You are on page 1of 17

9

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan-Modyul
2: Iba’t-ibang Gampanin ng
Mamamayang Pilipino
upang Makatulong sa
Pambansang Kaunlaran
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Iba’t-ibang Gampanin ng Mamamayang Pilipino
upang Makatulong sa Pambansang kaunlaran
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Lorraine C. Guinacaran Rosanna


Palispis- Querijero Albertine R. De
Editor: Juan Jr.
Rosanna Palispis- Querijero
Tagasuri: Rebecca K. Sotto PhD Kristian
Marquez
Erfe Donna A. Aspiras Angelica M.
Burayag PhD Kevin Kardel B.
Tagaguhit:
Palmero Char Lou V. Ade Corazon
Tagalapat: G. Penaflor Nicolas T. Capulong
Tagapamahala: PhD Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD Robert
E. Osongco EdD Lily Beth M.
Mallari
Rosanna Palispis-Querijero

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89
E- mail Address: region3@deped.gov.ph

1
Alamin

Ginawa ang modyul na ito upang higit mong malinang ang antas ng iyong
kaalaman sa iba’t-ibang gampanin ng mamamayang Pilipino upang makatulong sa
pambansang kaunlaran.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

 Natutukoy ang iba’t-ibang gampanin ng mamamayang Pilipino upang


makatulong sa pambansang kaunlaran

Ang modyul na ito ay naglalaman ng leksyon na:


 Sama-samang Pagkilos para sa Pambansang Kaunlaran

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. nakatutukoy ng iba’t ibang estratehiya na maaaring gawin ng bawat


mamamayan upang makatulong sa pag-unlad ng bansa;

2. nakapagbibigay-halaga sa sama-samang pagkilos ng mamamayan para sa


pagkamit ng pambansang kaunlaran; at

3. nakasusulat ng isang sanaysay tungkol sa sama-samang pagkilos ng


mamamayan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Mga Tala para sa Guro

Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang maiugnay ang


natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang konsepto ng araling ito sa
pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan na makikita sa mga gawain sa
modyul na ito.

2
Aralin Iba’t-ibang Gampanin ng
Mamamayang Pilipino
1 upang Makatulong sa
Pambansang Kaunlaran

Balikan

Sa nakaraang aralin, natutunan mo ang mahalagang konsepto at


palatandaan ng pag-unlad, mga panukat ng pambansang kaunlaran at mga salik
na makatutulong sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa. Muli mong balikan
ang ilan sa mga palatandaan ng pambansang kaunlaran.

Panuto: Suriin mo ang mga sumusunod na pahayag sa ibaba. Lagyan ng tsek (/)
ang bawat bilang kung ito ay kabilang sa palatandaan ng pag-unlad at ekis (X)
naman kung ito ay hindi kabilang. Isulat sa hiwalay na papel ang mga kasagutan

1. pagtaas ng income per capita


2. pagbaba ng antas ng kamangmangan
3. paglaganap ng kahirapan
4. malawakang paggamit ng makabagong teknolohiya at makinarya
5. paglilimita sa kakayahan ng mga mamamayan
6. pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay sa mga serbisyong panlipunan
7. paglikha ng mabuting produkto at serbisyo
8. kawalan ng trabaho ng maraming mamamayan
9. pagkakaroon ng demokrasya
10. pagtaas ng export ng bansa
11. pagkakaroon ng maayos na transportasyon
12. pagkakaroon ng gusali sa mga kanayunan
13. seguridad sa kalusugan
14. pagkakaroon ng hanapbuhay ng mamamayan

3
15. paglaganap ng kriminalidad
16. paglaganap ng korapsyon sa pamahalaan
17. kakulangan sa industriyalisasyon
18. mababang antas ng Gross Domestic Product
19. mataas na antas ng Human Development Index
20. may pagkakapantay-pantay sa mga serbisyong panlipunan

Tama ang iyong mga kasagutan kung nilagyan mo ng tsek (/) ang bilang 1, 2,
4, 6, 7, 9, 10, 11, 12, 13, 14, 19, at 20 at ekis (X) naman ang bilang 3, 5, 8,
15, 16, 17, at 18,

Sa bagong araling ito, pag-aaralan mo naman ang tungkol sa iba’t-ibang


gampanin ng mamamayang Pilipino upang makatulong sa pambansang kaunlaran.

