You are on page 1of 27

9

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan - Modyul 1
Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat/Tagaguhit/Tagalapat/Editor:
Analyn B. Cabuhat
Clemen B. Soliman
Mervin A. Espinola
Dexter R. Tadeo, Rowena R. Viharin

Tagasuri ng Nilalaman: Dexter R. Tadeo, Jeffrey M. Asis,


Cesar V. Valondo, Jennifer P. Dantes
Tagasuri ng Wika: Rowena R. Viharin, Analyn B. Cabuhat
Tagasuri ng Paglapat: Jeffrey M. Asis, Vincent D. Robles
Tagapamahala: Gregorio C. Quinto, Jr.
Rainelda M. Blanco
Agnes R. Bernardo
Virgilio L. Laggui
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia

Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________

Department of Education – Schools Division of Bulacan


Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
9

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan - Modyul 1
Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mag-aaral sa


kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan naman na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang Modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan.


Ito ay upang matulungan kang unawain ang araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan 9.
Pamantayan sa Pagkatuto

Naipaliliwanag ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot


na daloy ng ekonomiya

Ang modyul na ito ay tumatakay sa aralin na ang Mga Modelo ng


Pambansang Ekonomiya

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. nailalarawan ang paikot na daloy ng ekonomiya;
2. natataya ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot na
daloy ng ekonomiya; at
3. nasusuri ang ugnayan sa isa’t isa ng mga bahaging bumubuo sa paikot
na daloy ng ekonomiya.

Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa hiwalay na sagutang papel.

1. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?


A. Ang gobyerno bilang namamahala ng bansa ang siyang tanging may
gampanin sa pagkamit ng pambansang kaunlaran.
B. Ang pag-unlad ng pambansang ekonomiya ay nakadepende sa kabuuang
pagkonsumo ng tao.
C. Higit na mahalaga ang kita ng bansa mula sa mga export industries na
kaya hindi dapat dumepende dito.
D. Ipinapakita nito ang ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya at kanilang
bahagi sa pagkamit ng pambansang kaunlaran.

2. Sa paikot na daloy ng ekonomiya, saan nagmumula ang mga salik ng


produksiyon na kailangan sa paglikha ng mga produkto?
A. Bahay-kalakal
B. Pamahalaan
C. Panlabas na Sektor
D. Sambahayan

1
3. Sa ikatlong modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya ay lalabas ang ikatlong
uri ng pamilihan na nagiging daan upang mag-impok at mamuhunan ang mga
tao. Anong ang tawag sa uri ng pamilihang ito?
A. Commodity Market
B. Financial Market
C. Goods Market
D. Industrial Market

4. Ito ay ang kontribusyon ng mga mamamayan ng isang bansa na ginagamit ng


pamahalaan sa pagpapatupad ng mga proyekto at programang magagamit at
pakikinabangan ng mga tao
A. buwis
B. kabayaran
C. kapital
D. puhunan

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa kabayaran na maaaring makuha


ng sambahayan bilang pinanggagalingan ng mga salik ng produksiyon?
A. impok
B. interes
C. renta
D. sahod

6. Alin sa mga sumusunod ang may wastong pahayag ukol sa paikot na daloy ng
ekonomiya?
A. Ang pag-iimpok at pamumuhunan ay likas na bahagi ng paikot na daloy
ng ekonomiya na nilalahukan ng lahat ng mga mamamayan.
B. Ang pamahalaan ang tanging may kakayahang magpasigla sa daloy ng
pambansang ekonomiya.
C. Ang sambahayan ang pinanggagalingan ng mga salik ng produksiyon na
siyang pinoproseso naman ng bahay-kalakal.
D. Hindi kailangan ng isang bukas na ekonomiya upang makipagpalitan ng
kalakal sa ibang bansa.

7. Sa anong modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya papasok ang pamahalaan


bilang isa sa mahahalagang sektor ng pambansang ekonomiya?
A. Unang Modelo
B. Ikalawang Modelo
C. Ikatlong Modelo
D. Ikaapat na Modelo

8. Ito ang tawag sa kita ng pamahalaan mula sa buwis na sinisingil sa mga


mamamayan ng bansa.
A. public account
B. public assistance
C. public interest
D. public revenue

9. Ito ay tumutukoy sa pakikipagpalitan ng produkto at mga salik ng produksiyon


mula sa mga dayuhang bansa.
A. Kalakalang pambansa
B. Kalakalang panlahat
C. Kalakalang panlabas
D. Kalakalang panloob

2
10. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng pamilihang pinansiyal maliban sa _____.
A. bangko
B. kooperatiba
C. stock market
D. supermarket

11. Alin sa mga sumusunod ang hindi batayan sa paglago ng pambansang


ekonomiya?
A. paglago ng sektor ng pamumuhunan sa bansa
B. pagtaas ng antas ng walang trabaho sa bansa
C. pagtaas ng produksiyon ng bahay-kalakal
D. produktibidad ng mga gawain at mga proyekto ng pamahalaan

