You are on page 1of 50

DIVISION OF NAVOTAS CITY

9
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Unang Markahan

S.Y. 2021-2022
NAVOTAS CITY PHILIPPINES
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Relly G. Castro, Vanessa O. Lanot, Apple C. Raflores, Mary Jane R.
Refulgente
Editor: Eloisa S. Sanchez, Apple C. Raflores, Vanessa O. Lanot, Relly G. Castro
Tagasuri: Eloisa S. Sanchez
Tagaguhit: Eric De Guia - BLR Production Division
Tagalapat: Melody Z. De Castro, Vanessa O. Lanot
Tagapamahala: Alejandro G. Ibañez, OIC-Schools Division Superintendent
Isabelle S. Sibayan, OIC-Asst. Schools Division Superintendent
Loida O. Balasa, Curriculum Implementation Division Chief
Eloisa S. Sanchez, OIC - EPS in EsP
Grace R. Nieves, EPS In Charge of LRMS
Lorena J. Mutas, ADM Coordinator
Vergel Junior C. Eusebio, PDO II – LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Navotas City


Office Address: BES Compound M. Naval St. Sipac-Almacen Navotas City
____________________________________________
Telefax: 02-8332-77-64
____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
navotas.city@deped.gov.ph
Nilalaman

Subukin .......................................................................................1

Modyul 1......................................................................................3

Modyul 2......................................................................................12

Modyul 3......................................................................................21

Modyul 4......................................................................................31

Tayahin .......................................................................................42

Susi sa Pagwawasto......................................................................44

Sanggunian ..................................................................................45
Panuto: Bago natin simulan ang pag-aaral ng modyul na ito, basahin at sagutan mo
muna ang bawat tanong upang malaman mo kung ano ang iyong nalalaman tungkol
sa mga aralin sa modyul na ito. Isulat ang letra ng pinakaangkop na sagot sa iyong
kwardeno.
1. Ang mga sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:

A. Kapayapaan
B. Kabutihang panlahat
C. Paggalang sa indibidwal na tao
D. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat

2. Ano ang kahulugan ng kabutihang panlahat?

A. Kabutihan ng lahat ng tao.


B. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan.
C. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan.
D. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito.

3. Ito ang tawag sa proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos


ng sarili at ng pamayanan.

A. Lipunang Politikal
B. Pamayanan
C. Komunidad
D. Pamilya

4. Tumutukoy ito sa nabuong gawi, tradisyon, paraan ng pagpapasya, at mga


hangarin ng isang pamayanan.

A. Batas
B. Kultura
C. Relihiyon
D. Organisayon

5. Saan inihahambing ang isang pamayanan?

A. Pamilya
B. Organisasyon
C. Barkadahan
D. Magkasintahan

1
6. Ang prinsipyo ng pantay at patas ay isa sa mga dahilan kung bakit may
mabuting ekonomiya sa lipunan. Ano ang pagkakaiba ng dalawang prinsipyo?

A. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa


lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang
pangangailangan.
B. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa
lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kaniyang
kakayahan.
C. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa
lipunan, ang patas ay ang paggalang sa kanilang mga karapatan.
D. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa
lipunan, ang patas ay pagtiyak na natutugunan na pamahalaaan ang lahat
ng pangangailangan ng mga tao.

7. Ang salitang ekonomiya ay galing sa dalawang salitang Griyego na “oikos” at


“nomos”. Ano ang ibig sabihin nito?

A. pamamahala ng negosyo
B. pamamahala ng tahanan
C. pakikipagkalakalan
D. pagtitipid

8. Ano ang dahilan kung bakit nagkukusa ang tao na mag-organisa at tugunan ang
pangangailangan ng nakararami?

A. Walang ibang maaaring gumawa nito para sa atin.


B. Sa ganito natin maipapakita ang ating pagkakaisa.
C. Ang sama-samang pagkilos ay napapagaan sa gawain.
D. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon.

9. Ang mass media ay may tungkuling ilahad ang katotohanan dahil _____

A. pinaglalagakan lamang ito ng impormasyon.


B. wala tayong ibang mapagkukunan ng impormasyon.
C. nagpapasiya tayo ayon sa hawak nating impormasyon.
D. maaari nating salungatin ang isinasaad nitong impormasyon.

10. Alin sa mga sumusunod ang pinakamalalim na dahilan kung bakit tayo
nananatiling kaanib ng isang institusyong panrelihiyon?

A. Pagkakatantong hindi tayo nag-iisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay.


B. Kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa.
C. Kalakarang kinamulatan natin sa ating mga magulang.
D. Kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon.

2
MODYUL 1

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat sa pagpapalawak ng inyong


kaalaman. Ito ay makatutulong upang makilala nang lubos ang iyong sarili. Ang
saklaw ng modyul na ito ay makatutulong sa iba’t ibang sitwasyon. Ang wikang
ginamit sa aralin na ito ay tagalog bilang pangunahing wika sa lugar ng Navotas.
Ang mga araling nakapaloob dito ay pinag-isipang mabuti at magagamit sa araw-
araw ninyong pamumuhay.

Kilala mo ba ang iyong lipunang ginagalawan at ang layunin nito? Sa modyul


na ito, ating kikilalanin ang lipunan na ating ginagalawan. Gayundin naman,
aalamin natin ang kahalagahan at mga pamamaraan kung paano makakamit at
mapapanatili ang kabutihang panlahat na siyang layunin ng lipunan.

Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahang maipamamalas mo ang mga


sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
1. Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat.

2. Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa kabutihang


panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan, o lipunan.

3. Napangangatwiran na ang pagsisikap ng bawat tao na makamit at mapanatili


ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng moral na
pagpapahalaga ay mga puwersang magpapatatag sa lipunan.

4. Naisasagawa ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o


sektor sa pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at
pangkapayapaan.

3
Aralin Layunin ng Lipunan: Kabutihang
1 Panlahat

“Batang bata ka pa at marami ka pang kailangang malaman at intindihin sa


mundo.” Naaalala mo pa ba ang mga linyang ito na mula sa awit na, “Batang Bata
Ka Pa” na inawit ninyo noong Baitang 7? Maaaring may mga pagbabago sa iyong
paligid na hindi mo sadyang napapansin at inaalam dahil sa mura mong edad. Sa
paglipas ng panahon bilang isang kabataan ay unti-unti mong nauunawaan na
mahalaga pala sa isang katulad mo ang makialam.

Anong pagbabago ang napansin mo sa sarili mo ngayon? Nag-iiba na ba ang


reaksiyon mo sa mga nangyayari sa iyong paligid tulad ng mga balita at mga isyung
nangingibabaw sa media? Kung oo ang sagot mo sa mga tanong na ito, ibig sabihin
ay nagkakaroon ka na ng pakialam sa lipunang iyong kinabibilangan.

Sa dalawang taon mong pag-aaral sa Edukasyon sa Pagpapakatao, nagkaroon


ka ng pagkakataong masuri ang iyong mga pananagutan hindi lamang para sa iyong
sarili pati na rin sa iyong kapuwa. Ngayong taon naman ay iyong patuloy na
mauunawan at maiintindihan ang lipunang iyong ginagalawan.

ANG LIPUNAN

Ano nga ba ang lipunan? Ang salitang


lipunan ay nagmula sa salitang ugat na “lipon” na
nangangahulugang pangkat. Ang mga tao ay may
kinabibilangang pangkat na iisa ang tunguhin o
layunin. Halimbawa, ang pangkat ng mga guro ay
may iisang layuning magpadaloy ng pagkatuto ng
mga mag-aaral. Kolektibo o panlahat ang pagtingin
sa bawat kasapi nito ngunit hindi naman nito
binubura ang indibidwalidad o pagiging katangi-
tangi ng mga kasapi.

4
Ayon kay Santo Tomas Aquinas, may-akda ng aklat na Summa Theologica, sa
pamamagitan lamang ng lipunan makakamit ng tao ang layunin ng kaniyang
pagkakalikha. Mahalaga sa pagpapakatao ang pagkilala ng tao na kailangan niya
ang lipunan dahil binubuo siya ng lipunan at binubuo niya lipunan (Dy, M., 1994).
Sa lipunan, nagkakaroon ang tao ng pagkakataong maipakita ang pagmamalasakit,
tumulong at matulungan sa panahon ng pangangailangan.

Sa kabilang dako, madalas na ginagamit ang salitang komunidad upang


tukuyin ang lipunan. Mahalagang maunawaan mo ang pagkakaiba at pagkaka-
ugnay ng dalawang salitang ito upang hindi maging sanhi ng pagkalito. Ang salitang
komunidad ay galing sa latin na communis na nangangahulugang common o
nagkakapareho. Ang isang komunidad ay binubuo ng mga indibidwal na
nagkakapareho ng mga interes, ugali, o pagpapahalagang bahagi ng isang partikular
na lugar. Sa isang komunidad, mas nabibigyang halaga ang natatanging katangian
ng mga kasapi o kabahagi.

Naranasan mo na ba ang tumulong sa iyong


kapuwa – tulad ng pagbabahagi ng iyong baon para
sa mga nagugutom o pagbibigay ng damit sa mga
nasalanta ng kalamidad? Nakapanghikayat ka na ba
ng kapuwa mo mag-aaral na tumulong? Ano ang
iyong naramdam sa iyong pagtulong? Ano ang
magandang naidudulot ng iyong ginawa para sa
lipunan?