Surii
n

Tunay nga na may layunin ang isang


bansa na mapaunlad ang ekonomiya nito,
ngunit hindi makakamit ang layuning ito
kung hindi magtutulungan ang lahat ng
mamamayan nito. Ang pagkakaroon ng
kaunlaran ay hindi nakasalalay sa pagkilos
ng iisang tao lamang, mahalaga rin ang
partisipasyon at pakikisangkot ng bawat
mamamayan. Kailangan ng pagtutulungan at
pagkakaisa ng lahat ng mamamayan at
mangyayari lamang ito kung ang lahat ay
pare-pareho ng layunin; layuning pangalagaan at
paunlarin ang bansa.

Ang mga sumusunod ay iba’t ibang estratehiya


na maaaring gawin ng bawat mamamayan upang
makatulong sa pag-unlad ng bansa.

1. MAPANAGUTAN
Mahalaga ang tamang pagbabayad ng buwis at
pakikialam upang makabahagi sa pag-unlad ng
isang bansa.

4
o Sa tamang pagbabayad ng buwis, nagagampanan ng bawat tao ang
kanyang responsibilidad at tungkuling pampananalapi sa pamahalaan . Ang buwis
na ibinabayad ng mamamayan ang pinanggagalingan ng salaping ginagastos nang
gobyerno upang mapatakbo ng maayos ang pamahalaan. Ang buwis na ito ang
halagang ginagamit ng pamahalaan upang makapagpagawa ng mga
imprastruktura tulad ng mga daan, ospital, at paaralan na nakapagpapabuti sa
kalagayan at nakatutulong sa bawat mamamayan.
o Kinakailangan din makialam ang bawat isa sa nangyayari sa lipunan, hindi
kinakailangan ang pagsasawalang-kibo sa mga maling nangyayari sa lipunan,
kailangan manaig ang katotohanan at kabutihan ng bawat indibidwal.

2. MAABILIDAD
Sa pamamahala sa pananalapi,
mahalaga ang pagbuo o pagsali sa
kooperatiba at pagnenegosyo.
o Ang pagbuo at pagsali sa
kooperatiba ay nakatutulong
sa paglikha ng yaman ng isang
bansa, sapagkat ang lahat ng
kasapi nito ay may layuning
pagsama-samahin ang
kanilang puhunan upang
makalikha ng produkto o
serbisyo na pare-parehong
mapakikinabangan ng bawat miyembro nito. Sa pamamagitan ng dibidendo
o hati sa kita ay nagkakaroon ng kita ang bawat miyembro ng kooperatiba.

o Malaki ang naitutulong ng pagnenegosyo sa pag-unlad ng bansa sapagkat


nagbibigay ito ng oportunidad upang magkaroon ng pag-asenso ang bawat
indibidwal. Sa pagnenegosyo hindi lang sariling kapakinabangan at kita ang
maaaring makuha ng negosyante, makatutulong din ito upang makatulong sa mga
manggagawang Pilipino.

3. MAKABANSA
Sa pagtulong sa pagpapaunlad ng bansa, mahalaga
ang pakikilahok sa pamamahala ng bansa at pagtangkilik
sa mga produktong Pilipino.

o Kinakailangan maging aktibo ang mamamayan sa


pakikilahok sa pamamahala maging ito man ay
lokal o nasyonal upang masolusyunan ang mga isyung
panlipunan na magiging daan ng pag-unlad. Upang
maging aktibo ang mamamayan sa pakikilahok sa
pamamahala, kinakailangang may kaalaman at
kamalayan ang bawat isa sa nangyayari sa lipunan.
5
o Malaking bahagi ng pagpapaunlad ng ekonomiya ang gawaing pagtangkilik
sa mga produktong Pilipino. Mahalaga ang pagbili at pagsuporta sa mga lokal na
produkto at serbisyo ng bansa. Nakatutulong ito upang umangat at makilala ang
mga produkto ng bansa. Bukod sa pag-angat at pagkilala ng produkto
makatututong din ito sa mga negosyante na mapalaki ang kanilang kita gayundin
sa mga mangagawa.