12. Ito ang tawag sa pamilihan ng mga tapos na produktong handa nang gamitin ng
sambahayan.
A. Commodity or Goods Market
B. Essential Market
C. Factor Market
D. Financial Market

13. Sa modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya na ito makikita ang kaisahan


ng sambahayan at bahay-kalakal. Dito ang taga-likha ng produkto ay siya ring
kumukunsumo ng tapos na produkto.
A. Unang modelo
B. Ikalawang modelo
C. Ikatlong modelo
D. Ikaapat na modelo

14. Ito ang sektor na nagpoproseso at lumilikha ng produktong handa nang


pakinabangan ng mga mamamayan ng bansa.
A. Bahay-kalakal
B. pamahalaan
C. panlabas na sektor
D. sambahayan

15. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang naidudulot ng masiglang


pag-iimpok at pamumuhunan sa isang bansa?
A. Ito ay nagbibigay ng karagdagang pinansiyal na kapital sa mga bahay-
kalakal na lilikha ng maraming negosyo sa bansa.
B. Ito ay nagiging daan upang makapag-impok ang mga tao para sa mga
hinaharap niyang pangangailangan.
C. Ito ay maaaring magamit ng pamahalaan kapalit ng buwis upang
makalikha ng mga proyekto sa bansa.
D. Ito ay maaaring magamit upang makabili ng mga produkto sa ibang
bansa na magagamit sa ating lokal na pamilihan.

3
Balikan

I-Venn Diagram na yan!

Panuto: Gamit ang Venn diagram, magbigay ng tig-dalawang halimbawa ng


pagkakaiba at pagkakatulad ng Price Ceiling at Price Floor na siyang
ginagamit ng pamahalaan upang makontrol ang presyo ng mga bilihin sa
pamilihan. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

Price Ceiling Price Floor

Pagkakaiba Pagkakaiba
Pagkakatulad

Tuklasin

Ang lahat ng tao sa mundo ay may mahalagang gampanin at tungkulin sa


lipunan. Tulad din sa pambansang ekonomiya, bawat sektor ay may kani-kanyang
ginagampanan upang makamit ang ganap na kaunlaran. Pag-aralan ang maikling
paglalahad sa ibaba at sagutin ang mga pamprosesong tanong sa hiwalay na
sagutang papel.

4
Sektor ng Ekonomiya, Sino ang Mahalaga?
Ni: Mervin A. Espinola

Sa usapin ng pag-unlad, marami ang gustong maglahad,


Iba’t ibang pahayag dapat dinggin at pakinggan,
Sino nga ba ang pinakamalaga? Anong sektor ang aangat?
Ating dinggin kanilang kuro-kuro at pahayag.

Sambahayan: Walang produksiyon kung walang pagkonsumo,


Salik ng produksiyon, sa amin nakukuha mo.
Hindi ba’t doon pa lamang nakikita na halaga ko,
O baka naman kayo’y may iba pang nais ipagtanto.

Bahay-Kalakal: Iyan ay totoo kung lahat ng produkto’y nagagawa mo,


Ngunit hindi ba’t may kalakal na sa amin pinoproseso?
Sa usapin ng pag-unlad, ako’y huwag isantabi,
Dahil halaga ko’y siguradong may makapagsasabi.

Pamahalaan: Mga programang mahalaga sa pambansang ekonomiya,


hindi magagawa kung walang mga polisiya.
Sa aking pakikibahagi, sa pamumuhunan tayo’y wagi.
Pag-angat ng ekonomiya, siguradong makikitang muli.

Panlabas na Sektor: Ekonomiyang bukas, mabilis ang magiging pag-angat.


Ibang pagkukunang-yaman, sa amin tiyak na mahahanap,
Dayuhang pamumuhunan, magbibigay ng dagdag yaman.
Tiyak ang bansa’y makakamit ang ganap na kaunlaran.

Pamprosesong Tanong:

1. Anong kaisipan ang binibigyang-pansin sa binasang paglalahad?

2. Batay sa usapan, ano ang pangunahing gampanin ng mga nabanggit na sektor


sa pambansang ekonomiya?

Suriin

Mga Modelo ng Pambansang Ekonomiya

Malaki ang epekto ng isang ekonomiya sa buhay ng bawat mamamayan.


Dahil sa pantay na distribusyon ng kita, nakabubuo ito ng mga pamamaraan upang

5
mapabuti ang kondisyon sa buhay ng bawat isa. Ito ay nakapaloob sa pag-aaral sa
Pambansang Ekonomiya kung saan ang mga mamamayan ay nakikilahok sa
pagpapalaganap ng kita sa bawat isa. May apat na pangunahing tauhan ang
pambansang ekonomiya: sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan, at panlabas na
sektor. May tatlong uri din ito ng pamilihan; pamilihan ng salik ng produksyon,
pamilihan ng mga kalakal at paglilingkod at pamilihang pinansyal.