KABUTIHANG PANLAHAT
Bigyan naman natin ng linaw ang kahulugan ng kabutihang panlahat. Sa
simpleng salita, masasabing ito ay kabutihan para sa bawat isang indibidwal na
nasa lipunan. Ito ay isang pagpapahalagang naiiba sa pansariling kapakanan.
Sapagkat ang tunay na tunguhin ng lipunan ay ang kabutihan ng komunidad na
nararapat na bumalik sa lahat ng indibidwal na kasapi nito. Kaya sinasabing may
kaugnayan ang tao at ang kabutihan panlahat dahil ang kabutihang panlahat ay
tinatanggap ng bawat indibidwal na sumasalamin sa kabuuan.

Binibigyang-linaw din na ang kabutihang


panlahat ay tumutukoy sa kabutihan na naaayon sa
moralidad ng tao, sa Likas na Batas Moral.
Halimbawa, kung mangingibabaw ang kalayaan, lalo
kung hindi niya nauunawaan ang tunay na
kahulugan nito, masasakripisyo ang kabutihang
panlahat dahil mangingibabaw ang pagnanais na
gawin ng tao ang kaniyang naisin na hindi iniisip ang
posibleng epekto nito sa ibang tao.

5
Kung mangingibabaw naman ang pagkakapantay-pantay, maaaring
masakripisyo ang kabutihan ng indibidwal (De Torre, 1987). Halimbawa, kung may
isang tao na nagtrabaho ng labingdalawang oras at ang isa naman ay nagtrabaho ng
walong oras, masasakripisyo ang kabutihan ng taong nagtrabaho ng mas mahabang
oras kung pantay lamang ang kanilang sahod na matatanggap.

MGA ELEMENTO NG KABUTIHANG PANLAHAT


Ang kabutihang panlahat ay binubuo ng tatlong mahahalagang elemento:
1. Ang Paggalang sa indibidwal na tao. Ang kabutihang panlahat ay
nagpapahalaga sa kalikasan ng tao, hindi ito lubos na iiral kung hindi
kikilalanin at pahahalagahan ang kaniyang dignidad. Sa dignidad nakakabit
ang iba’t ibang karapatang kailangang igalang at dapat matamasa ng lahat ng
tao sa lipunan.

2. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat. Ang pag-


unlad ang kabuuang pokus ng panlipunang tungkuling kailangang maibigay
sa mga tao. Karaniwang sinusukat ito halimbawa sa (a) mga pampublikong
sistema ng pangangalaga sa kalusugan; (b) epektibong pampublikong
pangkaligtasan at seguridad; (c) kapayapaang namamagitan sa bawat bansa
sa mundo; (d) makatarungang sistemang legal at pampolitika; at (e) malinis
na kapaligiran at umuunlad na sistemang pang-ekonomiya. Kapag nangyari
ito, natutugunan ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng
pangkat.

3. Ang kapayapaan. Ito ay resulta ng pagkakaroon ng ng katahimikan,


kapanatagan, at kawalan ng kaguluhan. May kapayapaan kapag iginagalang
ang bawat indibidwal at umiiral ang katarungan. Ang kapayapaan ay
indikasyon ng pagkakaroon ng kabutihang panlahat, ang katatagan at
seguridad ng makatarungang kaayusan.

MGA HADLANG SA PAGKAMIT NG KABUTIHANG PANLAHAT


Narito ang mga hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat:
1. Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat,
subalit tinatanggihan ang bahaging dapat gampanan upang mag-
ambag sa pagkamit nito. Ang mahalaga sa iba ay pakinabang na kaniyang
makukuha sa kabutihang panlahat na nagmumula sa malasakit at
pagsasakripisyo ng iba. Nakikinabang siya subalit walang ambag o
pakikibahagi na nanggagaling sa kaniya.

2. Ang indibidwalismo o ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na


naisin. Nais ng taong maging malaya sa pagkamit ng pansariling tunguhin
nang walang ibang nanghihimasok o nakikialam sa kaniya. Ayaw ng taong
ganito na magambala ang kaniyang personal na buhay.

6
3. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang
naiaambag niya kaysa sa nagagawa ng iba. Upang mapanatili ang
kabutihang panlahat, hinihingi sa iilan ang mas malaki at mabigat na
pananagutan kaysa sa iba. Ang tingin ng ilan sa ganitong sitwasyon ay hindi
makatarungan.

MGA KONDISYON SA PAGKAMIT NG KABUTIHANG PANLAHAT


May tatlong kondisyon ang kailangan upang makamit ang kabutihang panlahat ayon
kay Joseph de Torre (1987):

1. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos


nang malaya na ginagabayan ng diyalogo, pagmamahal, at
katarungan. Mahalagang palaging nasa isip ng lahat ang tunay na
kahulugan ng kalayaan dahil may panganib na isipin ng ilan na walang
hanggan ang kaniyang kalayaan. Mahalaga ang diyalogo upang maibahagi sa
bawat isa ang kanilang saloobin.

2. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na


mapangalagaan. Hindi magiging ganap ang isang lipunan at ang mga taong
kasapi nito kung hindi igagalang ang pangunahing karapatan ng tao. Ang
karapatan ay nangangalaga sa dignidad ng tao at nagtataguyod ng
pagkakapantay-pantay.

3. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa


kaniyang kaganapan. Ang lipunan ang dapat na maging isang instumento
upang makamit ng tao ang kaniyang kaganapan bilang tao.

Tandaan: Hindi namimili ng edad o antas sa buhay ang pagtiyak na posibleng


mangyari ang kabutihang panlahat. Ito ay nakabatay sa iyong puso at
pagmamalasakit sa iyong kapuwa.

7
GAWAIN 1
Tiyak kong napag-aralan mo na sa Araling Panlipunan ang iba’t ibang institusyong
panlipunan. Sa gawaing ito ay bibigyang pansin natin ang mga sumusunod:

• Paaralan
• Negosyo
• Pamahalaan
• Pamilya
• Simbahan

Panuto:
1. Sumulat ng maikling paglalarawan ng bawat isang institusyon o sektor ng
lipunan na naitala.

2. Pagkatapos, magsagawa ng pagsasaliksik sa mga ito, maaaring sa mga aklat,


diyaryo o sa internet upang matukoy ang sumusunod:

a. Ano ang layunin ng bawat sektor sa lipunan?


b. Mayroon ba itong naging impluwensiya sa mga mamamayan at naiambag
sa pag-unlad ng lipunan?
c. Nakatutulong ba ito sa pagkamit ng layunin ng lipunan? Ipaliwanag.

3. Matapos nito ay gumawa ng isang komprehensibong ulat tungkol dito, maaaring


pasulat o maaari namang isang dokumentaryo o pag-uulat na maaaring i-post
sa social networking sites. Gamitin ang iyong malawak na kaisipan sa paggawa
nito.

4. Matapos maisagawa ang kabuuang proseso ay sagutin ang sumusunod na


tanong:

a. Ano ang maitutulong ng mga sektor ng lipunan na nabanggit sa


pagkamit ng layunin ng lipunan?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

b. Ano ang maaaring maganap kung hindi matutupad ng sektor na ito


ang kanilang mga tungkulin sa lipunan?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

8
c. Kung magkakaroon ng iisang layunin ang lahat ng sektor na
nabanggit, ano kaya ang layunin nito?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

GAWAIN 2
Panuto: Gamit ang graphic organizer, bumuo ng batayang konsepto gamit ang
tanong na, “Paano makakamit at mapananatili ang kabutihang panlahat?
Bakit mahalagang ito ay makamit at mapanatili?”

1. Magsagawa ng isang survey gamit ang social media (FB messenger) tungkol
sa mga suliraning kinakaharap ng komunidad o pamayanan.

2. Ang suliranin ay maaaring pangkapaligiran, pangkapayapaan, pangkaayusan


o pang-edukasyon. Maaaring may iba pang suliranin habang ginagawa mo
ito.

3. Ikaw ay binibigyan ng kalayaang gumawa ng mga tanong na angkop sa iyong


gagawing survey at magpasya sa bilang na iyong kakapanayamin.

9
4. Mahalagang maisama mo ang mga namumuno sa baranggay o pamayanan.

5. Matapos maglaan ng panahon sa pangangalap ng datos, pumili ka ng tatlong


pangunahing suliranin sa iyong mga nakuhang sagot.

6. Mula sa tatlong pangunahing suliraning ito, ikaw ay inaatasan na magplano


ng isang proyekto na maaring makatugon upang matulungan ang iyong
kinabibilangang komunidad. Sundin ang pormat sa ibaba sa iyong gagawing
pagpaplano.

Pangalan ng Proyektong Pampamayanan: ________________________________

Mga Layunin (Batay sa uri ng proyekto: pangkapaligiran,pangkapayapaan,


pangkaayusan, o pang-edukasyon): ______________________________________

Gawain Panahong Mga Taong Inaasahang Mga Puna


Ilalaan Sangkot o Output (Remarks)
Kasali

10
7. Maaaring i-post sa social media ang resulta ng iyong naisip na plano o isulat
sa short bond paper at ipasa sa iyong guro.