4. MAALAM
Naipamamalas ang pagiging maalam sa pamamagitan nang tamang pagboto at
pagpapatupad at pakikilahok sa mga
proyektong pangkaunlaran sa
komunidad.
o Mahalaga ang tamang pagboto
tuwing sasapit ang eleksyon upang
masiguro ang pagkakaroon ng pag-
unlad. Ang pagboto ay isang
mahalagang karapatan at obligasyon
na dapat matamasa ng bawat
mamamayan. Sa pagpili ng iboboto,
mahalagang pag-isipan nang mabuti
ang pangalang isusulat sa balota,
kinakailangang pag-aralan ang mga
programang pangkaunlaran ng mga
kandidato kung ito ay angkop at nababagay para sa mga isyung pangkaunlaran ng
ating bansa. Mahalagang mailuklok ang tapat at karapat-dapat na pinuno upang
magkaroon ng pag-unlad.

o Napakahalaga ng partisipasyon ng bawat mamamayan sa pagpapatupad


at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa komunidad upang
lalong makatulong sa pagpapaunlad ng bansa. Sa tulong at paggabay ng
pamahalaan may kakayahan ang bawat isa na magboluntaryo na manguna

o Sa pagbuo at pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran na


makatutulong sa pag-unald ng komunidad. Dapat magkaroon ng pagmamalasakit
na alamin ang mga pangangailangan ng komunidad upang makapaglaan ng
tamang programa at proyektong angkop at tutugon sa mga pangangailangang ito.

Ngayon nakilala mo na ang mga estratehiya na makatutulong sa pag-unlad ng


bansa, maaari mo ng masagutan ang mga sumusunod na gawain upang lalo mo
pang malinang ang iyong kaalaman sa modyul na ito.

6
Pagyamanin

A. 1. Panuto: Suriin ang mga larawan at sagutin ang mga pagsusuring


katanungan na nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Pagsusuring Katanungan:

1. Isa-isahin ang mga gawaing ipinakikita sa larawan.

2. Alin sa mga gawaing ito ang naisagagawa sa inyong komunidad? Batay sa


iyong obserbasyon, paano ito isinasagawa?

3. Nais mo bang gawin ang mga gawaing nabanggit? Bakit?


_

4. Ipaliwanag ang kahalagahan ng mga gawaing ito.

7
5. Sa iyong palagay, alin sa mga gawaing ito ang higit na makatutulong upang
makamit ng isang bansa ang kaunlaran? Bakit?

8
A. 2. Panuto: Mula sa ginawang pagsusuri ng teksto at larawan, punan ng mga
kinakailangang datos at impormasyon ang talahanayan sa ibaba. Isulat sa
unang kolum ang mga estratehiyang nakatutulong sa pag-unlad ng bansa.
Isusulat naman sa ikalawang kolum ang pamamaraan kung paano
maisasagawa ang mga estratehiyang ito at sa ikatlong kolum naman isulat
mo ang kahalagahan sa pagkamit ng kaunlaran ng mga pamamaraang ito.

ESTRATEHIYA PAMAMARAAN KAHALAGAHAN

1.

2.

3.

4.
5.

B. Panuto: Basahin at suriin ang sitwasyon sa ibaba.

Ang Barangay Masagana


sa panulat ni Lorraine C. Guinacaran

Matapos ang lokal na eleksyon, parehong nanalong kapitan ng barangay


ang magkaibigang Arnold at Berting. Si Arnold ang naging kapitan sa Barangay
Masagana at si Berting naman sa Barangay Mapayapa.

Sa pagsisimula ng kanilang panunungkulan, kinakitaan na ng kasipagan


at kagalingan sa pamumuno ang magkaibigan. Bilang mga pinuno, nagpatupad
sila ng mga patakaran at programang
makatutulong sa kanilang barangay.
Naging masigasig si Berting sa pag-
aanyaya sa kaniyang mga kabarangay na
magsagawa ng lingguhang paglilinis sa
ga bakanteng lote ng kanilang barangay.
Sa simula ay walang tumutugon sa
kanyang paanyaya, kaya’t minabuti
niyang simulan ang paglilinis kasama
ang kanyang buong pamilya. Lumipas
ang mga araw, napansin ng mga tao ang
unti-unting pagbabago ng kanilang
barangay kaya’t nahikayat silang gayahin
ang ginagawa ng kapitan.