Pangunahing Tagaganap sa Pambansang Ekonomiya


1. Sambahayan– Ang tinuturing na may-ari ng mga salik ng produksiyon kagaya
ng lupa, paggawa, kapital at entrepreneur. Ang tungkulin ng sambahayan ay
magkonsumo ng mga produkto at serbisyo at ang pagkamit ng kita mula sa
pakikilahok sa proseso ng produksiyon.
2. Bahay-kalakal- Ang tagalikha ng mga produkto o kalakal, mahalaga na
bumuo sila ng plano para sa produksiyon upang maitakda ang uri at dami ng
produkto na lilikhain at ipagbibili.
3. Pamahalaan- Ang nagpapatupad ng mga polisiya o patakaran na
nagpapanatili sa balanseng ugnayan ng mga bahay-kalakal at mga
sambahayan. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagbubuwis. Ang buwis
na binabayad ng mga tao ay ibinabalik din sa mga tao sa pamamagitan ng
pagpapaunlad sa pamayanan.
4. Panlabas na Sektor- tumutukoy ito sa pamimili o pagbebenta ng mga
produkto sa ibang bansa, ito rin ang sektor ng ekonomiya na
nakikipagtransakyon sa ibang bansa.

Tatlong Uri ng Pamilihan


1. Pamilihan ng Salik ng Produksyon o factor market- ito ay pamilihang
pinatatakbo ng mga suplayer na kabilang sa manufacturer ng mga produkto.
Ito rin ang pamilihan para sa kapital na produkto, lupa at paggawa.
2. Pamilihan ng mga Tapos na Produkto o commodity- ito ay mas kilala sa tawag
na goods market o commodity markets.
3. Pamilihang Pinansyal- tumutukoy ito sa pag-iimpok at pamumuhunan.

Mga Modelo ng Pambansang Ekonomiya

Unang Modelo

Ito ay tinatawag na simpleng ekonomiya. Iisa ang sambahayan at bahay-


kalakal. Ang lumikha ng produkto ay siya ring kokonsumo nito. Ang suplay ng bahay
kalakal ay nagiging demand nito kapag ito ay napunta na sa sambahayan.
Halimbawa, ikaw ay napunta sa isang isla at walang kasama, ang mga nakuha mo

na pagkain mula sa puno ay ikaw ang maaaring komonsumo. Dahil wala kang
kasama, ikaw na ang tumayong bahay-kalakal at sambahayan.

6
Sambahayan

Ikalawang Modelo

Ang pangunahing aktor sa ikalawang modelo ay ang sambahayan at bahay-


kalakal. Ito ay nakatuon sa sistema ng pamilihan. Binubuo ito ng iba’t ibang aktor
na nagpapakita ng pagkakaiba ng sambahayan at bahay-kalakal. Dito pumapasok
ang dalawang uri ng pamilihan; ito ang Pamilihan ng Salik ng Produksyon (Factor
Market) at ang Pamilihan ng mga Tapos na Produkto o commodity (Good Market at
Commodity Market).
Walang kakayahan ang sambahayan na gumawa o lumikha ng produkto dahil
ang bahay kalakal lamang ang may kakayahan nito ngunit bago makagawa o
makalikha ng produkto ang bahay kalakal kailangan muna niyang bumili o umupa
ng mga salik ng produksiyon. At dahil ang suplay ng mga salik ng produksyon ay
nagmumula sa sambahayan kailangan muna makipag-ugnayan ng bahay-kalakal
sa sambahayan sa pamamagitan ng pamilihan ng mga salik ng produksyon.

Mga Pinagmumulan ng Kita ng Sambahayan;


1. Interes– nagmula sa paggamit ng kapital
2. Kita ng Entreprenyur– kita na nagmumula sa pagpapatakbo ng negosyo
3. Renta o Upa– bayad sa paggamit ng lupa
4. Pasahod sa Paggawa– pasahod na binibigay sa manggagawa

Magkaiba ang ganap ng sambahayan at bahay-kalakal; ang sambahayan ang


nangangailangan ng produkto samantala wala itong kakayahan na lumikha kaya
ang bahay-kalakal ang gumagawa nito para sa mga demand.

Dalawang Pagsukat sa Kita ng Pambansang Ekonomiya


1. Halaga ng gastusin ng sambahayan at bahay-kalakal
2. Kabuuang kita ng sambahayan at bahay-kalakal

Ayon sa ikalawang modelo, ang paglago ng ekonomiya ay nakabatay sa


pagtaas ng produksyon. Upang maitaas ang produksyon, dapat marami ang
magamit na salik ng produksyon, lumago ang kapital, tumaas ang oportunidad sa
trabaho, malinang ang lupa, at maging masipag at maalam ang negosyante sa
pagpapatakbo ng isang negosyo.

