You are on page 1of 7

Region 1

Division of Ilocos Norte


MARCOS NATIONAL HIGH SCHOOL
Marcos

LAGUMANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN
GRADO 9

Pangalan : ___________________________________________
Iskor:______________
Taon/pangkat:________________________________________
Petsa:______________

Panuto: Piliin ang pinaka-angkop na kasagutan sa bawat tanong. Isulat sa iyong sagutang papel ang titik
ng tamang sagot.

1. Isa sa mga mahalagang elemento na sinusuri sa pag-aaral ng microeconomics ay ang konsepto


ng demand na idinidikta o nagmumula sa mga konsyumer. Alin sa sumusunod ang tamang
pagpapakahulugan sa konsepto ng demand?
A. Ito ay tumutukoy sa mga produktong kahalili ng mga pangangailangan ng isang
konsyumer.
B. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa (willing) at kayang (able) bilhin ng
mga konsyumer sa iba’t ibang halaga o presyo.
C. Ito ay tumutukoy sa kabuuang dami ng produkto na mabibili sa bawat presyo kung
ang konsyumer ay makakabili ng lahat ng kanilang pangangailangan.
D. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng prodyuser sa iba’t
ibang presyo.
2. Sa ekonomiks, pinag-aaralan kung paano matutugunan ang walang katapusang
pangangailangan ng tao. Ang gawaing ito ay tungkulin ng prodyuser. Ano ang tawag sa dami
ng produkto na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser?
A. demand B. produksiyon C. ekwilibriyo D. supply
3. . Ayon sa batas ng demand, alin sa sumusunod na pahayag ang malinaw na magpapaliwanag
ng graph tungkol sa ugnayan ng presyo at demand ng mga konsyumer?
A. Kaunti ang mabibili ng mga konsyumer kapag mataas ang presyo
B. Maraming mabibili ang mga konsyumer kapag mataas ang presyo
C. Habang tumataas ang presyo, bumababa ang demand ng mga konsyumer
D. Habang tumataas ang presyo, tumataas ang demand ng mga konsyumer
4. Nagpapakita ng pagkakaroon ng balanse sa pamilihan:
A. presyo B. prodyuser C. ekwilibriyo D. disekwilibriyo
5. Matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at quantity demanded.
A. demand function B. demand schedule C. market schedule D. law of demand
6. Salik na nagpapabago ng demand:
A. dami ng buwis C. kita ng konsyumer
B. dami ng nagtitinda D. subsidy ng gobyerno

1
7. Nagpapakita ng pantay na pagbabago sa pagtugon ng prodyuser at presyo.:
A. elastik B. di-elastik C. unitary D. ganap na elastic
8. Talaan na nagpapakita ng dami ng produktong ipagbibili sa alternatibong presyo:
A. Tsart C. Supply schedule
B. Kurba ng suplay D. Demand schedule
9. Sino ang kumakatawan sa demand?
A. tindera B. suplayer C. konsyumer D. prodyuser
10. Ang pagtugon ng konsyumer sa porsyento ng pagbabago ng presyo:
A. Demand B. Pagbili o hindi pagbili C. Elastisidad D.
Kompetisyon
11. Alin ang nagpapaliwanag kung bakit mahal ang bulaklak na rosas sa tuwing sasapit ang Araw
ng mga Puso?
A. Dahil sa okasyon, tumataas ang demand ng mga konsyumer sa rosas kaya lumilipat ang
kurba ng demand sa kanan na nagreresulta sa pagtaas ng presyo nito.
B. Dahil sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso, nagkakasundo na ang mga konsyumer
at prodyuser na itaas ang presyo sapagkat pareho naman silang nakikinabang dito.
C. Tanggap ng mga konsyumer ang pagtaas ng presyo ng rosas tuwing sasapit ang Araw
ng mga Puso sapagkat hindi matatawaran ang kasiyahang natatamo ng mga konsyumer
sa pagbibigay ng rosas sa kanilang mga mahal sa buhay.
D. Tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso, itinatago ng mga prodyuser ang panindang
bulaklak upang lalong tumaas ang presyo nito.
12. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser
sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.
A. Demand B. Ekwilibriyo C. Supply D. Produksyon
13. Ito ang pangunahing salik na nakaapekto sa demand at supply.
A. Presyo B. Konsyumer C. Prodyuser D. Nagtitinda
14. Salik ng produksyon na tumutukoy sa mga makabagong makinarya o kasangkapan na
nagpapabilis sa produksyon ng partikular na produkto.
A. Halaga ng produksyon C. Bilang ng nagtitinda
B. Teknolohiya D. Presyo
15. Sinasabing naapektuhan ang dami ng supply sa pagbabago ng presyo ng kaugnay na produkto.
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng magkaugnay na produkto?
A. Peanut butter- hotdog
B. Brown sugar – white sugar
C. Face mask at alcohol
D. Asukal – kape
16. Sa supply equation na Qs=0+8P, ano ang quantity supply kung ang presyo ay Ᵽ20.00?
A. 140 B. 160 C. 100 D. 200
17. Ang hoarding ay minsang isinagawa ng mga prodyuser sa mga produktong nakatakdang
magkaroon ng limitadong supply. Paano isinagawa ang hoarding sa pamilihan?
A. Pagtatago ng mga produkto habang mura pa ang mga presyo nito.
B. Paglilimita ng produksyon ng produkto habang mura pa ang presyo ng mga ito sa
pamilihan.
C. Maramihang produksyon ng mga produkto para ito ay maibenta sa mas mataas na
presyo.
D. Pagpigil na makapasok ang mga produkto sa mga pamilihan

