You are on page 1of 19

1ST to 4th Quarter

SUMMATIVE TEST
SA EKONOMIKS
(AP 9)
WITH ANSWER KEY

MELC BASED
PANUTO: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na tumutukoy sa paraan ng


paggamit ng tao sa kanyang ________________________ na pinagkukuang
yaman upang matugunan ang kanyang _______________________ na
pangngailangan.

A. Sapat; walang hanggang


B. Limitado; walang hanggan
C. Sapat; may hangganan
D. Limitado; may hangganan

2. Nasasaklawan ng ekonomiks ang mga sumusunod maliban sa

A. Kakapusan
B. Produksyon
C. Distribusyon
D. Pagkunsumo

3. Pangunahing tinatalakay sa ekonomiks ang suliranin sa

A. Kawalan ng trabaho
B. Pagkasira ng pinagkukunang-yaman
C. Gutom
D. Kakapusan

4. Alin sa mga maka-agham na pamamaraan ang hindi ginagawa ng ekonomiks

A. obserbasyon
B. pagkuha ng datos
C. pag-eeksperimento sa lboratoryo
D. pagsusuri ng datos

5. Nakatutulong ang kaalaman at kasanayan sa ekonomiks sa paggawa ng


wastong pagpapasya. Nangangahulugan it na ang ekonomiks ay

A. Nagtuturo ng tamang sagot sa problema


B. Nagbibigay ng kasanayan sa problema
C. Humahatol sa problema
D. Humahanap ng problema

6. Noong nakaraang eleksyon, inihalal ni Jojo ang kaibigan niyang si Alex bilang
Mayor ng kanilang bayan. Kilala ni Jojo si Alex bilang isang matapat at
matalinong tao. Ang kasanayan sa ekonomiks na nalinang kay Jojo ay
________

A. Mabuting pakikipagkaibigan
B. Mahusay na pakikisama
C. Matalinong botante
D. Mabuting makisama
7. Sa taas ng presyo ng mga bilihin, nahihirapan ang iyong nanay na
pagkasyahin ang sweldo ng iyong tatay para tugunan ang mga
pangangailangan ng pamilya. Ang pinakamalaki ninyong gastusin ay
napupunta sa pagkain. Ano ang iyong maimumungkahi upang mapagaan ang
problema sa pananalapi ng iyong pamilya?

A. Huwag nang gastusin


B. Bumili ng mura ngunit masustansyang pagkain
C. Huminto muna sa ;pag-aaral
D. Maghanap ng trabahong malaki ang suweldo

8. Ang madalas na pagbiyahe ni Pagulong Arroyo ay nagpapakita ng kanyang


pagiging ekonomista. Alam niya na ang pagdalaw sa iba’t ibang bansa ay
paraan upang…

A. higit na maunawaan ang mga pangyayari sa iba’t ibang panig ng


daigdig
B. marating ang mga bansang may kaugnayan sa atin
C. magkaroon ng pagkakataon na makipagkaibigan
D. maranasan ang buhay sa mga bansang kanyang pinupuntahan

9. Ang pagkakaroon ng maayos nasistema ng transportasyon ay nakakatulong


sa ekonomiya sapagkat __________________.

10. Sa pinagtibay na desisyon ng Korte Suprema ukol sa Mining Act of 1995,


nabuksan ang pagmimina sa mga dayuhang interesado na mamuhunan sa
negosyong ito. Alin sa palagay mo ang pinakaangkop na pagtataya ukol sa
epekto ng batas na ito sa pambansang ekonomiya?

