aalaga dito. Ang iyong pamilya ay may
responsibilidad na pangalagaan ang kalikasang pinanggagalingan ng inyong
ikinabubuhay.
Mula sa pangagalaga sa kalikasan, tumungo tayo sa usaping politikal na
ginagampanan din ng iyong pamilya. Ang panlipunang gampanin ng iyong pamilya
ay ipinahahayag sa pamamagitan ng pakikialam sa politika. Nararapat lamang na
manguna ang iyong pamilya sa pagtiyak na ang mga batas at ang mga institusyong
panlipunan ay hindi taliwas, bagkus ay nagsusulong at nangangalaga sa mga
karapatan at tungkulin ng pamilya. Kalakip nito ay dapat na alam din ng pamilya
ang mga natural at legal na karapatan nito. Dapat din na pangunahan nito ang
pagpapanibago sa lipunan at hindi magpabaya sa kaniyang mga tungkulin.

Narito ang ilan sa mga Karapatan ng Pamilya na dapat mong tandaan at bigyang-
pansin:

1. Ang karapatang umiral at magpatuloy bilang pamilya o ang karapatan ng lahat


ng tao, mayaman man o mahirap, na magtatag ng pamilya at magkaroon ng sapat
na panustos sa mga pangangailangan nito

2. Ang karapatang isakatuparan ang kaniyang pananagutan sa pagpapalaganap ng


buhay at pagtuturo sa mga anak

3. Ang karapatan sa pagiging pribado ng buhay mag-asawa at buhay pamilya


4. Ang karapatan sa pagkakaroon ng katatagan ng bigkis at ng institusyon ng kasal

5. Ang karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at


pagpapalaganap nito
6. Ang karapatang palakihin ang mga anak ayon sa mga tradisyon,
pananampalataya, at pagpapahalaga at kultura sa pamamagitan ng mga kailangang
kagamitan, pamamaraan, at institusyon

City of Good Character 5


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
7. Ang karapatan, lalo na ng mga may sakit, na magtamo ng pisikal, panlipunan,
pampolitikal, at pang-ekonomiyang seguridad
8. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya

9. Ang karapatan upang makapagpahayag at katawanin (ng mambabatas o


asosasyon), sa harap ng mga namamahala o namumuno kaugnay ng mga usaping
pang-ekonomiya, panlipunan, o kultural

10. Ang karapatang magbuo ng asosasyon kasama ang ibang mga pamilya at
samahan, upang magampanan ng pamilya ang mga tungkulin nito ng mas karapat-
dapat at madali

11. Ang karapatang mapangalagaan ang mga kabataan, sa pamamagitan ng mga


institusyon at batas, laban sa mapanirang droga, pornograpiya, alkoholismo, at iba
pa

12. Ang karapatan sa kapaki-pakinabang na paglilibang, iyong nakatutulong sa


pagpapatatag ng mga pagpapahalagang pampamilya
13. Ang karapatan ng mga matatanda sa karapat-dapat na pamumuhay at
kamatayan
14. Ang karapatang mandayuhan sa ibang probinsya o bansa para sa mas mabuting
pamumuhay

“Dapat pag-ibayuhin ng bawat pamilya ang pangangalaga at pagbabantay sa mga


karapatan at tungkulin nito dahil maraming banta sa integridad ng pamilya sa
makabagong panahon.”

Pagyamanin

Basahin at unawain mo ang sitwasyon sa ibaba. Pagkatapos basahin ay


sagutan ang mga gabay na katanungan sa iyong kuwaderno.

Ang Kwento ni Oscarl


Kasalukuyang nagtatrabaho bilang factory worker si Oscarl nang
magkasunog sa katabing gusali nito. Malakas ang apoy noon na halos matupok ang
buong gusali. Natatakot siya at ang kaniyang mga kasamahan na ang apoy ay
maaaring lumipat sa kanilang pabrika. Hindi nagdalawang-isip si Oscarl na
tumulong sa pag-apula ng apoy bago pa man dumating ang mga bumbero. Wala
namang namatay o nasaktan sa pangyayaring iyon. Si Oscarl ay nabigyan ng
parangal ng kanilang kompanya sa kaniyang pagtulong na walang hinihintay na
kapalit.