8. Maaaring sumangguni sa iyong guro, magulang o nakatatandang kapatid


kung kinakailangan mong humingi ng tulong o paglilinaw sa gawaing ito.

Gawain 2
Panuto: Panoorin mula sa “Youtube” ang isang short video clip na may pamagat na
“GOOD JOB: Mga pulis pinangunahan ang pagtulong sa kapwa sa kanilang mga
lugar” gamit ang link sa ibaba:

https://www.youtube.com/watch?v=2slSxS1CsMM

Batay sa iyong napanood, sagutin ang mga sumusunod:


1. Isa-isahin ang ginawa ng mga pulis sa palabas.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Sa iyong palagay madali ba ang kanilang mga ginagawa? Ipaliwanag.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Sa paanong paraan nagagawa ng mga pulis ang kabutihang panlahat bilang


kabahagi ng kanilang komunidad.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Bilang isang kabataan at mag-aaral, kaya mo ba ang responsibilidad na


maisagawa ang layunin ng lipunan na kabutihang panlahat? Sa paanong
paraan? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

11
MODYUL 2

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat sa pagpapalawak ng inyong


kaalaman. Ito ay makatutulong upang makilala nang lubos ang iyong sarili. Ang
saklaw ng modyul na ito ay makatutulong sa iba’t ibang sitwasyon. Ang wikang
ginamit sa aralin na ito ay tagalog bilang pangunahing wika sa lugar ng Navotas.
Ang mga araling nakapaloob dito ay pinag-isipang mabuti at magagamit sa araw-
araw ninyong pamumuhay.

Ano ang naiisip mo kapag nababanggit ang usaping panlipunan? Sino nga ba
ang dapat na nangunguna rito? Ano ang inaasahan sa iyo bilang mabuting
mamamayan? At ano naman ang inaasahan ng taumbayan sa pamahalaan?

Sa modyul na ito, pag-aaralan natin kung paano matutugunan o makakamit


ng tao ang kaniyang pangangailangan pangkabuhayan, pangkultura, pangkapayaan
at ang mahalagang gampanin ng Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng
Pagkakaisa.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga


sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

1. Nakikilala ang:
(a) Lipunang Politikal
(b) Prinsipyo ng Subsidiarity
(c) Prinsipyo ng Pagkakaisa

2. Nasusuri ang pag-iral o kawalan sa pamilya, paaralan,baranggay, pamayanan


o lipunan/bansa ng:
(a) Prinsipyo ng Subsidiarity at
(b) Prinsipyo ng Pagkakaisa

3. Napatutunayan na may mga pangangailangan ang tao na hindi niya


makakamtan bilang indibidwal na makakamit niya lamang sa pamahalaan o
organisadong pangkat tulad ng mga pangangailangang pangkabuhayan,
pangkultural, at pangkapayapaan. Napananatili ang pagkukusa, kalayaan at
pananagutan ng pamayananan kung umiiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity.
Kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang
uri ng pamumuhay sa lipunan/bansa, lalo na sa pag-angat ng kahirapan,
dahil nakasalalay ang kanyang pag-unlad sa pag-unlad ng lipunan (Prinsipyo
ng Pagkakaisa).

12
4. Nakapagtataya o nakapaghuhusga kung ang Prinsipyo ng Subsidiarity at
Prinsipyo ng Pagkakaisa ay umiiral o nilalabag sa pamilya, paaralan,
pamayanan (baranggay), at lipunan/bansa.

Lipunang Politikal, Prinsipyo ng


Aralin
Subsidiarity at Prinsipyo ng
2
Pagkakaisa

Narinig mo na ba ang kasabihang, “Ang tanging kailangan upang


magtagumpay ang kasamaan ay ang hindi pagkilos ng mga mabubuting tao.” (All
that is necessary for the triumph of evil is that good men do nothing)? Marahil hindi
lamang kumikilos ang isang tao dahil hindi niya alam kung ano ang kaniyang dapat
gawin at papel na dapat niyang gampanan para makatulong. Maaaring iniisip niya
ay may ibang gagawa nito at para di na makagulo, ay lalayo na lamang sa eksena.

Sa Modyul 1 ipinapakita ang tunay na dahilan kung bakit may lipunan at


pangangailangan sa pakikipaglipunan. Sa modyul na ito ay mauunawaan mo ang
kahalagahan na dapat ay may umiiral na aspektong pampolitika sa loob ng lipunan
na kailangang bigyang-linaw upang hindi maging hadlang sa pagkamit ng
kabutihang panlahat.

ANG PAMAYANAN: ISANG MALAKING BARKADA


Hawig sa barkadahan ang isang pamayanan.
Sila ay pinagsama-sama sa pamamagitan ng kanilang
kinatatayuang lugar, mga kuwentong kanilang
nilikha, mga pagkilos upang ingatan at paunlarin ang
kanilang pamayanan ay kilos ng pagbuo ng kultura.
Kultura ang tawag sa mga nabuong gawi sa loob ng
pamayanan. Ito ang mga tradisyon, nakasanayan, mga
pamamaraan ng pagpapasiya, at mga hangarin na
kanilang pinagbahaginan sa paglipas ng panahon.
Iniukit ang mga ito sa mga awit, sining, at ritwal upang
huwag makalimutan.

13
LIPUNANG POLITIKAL
Habang lumalaki ang mga pangkat, nagiging mas mahirap na pakinggan ang
lahat at panatilihin ang dating nakukuha lamang sa bigayan at pagpapasensyahan.
Kung ang magkakabarkada ay nagkakaunawaan na sa kindatan at ang magkakapit-
bahay sa pakiramdaman at delikadesa, sa isang lipunan naman, nangangailangan
na ng isang mas malinaw na sistema ng pagpapasiya at pagpapatakbo. Sa dami ng
nagkakaiba-ibang pananaw, sa laki ng lugar na nasasakop, mas nagiging mahirap
na ang sitwasyon. Hindi na lamang iisang kultura ang mayroon, marami pang
nagkakaiba-iba at nagbabanggaang kultura ang umiiral na pare-parehong
nagnanais ng pag-unlad.

Pampolitika ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang


masiguro na ang bawat isa ay malayang magkaroon ng maayos na pamumuhay,
makamit ang pansariling mithiin sabay ang kabutihang panlahat. Ang pamahalaan
ang nangunguna sa gawaing ito.

ISANG KALOOB NA TIWALA


Ang pamamahala ay usapin ng pagkakaloob ng tiwala. Hindi iba ang
pagtitiwalang ito sa ipinagkaloob natin sa ating mga barkada o kasamahan sa
pamayanan minsan sa ating buhay. Sa laki ng tungkulin at kapangyarihan ng
pamahalaan, may tukso na tingnan ang pamahalaan bilang nasa itaas ng mga tao.
Totoo ito ngunit kailangang idiin at ulit-ulitin na ang pamamahala ay kaloob ng mga
tao sa kapuwa nila tao dahil sa nakikita nilang husay at galing ng mga ito sa
pamumuno at pangangasiwa.

PRINSIPYO NG SUBSIDIARITY AT PRINSIPYO NG PAGKAKAISA


Ang lipunan ay hindi pinapatakbo ng iilan. Kailangan pa ring makilahok ng
taumbayan, gawin ang kayang gawin ng bawat isa, at ibahagi ang bunga ng paggawa
ng bayan. Ang proyekto ng pinuno ay hindi proyektong para sa kaniyang sarili. Ito
ay proyekto para sa kaniyang pinamumunuan. Kaya’t hindi mula sa “itaas” patungo
sa “baba” ang prinsipyo ng mahusay na pamamahala. Kailangan ang pakikipag-isa
ng nasa “itaas” sa mga nasa “ibaba.”

Ang gagawin ng pinuno ay ang gusto ng mga pinamumunuan at ang


pinamumunuan naman ay sumusunod din sa giya ng kanilang pinuno. Gabay sa
ugnayang ito ang Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa (Solidarity) na
pangunahing kundisyon upang maging maayos ang lipunan.

Sa Prinsipyo ng Subsidiarity, tutulungan ng pamahalaan ang mga


mamamayan na magawa nila ang makapagpapaunlad sa kanila. Sisiguraduhin nito
na walang hahadlang sa kalayaan ng mga mamamayan mula sa mga pinuno sa
pamamamagitan ng pag-aambag sa estado ng kanilang buwis, lakas at talino. Hindi

14
panghihimasukan ng mga lider ng pamahalaan kung paano mapauunlad ng mga
mamamayan ang kanilang mga sarili.

Sa Prinsipyo ng Pagkakaisa, tungkulin ng mga mamamayan ang


magtulungan at ng pamahalaan ang magtayo ng mga akmang estruktura upang
makapagtulungan ang mga mamamayan. Mailalagay sa ganitong balangkas ang
Prinsipyo ng Pagkakaisa: “May kailangan kang gawing hindi mo kayang gawing mag-
isa, tungkulin ko ngayong tulungan ka sa abot ng makakaya ko. Ako naman ay may
kailangang gawin nang mag-isa, tungkulin mo ngayon na tulungan ako sa abot ng
makakaya mo.” Tungkulin nating magtulungan tungo sa pag-unlad ng ating
lipunan.