2
18. Maraming produkto ang tumaas ang supply dulot ng pandemya na COVID-19. Kung ikaw ay
isang mamimili, anong pangunahing pangangailangan ang iyong bibilhin kahit tumaas pa ang
presyo nito?
A. Smart phone para madali kong matawagan ang pamilya ko.
B. Kotse dahil nakatutulong ito na makapag-grocery at makapunta kahit saan.
C. Bigas at pang-ulam bilang pantawid-gutom sa panahon ng lockdown.
D. Mamahaling alahas upang may maisangla kung kakailanganin.
19. Naglipana ngayon sa social media ang pagbebenta ng halos magkaparehong produkto na may
ibat-ibang presyo. Kung ikaw ay isang negosyante, ano ang gagawin mo para maging mabenta
ang iyong produkto?
A. Itatakda ang presyo sa bawat item na may mataas na tubo kasama na ang delivery
charge.
B. Itatakda ang presyo sa bawat item na may mataas na tubo at hiwalay ang delivery
charge.
C. C. Itatakda ang presyo sa bawat item na may katamtamang tubo at delivery charge rate
sa bawat lugar. D. Itatakda ang presyo sa bawat item na may mababang tubo at
pagpipiliin ang mga mamimili kung ito ay pick up o delivery na may charge na
nakadepende sa lugar.
20. Alin sa mga sumusunod ang salik na nakakapekto sa supply?
A. A. pagbabago sa teknolohiya
B. pagbabago sa halaga ng mga salik Produksiyon
C. pagbabago sa bilang ng mga nagtitinda
D. lahat ng mga nabanggit
21. Gamit ang supply function na Qs= 0+10P, ilan ang magagawa kapag ang presyo ay 5?
A. 20 B. 30 C. 40 D. 50

22. Sa anong presyo nagkaroon ng ekwilibriyo ang pamilihan?


A. 5 B. 4 C. 2 D. 3
23. Ilang dami ng fishball nagkasundo ang konsyumer at prodyuser?
A. 50 B. 30 C. 60 D. 40
24. Nalalapit na ang pagsisimula ng klase sa buwan ng Hunyo kaya inaasahan na pagtaas din ng
presyo ng school supplies. Ilan kaya ang mabebenta na notebook kung ang presyo ay 9 gamit
ang supply function na Qs=0+50P?
A. 25 B. 300 C. 450 D. 500
25. Ang pamilihang may ganap na kompetisyon ang sinasabing pinakamodelong estruktura ng
pamilihan dahil sa dami ng nagbebenta o dami ng konsyumer. Ang sumusunod ay katangian ng
estrukturang ito maliban sa:
A. Malayang kalakalan sa bilihan
B. May kakaibang produkto
C. Maraming prodyuser at konsyumer
D. Malayang paggalaw ng mga sangkap pamproduksiyon

3
26. Ang pamilihan ay sinsabing may ganap na kompetisyon kapag ang sinumang prodyuser ay
walang kapangyarihan na palitan o baguhin ang presyo sa pamilihan. Paano nakakatulong ang
ganap na kompetisyon sa pamilihan?
A. Sumisigla ang kompetisyon sa pamilihan dahil marami ang konsyumer at prodyuser
B. Napapababa ng prodyuser ang kalidad ng kanilang produkto
C. Nakakakuha ng malaking tubo ang mga prodyuser
D. Hindi nakakahikayat sa ga prodyuser na magpasol ng produkto
Para sa bilang 28-29 suriin ang sumusunod na larawan.