8
Naging ugali ng bawat pamilya ang paglilinis
ng kapaligiran. Mayroong pang nagboluntaryo
upang magtanim ng mga prutas at gulay, mayroon
din naging tagakolekta ng basura upang iresiklo ang
mga ito at maging kapaki-pakinabang. Nakapagbuo
ng isang kooperatiba ang barangay dahil sa
kinikita nila sa mga
ibinebentang mga bagay mula sa ginagawang pagreresiklo at maging sa pagtatanim
ng mga prutas at gulay. Sa hindi inaasahang pangyayari, nakatanggap ng sertipiko
ng pagkilala ang Barangay Masagana bilang pinakamalinis na barangay sa kanilang
bayan. Nakatanggap rin ang barangay ng pabuya mula sa pamahalaang bayan na
nagkakahalaga ng sampung libong piso para sa kanilang kooperatiba.
Samantala, sa Barangay Mapaya ay walang gustong tumulong kay Arnold
upang isakatuparan ang programang pangkalinisan. Ang lahat ay may kani-kanyang
dahilan sa pagtanggi sa kanyang pag-anyaya kaya’t nawalan nang gana si Kapitan
Arnold na magpatupad at magsagawa pa ng iba pang mga programa.

Pagsusuring Katanungan:

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa


sagutang papel

1. Ilarawan ang katangian ni Kapitan Arnold at Kapitan Berting bilang mga


pinuno ng barangay.

2. Nagtagumpay ba si Kapitan Berting sa programang pangkalinisan na


kanyang ipinatupad? Paano?

3. Ilarawan ang naging reaksyon ng mamamayan sa programang ipinatupad ni


Kapitan Berting.

4. Bakit hindi nagtagumpay ang programang ipinatupad ni Kapitan Arnold sa


Barangay Mapayapa?

5. Kung ikaw ay isa sa mamamayan ng Barangay Mapayapa, tutugon ka ba sa


paanyaya ni Kapitan Arnold? Bakit?
9
Isaisip
Panuto: Gamit ang grapikong pantulong, isa-isahin mo ang mahalagang
natutunan mo tungkol sa paksang tinalakay. Maaaring mong dugtungan
ang mga putol na pahayag. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong mga
kasagutan.

MGA ESTRATEHIYA NA MAKATUTULONG SA PAGPAPAUNLAD

Ang mga estratehiyang makatutulong sa pagpapaunlad ng bansa ay mga


sumusunod

Makatutulong ako sa pagkamit ng pag-unlad ng bansa sa pamamagitan ng

Sa pagkamit ng kaunlaran mahalaga ang pagkakaroon ng pagkakaisa ng


mamamayan dahil

10
Summative Test…
Isulat ang sagot sa hiwalay na sagutang papel.

Written Output

A. Panuto: Suriin at piliin mo ang titik ng tamang sagot. Isulat ang tamang sagot
sa iyong sagutang papel.
1. Ito ay gawaing pang-ekonomiya na nakatuon sa paggawa ng mga produkto at
serbisyo upang ibenta at layunin nitong kumita o tumubo.
A. Pagnenegosyo
B. Pakikipagkaibigan
C. Pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga nangangailangan
D. Pagdalo sa mga pagtitipon
2. Ito ay isang pananagutang pananalapi ng bawat mamamayan at
pinanggagalingan ng malaking pondo ng pamahalaan upang makapagbigay ng
mga serbisyong panlipunan.
A. Pagnenegosyo C. Pagsali sa mga organisasyon
B. PagbubuwisD. Pamumuhunan
3. Layunin ng mga miyembro ng samahang ito na pagsama-samahin ang kanilang
pondo para makapagsimula ng negosyo upang magkaroon ng kita sa
pamamagitan ng dibidendo.
A. Korporasyon C. Isahang pagmamay-ari
B. Kooperatiba D. Sosyohan

4. Alin sa mga sumusunod na gawain ang kabilang sa estratehiyang pagiging


mapanagutan ng mamamayan?
A. Pagboto nang tama C. Tamang pagbabayad ng buwis
B. Pagbili ng lokal na mga produkto D. Pakikilahok sa pamamahala

5. Alin sa mga sumusunod na pamamaraan ang nagpapakita ng pagiging


makabansa ng isang mamamayan?
A. Pagboto ng tama at pakikilahok sa proyektong pangkaunlaran
B. Pakikilahok sa pamamahala sa pagnenegosyo at pagbuo ng kooperatiba
C. Pagbabayad ng buwis at paglaban sa anomalya at korapsyon