KABUTIHANG PANLAHAT
Sa unang talumpati ng Pangulong Benigno Aquino Jr. Pagkatapos niyang
manumpa bilang pangulo ng bansa, sinabi niyang “Kayo (ang taumbayan) ang boss
ko!” Taliwas ito sa nakasanayang pangingibabaw ng mga pinuno sa lipunan. Hudyat
ito ng pagbabago sa pagtingin sa pamahalaan bilang nasa itaas at ang mamamayan
ang nasa ibaba.

Kapuwa “boss” ang pangulo at ang mamamayan. Tulad


ng isang barkada, walang sinuman ang nangunguna. Totoo,
may mas bibo at may hindi aktibo, ngunit kapuwa silang nag-
uugnay sa loob ng barkadahan. Sa Lipunang Pampolitika ang
ideya ay mabigyang prayoridad at pagpapahalaga ang mga
ugnayan sa loob nito. Hindi ang mga personalidad ang
mahalaga. Ang mahalaga ay ang kabutihang panlahat, ang
pag-unlad ng bawat isa. Ang modelo ay ang relasyon ng
magkakabarkada. Walang “boss” sa barkada. Hindi ang
pinuno, hindi ang mas marami, hindi rin naman ang iilan.
“Boss” ng bayan ang pinuno-magtitiwala ang bayan sa pangunguna ng pinuno dahil
may nakikitang higit at dakila ang pinuno para sa kasaysayan at kabutihang
panlahat. “Boss” naman ng pinuno ang taumbayan- walang gagawin ang pinuno
kundi ingatan, payabungin, at paunlarin ang mga karapatan at kalayaan ng mga tao
sa bayan.

Ang Lipunang Politikal ay ang proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at


pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang higit na matupad ang layuning ito.
Ang tunay na “boss” ay ang kabutihang panlahat-ang pag-iingat sa ugnayang
pamayanan at ang pagpapalawig ng mga tagumpay ng lipunan.

15
PANANAGUTAN NG PINUNO AT MAMAMAYAN
Ang lipunang politikal ay isang ugnayang nakaangkla sa pananagutan- ang
pananagutan ng pinuno na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng
pamayanan. Iginagawad sa kanila ng buong pamayanan ang tiwala na pangunahan
ang pangkat- ang pangunguna sa pupuntahan, ang paglingap sa pangangailangan
ng bawat kasapi, ang pangangasiwa sa pagsasama ng grupo. Kasama nito ang
pananagutan ng mga kasapi sa lipunan na maging mabuting kasapi nito. Ang pag-
unlad ng isang lipunan ay hindi gawa ng pinuno. Gawa ito ng pag-aambag ng talino
at lakas ng mga kasapi sa kabuuang pagsisikap ng lipunan.

Kailangan pa ring magsalita kahit isang


mumunting tinig lamang ang sa iyo. Hindi mabubuo
ang marami kung wala ang iilan. Sa kabila ng dunong
ng pinuno at/o ng mayorya, kung minsan, mula sa
isang salungat na opinyon isinisilang ang isang
pinakamahusay na karunungan. Si Ninoy ay isang
tinig lamang na nagpasimula ng pagsasalita ng
marami pang ibang sinisikil ng diktaturang Marcos. Si
Martin Luther King ay isang tinig lamang ng mga
African-American na sumisigaw ng pagkilala sa tao
lagpas sa kulay at balat. Si Malala Yousafzai ay isang tinig ng musmos na nanindigan
para sa karapatan ng kababaihan na makapag-aral sa Pakistan sa kabila ng
pagtatangka sa kanyang buhay. Hindi mabubuo ang walis-tingting kung wala ang
isang tangkay.

Maaaring tututol pang muli ang nawalan na ng loob sa pamahalaan. Kaniyang


sasabihin: “Matagal na akong tumutulong sa pamahalaan. Tapat ako sa pagbabayad
ng buwis. Naglilingkod ako nang wagas sa bayan. Ang lahat ng paghihirap ko ay
inuubos lamang ng mga kurap sa pamahalaan.” Lalong higit tuloy ngayon na
kailangang gumising at magbantay sa harap ng garapal at talamak na kurapsiyon,
kailangang maging mas maingat ang taumbayan sa pagbibigay ng tiwala.

Ang pagtitiwala ay ipinagkakaloob at maaaring bawiin. Hindi utang na loob


ng taumbayan sa mga pinuno ng pamahalaan ang kanilang paglilingkod. Baligtad
ito: ang kapangyarihan ay ipinagkatiwala lamang sa mga namumuno. Ang bayan ay
ipinagkatiwala lamang sa mga namumuno. Ang namumuno ay hindi espesyal na
nilalang na hiwalay sa kasaysayan ng tao at ng bayan. Nangunguna lamang sila sa
grupo, hindi nasa itaas ng iba. Utang na loob nila sa taumbayan na ipinaubaya sa
kanila ang pangunguna sa mga hangarin ng bayan.

Kailangan pa ring magsalita kahit isang mumunting tinig lamang ang sa iyo.
Hindi mabubuo ang marami kung wala ang iilan. Sa kabila ng dunong ng pinuno
at/o ng mayorya, kung minsan, mula sa isang salungat na opinyon isinisilang
ang isang pinakamahusay na karunungan.

16
Gawain 1
Panuto: Mayroong labinlimang (15) salita na nasa kahon. Pumili ng limang (5) salita
lamang at ipaliwanag ang mga ito ayon sa sariling pananaw o karanasan.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Tanong:

Sa paanong paraan mo masasabi na tinutulungan ka ng pamahalaan? At sa


paanong paraan mo naman ito naibabalik? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

17
Gawain 2

Panuto: Basahin ang akdang Spoken Word Poetry ni Daniel Sarmiento na may
pamagat na, “LIPUNAN”. Matapos ay sagutin ang mga tanong.

Batay sa iyong binasa, sagutin ang mga sumusunod:

1. Sa paanong paraan inilarawan ng manunula ang ating panahon bilang


makasalanan? Isa-isahin ang mga ito.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

18
2. Anong pamamaraan ang ginagawa ng iba upang matakasan ang kahirapan?
Ipaliwanag ito.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Ano-ano ang mga iminungkahi ng manunula bilang solusyon sa mga di


magandang kalakaran sa lipunan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Bilang isang responsableng kabataan at mag-aaral, paano mo matutulungan


ang iyong pamayanan/lipunan sa kasalukuyang sitwasyon nito?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Panuto:
1. Gumawa ng isang konkretong paraan na magpapakita ng kagustuhan na maabot
ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng maliit ngunit epektibong kakayahan
na magmumula sa iyo batay sa iyong napag-aralan.

2. Isulat ang mga mumunting kakayahan na puwede mong magawa sa isang


metacard (parihabang papel o cartolina). Maari itong kulayan at lagyan ng dibuho.
Idikit ang mga ito sa iyong kwarto o dingding ng inyong tahanan upang madaling
tandaan. Halimbawa:

Simula ngayon, bibigyan ko ng pagkakataon ang iba kong kaklase


na magbahagi ng kanilang opinyon o ng iba pang gawain sa isang
pangkatang proyekto para mas mapadali ang mga gawaing
pampaaralan.

3. Litratuhan ang mga ito at ipadala sa inyong guro o maaaring i-post sa inyong
Facebook account.

19
Gawain 2

Panuto: Gamit ang gabay na pormat sa ibaba. Gumawa ng isang pagninilay o


reyalisasyon sa mga iyong naunawaan sa modyul na ito. Gawin ito sa inyong
kwaderno.

Ano-ano ang konsepto at Ano ang aking Ano-anong hakbang


kaalamang pumukaw sa pagkaunawa at ang aking gagawin
akin? reyalisasyon sa bawat upang mailapat ang
konsepto at kaalamang mga pang-unawa at
ito? reyalisyong ito sa
aking buhay?

20
MODYUL 3

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat sa pagpapalawak ng inyong


kaalaman. Ito ay makatutulong upang makilala nang lubos ang iyong sarili. Ang
saklaw ng modyul na ito ay makatutulong sa iba’t ibang sitwasyon. Ang wikang
ginamit sa aralin na ito ay tagalog bilang pangunahing wika sa lugar ng Navotas.
Ang mga araling nakapaloob dito ay pinag-isipang mabuti at magagamit sa araw-
araw ninyong pamumuhay.

Napanood mo na ba ang pelikulang “Four Sisters and A Wedding?” Mayroong


eksena doon kung saan nagkaroon ng pagtatalo ang mga magkakapatid at isiniwalat
ng anak na si Bobbie, na ginampanan ni Bea Alonzo, ang kanyang saloobin tungkol
sa hindi pagiging paboritong anak. Ang ganitong sitwasyon sa pamilya ay hindi na
bago at madalas ay sumasalamin sa estado ng mga tao sa lipunan. Madalas ay
makakakita tayo ng tila hindi pagkakapantay-pantay na estado ng pamumuhay at
napapatanong tayo bakit sila ay mayroon ng mga bagay na iyon at tayo ay wala. May
mga pagkakataon naman na may mga bagay na mayroon tayo na wala ang ibang
tao. Ang ganitong sitwasyon o pakiramdam ng hindi pagkakapantay-pantay ay
sumasalamin sa ekonomiya ng lipunan.