A. Pagtingin sa bilang ng nadagdag na may trabaho


B. Maaring sa pagbabago ng pambansang kita
C. Pagtaya sa pagbabago ng produksyon ng ginto, pilak, tanso
D. Pagtantiya sa antas ng kita ng mga mamamayan

11. Ang pagguho ng lupa sa mga kabundukan ng Quezon dulot ng bagyong


Winnie ay katunayan na:

A. Malawak na ang pagkasira n gating kagubatan


B. Mahirap pigilan ang ganti ng kalikasan
C. Mapanira ang bagyo
D. Kailangang mag-ingat ang mga tao kung may bagyo

12. Ang modernisasyon ng Philippine Navy ay magbubunga ng pangangalaga sa


ating –

A. yamang lupa
B. yamang tubig
C. yamang mineral
D. yamang gubat

2
13. Taglay ng yamang tao ng Pilipinas ang mataas na antas ng pagpapahalaga
sa paggawa sapagkat sila ay _____

A. Masisipag at matitiyaga
B. Nakatatanggap ng matataas ang sweldo
C. Madalas mag-overtime
D. Madaling matuto ng gawain

14. Malaking bilang ng populasyon ng Pilipinas ay binubuo ng mga taong nasa


pagitan ng edad 0 –19. Nangangahulugan ito na ang populasyon sa bansa ay
_______

A. bata
B. nasa lakas paggawa
C. produktibo
D. matanda

15. Malaki ang pangangailangan sa mga teknikal na kasanayan. Alin sa mga


kurso sa ibaba ang tutugon sa pangangailangang ito?

A. Commerce
B. Law
C. Medicine
D. Engineering

16. Batay sa pinakahuling surbey (Nobyembre 2004) ng Bureau of Labor


Statistics, 13% ng lakas paggawa ng Pilipinas ay walang trabaho. Ang
suliraning ito ay matutugunan kung…

A. Mag-eempleyo ang pamahalaan ng karagdagang manggagawa


B. Maghihikayat ng maraming mamumuhunan
C. Kukuha ng mga dalubhasa upang magturo ng iba’t ibang kasanayan
D. Magbibigay ng sabsidiya (subsidy) ang pamahalaan sa mga walang
trabaho

17. Ang pag-aaral na mabuti ay isang paraan upang magkaroon ng magandang


trabaho. Ang paglalahat na ito ay nagpapahiwatig na…

A. Mahirap matanggap sa trabaho ang isang hindi tapos sa pag-aaral


B. Ang kwalipikasyong edukasyonal ay kailangan sa trabaho
C. Ang kasanayan at kaalaman ay nahuhubog sa pag-aaral
D. Ang edukasyon ay susi upang magkatrabaho

18. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng palatandaan ng


kakapusan?

A. pulubi na nagpapalimos sa kalye


B. mahabang pila ng mga pasahero sa sakayan

3
C. pagsisiksikan ng mga mag-aral sa silid-aralan
D. pagkasira ng mga kagubatan upang tirhan

19. Ang ating pamahalaan ay nananawagan na magkaisa sa pagbalikat ng


suliranin ukol sa kakulangan ng pondo. Mayroon tayong dipisit (deficit) sa
badyet. Nangangahulugan ito ng _____________ sa badyet.

A. kakulangan
B. kakapusan
C. kalabisan
D. kahustuhan

20. Sa isang pinag-uutos na ekonomiya (command economy), and pagpapasya


sa paggamit ng mga pinagkukunang-yaman ay nasa kamay ng
_____________

A. mamamayan
B. mayayamang tao sa lipunan
C. mga sundalo
D. estado

21. Ang pagkakataong magmay-ari ng mga pribadong tao ay nagyayari sa mga


bansang nagpapairal ng sistemang _______________________.

A. kapitalismo
B. sosyalismo
C. komunismo
D. piyudismo

22. Ang departtamento ng pamahalaan na direktang kumakalinga sa serbisyong


pangkalusugan ng mga mamamayan?