City of Good Character 6


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Mga gabay na tanong:
1. Paano mo ilalarawan si Oscarl bilang isang empleyado?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Sa iyong palagay, mabuti ba ang kaniyang ginawang pasya? Ipaliwanag.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Ano kaya ang posibleng mangyari kung hindi tumulong si Oscarl sa pag-apula
ng apoy?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
4. Maihahalintulad mo ba ang iyong sarili kay Oscarl? Sa anong aspeto kayo
naging magkatulad ni Oscarl? Magbigay ng halimbawa.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Isaisip

Batay sa mga natalakay, bilugan ang mga salitang tinutukoy sa ibaba:

L P A G K A K A W A N G G A W A O W
S A B K A R A N A S A N M A B U T I
K A L I K A S A N K A P A L I G I R
O R A S B A N I L A L A N G A M I T
E M A K A S A R I L I D A S A L K O

1. Katumbas ng pagmamahal.
2. Ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan ay ang -----------------
sa pakikibahagi at pagbibigayan ng buhay pamilya sa araw-araw.
3. Tungkulin ng pamilya ang pangangalaga sa --------------------.
4. Ang tao ay panlipunang ---------------.
5. Sa loob ng pamilya dapat natutuhan ng tao na iwaksi ang pagiging -----------.

City of Good Character 7


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Ang pagtulong ng pamilya sa pamayanan ay isang birtud na natutuhan sa
loob ng tahanan. Marapat nating mahalin ang kapwa natin bago ang labis na
debosyon sa pamilya at iwaksi ang masyadong maging mapagmahal sa materyal na
bagay.

Isagawa

Pagnilayan mong mabuti ang sitwasyon sa ibaba. Sa paanong paraan mo


maipakikita at maisasabuhay ang pakikilahok sa pamayanan kung ikaw ay
nahaharap sa ganitong sitwasyon. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Malaking halaga ang iyong inilaan para sa pagdiriwang ng iyong kaarawan.
Nakabasta na ang lahat at kumpleto na ang lahat ng iyong gagamitin para sa
pagdiriwang. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay ipinagbawal ang mga
pagdiriwang at mga pagsasalo-salo dahil sa isang matinding pandemiya, ang
COVID19. Maraming pamilya ang nawalan ng hanapbuhay at mapagkakakitaan
dahil sa pandemyang ito. Dahil rin dito hindi na matutuloy ang lahat ng iyong
naplanong gawin para sa iyong kaarawan. Ano ang iyong gagawin kung ikaw ay
nahaharap sa ganitong sitwasyon? Sa paanong paraan mo maipakikita at
maisasabuhay ang pakikilahok sa pamayanan kung ikaw ay nahaharap sa ganitong
sitwasyon?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Tayahin
Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong kuwaderno.
___1. Paano maisasabuhay ang mga pagpapahalaga at birtud na itinuro at
natutuhan sa loob ng pamilya?

A. Pagbibigay sa lahat ng pangangailangan ng bawat miyembro nito


B. Pagtulong sa mga kapus-palad sa tuwing eleksiyon lamang

C. Pagbibigay ng donasyon sa mga nasunugan sa barangay

D. Pagpapayaman ng pamilya

City of Good Character 8


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
____ 2. Sino sa mga ito ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa gampaning panlipunan
ng pamilya?
A. Pansamantalang pinatuloy ni Gelo ang kanilang kapitbahay na
nasunugan sa kanilang tahanan. Siningil niya ito pagkatapos.
B. Nagsagawa ng Feeding Program si Roman at ang kanyang pamilya sa
bahay-ampunan.
C. Sumulat si Lea sa kanilang Congressman upang makapagsagawa ng
Clean-up drive sa kanilang pamayanan. Humingi rin siya ng suporta dito
sa paktabo niya bilang SK Chair.
D. Tumulong ang pamilya ni Jean sa pag-repack ng relief goods na
ipamamahagi sa kanilang komunidad upang makalibre na rin sila ng
grocery items.
____ 3. Ang sumusunod ay mga karapatan ng isang pamilya maliban sa isa,
A. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya
B. Ang karapatan sa paghingi ng tulong sa gobyerno kahit na ito’y hindi
pangangailangan
C. Ang karapatan ng mga matatanda sa karapat-dapat na pamumuhay
D. Ang karapatang mandayuhan sa ibang probinsya o bansa para sa mas
mabuting pamumuhay.

____ 4. Ano ang mangyayari kung ang kabutihan ng pamilya ay napangangalagaan,


naitataguyod, at nabibigyang proteksyon sa lipunan?
A. Magiging mas marami pa ang gustong bumuo ng pamilya, magkaanak
upang maparami pa ang populasyon.
B. Ang bawat isa ay magkakaroon ng pagkakataong lumaki at maging ganap
na tao sa pinakamabuting kapaligiran.
C. Tataas ang bilang ng krimen at mga kriminal sa bansa at magkakaroon
na ng katahimikan.
D. Nanaisin ng mga tao na mabuhay at hindi na kailanman mamatay upang
maranasan ang masaganag buhay.