Sa modyul na ito, ating tutuklasin kung paano nga ba masasabi na mayroon


tayong mabuting ekonomiya at para saan ito.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga


sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:Nagagamit ang pangalan sa
pagpapakilala sa sarili.

1. Nakikilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya.

2. Nakapagsusuri ng maidudulot ng magandang ekonomiya.

3. Napatutunayan na:
a. Ang mabuting ekonomiya ay iyong napauunlad ang lahat – walang
taong sobrang mayaman at maraming mahirap.
b. Ang ekonomiya ay hindi para lamang sa sariling pag-unlad kundi sa
pag-unlad ng lahat.

4. Nakatataya ng lipunang ekonomiya sa isang baranggay/pamayanan, at


lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo o photo/video journal

21
Aralin
Lipunang Pang-Ekonomiya
3

Sumagi na ba sa iyong isipan ang tanong na, “pare-pareho nga ba ang bawat
tao sa lipunan? Tunay bang mayroong pagkakapantay – pantay?”

Sadyang magkakaiba ang bawat tao. May kaniya-kaniyang kalakasan at


kahinaan. Sa bawat gawain ay may hinahanap na katangian ng isang tao upang
magawa ito ng mas mahusay. Halimbawa ay sa mga flight attendant na may
hinahanap na taas sa kadahilanang may mga kailangang maabot sa loob ng eroplano
na kinakailangan ng sapat na sukat ng tao. Sa isang tagapagbalita sa radyo, may
timbre ng boses na kailangan upang maipahatid ng mas malinaw ang mga balita at
anunsyo.

Mula sa hindi pagkakapare-parehas na kakayahan at katangian ng tao,


kailangang gumawa ng paraan ang pamahalaan na makaranas ng pantay-pantay na
karapatan ang bawat tao sa lipunan.

Dahil dito ay mahalagang maunawaan kung paano paiiralin ang kabutihang


panlahat sa isang lipunang pang-ekonomiya ayon sa gabay ng prinsipyo ng patas at
pantay.

LIPUNANG PANG-EKONOMIYA

Kung babalikan ang pinagmulan ng salitang


“Ekonomiya,” ito ay mula sa salitang Griyego na
“oikos,” na ang ibig sabihin ay bahay, at “nomos,” na
ang ibig sabihin ay pamamahala ng bahay. Kapag
pinagsama ang dalawang salita, ito ay magiging
“oikonomus” na ang ibig sabihin ay pamamahala ng
bahay. Tulad ng isang bahay, may badyet ang mga
naninirahan sa loob ng bahay. Pinapangasiwaan ito
ng tama ng bawat miyembro ng pamilya upang
masiguro na matutugunan ang lahat ng kanilang
pangangailangan. Kailangan itong pagkasyahin sa
lahat ng gastusin upang makapamuhay nang
mahusay ang mga tao sa bahay.

22
Gayundin, sa isang bansa, mahalagang pamahalaan ng tama ng mga
namumuno ang yaman nito (badyet) at maibahagi ng pantay at patas sa bawat
mamamayan. Ang lipunang ito ay nagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman ng
bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao.

Ang bawat pamamahay ay naglalaan ng budget upang matustusan ng tama


ang pangangailangan ng bawat miyembro ng pamilya. Ganito din ang kalakaran sa
lipunan ng bansa kung saan ay naglalaan ang pamahalaan ng budget upang
matustusan ng patas ang pangangailangan ng mga tao. May mga nagsasabing
pantay-pantay ang lahat dahil likha tayo ng Diyos, dahil tao tayo. Isa pa, dahil kung
titingnan ang tao sa kaniyang hubad na anyo, katulad lamang din siya ng iba.

Sa kabilang panig, may nagsasabi rin namang hindi pantay-pantay ang mga
tao. May mga taong mananatiling nasa itaas, dinudungaw ang mga tao sa ibaba.
May mga taong mayaman at patuloy na yayaman at may mga taong mahirap at
mananatili sa kanilang kahirapan dahil sadyang ganito ang kaayusan ng mundo.

Kung gayon, ang Lipunang Pang-ekonomiya, sa mas malakihang pagtingin,


ay ang mga pagkilos na masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan.
Pinapangunahan ito ng estado na nangunguna sa pangangasiwa at patas na
pagbabahagi ng yaman ng bayan.

PRINSIPYO NG PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT PRINSIPYO NG


PROPORTIO

Ayon kay Max Scheler, “Bahagi ng pagiging


tao ng tao ang pagkakaroon ng magkakaibang
lakas at kahinaan. Nasa hulma ng ating katawan
ang kakayahan nating maging isang sino. Dahil na
rin sa hindi pagkakapantay-pantay na ito,
kailangang sikapin ang pagkakapantay-pantay sa
pamamagitan ng pagbabahagi ng yaman ng
bayan.” Ito ang Prinsipyo ng Pagkakapantay –
Pantay.

Subalit, may mga nagsasabi namang hindi talaga tayo pantay-pantay dahil
may mga mayayaman at may mga mahihirap. Ayon naman kay Sto. Tomas de Aquino
may tinatawag na Prinsipyo ng Proportio kung saan isinasaad nito na ang angkop
na pagkakaloob ay naaayon sa pangangailangan ng tao. Hindi man pantay-pantay
ang mga tao ay maaari namang maging patas sa pamamagitan ng pagkakaloob sa
kanila ng naaayon sa kanilang pangangailangan.

23
KATANGIAN NG MABUTING EKONOMIYA
1. Ang bansa ay maunlad.
2. Ang mga namumuno ay pinangangasiwaan ng maayos at tama ang yaman ng
bayan.
3. May pantay at patas na pagbabahagi ng yaman sa bawat mamamayan.
4. Higit na namumuhunan ang mga may kapital na syang lilikha ng higit pang
mga pagkakataon para sa mga tao – pagkakataon hindi lamang makagawa,
kundi pagkakataon ding tumaas ang antas ng kanilang pamumuhay.
5. Ginagawa ng mga tao na malaking tahanan ang bansa – isang tunay na
tahanan kung saan maaaring tunay na tumahan (huminto, manahimik,
pumanatag) ang bawat isa sa pagsisikap nilang mahanap ang kanilang mga
buhay.

Sa Lipunang Pang-ekonomiya ay ibinabahagi ang yaman ng bayan ayon sa


pangangailangan ng tao. Sinisikap ng pamahalaan na tugunan ng patas ang mga
iba’t ibang pangangailangan ng tao ayon sa kanilang tunguhin at kakayahan. Ang
pag-unlad ng bansa ay hindi lamang gampanin pamahalaan kundi gampanin ng
bawat mamamayan. Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga tao ay kilos
na nagpapangyari sa kolektibong pag-unlad ng bansa.

Ang ating bansa ang isang malaking tahanan kung saan maaaring makatagpo
ng tunay na kapayaapan at makaramdam ng kapanatagan ang bawat isa sa
pamamagitan ng kanilang pagsisikap sa kanilang buhay.

ANG MGA PAG-AARI: DAPAT ANGKOP SA TAO


Marahil magpipilit ang iba at sasabihing, “bakit hindi na lang ibigay ang
tinapay sa lahat at bahala na ang mga nakatanggap na ipamigay o ibahagi sa iba
ang sobra?” Maganda ang hangarin ng ganitong pag-iisip. Umaasa ito sa kabuthang
loob na taglay ng bawat isa. Ngunit may sinasabi rin ito ukol sa pagtingin ng tao sa
tinapay mula sa halimbawa sa itaas, o sa anumang yaman na ibabahagi sa mga tao,
sa mas malakihang pagtingin.

Una, tila tinali ng tao ang kaniyang sarili sa bagay -ibig sabihin, kung hindi
siya makakakuha ng bagay, bumababa ang kaniyang halaga. Kung hahayaan niya
na ang iba lamang ang mabigyan ng tinapay, para siyang nagpapalaman o para
niyang binitawan ang tinapay na karapatan naman niya talaga. Pakiramdam niya
ay nagpapaapi siya. Mali ang ganitong pananaw. Hindi sa tinapay nagkakaroon ang
halaga ng tao. Una ang halaga ng tao bago ang tinapay. May tinapay man o wala,
may yaman man o wala, may halaga pa rin siya bilang tao.

Pangalawa, kailangan yatang balikan ang dahilan ng paggawa at pag-aari


(ownership). Bakit nga ba ako nagtratrabaho at nagmamay-ari ng mga bagay?
Gumagawa at nagmamay-ari ang ang tao hindi upang makipagmayabangan sa iba,

24
ibagsak o pahiyain ang iba o makipagkompetisyon sa iba. Gumagawa siya dahil nais
niyang ipamalas ang kaniyang sariling galing. Nagtatrabaho siya upang maging
produktibo sa kaniyang sarili.

Napakaganda ng salitang Filipino para sa


trabaho. Ang tawag natin dito ay “hanapbuhay.” Ang
hinahanap ng gumagawa ay ang kaniyang buhay.
Hindi siya nagpapakapagod lamang sa pera kundi
para ito sa buhay na hinahanap niya. Ang buhay ng
tao ay isang pagsisikap na ipakilala ang sarili.
Naipakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa paggawa.
Hindi ang yaman, hindi ang mga kagamitan na
mayroon siya o wala ang humuhubog sa tao. Ang
tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang
sarili sa bunga ng kaniyang paggawa. Hindi sa
pantay-pantay na pagbabahagi ng kayamanan ang tunay na kayamanan. Nasa
pagkilos ng tao sa anumang ibinigay sa kaniya ang kaniyang ikayayaman.