A. DOH
B. DILG
C. DepED
D. DSWD

23. Napasama ang iyong pangalan sa mga batang tatanggap ng libreng bigas at
de lata. Programa ito ng pamahalaan na Pagkain para sa Mahirap. Kapalit ng
mga ito ay ang pagbibigay ng community service ng iyong pamilya. Anong
paglilingkod ang iyong maibibigay? ______________________

24. Ilagay sa tamang kolum ang mga bagay ayon sa katangian nito

PANGANGAILANGAN KAGUSTUHAN
________________ ______________
________________ ______________
________________ ______________

A. pagkain B. jag

4
C. Apartment D. eksklusibong paaralan
E. Cell Phone

25. Pagsunud-sunurin ang mga bagay sa ibaba ayon sa teorya ng panganga-


ilangan ni Maslow.

1. pagkain
2. damit
3. tirahan
4. edukasyon

A. 1, 2, 3, 4 B. 2, 1, 3, 4
C. 3, 4, 2, 1 D. 4, 3, 2, 1

26. Alin sa mga paraan ng pag-aanunsiyo ang may pinakamalakas na epekto sa


mamimili?

A. telebisyon
B. radyo
C. dyaryo
D. billboards

27. Ang paggamit ng mga sikat o kilalang tao upang makilala ang produkto ay
tinatawag na…..

A. band-wagon effect
B. status symbol
C. colonial mentality
D. testimonial

28. Gumagastos ang mga kompanya sa pag-aanunsiyo upang ipakilala ang


produkto. Umaasa silang ito ay magbubunga ng ….

A. higit na maraming benta at malaking tubo


B. makababawas sa buwis na babayaran ng kopanya
C. pangunguna sa kompetisyon
D. makapagpapasaya sa tauhan ng kompanya

29. Ang pag-aanunsiyo ay makaka-apekto sa pagkonsumo ng mga mamimili sa


pamamagitan ng….

A. paghikayat
B. pakikiusap
C. panggagaya
D. pagsunod

30. Ang mga halimbawa sa ibaba ay mga katangian ng matalinong mamimili, alin
ang hindi kabilang?

5
A. malikhain B. maselan
C. matipid D. mapanuri

31. Paghahanda kung araw ng pista. Anong salik ang nakakaapekto sa


pagkonsumo?

A. panlasa
B. okasyon
C. presyo
D. panahon

32. Ang pagdadala ng listahan sa pamimili ay makatutulong upang makatipid sa…

A. pera
B. enerhiya
C. panahon
D. lahat ng nabanggit

33. Bilang mamimili, karapatan mo na pumili ng produktong nais mong bilhin.


Kaakibat ng karapatang ito ay ang iyong pananagutan na…

A. utangin ang mga produkto


B. bayaran ang produktong binili
C. tipirin ang pagggamit ng produkto
D. bayaran ang biniling produkto

34. Sa anong salik ng produksyon nabibilang ang gusali ng pagawaan?

A. lupa
B. lakas paggawa
C. puhunan
D. salapi

35. Ang katanungang “ ano ang gagawin, paano gagawin, at para kanino gagawin?”
ay sinasagot ng …

A. prodyuser
B. konsyumer
C. pamahalaan
D. mamumuhunan

36. Itinuturing ang isang entreprenyur bilang ulo ng negosyo. Nangangahulugan ito
na ang kanyang gawain ay…

A. Maging manggagawa
B. Pamahalaan ang buong negosyo
C. maghanap ng magpapatakbo ng negosyo
D. taga-utos sa mga empleyado

6
37. Ang kakayahang entreprenyuryal (entrepreneurial skills) ay mahalagang
sangkap sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Ang kanilang kontribusyon ay
nauugnay sa…

A. produksyon
B. pagkonsumo
C. pamamahagi
D. pag-imbento

38. Ang demand ay tumutukoy sa kahandaan at kakayahang __________ ng


prdukto at serbisyo.