7
kita Pamilihan ng Paggasta
Kalakal at
Paglilingkod
Pagbebenta (Goods/Commodity Pagbili ng
ng kalakal Market) kalakal at
at paglilingkod
paglilingkod

Bahay-Kalakal
Lupa, Sambahayan
Input para sa Paggawa,
produksiyon Pamilihan ng
kapital
Salik ng
Produksiyon
Suweldo, upa, (Factor Market) kita
tubo o interes

Ikatlong Modelo

Sa modelong ito, isinaalang-alang ng sambahayan at bahay-kalakal ang


kanilang mga desisyon para sa hinaharap. Hindi lamang nakatuon ang bahay-
kalakal sa pangkasalukuyang produksyon kundi sa pamimili at paglikha ng mga
produkto, pag-iimpok o pag-iipon at pamumuhunan na isang mahalagang gawaing
pang-ekonomiya. Ito ay nagaganap sa pamilihang pinansiyal.

Ang ikatlong modelo ay may tatlong pamilihan


1. Pamilihan para sa Salik ng Produksyon
2. Pamilihan para sa Tapos na Produkto o commodity
3. Pamilihang Pinansyal

Ang bahagi ng kita na hindi ginagastos ay tinatawag na impok o savings.


Maraming mamimili ang nag-iimpok para sa hinaharap. Ito ay inilalagak nila sa mga
pamilihang pinansyal kagaya ng bangko, kooperatiba, insurance company,
pawnshop at stock market.
Maraming mga bahay-kalakal ang nagnanais na palawakin ang kanilang mga
negosyo ngunit hindi sapat ang kanilang puhunan kung kaya marami sa kanila ang
nanghihiram ng karagdagang pinansyal na kapital na gagamitin na puhunan sa
pagpapalawak sa plano ng produksyon. Humihiram ang bahay-kalakal sa
sambahayan sa pamamagitan ng pamilihang pinansyal. Ang hiniram ng bahay-
kalakal ay may kapalit na kabayaran, ito ay ang interes sa hiniram na puhunan.
Para sa sambahayan, ang interes ay kita ngunit para sa bahay-kalakal ito ay isang
gastusin. Dahil sa pagpaplano para sa hinaharap kaya nagaganap ang pag-iimpok
at pamumuhunan, ito ay makikita sa broken lines na ginamit sa dayagram.

8
Kita ng Pambansang Ekonomiya
1. Kabuuang gastusin ng sambahayan at bahay-kalakal
2. Kabuuang kita ng sambahayan at bahay kalakal

Nakabatay sa pagtaas ng produksyon ang paglago ng pambansang kita ngunit


mahalaga din ang pagsulpot ng mga gawain ng pag-iimpok at pamumuhunan dahil
nakabatay sa paglaki ng pamumuhunan ang paglago ng ekonomiya. Sa ganitong
modelo ng ekonomiya, mahalagang balanse ang pag-iimpok at pamumuhunan

Pamilihan ng
kita Kalakal at Paggasta
Paglilingkod
(Goods/Commodity
Pagbebenta Market) Pagbili ng
ng kalakal at kalakal at
paglilingkod paglilingkod

Bahay-Kalakal Lupa,
Sambahayan
Input para sa Paggawa,
Pamilihan ng
produksiyon kapital
Salik ng
Produksiyon
Suweldo, upa, (Factor Market) kita
tubo o interes

Pamilihang
Pamumuhunan Pinansiyal Pag-iimpok
(investment) (Financial Market) (savings)

Ikaapat na Modelo

Ito ay ang modelo kung saan may partisipasyon ang pamahalaan sa merkado.
Maaaring malawak o kaunti ang partisipasyon ng pamahalaan sa pamilihan. Ang
pamahalaan ang tinuturing na ikatlong sektor sa modelong ito kasama ng bahay-
kalakal at sambahayan. Kabilang sa modelong ito ay ang pagpapataw ng buwis ng
pamahalaan kung saan ginagamit ang buwis na ito upang makagawa ang
pamahalaan ng pampublikong serbisyo o public services para sa mga mamamayan
at bansa.
Ang pamahalaan ay sumisingil ng buwis upang kumita, at ang kita mula dito
ay tinatawag na public revenue. Ang Public Revenue ay ginagamit ng pamahalaan
upang makalikha o makagawa ng mga pampublikong paglilingkod o serbisyo.
Ang kita ng pambansang ekonomiya ay naitatakda ng kabuuang gastusin ng
sambahayan, bahay kalakal at pamahalaan gayundin ang kabuuang kita nito.

9
Tatlong Batayan ng Paglago ng Pambansang Ekonomiya
1. Pagtaas ng produksyon
2. Produktibidad ng pamumuhunan
3. Produktibidad ng mga gawain ng pamahalaan

Kailangang maging produktibo ang pampublikong paglilingkod, upang hindi


umasa ang mga tao sa tulong na ibibigay ng pamahalaan. Ang pamahalaan ay hindi
dapat nakikipagkompetensiya sa pamumuhunan sa mga pribadong bahay-kalakal
upang hindi mabawasan ang namumuhunan sa ating bansa dahil ito ay magdudulot
ng kawalan ng trabaho at kita sa bansa.