Tandaan: Ang Lipunang Pang-Ekonomiya sa malawakang pagtingin ay ang


pagsisiguro ng pamahalaan na ang lipunan, tulad ng bahay ay maging isang
tahanan – kung saan may tamang pagbabadyet o pagbabahagi ng yaman ng
bayan sa bawat miyembro (mamamayan).

25
Gawain 1: Word Search
Panuto: Hanapin sa word search box ang salita na kukumpleto sa mga hakbang
kung paano maisasaayos ang ekonomiya ng bansa. Bilugan ang salita sa word
search at isulat sa patlang ang tamang sagot.

BATAS BUWIS

KORAPSYON PAMAHALAAN
PANGANGAILANGAN PILIPINO
TAO

26
Mga paraan kung paano maisasaayos ang ekonomiya ng bansa:
1. Magkaroon ng maayos na proseso ng pagkolekta ng ________________.

2. Tiyakin ang mahigpit na pagbabantay at pagpapatupad ng batas laban sa


__________________.

3. Tayahin ang _____________________ ng mga lalawigan o bayan upang maibigay


ang tunay na pangangailangan.

4. Tiyakin ng _______________________ na mayroong sapat na trabaho para sa


mamamayan.

5. Maglunsad ng mga proyektong tunay na tutugon sa pangangailangan ng mga


__________.

6. Maghigpit sa pagpapatupad ng _____________ sa kalakalan.

7. Ipakilala sa mundo ang kagalingan ng ________________ sa paggawa ng mga


produkto.

Gawain 2: Punan ang patlang


Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Punan ng tamang sagot ang bawat patlang
gamit ang mga salitang makikita sa loob ng kahon sa ibaba.

Max Scheler Diyos Babae Buhay Hanap-buhay

Proportion Tinapay Yaman Patas Pagkasyahin


Bahay Kapital Paggawa Bansa Lipunan

Lipunang Pang-ekonomiya

1. Para kay ________________ bahagi ng pagiging ng tao ang pagkakaroon ng


magkakaibang lakas at kahinaan.

2. May nagsasabing pantay-pantay ang lahat dahil likha tayo ng ________, dahil
tao tayo.

3. Ang ________ ay mas may taglay na karisma upang manghalina kaysa lalaki.

4. Tinatawag ito ni Sto. Tomas de Aquino na prinsipyo ng _________ o, ang


angkop na pagkakaloob ng ayon sa pangangailangan ng tao.

5. Una ang halaga ng tao bago ang ________.

6. May __________ man ang tao o wala, may halaga pa rin siya bilang tao.

7. Nagtratrabaho siya upang maging produktibo sa kaniyang sarili. Ang tawag


natin dito ay “_______________.”

27
8. Ang _________ ng tao ay isang pagsisikap na ipakilala ang sarili.

9. Ang ___________________, sa mas malakihang pagtingin, ay ang mga pagkilos


na masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan.

10. Hindi pantay pero________, ito ang prinsipyo ng lipunang pang-ekonomiya.

Gawain 1: Photo Journal ng Livelihood Program sa Barangay


Panuto: Magsaliksik kung anong proyektong/programang pangkabuhayan ang
mayroon sa inyong barangay. Maaaring tumingin sa Facebook Page ng inyong
barangay upang makalap ang mga sumusunod na impormasyon. Maaari ring hingin
ang tulong ng nakatatanda upang magsagawa ng panayam sa opisyal ng barangay
kung kinakailangan. Gamitin ang template sa gagawing pakikipanayam.
Pangalan ng Barangay: __________________________________________________________

Pangalan ng Proyekto/Programa:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Maikling buod ng Proyekto/Programa:


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Gabay na tanong:
1. Ano ang paraan sa pagpili ng proyekto/ programang pangkabuhayan na
naayon sa pangangailangan ng mga taga-baranggay?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ano ang tulong na binibigay ng barangay sa pagsisimula ng livelihood


program?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

28
3. Sa paanong paraan nabibigyan ng benepisyo ang mga kabaranggay lalo na sa
aspekto sa pag-unlad ng pamilya?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Proyekto/Programang Pangkabuhayan: Pakikipanayam sa Opisyal ng Barangay:

Ilagay dito ang mga larawan

29
Gawain 2

Gumawa ng isang proposal ng isang proyekto na maaaring tumugon sa


pangangailangan ng pamayanan o barangay. Maaaring hingin ang tulong ng mga
miyembro ng pamilya sa pag-iisip ng proyekto. Gamitin ang template sa ibaba para
sa proposal.
Pangalan ng Proyekto: ___________________________________________________________

Layunin: ________________________________________________________________________

Deskripyon:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Gawain:
1.
2.

3.

4.
5.

Budget:

Bagay Deskripsyon Halaga

30
MODYUL 4

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat sa pagpapalawak ng inyong


kaalaman. Ito ay makatutulong upang makilala nang lubos ang iyong sarili. Ang
saklaw ng modyul na ito ay makatutulong sa iba’t ibang sitwasyon. Ang wikang
ginamit sa aralin na ito ay tagalog bilang pangunahing wika sa lugar ng Navotas.
Ang mga araling nakapaloob dito ay pinag-isipang mabuti at magagamit sa araw-
araw ninyong pamumuhay.

Ikaw ba ay may alam na mga organisasyon o indibidwal na nagbibigay ng


tulong sa kaniyang kapwa? Anong uri ng tulong ang kanilang ibinibigay? Ano kaya
ang nagbibigay dahilan sa kanila upang isagawa ang pagtulong na ito?

Sa pagtuklas mo ng modyul na ito ay malalaman mo ang mga dahilan kung


bakit mayroong lipunang sibil. Gayundin, iisa-isahin ang mga pagpapahalagang
isinusulong ng lipunang sibil upang makamit ang kabutihang panlahat.

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na


kaalaman, kakayahan at pang-unawa:

1. Natutukoy ang mga halimbawa ng lipunang sibil at ang kani-kaniyang papel


na ginampanan ng mga ito upang makamit ang kabutihang panlahat

2. Nasusuri ang mga adhikaing nagbubunsod sa mga lipunang sibil upang


kumilos tungo sa kabutihang panlahat

3. Nahihinuha na:
a. Ang layunin ng Lipunang Sibil, ang likas kayang pag-unlad, ay isang
ulirang lipunan na pinagkakaisa ang mga panlipunang pagpapahalaga
tulad ng katarungang panlipunan, pang-ekonomiyang pag-unlad
(economic viability), pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga ng
kapaligiran, kapayapaan, pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan
(gender equality) at ispiritwalidad.

b. Ang layunin ng media ay ang pagpapalutang ng katotohanang kailangan


ng mga mamamayan sa pagpapasya.

31
c. Sa tulong ng simbahan, nabibigyan ng mas mataas na antas ng katuturan
ang mga material na pangangailangan na tinatamasa natin sa tulong ng
estado at sariling pagkukusa.

4. Natataya ang adbokasiya ng iba’t ibang lipunang sibil batay sa kontribusyon


ng mga ito sa:
a. katarungang panlipunan, pang-ekonomiyang pag-unlad (economic
viability), pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran,
kapayapaan, pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan (gender
equality) at ispiritwalidad (mga pagpapahalagang kailangan sa isang
lipunang sustainable)

b. Nakapagsasagawa ng mga pananaliksik sa pamayanan upang matukoy


kung may lipunang sibil na kumikilos dito, matukoy ang adbokasiya ng
lipunang sibil sa pamayanan, at matasa ang antas ng pagganap nito sa
pamayanan.

Aralin Lipunang Sibil, Media at


4 Simbahan

Sa nakaraang modyul ay nakilala mo ang mga palatandaan ng hindi malusog


na ekonomiya. Ito ay dahil marami pang anyo ng hindi patas na pagtatamasa ng
mga bunga ng ekonomiya. Sa kasalukuyan, marami sa atin ngayon ang humihingi
ng tulong dahil sa ating nararanasang mahihirap na sitwasyon tulad ng sakuna,
kalamidad at pandemiko. Maaring maisip mo, sino ang tutugon sa
pangangailangang ito ng mga tao?

Ang pamahalaan ang nararapat na tumugon at magsagawa ng mga batas


upang masiguro na pantay at patas ang pagbabahagi sa bawat isa sa ating lipunan.
Ngunit sapat nga ba ang pagtugon ng ating pamahalaan? Lahat nga ba ay naabot ng
tulong? Bakit mayroon pa ring mga kababayang dumadaing at patuloy na humihingi
ng ayuda?

Sa modyul na ito, malalaman mong maraming nag-iisip na hindi kailangang


maging ganyan na lamang ang buhay. Ang pagsalungat nila sa kalakaran na sa
una’y walang pumapansin, ay unti-unting nakakuha ng mga kakampi, hanggang sa
dakong huli ay nagbunga ng pagbabago sa kalakaran ng lipunan.