A. bumili
B. magbili
C. lumikha
D. mag-aksaya

39. Ang kahandaan at kakayahang magbili ng produkto at serbisyo sa pamilihan ay


tinatawag na…

A. demand
B. suplay
C. presyo
D. ekwilibriyo

40. Ang pagtaas ng demand sa produkto sanhi ng pagbaba ng presyo nito ay


naaapektuhan ng salik na…

A. panahon
B. pagpili (preference)
C. presyo
D. populasyon

41. Ang pagtaas ng suplay sanhi ng paggamit ng makabagong makinarya ay sanhi


ng salik na…

A. teknolohiya
B. bilang ng industriya
C. populasyon
D. presyo

42. Ang presyo ay instrumento upang magkasundo ang _____________ at


___________ sa pamilihan.

A. magkakagalit; nag-aaway
B. mamimili; nagbibili

7
C. mamamayan; pamahalaan
D. nagbibili; supplier

43. Ang pagpila ng mga tao upang makabili ng produkto ay palatandaan na ang
pamilihan ay nasa kalagayang..

A. ekwilibriyo
B. kalabisan
C. kakulangan
D. katamtaman

44. Ang kondisyon na mataas ang suplay kaysa demand ay nagpapakita na ang
pamilihan ay…

A. nasa ekwilibriyo
B. may kakulangan
C. may kalabisan
D. may suliranin

45. Ang bahagdan (%) ng pagbabago ng demand at suplay kaugnay ng bahagdan


(%) ng pagbabago ng presyo ay tumutukoy sa…

A. demand
B. suplay
C. ekwilibriyo
D. elastisidad

46. Ang bahagdan (%) ng pagbabago ng demand bunga ng pagbabago ng presyo


ay tinatawag na …

A. elastisidad
B. elastisidad ng demand
C. elastisidad ng suplay
D. ekwilibriyo

47. Kung ang elastisidad ng produkto ay may epekto sa suplay, nangangahulugan


ito na ang elastisidad ay may epekto sa…

A. pagkonsumo
B. produksyon
C. demand
D. suplay

48. Ang mekanismo ng pamilihan ay umiiral kung nagkakaroon ng ___________ sa


pamilihan.

A. monopolyo
B. oligopolyo
C. kartel

8
D. kompetisyon

49. Ang paglalagay ng price control ay isang halimbawa ng impluwensiya ng


pamahalaan sa pamilihan. Isang halimbawa nito ay ang paglalagay ng
pinakamababang presyo sa produkto. Tinatawag itong…

A. price ceiling
B. price floor
C. buffer price
D. fixed price

50. Pangunahing tungkulin ng pamahalaan ang pagtiyak na magkakaroon ng


kaayusan sa mga gawaing pang-ekonomiya. Ito ay sa pamamagitan ng …

A. regulasyon
B. pagbabantay
C. panghuhuli
D. pag-eespiya

51. Anong ugnayan ang ipinakikita sa dayagram.

presyo

dami

A. direktang ugnayan
B. di – tuwirang ugnayan
C. tuwirang ugnayan
D. positibong ugnayan

52. Ang pagbabago ng presyo ng mga produkto at serbisyo ay nakaaapekto sa


sambahayan. Ano ang epekto nito?

A. Ang pagbabago ng presyo ay naghihikayat ng pagbabago ng pagkonsumo.


B. Nakaaapekto sa kita ang anumang pagbabago ng presyo.
C. Ang pagbabago ng presyo ay nakaaapekto lamang sa mga may fixed na
kita.
D. Ang pagbabago ng presyo ay nagpapabago sa badyet ng sambahayan.

53. Magtipid at mag-impok. Ito ang payo ng mga ekonomista upang makatulong sa
ating suliraning pang-ekonomiya. Nangangahulugan lamang ito na…

A. kinikilala ng mga ekonomista ang kontribusyon natin sa ekonomiya


B. ang pag-iimpok ay mabuting Gawain
C. ang pag-iimpok ay makatutulong sa pamumuhunan
D. ang pag-iimpok ay likas na ugali ng mga Pilipino

9
54. Matapos makaipon sa pagtatarabaho sa abroad, minabuti ni Jay na
magnegosyo na lamang dito sa Pilipinas. Nagsimula siya ng isang maliit na
gawaan ng handicraft na may tatlong tauhan. Sa paanong paraan nakatulong si
Jay sa paglutas ng suliraning pang-ekonomiya n gating bansa?