Pamilihan ng
kita Kalakal at Paggasta
Paglilingkod
(Goods/Commodity
Pagbebenta Market) Pagbili ng
ng kalakal at kalakal at
paglilingkod paglilingkod

Pagbili ng kalakal Buwis


at paglilingkod
Pamahalaan
Suweldo,
Buwis tubo, transfer

Bahay-Kalakal Lupa,
Input para sa Paggawa, Sambahayan
Pamilihan ng
produksiyon kapital
Salik ng
Produksiyon
Suweldo, upa, (Factor Market) kita
tubo o interes
Pamilihang
Pinansiyal
Pamumuhunan (Financial Market) Pag-iimpok
(investment) (savings)

Ikalimang Modelo

Ang huli at ikalimang modelo ay naglalarawan ng isang bukas na ekonomiya


o bansa na kung saan ang bansa ay nakikipag-ugnayan sa ibang bansa upang
matugunan ang mga pangangailangan ng ating bansa. Hindi kagaya ng mga nauna
na modelo na sarado, ang saradong ekonomiya ay hindi nakikipag-ugnayan sa mga
dayuhang ekonomiya, ito ay nakatuon lamang sa panloob na ekonomiya o domestik.
Ang kalakalang panlabas ay ang pakikipagpalitan ng produkto at serbisyo sa
ibang bansa o pang buong mundo. Ang dayuhang ekonomiya ay may sambahayan
at bahay kalakal rin na parehong may mga pinagkukunang-yaman. Kung kaya’t sila
ay nakikipagkalakalan upang matugunan rin ang kanilang mga pangangailangan sa
salik ng produksyon. Maaring magkapareho at magkaiba ang kanilang produkto
ngunit nakikipagpalitan ng produkto ang bawat isang ekonomiya.

10
Ang nagluluwas o export ng mga produkto sa panlabas na sektor ay ang bahay
kalakal at ang nag-aangkat naman o import ay ang sambahayan.

Kita sa Pagluluwas Gastos sa pag-aangkat


(export) (import)
Panlabas na
Sektor

Pamilihan ng
kita Kalakal at Paggasta
Paglilingkod
(Goods/Commodity
Pagbebenta Market) Pagbili ng
ng kalakal at kalakal at
paglilingkod paglilingkod
Pagbili ng kalakal Buwis
at paglilingkod
Pamahalaan
Suweldo,
tubo, transfer
Buwis
Bahay-Kalakal
Lupa, Sambahayan
Input para sa Pamilihan ng
Salik ng Paggawa,
produksiyon
Produksiyon kapital
(Factor Market)
Suweldo, upa, kita
tubo o interes
Pamilihang
Pinansiyal
Pamumuhunan (Financial Market)
Pag-iimpok
(investment)
(savings)

Pagyamanin

Pang-isahang Gawain 1: Hula-letra

Panuto: Punan ng letra ang bawat kahon upang masagot ang bawat katanungan.
Isulat ang sagot sa hiwalay na sagutang papel.

1. Ang nagpoproseso ng mga salik ng produksiyon upang makalikha ng panibagong


produkto.

A Y - L L

11
2. Ang sektor na pinanggagalingan ng mga salik ng produksiyon.

M H Y N

3. Ano ang tawag sa kontribusyon na binabayad ng mga mamamayan sa


pamahalaan.

U I

4. Ang pamilihan kung saan nagaganap ang pag-iimpok at pamumuhunan.

F N C L A R E

5. Sektor ng Ekonomiya kung saan nagaganap ang import (pagluluwas) at export


(pag-aanggat) ng mga produkto.

A L A A S T

6. Ang sektor na namamala ng bansa; lumilikha ng mga programa at proyekto para


sa mga mamamayan.

P A L N

7. Halimbawa ng financial market.


B K O

8. Ang pamilihan ng mga salik ng produksiyon.

A T R R K

9. Ito ay ang kabayarang tinatanggap ng isang manggagawa.

S O

10. Tumutukoy sa pagluluwas ng produkto papunta sa ibang bansa.

X O T

12
Pang-isahang Pagtataya 1: Tukuyin mo!

Panuto: Tukuyin kung anong sektor ng ekonomiya ang gumaganap sa mga inilahad
na sitwasyon. Isulat ang S para sa Sambahayan, BK para sa Bahay-
kalakal, P para sa Pamahalaan at PNS para naman sa Panlabas na Sektor.
Isulat ang sagot sa hiwalay na sagutang papel.