27. Batay sa iyong pagsusuri, sa anong istruktura ng pamilihan nabibilang ang mga larawang nasa
itaas?
A. Monopolyo C. Oligopolyo
B. ganap na kompetisyon D. Monopolistikong kompetisyon
28. Ayon sa ipinakita sa larawan sa anong paraan nagkaroon ng kalayaan ang mga mamimili sa
pamilihan?
A. kung maraming prodyuser na gumagawa ng maraming mapagpiliang produkto
B. kung iisa lang ang nagtitinda ng produkto
C. mangilanngilan lamang ang nagtitinda ng magkaparehang produkto
D. kapag natutugunan ang pangangailangan ng mamimili
29. Kung paghambingin ang dalawang estruktura ng pamilihan na monopolyo at monopsonyo, Alin
sa dalawang ito ang sa tingin mo ay may kakayahan na itakda ang presyo sa pamilihan?
A. monopolyo, sapagkat walang pamalit ang mga produkto
B. monopsonyo, sapagkat iisa lamang ang konsyumer
C. pareho lamang sapagkat ang mga katangian ng dalawang estrukturang ito ay kabilang
sa hindi ganap na kompetisyon.
D. wala ni isa man sa dalawang anyo ng pamilihan sapagkat ang pagbili naman ng
produkto at serbisyo ay nasa desisyon pa rin ng konsyumer
30. Sa ganap na kompetisyon ng istruktura ng pamilihan, may maraming mapagpipiliang produkto,
nalilito ka sa pagpili ano ang bibilihin mo, paano mo masabi na ikaw ay lumikha ng tamang
desisyon sa pagbili ng nagustuhang produkto?
A. binibili ang produktong sapat lamang sa pangangailangan
B. binibili ang produktong may murang presyo
C. binibili ang produktong may magandang hitsura
D. sinusuri kung nasa tama ba o wastong sukat at timbang ang produkto
31. Base sa umiiral na kalakaran na monopolyo ng tubig at kuryente, nababatid mo bang nagkaroon
ng kalayaan ang mamimili sa pagbili ng produkto?
A. oo dahil ang tubig at kuryente ay mga produktong walang kapalit
B. oo dahil ang tubig at kuryente ay mga produktong sadyang kailangan
C. hindi dahil napilitan lamang ang mamimili sa kadahilanang iisa lang ang nagtinda sa
naturang produkto at wala na siyang mapagpilian
D. hindi dahil mahal ang gastusin sa paglikha ng mga produktong ito