A. Nakalikha siya ng karagdagang oportunidad sa trabaho


B. Nakapagbigay siya ng karagdagang kita sa kanyang pamilya
C. Nakapagpakilala siya ng bagong produkto
D. Maaari nang maging produktibo ang kanyang oras dito sa bansa

55. Sa kabila ng mga di magandang pangyayari sa Iraq, marami pa rin sa ating mga
kababayan ang nais makipagsapalaran doon. Anong paglalahat ang angkop sa
pangungusap?

A. malaki ang kita sa Iraq


B. madali ang trabaho sa Iraq
C. mahirap makakita ng trabaho sa Pilipinas
D. ayaw nila ng trabaho dito sa Pilipinas

56. Ang kakayahan ng isang bansa sa paglikha ng produkto at serbisyo ay


sinusukat ng…

A. GROSS NATIONAL PRODUCT


B. HUMAN DEVELOPMENT INDEX
C. CORRUPTION INDEX
D. CONSUMER PRICE INDEX

57. Matatag ang ekonomiya ng bansa kung ang GNP nito ay….

A. negatibo
B. positibo
C. tuloy-tuloy na paglago
D. mababa

58. Ang pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga produkto at serbisyo ay


tinatawag na…

A. implasyon
B. deplasyon
C. depresasyon
D. debalwasyon

59. Anong sitwasyon ang nagpapakita ng implasyon?

A. dagdag na baon sa pagtaas ng pamasahe


B. dagdag na produkto at serbisyo sa parehong halaga
C. bawas na produkto at serbisyo sa parehong halaga
D. mataas na halaga, bawas na produkto at serbisyo

10
60. Ang tight monetary policy ay isang paraan ng paglutas sa suliranin ng
implasyon. Anong epekto nito sa ekonomiya?

A. pagdami ng salapi sa sirkulasyon


B. pagbaba ng interes sa deposito sa bangko
C. pagbawas ng salapi sa sirkulasyon
D. pagtaas ng interes sa pautang

61. Bilang mag-aaral, alin sa mga gawain sa ibaba ang magagawa mo upang
malutas ang suliraning dulot ng implasyon?

A. pag-iimpok
B. pag-aaral na mabuti
C. pamumuhunan
D. pagiging magastos

Sa bilang na 62-63, gawing basehan an sumusunod an datos ukol sa inaprobahang


badyet ng kongreso ng Pilipinas 11aras a taong 2005.

PAMBANSANG BADYET (sa bilyong piso)

111
120

100

80
49.5 46.2 43.9
60
40 14.7

20

0
DEPED DPWH 1DND DILG DAR

Pinagkunan: Department of Finance, 2005

62. Anong kagawaran ang may pinakamalaking bahagi sa badyet ng bansa?


_______________

63. Ano ang ipinahihiwatig ng datos sa itaas?

A. ipinakikita sa datos ang prayoridad ng ating pamahalaan


B. ipinakikita sa datos ang paraan ng paggasta ng pamahalaan
C. ipinakikita sa datos ang pangangailangan ng ating pamahalaan
D. ipinakikita sa datos ang kakulangan ng ating pamahalaan

11
64. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing pinanggagalingan ng salapi ng ating
pamahalaan?

A. pag-utang
B. pagbibili ng mga ari-arian ng pamahalaan
C. buwis
D. tulong mula sa ibang bansa

65. Ano ang gagawin mo upang makatulong ka sa paglutas ng suliranin ukol sa


kakulangan ng badyet?

A. magbabawas ng baon
B. magbayad ng tamang buwis
C. magbigay ng donasyon
D. mangilak ng karagdagang pondo

66. Layunin ng patakarang monetaryo (monetary policy) na mapatatag ang halaga


ng ating salapi. Matutugunan ang layuning ito kung….