11
6. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapahayag ng tamang pagboto?
A. Iboto ang mga kamag-anak at kaibigang kandidato
B. Suriing mabuti ang kakayahan ng bawat kandidato upang makapili ng karapat-
dapat na maging pinuno
C. Iboto ang taong makatutulong sa mga personal na pangangailangan
D. Piliin ang kandidatong sikat at kilala na sa inyong lugar

7. Paano mo ipinakikita ang iyong pagiging mapanagutang mag-aaral?


A. Pagliban sa klase upang makaiwas sa mga gawaing pampaaralan
B. Pagsunod sa mga patakaran at alituntunin ng paaralan
C. Hindi paggalang sa mga guro at kamag-aaral
D. Pakikipagkaibigan upang may gumawa ng mga gawain mo sa asignatura

8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng kahalagahan ng pagkakaroon ng


pagkakaisa at pagtutulungan ng mamamayan?
A. Nagkakaroon ng pag-unlad sa sarili, pamilya at sa lipunan
B. Nagkakaroon ng iisang layunin para sa pangkalahatang pag-unlad
C. Napadadali nito ang gawain at nagkakaroon ng magandang resulta
D. Lahat ng nabanggit

9. Sa paanong paraan nagkakaroon ng pagkakaisa?


A. Pagtanggi sa mga gawaing panlipunan
B. Matututong makinig sa mga suhestiyon at pangangailangan ng iba
C. Paggawa ng desisyon na makapagbibigay ng magandang resulta sa sarili kahit
ikapahamak ng iba
D. Paglalaan ng oras at panahon upang siraan at ibaba ang ibang tao

10.Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapahayag


ng kahalagahan ng pagbubuwis?
A. Ang pagbabayad ng buwis ay hindi magandang gawain ng pamahalaan.
B. Nakatutulong ito upang makalikom ng salapi ang pamahalaan para magamit sa
mga serbisyong panlipunan
C. Dahilsa pagbubuwis lumiliit ang kita ng mga negosyante at
manggagawa
D. Ang salaping nalikom mula sa buwis ay ginagamit ng mga pinuno ng bansa para
sa pansarili nilang pangangailangan.

11.Alin sa mga sumusunod ang maaaring maging bunga kung walang


pagkakaisa ang mga mamamayan sa isang barangay?
A. Madaling matatapos ang isang gawain o proyekto

12
B. Magiging payapa at masagana ang buong barangay.
C. Magiging magulo at hindi magkakasundo-sundo ang mamamayan
D. Magkakaroon ng kapanatagan ang bawat isa

12.Alin sa mga sumusunod ang maaari mong gawin upang makatulong ka sa pag-
unlad ng inyong barangay?
A. Makisangkot sa mga programa at proyektong pampamayanan
B. Itapon ang mga basura sa ilog at karagatan upang mapanatili ang kalinisan ng
barangay
C. Huwag makipag-usap at iwasan ang kapitbahay upang mapanatili ang
katahimikan
D. Magboluntaryo sa pamimigay ng mga pagkain sa oras
ng pangangailangan upang makilala at sumikat sa barangay
13.Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagkakaroon ng
pagkakaisa at pagtutulungan para sa kaunlaran?
A. Pagsasawalang kibo at pananahimik sa mga nangyayaring krimen
B. Pangunguna at pakikisangkot sa mga gawaing mag-
aangat sa kalagayan ng mamamayan sa lipunan
C. Huwag nang bumoto tuwing eleksyon upang hindi na makadagdag sa mahabang
pila
D. Pagbili sa mga imported na produkto dahil higit itong maganda

Panuto para sa bilang 14 at 15: Suriin ang sumusunod na pahayag.