4
32. Kabahagi sa buhay ng tao ang pamilihan sa araw-araw na gawain, dito niya binili ang
kailanganing produkto mahal o mura man wala siyang mapagpilian dahil sa mga estrukturang
umiiral sa pamilihan, bilang mag-aaral paano mo maipapakita na ikaw ay may pagpapahalaga
sa paggamit ng mga produkto?
A. gawin ang tamang paraan sa paggamit ng produkto at isa-alang alang ang kaligtasan sa
kalusugan at kapaligiran
B. gawin ang proseso sa paggamit ng produkto ayon sa nakaugalian
C. gawin ang mabuting paggamit ng produkto at pagkatapos itapon kahit saan-saan
D. gagawa ng mga produktong patok sa pamilihan
33. Lahat tayo ay kinikilala bilang mga konsyumer na may mga pangangailangan subalit hindi
lahat ay may kakayahang maging prodyuser o gumawa ng mga produkto o serbisyo na tutugon
sa ating mga pangangailangan. Ano ang tawag sa lugar kung saan ang mga konsyumer at
prodyuser ay nagtatagpo at nagkakaroon ng palitan sa pamamagitan ng itinakdang presyo ng
mga produkto?
A. department store B. talipapa C. pamilihan D. tiangge
34. Ang tawag sa patakarang na ipinatutupad ng pamahalaan na nagbabawal sa pagtaas ng presyo
ng mga produkto sa pamilihan sa panahon ng emergency gaya na lamang ng kalamidad.
A. Price freeze C. Price Floor
B. Price Ceiling D.Price Stabilization
35. Ano ang tawag sa paglalagay ng mga simbolo o marka sa mga produkto at serbisyo na siyang
nagsisilbing pagkakakilanlan?
A. Trademark C. Intellectual property right
B. Patent D. Banned
36. Ito ay paraan ng pamahalaan na bigyan ng tulong ang mga negosyante upang maiwasan ang
pagkalugi o mabawasan ang kita.
A. Price Ceiling C. Price floor
B. Price Support D. Market Price
37. Isang institusyon na ang pangunahing tungkulin ay paglingkuran at pangalagaan ang
sambayanan.
A. Market C. Price Freeze
B. Shortage D. Pamahalaan
38. Ano ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan ayon sa Konstitusyon?
A. Paglingkuran at pangalagaan ang mga mayayaman
B. Makipag ugnayan sa mga kalapit bansa
C. Paglingkuran at alipinin ang kanyang mamamayan
D. Makipagtransaksiyon sa mga kilalang tao lamang
39. Kung ang presyo ng isang pangunahing produkto ay labis na mataas at hindi na makatarungan
para sa mga konsyumer dahil sa mapang-abusong gawi ng mga may-ari ng prodyuser,
gumagawa ng hakbang ang pamahalaan upang matugunan ito. Nakikialam ang pamahalaan sa
pagpepresyo sa pamilihan. Ano ang tawag sa patakaran ng pagtatakda ng pinakamataas na
presyo ng mga produkto o serbisyo?
A. Price ceiling C. market clearing price
B. Floor prices D. price support

5
40. Ano ang nais ipakita ng tsart sa ibaba para sa konsyumer at prodyuser sa pagtatakda ng price
control/price support ng pamahalaan?

Nais ng pamahalaan na:


A. kontrolin ang presyo ng mga bilihin sa pamailihan
B. maipakita ng pamhalaan ang kanilang pagtupad sa tungkulin
C. matamo ang layunin ng ekwilibriyo
D. tulungan ang konsyumer at maliit na prodyuser

II. Suriin ang sumusunod na pahayag at tukuyin kung anong estraktura ng pamilihan ang tinutukoy
ng bawat bilang. Piliin lamang ang titik ng pinakawastong sagot.

A. Monopolyo B. Monopolistic Competition C. Monopsonyo D.


Oligopolyo

51. Estruktura ng pamilihan na kung saan ang halimbawa nito ay gasoline, langis at
semento
52. Ito ay estraktura ng pamilihan na may iisa lamang na konsyumer ng maraming uri ng
produkto at serbisyo.
53. Ang mga prodyuser ay gumagawa ng isang uri ng produkto subalit magkakaiba ang
tatak.
54. Isang sistema sa pamilihan na kung saan iisa ang nagtitinda ng walang kauring
produkto.
55. Ang halimbawa ng produkto sa estrukturang ito ay toothpaste, pabango, sabong
panlaba.
56. Sa estrakturang ito maaring maganap ang sabwatan sa pamamagitan ng kartel ng mga
negosyante.
57. Ang estraktura ng pamilihan na kung saan upang mahadlangan ang pagpasok ng
kalaban sa industriya ay isinasagawa ang patent o copyright ng mga produkto.
58. Dito nagaganap ang tinatawag na product differentiation sa pamamagitan ng
packaging, advertisement, at flavor ng mga produkto
59. Ang estruktura ng pamilihan na kung saan ang pinakamabisang halimbawa ay ang
pamahalaan na siyang kumukuha ng mga serbisyo ng mga sundalo, pulis, bumbero, at
iba pa.
60. Ito ay kakikitaan ng sitwasyon na kung saan ang konsyumer ay bibilhin ang produkto
o serbisyo kahit na mataas ang presyo sapagkat walang pamalit na maaaring bilhan o
pagkunan nito.

6
Use this as your answer sheet.

You might also like