A. mataas ang palitan ng piso sa dolyar


B. mataas ang implasyon
C. bumababa ang mga presyo
D. nananatili o walang pagbabago sa presyo

67. Alin sa mga sumusunod ang angkop na puntahan ng negosyante upang


makautang ng puhunan?

A. bangko
B. kooperatiba
C. GSIS/SSS
D. Pag-ibig

68. Mahalaga ang dolyar sa ekonomiya ng Pilipinas. Alin sa mga sumusunod ang
maling gamit nito?

A. ginagamit ito sa pandaigdigang kalakalan


B. ginagamit ito bilang reserba ng bansa
C. ginagamit itong basehan sa pagpapatatag ng lokal na salapi
D. ginagamit ito sa operasyon ng black market

69. Alin sa mga gawain ang magpapatatag ng halaga ng ating salapi?

A. pansamantalang pagtigil ng kalakalan


B. bawasan ang pagluluwas ng mga lokal na produkto
C. pagtatago ng dolyar sa alkansiya
D. pagpapalit ng dolyar sa bangko

12
70. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa sektor ng agrikultura?

A. pagtatanim
B. paggugubat
C. pagmimina
D. pangingisda

71. Sa panahon ng matinding bagyo, pangunahing sector na naaapektuhan ay


ang…

A. Agrikultura
B. Industriya
C. Paglilingkod
D. pangangalakal

72. Makatutulong sa sektor ng agrikultura ang paggamit ng mataas na uri ng binhi.


Pangunahing epekto nito ay ang…

A. paglaki ng gastos ng mga magsasaka


B. pagtaas ng ani
C. pagbaba ng gastos sa produksyon
D. pagsipag ng mga magsasaka

73. Ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural. Ano ang ibig sabihin ng
pangungusap na ito?

A. sa agrikultura ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan


B. malawak ang lupang laan sa agrikultura
C. higit na malaki ang kita sa agrikultura kaysa industriya
D. tanging agrikultura ang batayan ng ekonomiya ng bansa

74. Sa pagpasok ng mga imported na produktong agrikultural, magiging sanhi ito


ng…

A. pagliit ng kita ng sector ng agrikultura


B. makikinabang ang mga mamimili
C. mamamatay ang sektor ng agrikultura
D. magkakaroon ng kompetisyon

75. Ano ang tinatayang magiging epekto ng kaguluhan sa Hacienda Luisita sa mga
magsasakang nagtatrabaho sa hasyenda?

A. mawawalan sila ng trabaho


B. madadagdagan ang kanilang sweldo
C. matitigil ang kanilang Gawain
D. mapipinsala ang kanilang mga pananim

13
76. Ang mga sumusunod ang bumubuo sa sector ng industriya maliban sa…

A. pagmamanupaktur
B. konstruksyon
C. pagsasaka
D. pagmimina

77. Alin sa mga gawain ng mga kompanyang multi-nasyonal ang nararapat na


limitahan o bawasan?

A. pagpapakilala ng mga bagong produkto na mabibili sa pamilihan


B. pagbibigay ng trabaho sa higit na maraming tao
C. pagpapakilala ng bagong teknolohiya ayon sa pandaigdigang pamantayan
D. pag-aangkat ng mga hilaw na materyales sa mga karatig na bansa

78. Sa anong paraan natin maipakikita ang kasanayan sa paggamit ng


makabagong teknolohiya?

A. pagpapatakbo ng bagong makinarya


B. kasanayan sa paggamit ng kompyuter
C. mataas na antas ng produksyon
D. mataas na sweldo ng ating mga manggagawa

79. Alin sa mga sumusunod na ahensiya ang nakasentro sa mga gawaing pang-
industriya?

A. Department of Trade and Industry


B. Department of Finance
C. Department of Budget and Management
D. National Economic and Development Authority

80. Nagiging makatwiran ang pagsasapribado ng mga korporasyon ng pamahalaan


kung…

A. ang pagsasapribado ay higit na nagbibigay ng kapakinabangan sa


pamahalaan.
B. ang pagsasapribado ay nagbibigay ng higit na kapakinabangan sa mga
mamamayan.
C. ang pagsasapribado ay higit na nagbibigay ng kapakinabangan sa
pamahalaan at mamamayan.
D. ang pagsasapribado ay makapagbibigay ng higit na kapakinabangan sa
pribadong sector.