14.Pahayag 1: Ang kaunlaran ay nakasalalay lamang sa kagalingan ng
namumuno sa isang bansa.
Pahayag 2: Mahalaga ang pagkakaisa ng lahat ng mamamayan upang
makamit ang layuning mapaunlad ang isang bansa.
A. Tama ang una at ikalawang pahayag
B. Tama ang una at mali ang ikalawang pahayag
C. Mali ang una at ikalawang pahayag
D. Mali ang una at tama ang ikalawang pahayag.
15.Pahayag 1. Ang paghingi ng opisyal na resibo sa
mga binibili at binabayarang produkto at serbisyo ay nakatutulong
sa pag-unlad ng bansa Pahayag 2: Ang korapsyon at anomalya sa pamahalaan
ay kailangang pigilan at labanan.
A. Tama ang una at ikalawang pahayag
B. Tama ang una at mali ang ikalawang pahayag
C. Mali ang una at ikalawang pahayag
D. Mali ang una at tama ang ikalawang pahayag.
Performance Output
Ngayong naunawaan mo na ang mga estratehiya na makatutulong sa
13
pag-unlad ng bansa, handa ka na para sumulat ng isang sanaysay. Gawing
gabay ang talahanayan na nakabatay sa konsepto ng G.R.A.S.P. Gawin ito sa
hiwalay na papel.
GRASPS
Goal Makasulat ng isang sanaysay
Role Mag-aaral
Audience Mag-aaral
Naatasan ka ng iyong guro na sumulat ng isang sanaysay na
nagpapaliwanag at nagpapakita ng sama-samang pagkilos ng
Situation mamamayan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Ang sanaysay ay may temang “Pagkakaisa’t Pagtutulungan
sa Gitna ng Pandemya”.
Product Nakasulat na Sanaysay
Standard Pamantayan sa Pagmamarka

Pamantayan sa Pagmamarka sa Pagsulat ng Sanaysay


Kailangan Pang
Mahusay Katamtaman
Pamantayan Paghusayan
(8-10) (4-7)
(1-3)
Pamagat Ang pamagat ay tugma at Ang pamagat ay Hindi masyadong
naaayon sa paksa. Madaling naaayon sa paksa. naaayon sa paksa
makakuha ng atensyon mula ang ginawang
sa nagbabasa. pamagat.
Introduksyon Mahusay at malinaw na Makalalahad ng Nakalalahad ng
nakalahad ang pangunahing paksa at paksa ngunit hindi
paksa at lubos na nakahihikayat ang sapat ang
nakapanghihikayat ang introduksyon nito. pagpapaliwanag
introduksyon nito. dito.
Diskusyon Mahusay ang pagpapaliwanag May sapat na May kakulangan sa
at pagtalakay tungkol sa paksa. pagpapaliwanag at paliwanag at detalye
detalye ang ng pagtalakay.
pagtalakay.
Organisasy Lohikal at may May Hindi maayos ang
on ng Ideya pagkakasunod-sunod ang pagkakasunod- pagkakasunod-
mga ideya. sunod ang mga sunod ng mga
ideya ideya.
Konklusyon Nakapanghahamon ang Naipakita ang Hindi ganap na
konklusyon at naipakita ang pasya tungkol naipakita ang
pasya tungkol sa paksa batay paksa batay sa pasya tungkol sa
sa mga katibayan at katuwirang katibayan at paksa.
ipinahayag. katuwirang
ipinahayag.
Kabuuang
50
Puntos

Sanggunian

Balitao, Bernard R., Martiniano D. Buising, Edward D.J. Gracia, Apollo


D. De Guzman, Juanito L. Lumibao Jr., Alex P. Mateo, at Irene J. Mondejar. 2015.
Ekonomiks Araling Panlipunan (Modyul para sa Mag-aaral). n.p.: Vibal Group, Inc.

Bgstbels. 2017. “Sama-Samang Pagkilos para sa Pambansang


Kaunlaran.” Slideshare. Binuksan noong Hulyo 2, 2020.
https://www.slideshare.net/bgstbels/sama-samang-pagkilos-para- sa-pambansang-kaunlaran

Borja,Godwin. 2019. “Sama-Samang Pagkilos para sa Pambansang Kaunlaran.” Cram flashcards.


14
Binuksan noong Hulyo 2, 2020. https://www.cram.com/flashcards/sama-damang-pagkilos-
para-sa- pambansang-kaunlaran-10496347

Parayaoan, Joseph. 2017 . “Sama-Samang Pagkilos para sa Pambansang Kaunlaran.” Slideshare.


Binuksan noong Hulyo 2, 2020. https://www.slideshare.net/JCCParayaoan/sama-samang-
pagkilos- para-sa-pambansang-kaunlaran-73347189

15

You might also like