_____1. Ang Pilipinas ay inaasahang aangkat ng bakuna laban sa Covid-19 sa oras


na ito ay handa nang ipagbili sa merkado.
_____2. Patuloy ang paglikha ng malalaking proyektong pang-imprastraktura sa
ating bansa sa ilalim ng Build, Build, Build Program ni Pangulong Duterte na
inaasahang aakit ng pamumuhunan sa ating bansa.
_____3. Nakilala ang bayan ng Pandi sa Bulacan sa dami ng mahuhusay na mga
mananahi kaya ito ang pangunahing kabuhayan sa nasabing bayan.
_____4. Ang Pilipinas ay kilala bilang pangunahing pinanggagalingan ng mga
produktong Agrikultural tulad ng saging at mangga na naibebenta sa
pandaigdigang pamilihan.
_____5. Isa sa mga kabuhayan na pinagkukunan ng kita ng mga kababaihan sa
Barangay Maligaya ay ang paggawa ng mga processed foods na kanilang
ibinebenta sa kanilang kooperatiba.
_____6. Isa sa malaking proyekto sa probinsya ng Bulacan ay ang itatayong Bulacan
Airport ng San Miguel Corporation na naglalayong mapasigla ang turismo at
pamumuhunan sa bansa.
_____7. Pinaupahan ni Aling Sioning ang maliit na espasyo sa harap ng kanilang
tahanan upang pagtayuan ng bakery sa kanilang lugar.
_____8. Bukod sa ating mga produkto, nagiging daan din ang magandang ugnayan
ng Pilipinas sa ibang bansa upang magkaroon ng oportunidad ang ating mga
kakabayan na makahanap ng trabaho sa ibang bansa.
_____9. Isang malaking pagawaan ng mga electronic supplies ang itinatayo sa
Barangay Maunlad.
_____10. Mainam na nakikitang ang buwis na ibinabayad ng mga mamamayan ay
napupunta sa magagandang proyekto tulad ng pagsasaayos ng mga kalsada.

Pang-isahang Gawain 2: Modified True or False

Panuto: Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng wastong


kaisipan at kung Mali naman, isulat ang tamang sagot na magwawasto sa
salitang nakasalungguhit. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

__________1. Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay nagpapakita ng ugnayan at ang


mahalagang ginagampanan ng bawat sektor sa pagkamit ng
kaunlaran.
__________2. Ang ikalimang modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya ang
pinakapayak na modelo kung saan ang sambahayan lamang ang
tanging aktor na gumaganap.
__________3. Sa ikalawang modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya makikita ang
paglabas ng dalawang uri ng pamilihan, ang factor market at
goods/commodity market.
__________4. Ang pamilihang pampinansiyal ay hindi maituturing na orihinal na
bahagi ng paikot na daloy ng ekonomiya.
__________5. Ang buwis o public revenue na binabayaran ng sambahayan at bahay-
kalakal ay ginagamit naman ng pamahalaan sa paglikha ng mga
proyekto at programang pakikinabangan ng bansa.

13
__________6. Sa ikatlong modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya nagaganap ang
ugnayan ng bansa sa pakikipagpalitan ng produkto at sebisyo sa ibang
bansa sa pamamagitan ng panlabas ng sektor.
__________7. Ang mga salik ng produksiyon tulad ng paggawa at lupa ay nagmumula
sa mga sambahayan.
__________8. Ang mga bahay-kalakal naman ang may gampanin sa gawaing may
kinalaman sa pamumuhunan at pag-iimpok.
__________9. Ang kahalagahan ng pamahalaan sa pambansang ekonomiya ay
makikita sa ikaapat na modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya.
__________10. Interes ang tawag sa kabayarang tinatanggap kapalit sa serbisyo ng
mga manggagawa.

Pang-isahang Pagtataya 2: Mga Pamilihan, Bigyang-Kahulugan

Panuto: Ang mga sumusunod ay ang iba’t ibang pamilihan na may malaking bahagi
sa paikot na daloy ng ekonomiya. Tukuyin ang kani-kanilang gampanin at isulat
ang sagot sa hiwalay na sagutang papel.

Factor Market

Mga Uri ng
Pamilihan sa Paikot Goods/Commodity
na Daloy ng Market
Ekonomiya

Financial Market

Pang-isahang Gawain 3: Mga Sektor at Pamilihan, Ano ang Ginagampanan?

Panuto: Tukuyin ang mga pangunahing ginagampanan ng mga sumusunod na


sektor sa paikot na daloy ng ekonomiya. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay
na sagutang papel.

14
Mga Sektor ng Ekonomiya

Sambahayan Bahay-kalakal Pamahalaan Panlabas na Sektor

Pang-isahang Pagtataya 3: Kumpletuhin, Sagutin!

A. Panuto: Kumpletuhin ang grapikong paglalarawan ng paikot na daloy ng e


konomiya sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga nawawalang sektor at
pamilihan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa hiwalay na sagutang
papel.

Kita sa Pagluluwas Gastos sa pag-aangkat


(export) 4. _____________ (import)

Pamilihan ng Kalakal
at Paglilingkod
(Goods/Commodity
Market)
Buwis

1. _______________
Buwis
3. _____________
2. _____________
Pamilihan ng Salik
ng Produksiyon
(Factor Market)

5. _____________
Pamumuhunan Pag-iimpok
(investment) (savings)

15
B. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan na nakabatay sa grapikong
paglalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya sa itaas.

1. Batay sa dayagram, paano mo maiuugnay ang sambahayan at bahay-kalakal?


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.

2. Ano ang ipinahihiwatig ng broken lines sa pag-uugnay ng financial market sa


paikot na daloy ng ekonomiya?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, ano ang pinakamahalagang ginagampanan ng pamahalaan sa


kalagayan ng pambansang ekonomiya?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.