____ 5. Bakit mahalaga ang pagboto sa panahon ng eleksyon/halalan at piliin ang


mga matatapat na mamumuno sa ating bansa?
A. Makatutulong sila sa pagpapaunlad ng pamumuhay
B. Makapagbibigay sila malaking pera sa botante
C. Matutugunan ang bawat karapatan ng pamilyang Pilipino
D. Maiiwasan ang problema sa krimen sa ating bansa.

City of Good Character 9


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
_____ 6. Ang pagsusulat sa gobyerno upang maisaayos ang nasirang tulay na
nasalanta ng bagyo na dinadaanan ng mga tao upang makapunta sa
lungsod ay papel ng pamilya sa anong aspekto?
A. Papel Pampolitikal
B. Papel Panlipunan
C. Papel Pangkalikasan
D. Papel Pampaaralan

______ 7. Ang ibig sabihin ng karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng


pananampalataya at pagpapalaganap nito ay:
A. Malaya ang isang pamilya na mamili ng relihiyon.
B. Ikukulong ang pamilyang hindi nagsisimba at hindi naniniwala sa Diyos.
C. Malaya ang isang pamilya na magpunta sa ibang bansa.
D. Hindi kilalanin bilang isang Pilipino ang walang relihiyon.

______ 8. Isa sa katangian ng mga Pilipino ay ang magiliw na pagtanggap sa mga


bisita. Paano na sa pagtanggap natin ay nagagampanan natin ang ating
papel sa lipunan?
A. Gamitin ang lahat ng mamahaling mga gamit para sa mga bisita.
B. Umutang ng pera upang makapaghanda ng masarap at sosyal na
pagkain.
C. Piliin kung sino lamang ang tatanggaping bisita upang sigurado ang
pabor na maibabalik sa atin.
D. Tanggapin at paglingkuran nang maayos ang lahat ng taong
nangangailangan.

_______ 9. Ang mag-asawang Karlo at Tina ay parehong Kristiyano kung kaya’t nais
din nilang maturuan at mamulat ang kanilang mga anak sa paniniwalang
ito. Alin sa mga sumusunod na karapatan ang ipinapakita dito?

A. Ang karapatan sa pagiging pribado ng buhay mag-asawa at buhay


pamilya
B. Ang karapatan sa pagkakaroon ng katatagan ng bigkis at ng institusyon
ng kasal

C. Ang karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at


pagpapalaganap nito
D. Ang karapatang palakihin ang mga anak ayon sa mga tradisyon,
pananampalataya, at pagpapahalaga at kultura sa pamamagitan ng mga
kailangang kagamitan, pamamaraan, at institusyon

City of Good Character 10


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
_____ 10. Isa sa mga tungkulin ng pamilya ang pagpapahalaga sa likha ng Diyos. Sa
anong paraan mo maipapakita ang pangangalaga sa kalikasan?
A. Maging responsableng tagapangalaga sa likha ng Panginoon.
B. Kumain ng maraming gulay at prutas araw-araw.
C. Pagandahin ang bahay at bakuran upang maiwasang magkasakit.
D. Awayin ang lahat ng ilegal na namumutol ng puno.

Karagdagang Gawain
Gumawa ng isang islogan na maari mong ipaskil sa labas ng inyong tahanan
o maaari mong i-post sa social media platforms (Facebook, Twitter, Instagram, atbp.)
na nagpapahayag ng iyong pakikiisa at pakikilahok sa iyong barangay ngayong
kinakaharap natin ang pandemiya na dulot ng COVID19. Maaaring magsilbing isang
paalala ang iyong gagawing islogan upang makatulong sa iyong pamayanan sa pag-
iwas sa COVID19.

Sanggunian
Kagawaran ng Edukasyon. "Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikawalong Baitang:
Modyul para sa mga Mag-aaral," Unang Edisyon. In Module 4: Ang Papel na
Panlipunan at Panpolitikal ng Pamilya, 90-97. Quezon City: Vibal Publishing House
Inc., 2013.

City of Good Character 11


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Cecil C. Samson (Guro, Tanong High School)


Mga Tagasuri: Marilou V. Claveria (Guro, Tanong High School)
Jeanette J. Coroza (Principal, Tanong High School)
Tagasuri - Panloob: Leilani N. Villanueva
(Superbisor sa Edukasyon sa Pagpapakatao)
Tagasuri- Panlabas:
Tagaguhit at Tagalapat: Mary Jane B. Roldan (Guro, Jesus Dela Pena NHS)
Tagapamahala:

Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Leilani N. Villanueva
Superbisor sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like