81. Ang isang mahusay na negosyante, ano ang dapat mong bigyang tuon para
lumago ang iyong negosyo?

A. laki ng puhunan
B. dami ng manggagawa
C. mahusay na pamamahala
D. suporta ng pamahalaan

14
82. Mahalaga ambag ng sector ng agrikultura sa industriya ang….

A. Hilaw na materyales (raw materials) na sangkap sa industriya


B. Pagbili ng produktong yari ng industriya
C. pagbibigay ng manggagawa sa industriya
D. ang kasanayang agrikultural ang angkop sa industriya

83. Ang internet, e-mail at texting ay mga paraan sa mabilis na pagtatamo ng


impormasyon. Sa anong aspeto ito makatutulong sa ekonomiya?

A. ang mabilis na impormasyon ay basehan ng mabilis na desisyon


B. mababa ang halaga ng komunikasyon sa negosyo
C. high-tech na ang paraan parasa mabilis na komunikasyon
D. marami ng paraan sa mabilis na komunikasyon

84. Ang pagdami ng mga call center ay nagbigay ng karagdagang bilyong dolyar
na kita sa bansa sa bawat taon. Ipinakikita nito na…

A. malakas pagkakitaan ang hanapbuhay na ito


B. malaki ang potensyal ng Pilipinas sa gawaing ito
C. mahusay ang mga Pilipino sa larangang ito
D. dapat mamuhunan sa larangang ito

85. Alin sa mga sumusunod ang walang kaugnayan sa sector ng paglilingkod?

A. care giver B. fast food chain


C. abogado D. negosyante

86. Ang tagumpay ng mga Pilipino sa sector ng paglilingkod ay katunayan lamang


ng….

A. husay ng mga Pilipino


B. swerte ang mga Pilipino
C. mapagsapalaran ang mga Pilipino
D. malikhain ang mga Pilipino

87. Kailangan ang mataas na kasanayan sa sector ng paglilingkod upang ______

A. patuloy na makaagapay sa mabilis na pagbabago ng teknolohiya


B. mapanatili ang ang mataas na kalidad ng paggawa
C. patuloy na madagdagan ang kita
D. manatiling may pagkakataon sa bagong trabaho

88. Tinatawag na impormal na sector ang mga gawaing pang-ekonomiya na…

A. maliit ang kita


B. walang permanenteng pwesto
C. hindi nagbabayad ng buwis
D. pabagu-bago ng negosyo

15
89. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng impormal
na sector?

A. pagnanais na mabuhay
B. paghahangad na magkatrabaho
C. pagsisikap na makaipon
D. makatulong sa pambansang ekonomiya

90. Pangunahing kontribusyon ng impormal na sector sa ekonomiya ang


____________.

91. Ang Pilipinas ay nakikipagkalakalan sa iba’t ibang bansa. Nagpapatunay ito na


ang ating pamahalaan ay nagpapairal ng patakarang _______

A. closed economy
B. open economy
C. liberalisasyon
D. globalisasyon

92. Ano ang inaasahang mabuting epekto ng liberalisasyon ng ekonomiya sa mga


lokal na produkto ng Pilipinas?

A. Kompetisyon ng local na produkto


B. makikilala ang local na produkto sa pandaigdigang pamilihan
C. pagpasok ng dayuhang produkto sa local na pamilihan
D. mabibili ang local na produkto sa mataas na halaga

93. Sa supermarket, nakita ni Jay ang iba’t ibang laruan na gawa sa Tsina. Mura
ang presyo ng mga ito at magaganda rin naman. Nagpabili si Jay sa kanyang
ina at pinagbigyan naman siya. Tuwang-tuwa si Jay sa pagkakaroon ng bagong
laruan. Anong bunga ng liberalisasyon ang makikita sa kwento?