4. Paano nakatutulong ang bukas na ekonomiya sa panlabas na sektor sa pag-unlad


ng kalakalan sa bansa?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.

Isaisip

Exit Card

Panuto: Ilahad ang iyong natutuhan sa aralin sa pamamagitan ng pagtatala sa


kahon sa ibabaw ng mahahalagang kosepto, bagong kaalaman at
napagnilayan.

Mga bagong konsepto Mga bagong kaalamang Mga napagnilayan ko


na aking natutuhan. natutuhan. sa bagong aralin.

Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa:


Sambahayan Pinagmumulan ng salik Mahalagang tauhan
ng produksyon. ang sambahayan sa
paikot na daloy ng
ekonomiya.

16
Isagawa

Kabahagi Ako!

Panuto: Sa bahaging ito ng modyul, ikaw ay magtatala ng mga sitwasyon kung


paano ka magiging bahagi ng iba’t ibang sektor ng ekonomiya at kung
paano ka rin makakatulong sa pag-unlad nito. Isulat ang iyong sagot sa
hiwalay na sagutang papel.

Paano ako
Mga Sektor ng Paano ako magiging bahagi
makakatulong sa pag-
Ekonomiya nito?
unlad nito?

1. Sambahayan

2. Bahay-kalakal

3. Pamahalaan

4. Panlabas na Sektor

Tayahin

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Sa anong modelo makikita ang pagganap ng pamahalaan bilang isa sa mga


sektor ng pambansang ekonomiya?
A. Ikalawang modelo
B. Ikatlong modelo
C. Ikaapat modelo
D. Ikalimang modelo

2. Dito nagaganap ang mga gawaing pang-ekonomiya kagaya ng pag-iimpok at


pamumuhunan.
A. Commodity Market
B. Factor Market
C. Financial Market
D. Goods Market

3. Sa paikot na daloy ng ekonomiya, ito ang pinanggagalingan ng mga salik ng


produksiyon tulad ng lupa, paggawa, kapital, at entreprenyur.
A. Bahay-Kalakal
B. Pamahalaan
C. Pamilihan
D. Sambahayan

17
4. Ito ang pinakapayak na modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya kung saan
ang sambahayan at bahay-kalakal ay maituturing na iisa.
A. Unang modelo
B. Ikalawang modelo
C. Ikatlong modelo
D. Ikalimang modelo

5. Ano ang tawag sa pamilihan ng mga tapos at yari ng produkto na handa nang
gamitin ng sambahayan?
A. Commodity Market
B. Factor Market
C. Financial Market
D. Goods Market

6. Dito nagaganap ang pagluluwas at pag-aangkat higit lalo ng mga salik ng


produksiyon na hindi makukuha sa loob ng bansa.
A. Bahay-Kalakal
B. Pamahalaan
C. Panlabas na Sektor
D. Sambahayan

7. Sa anong modelo sa paikot na daloy ng ekonomiya makikita ang


mahalagang gampanin ng mga pamilihang pinansiyal sa pagpapasigla ng
pamumuhunan at pag-iimpok sa isang bansa?
A. Ikalawa
B. Ikatlo
C. Ikaapat
D. Ikalima

8. Anong sektor ang may tanging kakayahan na magproseso ng mga


nalilikhang produkto sa bansa na makikita sa ikalawang modelo ng paikot na
daloy ng ekonomiya?
A. Bahay-Kalakal
B. Pamahalaan
C. Panlabas na Sektor
D. Sambahayan

9. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa tatlong pamilihan na sa


Ikatlong Modelo?
A. Pamilihan para sa pinansyal na kapital
B. Pamilihan para sa salik ng pagkonsumo
C. Pamilihan para sa salik ng produksyon
D. Pamilihan para sa tapos na produkto

10. Ano ang mahalagang gampanin ng pamahalaan sa paikot na daloy ng


ekonomiya?
A. Ito ang itinuturing na may-ari ng mga salik ng produksiyon kagaya ng
lupa, paggawa, kapital at entrepreneur.
B. Ito ang nakikipagpalitan ng produkto at salik ng pambansang ekonomiya
sa mga dayuhang bansa.
C. Ito ang nagpapatupad ng mga polisiya o patakaran na nagpapanatili sa
balanseng ugnayan ng mga bahay-kalakal at mga sambahayan.
D. Ito ang tagalikha ng mga produkto o kalakal.

18
11. Ito ang nangangasiwa sa pag-iimpok at pamumuhunan sa paikot na daloy ng
ekonomiya.
A. Bahay-kalakal
B. Factor market
C. Pamilihang Pinansyal
D. Sambahayan

12. Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng sambahayan sa paikot na


daloy ng ekonomiya?
A. Ang pagkilos ng sektor na ito ay sadyang kailangan sa ekonomiya.
B. Dito nagmumula ang mga salik ng produksyon o factor market.
C. Ito ang pinagmumulan ng commodity market.
D. Mahalaga ang tao para umikot ang ekonomiya.