32
Lipunang Sibil

Ang lipunang sibil ay ang kusang-loob na pag-oorganisa ng ating mga sarili


tungo sa sama-samang pagtuwang sa isa’t-isa. Hindi ito isinusulong ng mga politiko
na pananatili lamang sa kapangyarihan ang interes. Hindi rin ito isinusulong ng mga
negosyante na pananatili ng kita lamang ang interes. Sa halip, ito ay ibinubunsod
ng pagnanais ng mga mamamayan na matugunan ang kanilang mga
pangangailangan na bigong tugunan ng kalakalan (business) at pamahalaan.

Sa lipunang sibil, ang mga tao ay nagsasagawa ng mga pagtugon na sila


mismo ang nagtataguyod, kung kaya nagkakaroon ng likas kayang pag-unlad
(sustainable development) na hindi tulad ng minadali at pansamantalang solusyon
ng pamahalaan at kalakalan.

May iba’t-ibang uri ng lipunang sibil; yaong mga nagsasagawa ng pagtulong


sa pamamagitan ng iba’t-ibang uri ng proyekto o aktibidad upang tugunan ang
pangangailangan ng kapwa at yaong mga nag-oorganisa ng sarili upang magsagawa
ng kilos-protesta sa mga isyu o sistemang hindi mabigyan ng solusyon ng
pamahalaan.

Ilang halimbawa ng indibidwal o grupo bilang isang Lipunang Sibil:

1. Peace Advocates Zamboanga (PAZ, 1994)


• isang samahan na may adbokasiyang palakasin ang ugnayan ng mga
Kristiyano at Muslim.
• Ito ay nabuo mula sa “Consultation on Peace and Justice” na
inorganisa ng Simbahang Katoliko sa Zamboanga, Basilan, Tawi-Tawi
at Sulu.
• Kapayapaan ang pangunahing isinusulong ng samahang ito

2. Gabriela Party (1984)


• Isang politikal na grupo sa Pilipinas na nagsusulong ng karapatan ng
mga kababaihan
• sa tulong nila ay naisabatas ang mga sumusunod:
- Anti- Sexual Harassment Act (1995)
- Women in Development and Nation-Building Act (1995)
- Anti-Rape Law (1997)
- Anti-Trafficking of Persons Act (2003)
- Anti-Violence Against Women and their Children Act (2004)

33
3. Senator Raul Roco (Honorary Woman)
• dating senador na kakampi ng partidong Gabriela at nagsulong na
maisabatas ang pagtatanggol sa karapatan ng kababaihan.

Ang Media

Ang media ay galing sa salitang Latin - medium kung isa o media kung
marami, na ang ibig sabihin ay anumang bagay na “nasa pagitan” o “namamagitan”
sa nagpadala at pinadalhan. Ito ay ginagamit kung may nais tayong ipabatid na
impormasyon. Kapag ang paghahatid ng mga impormasyong ito ay sabay-sabay na
isinasagawa (gamit ang diyaryo, radyo, telebisyon, pelikula, o internet), ang tawag dito
ay mass media.

Sa media mo nalalaman ang mga impormasyon


tulad ng kapag may nangangailangan ng saklolo at gusto
mong tumulong o may mga isyu na gusto mong
ipanawagan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng rally.
Bilang isang anyo ng lipunang sibil, ang layunin ng media
ay isulong ang ikabubuti ng bawat isang kasapi ng
lipunan. Kaya marapat na pawang katotohanan lamang
ang sinasabi nito at kagyat na pagtutuwid sakali mang
may naipahatid na maling impormasyon na maaaring
maging batayan ng iba sa pagpapasya ng ikikilos.

Ang media ay isang instrumento lamang upang ipabatid ang mga


katotohanang kailangan ng lipunan para sa ikabubuti ng bawat kasapi nito. Ang
pagsisinungaling o pagdaragdag-bawas ng katotohanan ay hindi kailanman
ikabubuti ng kahit na sino. Tulad ng tinuran ni Papa Juan Pablo II (1999), “Ang
kapangyarihan ng media ay hindi isang lakas na nananalasa, kundi isang pag-
ibig na lumilikha”.

Mga Halimbawa Ng Taong Ginamit Ang Media Bilang Paraan Ng Pagiging Isang
Lipunang Sibil:

1. Peachy Bretaña at Ito Rapadas (isang musikero)


• gamit ang Facebook, nagpasimula ng “Million People March” noong
2013 bilang pagpoprotesta sa isyu ng pork barrel

2. ABS-CBN
• isang estasyon ng telebisyon na naglunsad ng “Bayan Mo, Ipatrol Mo”
• ipinahayag nila sa mga tao ang mahahalagang impormasyon tulad ng
dayaan at katiwalian na may kinalaman sa halalan noong 2007 sa
pamamagitan ng cellphone

34
3. Malala Yousafzai
• isang batang babae mula sa Pakistan na nagsulat ng blog sa internet
upang ilarawan ang kahirapan sa pag-aaral dahil sa teroristang
grupong Taliban
• dahil sa kaniya ay nabigyan ng edukasyon ang mga kababaihan sa
Pakistan
• Tinagurian ng Times Magazine bilang Woman of the Year taong 2013
at nagkamit ng Nobel Peace Prize noong 2014

Ang Simbahan

Sa buhay, gaano man karami ang iyong


makamit para sa sarili, may pagkakataon pa din na
makakaramdam ka ng kahungkagan, ng kawalan ng
katuturan, ng kakulangan. Isa ito sa dahilan kung
bakit inorganisa natin ang ating sari-sarili upang
hanapin ang makapupuno sa kabila ng kariwasaan.
Kaya naman marami sa atin ang dumudulog sa mga
lider ng moralidad tulad ng mga pari, pastor, ministro,
imam, guru, monghe, at iba pa.

Ang mga lider na ito ay likas ang kababaang-loob upang kilalanin ang
kanilang mga sarili hindi bilang nakasasakop kundi bilang tagapaglingkod.
Itinuturing nila ang kanilang sarili bilang kasabay natin sa paghahanap ng
kabuluhan ng buhay. Sa sama-sama nating paghahanap ay naoorganisa natin ang
ating sarili bilang isa pang anyo ng lipunang sibil – ang Simbahan, isang
institusyong panrelihiyon.

Sa tulong ng mga lider at iba pang mga kasapi ng Simbahan, nailalagay natin
sa mas mataas na antas ng kabuluhan ang mga materyal na bagay na ating
tinatamasa. Hindi tayo nag-iisa sa ating pananampalataya. Ang ating
pananampalataya ay hindi nag-aalis sa ating pagkamamamayan ng isang bansa,
bagkus sa pamamagitan ng mabubuting aral nito ay nagkakaroon tayo ng dahilan
upang tumugon sa panawagan ng kabutihang panlahat.

Halimbawa Ng Mga Tao/Samahang Pang-Relihiyon Bilang Isang Lipunang Sibil:

1. Arsobispo Gaudencio Rosales


• pinuno ng grupong Kaabag na nagbigay kapangyarihan sa DENR
upang ihabla ang mga ilegal na nagtotroso sa Bukidnon

2. Fr. Nery Satur


• paring pinaghihinalaang napatay ng mga ilegal na magtotroso dahil sa
pangangalaga sa kagubatan

35
3. Couples for Christ
• nagpatayo ng kauna-unahang pabahay para sa mahihirap na mag-
anak sa Bagong Silang, Caloocan City noong 1990

4. Seventh Day Adventist


• nagsulong ng ordinansa sa Quezon City noong 1989 upang ipagbawal
ang paninigarilyo.

Katangian ng Lipunang Sibil

1. Pagkukusang-loob. Walang nanakot, pumilit o nanggipit sa mga kasapi nito


upang makisangkot.

2. Bukas na pagtatalastasan. Hindi pinipigilan o dinidiktahan sa


pagpapahayag ng saloobin.

3. Walang pang-uuri. Hindi isinaalang-alang ang kalagayang panlipunan ng


mga kasapi: mayaman o mahirap, may pinag-aralan o wala, kilala o hindi
anumang kasarian dahil isinusulong ang kabutihang panlahat.

4. Pagiging organisdo. Sapagkat nagbabago ang kalagayan ayon sa mga


natutugunang pangangailangan, nagbabago rin ang kaayusan ng
organisasyon upang tumugma sa kasalukuyang kalagayan.

5. May isinusulong na pagpapahalaga. Ang sinusulong nito ay kabutihang


panlahat at hindi pansariling interes.

Tandaan:
Ang pakikisangkot natin sa lipunang sibil ay nakapagsusulong ng ikabubuti ng
lipunan. Sabi nga ni Fr. Eduardo Hontiveros sa isang awit, “Walang sino man
ang nabubuhay para sa sarili lamang”.

36
Gawain 1

Panuto: Alalahanin kung may mga tao o organisasyon (non-government


organizations) na dumayo o nagsagawa ng paglilingkod sa inyong komunidad. Ano
ang ibinigay nilang tulong o isinagawang proyekto? Ano ang naging resulta ng
kanilang ginawang paglilingkod? Itala ang sagot sa talahanayan.