A. pagkakaroon ng maraming pagpipilian


B. higit na maginhawang mamili sa super market
C. mabibigyan ng dagdag na kita ang ating mga negosyante
D. magkakaroon ng pagkakataon sa imported na produkto ang local na
mamimili

94. Sa tindahan naman ng gulay, isda at karne, nagsisiksikan ang mga tao upang
bumili ng imported na gulay, isda at karne. Mura ang presyo ng mga ito kahit na
frozen pa. Sa paanong paraan ito nakasasama sa ating ekonomiya?

A. pinaliliit nito ang kita ng ating mga produktong agrikultural


B. pinamamahal nito ang ating mga lokal na produkto
C. pinasisikip nito ang ating mga palengke
D. nasasnay tayo sa pagkain ng mga produktong frozen

16
95. Ang pagtaas na halaga ng dolyar ay nagbibigay ng mabuting epekto para sa
mga _____.

A. OFW at kanilang pamilya


B. Local na negosyante
C. Pamahalaan
D. Mamimili

96. Kinikilala ng ating pamahalaan ang kahalagahan ng kontribusyon ng ating mga


OFWs sa pambasang ekonomiya. Dahilan ito upang tawagin silang
___________

A. Bagong bayani
B. mabuting halimbawa
C. overseas Filipino investors
D. mga bagong misyonero

97. Ang patuloy na pagtangkilik sa mga local na produkto sa kabila ng mahigpit na


kompetisyon sa pandaigdigang pamilihan ay palatandaan ng pagpapahalaga
sa….

A. pagmamahal sa sariling produkto


B. pagmamahal sa bayan
C. pagmamahal sa mga local na negosyante
D. pagmamahal sa ekonomiya ng bansa

98. Kaanib ang Pilipinas sa WTO at APEC. Makikinabang dito ang bansa sapagkat
______

99. Ang patas na kapakinabangan sa ugnayan ng mga kasaping WTO at APEC ay


dapat maramdaman ng…

A. mga Pilipino
B. mga bansang kasapi
C. mga mamamayan sa buong daigdig
D. mga negosyante

100. Hindi lamang pang-ekonomiya ang dulot ng pagiging kasapi ng WTO at APEC,
nagbibigay din ito ng kapakinabangang ____________

A. pampulitika
B. pangkalusugan
C. panseguridad
D. pang-edukasyonal

17
ARALING PANLIPUNAN 9
SUSI SA PAGWAWASTO

UNANG MARKAHAN IKALAWANG IKATLONG IKAAPAT NA


MARKAHAN MARKAHAN MARKAHAN
1.B 26.A 51.B 76.C
2.A 27.D 52.A 77.D
3.D 28.A 53.C 78.B
4.C 29.A 54.A 79.A
5.B 30.B 55.C 80.C
6.C 31.B 56.A 81.C
7.B 32.A 57.C 82.A
8.A 33.B 58.A 83.A
9.pagbilis ng 34.C 59.D 84.B
pagdadala ng kalakal
10.B 35.A 60.C 85.D
11.A 36.B 61.A 86.A
12.B 37.A 62.DEPED 87.B
13.A 38.A 63.B 88.C
14.A 39.B 64.C 89.A
15.D 40.C 65.B 90.pagbibigay
trabaho
16.B 41.A 66.D 91.B
17.C 42.B 67.A 92.B
18.D 43.C 68.D 93.A
19.A 44.C 69.A 94.A
20.D 45.D 70.C 95.A
21.A 46.B 71.A 96.A
22.A 47.B 72.B 97.B
23.paglilingkod ayon sa 48.D 73.A 98.lalawak ang
kakayahan ugnayan
24.kailangan – A 49.B 74.D 99.B
kagustuhan-B,C,D,E
25.A 50.A 75.C 100.C

18

You might also like