13. Ang pagpopondo sa pamahalaan ay nagmumula sa _________.


A. Buwis ng mamamayan
B. Donasyon ng ibang bansa
C. Padala ng mga OFW
D. Pautang ng pondo tulad ng World Bank

14. Bilang miyembro ng sambahayan, paano mo maipapakita ang iyong


pagmamahal sa bayan?
A. Magbayad ng tamang buwis pagdating ng panahon.
B. Maghanap na ng trabaho para may kita at makatulong sa pamilya.
C. Maging isang OFW
D. Magtatapos sa pag-aaral upang maging isang responsableng mamamayan.

15. Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay nagpapakita ng ____________.


A. Kahalagahan ng pag-iimpok
B. Gampanin ng sambahayan
C. Mahalaga ang pagpapadala ng OFW sa ibang bansa
D. Tungkulin ng bawat sektor ng ekonomiya

Karagdagang Gawain

Panuto: Gumuhit ng sariling bersyon ng paikot na daloy ng ekonomiya gamit ang


mga representasyon ng mga sektor ng ekonomiya na iyong nakikita sa
sarili mong komunidad. Lagyan ng tamang pag-uugnay at label ang bawat
bahagi na iyong iguguhit. Gawin ito sa hiwalay na sagutang papel.

19
Rubrik sa pagguhit ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya

Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula


Kraytirya
5 puntos 3 puntos 2 puntos 1 punto
Kaangkupan Bawat bahagi May ilang Maraming Walang
ng Nilalaman ay angkop na bahagi na bahagi ng bahagi ng
nailagay sa hindi tugma larawan ang larawan na
larawang sa dapat hindi tugma sa
naiguhit. paglagyan sa naitugma sa inaasahang
natapos na dapat awtput.
guhit. kalagyan sa
guhit.
Kabuuang Kumpletong May ilang Maraming Kulang at
Nilalaman nailagay lahat bahagi ng bahagi ng halos
ng mga hindi inaasahang walang
kinakailangang naisama sa bahagi ng nailagay na
bahagi na pagguhit ng larawan ang larawang
dapat makita larawan. hindi hinahanap
sa larawan. nailagay. sa natapos
na guhit.

20
21
Subukin: Balikan: Tuklasin: Pagyamanin:
1. D Ang sagot Ang sagot Pang-isahang Gawain
2. D ay nakadepende sa ay nakadepende sa 1: Hula-letra
3. B 1. bahay-kalakal
pagkakaunawa ng pagkakaunawa ng
4. A 2. sambahayan
5. A mga mag-aaral. mga mag-aaral. 3. buwis
6. C 4. financial market
7. D 5. panlabas na sektor
8. D 6. pamahalaan
9. C 7. bangko
10. D 8. factor market
11. B 9. sahod
12. A 10. export
13. A
14. A
15. A
Pagyamanin: Pagyamanin:
Pagyamanin: Pagyamanin:
Pang-isahang Pang-isahang Gawain 2:
Pagtataya 1: Modified True or False Pang-isahang Pang-isahang
Tukuyin mo! Pagtataya 2: Mga Gawain 3: Mga
1. PNS 1. TAMA Pamilihan, Bigyang Pamilihan, Bigyang
2. P 2. Unang Modelo Kahulugan Kahulugan
3. S 3. TAMA Ang sagot ay Ang sagot ay
4. PNS 4. TAMA nakadepende nakadepende sa
sa
5. BK 5. TAMA
pagkakaunawa ng pagkakaunawa ng
6. P 6. Ikalimang Modelo
mga mag-aaral. mga mag-aaral.
7. S 7. TAMA
8. PNS 8.Pamilihang Pinansiyal
9. BK 9. TAMA
10. P 10. Sahod/Sweldo
Pagyamanin: Isaisip: Isagawa: Tayahin:
Pang-isahang Pagtataya Ang sagot Ang sagot
3: Kumpletuhin, Sagutin! ay nakadepende sa ay nakadepende sa 1. C
A.
pagkakaunawa ng pagkakaunawa ng 2. C
1. pamahalaan
mga mag-aaral. mga mag-aaral. 3. D
2. sambahayan
4. A
3. bahay-kalakal
5. A
4. panlabas na sektor
6. C
5. financial market
7. B
B.
8. A
Ang sagot ay
9. B
nakadependesa
10. C
pagkakaunawa ng mag-
Karagdagang 11. C
aaral
Gawain: 12. B
Ang sagot 13. A
ay nakadepende sa 14. A
15. D
pagkakaunawa ng
mga mag-aaral.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Department of Education, Culture, and Sports (DECS). Project EASE Module. Pasig
City: (n.d.). DECS.

Department of Education (DepEd), Ekonomiks: Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-


Aaral. Pasig City.

Curriculum Implementation and Learning Management Matrix Kto12 (SHS Core Subjects),
Araling Panlipunan

22
Para sa mga katanungan o puna, sumulat sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

23

You might also like