(Kung walang personal na karanasan, maaaring nabalitaan mo mula sa telebisyon,


radyo, dyaryo at internet.)
TALAHANAYAN A

Pangalan ng Tao/ Uri ng Adbokasiya Epekto o Resulta


Organisasyon Isinagawang (Layunin) ng Ginawang
Paglilingkod/ Paglilingkod
Pangalan ng
kanilang
Proyekto

37
Magsaliksik tungkol sa mga tao o organisasyong nagsasagawa ng kilos-protesta
tungkol sa mga usapin/isyu sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa. Gamitin
ang mga impormasyon mula sa nabalitaan mo sa telebisyon, radyo, dyaryo o
internet. Matapos ay punan ang talahanayan sa ibaba.

TALAHANAYAN B

Pangalan ng Tao/ Isyu/ Usapin na Uri ng media na Epekto ng


Organisasyon Ipinoprotesta ginamit Isinagawang
Kilos-Protesta
(Pamamaraan ng
pagsasagawa ng
Kilos-Protesta)

Pamprosesong Tanong:
1. Ano kaya ang nagtutulak sa mga taong ito upang magpakaabala,
magpakagastos at magprotesta ng mga usapin gayong ni hindi naman nila
tayo kilala? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Paano tinutugunan ng lipunang sibil ang mga pagkukulang ng pamahalaan


sa lipunan? Ilahad.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

38
3. Sa iyong pananaw, ano ang naidudulot ng pag-oorganisa ng mga tao ng isang
lipunang sibil? Mabuti ba o masama, pangatwiranan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Sa iyong palagay, may mga ginagawa bang hakbangin ang pamahalaan upang
matamo mo ang mga katulad na paglilingkod? Bakit oo/ hindi?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Kung ikaw ay magiging kasapi ng isang lipunang sibil, ano ang adbokasiyang
isusulong mo at bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain 2

Panuto: Gamit ang Concept Web, bumuo ng batayang konsepto na sasagot sa tanong
na, “Ano-anong pagpapahalaga ang isinusulong ng lipunang sibil upang
makamit ang kabutihang panlahat?”

39
Gawain 1
Panuto: Magmasid sa kasalukuyang kalagayan ng inyong komunidad sa mga
sumusunod na aspeto. (Pumili lamang ng isa)
● Pang-Ekonomiyang Pag-Unlad
● Pangangalaga ng Kapaligiran
● Kapayapaan
● Pagkakapantay ng Kasarian
● Ispiritwalidad
Kung ikaw ay mag-oorganisa ng isang lipunang sibil upang makatugon sa
pangangailangan ng komunidad ayon sa napiling aspeto, bumalangkas ng plano
kung paano mo ito isasagawa. Maaaring sundin ang pormat sa ibaba:

Pangalan ng Organisasyon: ___________________________________________________


Pangalan ng Proyekto : ____________________________________________________

Layunin Mga Inaasahang Kagamitan/ Mga Taong


Aktibidad/ Petsa ng Badyet Kalahok
Istratehiya/ Pagsasagawa
Gawain

***Ipasa at ipa-check ito sa iyong guro.

40
Gawain 2
Panuto: Lumikha ng isang larawan (drawing), awit (rap), tula, spoken poetry, poster
o islogan na humihikayat sa bawat kabataang tulad mo na mag-ambag sa pagsulong
ng kabutihang panlahat sa lipunan. Gamitin ang mga konseptong natutunan sa
tinalakay na aralin.

Matapos ay ipasa ito sa guro. Maaari rin itong i-post sa iyong social media accounts
(Facebook, Twitter, Instagram, atbp.) upang lalong makahikayat ng iba pa.

41
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin ang pinaka-angkop na
sagot. Isulat ang letra ng iyong sagot sa kwaderno.

1. Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat


indibidwal. Ang pangungusap ay:

A. Tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na makakamit ang


tunay na layunin ng lipunan.
B. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning
itinalaga ng lipunan.
C. Mali, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat isang
indibidwal.
D. Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda ng
mga layunin.

2. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:

A. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay.


B. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating
kapuwa.
C. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag-isa.
D. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan.

3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mahusay na pamamahala?

A. May pagkilos mula sa mamamayan para sa kapuwa mamamayan lamang.


B. May pagkilos mula sa mamamayan patungo sa namumuno.
C. May pagkilos mula sa namumuno patungo sa mamamayan.
D. Sabay ang pagkilos ng namumuno at mamamayan.

4. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng Prinsipyo ng Subsidiarity?

A. Pagsisingil ng buwis.
B. Pagbibigay daan sa Public Bidding.
C. Pagsasapribado ng mga gasolinahan.
D. Pagkakaloob ng lupang matitirikan para sa pabahay.

5. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng Prinsipyo ng Solidarity?

A. Sama-samang pagtakbo para sa kalikasan.


B. Pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong.
C. Bayanihan at kapit-bahayan
D. Pagkakaroon ng kaalitan

42
6. Paano maipakikita ang tamang ugnayan ng tao sa kaniyang pag-aari?

A. Sa pagbibigay ng higit na mataas na pagpapahalaga ng kaniyang mga ari-


arian kaysa kaniyang sarili.
B. Sa pagmamayabang sa mga kakilala at kaibigan ang dami ng naimpok na
salapi.
C. Sa pagpapakita na may kakayahan siyang bumili ng mga mamahaling gamit
D. Sa pag-iwas na maitali ang kaniyang halaga bilang tao sa kaniyang pag-aari.

7. Paano masisiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa Lipunang-Pang


ekonomiya?

A. Nagbibigay ng tulong pinansiyal ang pamahalaan sa mga mahihirap na


pamilya.
B. Sa pangunguna ng estado, napangangasiwaan at naibabahagi ng patas ang
yaman ng bayan.
C. Sinisikap ng estado na mabigyan ng trabaho ang bawat mamamayan kahit
hindi angkop sa kakayahan.
D. Tinutulungan ng estado ang mga manggagawa na makahanap ng
hanapbuhay sa ibang bansa.

8. Bakit nagkakaroon ng lipunang sibil?

A. Upang maging maayos ang lipunan


B. Dahil may mga taong sadyang sobra ang biyaya at nais magbahagi sa iba
C. Sadyang may mga taong likas ang kabutihang-loob at nais mabawasan ang
kahirapan ng bansa
D. Sapagkat may mga pagkakataong hindi natutugunan ng pamahalaan ang
pangangailangan ng mamamayan

9. Ang kalayaan sa pamamahayag ay dapat gamitin ng may responsibilidad at


masusing pagpapasya. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng
pagtupad sa tungkuling ito?

A. paglalahad ng mga impormasyong mapakikinabangan


B. paglalahad ng lahat ng panig ng pangyayari o usapin
C. pagbibigay ng wasto at matapat na pag-uulat
D. pagbabawas o pagdaragdag sa katotohanan

10. Ano ang isinusulong ng isang lipunang sibil na may pagpapahalaga sa bawat
isang kasapi ng bansa?

A. Dignidad ng tao
B. Kabutihang panlahat
C. Solusyon sa kahirapan
D. Kabutihan ng nakararami

43
44
Pagyamanin
Gawain 2
1. Max Scheler
2.Diyos
3.Babae
4.Proportio
5.tinapay
6.yaman
7.hanapbuhay
8.buhay
9.Lipunang pang-ekonomiya
10.patas
Pagyamanin
Gawain 1
1. Buwis
2. Korapsyon
3. Pangangailangan
4. Pamahalaan
5. Tao
6. Batas
7. Pilipino
Modyul 3
Subukin
1. B
2. D
3. A
4. B
5. C
6. A
7. D
8. C
9. A
10.B
10. B
9. D
8. D
7. B
6. D
5. D
4. A
3. D
2. A
1. A
Tayahin

Sanggunian
Education, D. o. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para sa Mag-aaral
pp. 1-16. Pasig City.

Education, D. o. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para sa Mag-aaral


pp. 21-35. Pasig City.
Education, D. o. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 9. Modyul para sa Mag-aaral
pp. 27 – 32

Gayola, Sheryll T et. al., (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang;


Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon 2015. Kagawaran ng Edukasyon,
FEP Printing Corporation

Mtmmarek. (2020, June 13). Gograph. Retrieved from Gograph.com:


https://www.gograph.com/clipart/open-hands-gg60439034.html

Pinclipart. (2020, June 14). Retrieved from pinclipart.com:


https://www.pinclipart.com/pindetail/TJwoTw_cinema-icon-free-download-
video-icon-black-and/

National Wages and Productivity Commission (20 August 2020). Retrieved from:
https://nwpc.dole.gov.ph/

45
Maynooth University (2020, August 20). Retrieved frommaynoothuniversity.ie:
https://www.maynoothuniversity.ie/sites/default/files/assets/images/Max
Scheler_SIEPM2016_Carousel1_MaynoothUniversity.jpg

Garcia, Jo Marie Nel., (2017), Hango sa


https://www.slideshare.net/jomarienel/modyul-4-lipunang-sibil-51411566

TakdangAralin.ph. Lipunang Sibil. Hango sa https://takdangaralin.ph/lipunang-


sibil/

Canva. (2021, July 3). Retrieved from Canva.com:


https://www.canva.com/design/DAEjJjhfTH4/YqY6PJt1b67Ay__a0kdJRA/e
dit

46
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division Office Navotas


Learning Resource Management Section

Bagumbayan Elementary School Compound


M, Naval St., Sipac Almacen, Navotas City

Telefax: 02-8332-77-64
Email Address: navotas.city@deped.gov.ph

You might also like