You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
Division of Ilocos Norte
SARRAT NATIONAL HIGH SCHOOL
Sarrat

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 9: EKONOMIKS

Name: ______________________________________________________ Year & Section: __________________ Score: __________

I. Isulat ang titik ng pinakatamang sagot bago ang numero.


1. Ang sumusunod ay ang mga salik na maaaring makatulong sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa maliban sa :
A. Likas na yaman B. yamang – tao C. teknolohiya D. kalakalan
2. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng konsepto ng kaunlaran?
A. Hindi ganap na maipakikita ng paglago ng ekonomiya ang pag-unlad ng bansa.
B. Sa mga OFWs lamang nabubuhay ang ekonomiya ng bansa.
C. Ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay nangangahulugan rin ng pagtaas ng kalidad ng pamumuhay ng mga
mamamayan.
D. Isang mabisang sukatan ng kaunlaran ang mga tradisyunal na panuka gaya ng GDP.
3. Isa ang korapsiyon sa itinuturong dahilan ng kahirapan ng bansa. Paano kumikilos ang mga Pilipino upang labanan ang hamong
dulot nito?
A. Mulat ang mga Pilipino sa mga anomalya at korapsiyon kaya’t ipinaglalaban nila kung ano ang tama at nararapat.
B. Hinahayaan na lamang ng mga Pilipino na ang pamahalaan at ang mga hukuman ang umusig sa mga tiwaling opisyal ng
gobyerno.
C. Idinadaan nila sa samu’t saring rally at protesta ang kanilang mga saloobin ukol sa talamak na korapsiyon sa bansa.
D. Ipinagsasawalang-kibo na lamang ng mga mamamayan ang mga maling nagaganap sa ating bansa.
4. Bilang isang mamamayang Pilipio, may obligasyon din tayong dapat gawin upang makatulong sa pag-abot sa kaunlaran. Bilang
isang mag-aaral, ano ang maari mong gawin upang makatulong sa bansa?
A. Tangkilikin ang mga produktong gawang Plipino.
B. Maging mapagmasid sa mga nangyayari sa lipunan.
C. Maging aktibo sa pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa paaralan at sa komunidad.
D. Wala sa nabanggit.
5. Sa anong sector nabibilang ang mga produktong primarya, o mga likas na produkto at hilaw na sangkap na galing sa kalikasan at
hindi pa dumadaan sa pagproproseso?
A. agrikultura B.industriya C. pangangalakal. D. serbisyo
6. Ang lahat maliban sa isa ay ahensiya ng pamahalaan na tumutulong sa pagpapaunlad ng agrikultura
A. BFAR. B. DENR. C. Department of Agriculture. D. World Trade Organization
7.Magkaugnay ang sektor ng agrikultura at industriya dahil _____________.
A. Hindi magagawa ng agrikultura ang gawaing industriyal
B. Sa agrikultura nagmumula ang sagkap na binubuo sa industriya
C. Tagatustos ng salapi ang industriya sa agrikultura
D. Ipinauubaya ng agrikultura ang lahat ng gawain sa industriya
8. Alin sa sumusunod ang hindi nabibilang sa sektor ng agrikultura?
A. Pangingisda B. paggugubat C. paghahayupan D. pagmimina
9. Ang madaling pagkasira ng mga produktong agrikultural ang isa sa mga pangunahing suliraning kinakaharap ng sektor ng
agrikultura. A. Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka.
B. Kawalan ng mga konsyumer sa pamilihan.
C. Likas sa mga Pilipino ang pagiging tamad.
D. Kawalan ng maayos na daan patungo sa pamilihan.
10. Bakit mahalaga ang repormang agraryo ng pamahalaan para sa mga magsasaka?
A. nabibigyang-pansin ang mga magsasaka sa pamamagitan ng maayos na sistema ng pautang, mga proyektong pang-
imprastruktura, redistribusyon ng lupa, at iba pa.
B. Nagkakaroon ng sariling lupang sakahan ang mga magsasaka.
C. Natutugunan ng pamahalaan ang mga hinaing at problema ng sektor ng agrikultura.
D. Lahat ng nabanggit.
Para sa bilang 8,suriin ang sumusunod na datos at sagutin ang tanong sa ibaba nito.
Talahanayan 2
Distribusyon ng mga Sektor ng Pang-ekonomiya
2005 – 2010 (in Million Pesos)
SEKTOR 2005 2006 2007 2008 2009 2010
Agrikultura 778,370 853,718 943,842 1,102,465 1,138,334 1,182,374
Industriya 1,735,148 1,909,434 2,098,720 2,347,803 2,318,882 2,663,497
Paglilingkod 2,930,521 3,268,012 3,606,057 3,959,102 4,221,702 4,667,166
11.Lubhng napakayaman ng bansa kung likas na yaman lamang ang pagbabatayan. Ngunit kapansin-pansin sa mga datos sa itaas na
ang sektor ng agrikultura ang may pinakamaliit na ambag sa ekonomiya ng bansa mula 2005-2010. Ano ang nais ipahiwatig nito?
A. Kulang ang mga programa at proyektong tutulong sa sector ng agrikultura.
B. Mas binibigyang-pansin ng pamahalaan ang sector ng industriya at serbisyo.
C. Kulang ang suporta na tinatanggap ng mga magsasakang Pilipino.
D. Lahat ng nabanggit.
12. Alin sa sumusunod na sektor ang namamahala sa pagpoproseso ng mga hilaw na materyal upang ito ay maging isang produkto?
A. Paglilingkod B. impormal na sector C. agrikultura D. industriya
13. Alin sa mga sumusunod ang suliraning sa sektor industriya?
A. Kakulangan ng mga pasilidad at imprastraktura sa kabukiran. C. Pagkaubos ng likas na yaman
B. Kakulangan ng suporta ng iba pang sektor D. Kakulangan ng pondo o capital ng mga namumuhunan
14. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga sector ng agrikultura at industriya sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Alin sa
sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng epektibong ugnayan ng dalawang sector?
A. Ang mga hilaw na materyales na nagmumumula sa sektor ng agrikultura ay lubhang mahalagang sangkap sa sektor
industriya upang gawing panibagong uri ng produkto.
B. Sa malalawak na lupain nagaganap ang mga produksiyon ng agrikultura samantalang ang industriya ay sa mga bahay-
kalakal.
C. Ang magsasaka ang pangunahing tauhan ng agrikultura samantalang ang mga entreprenyur naman ang kapitan ng
industriya.
D. Ang industriya ay gumagamit ng mga makinarya samantalang ang agrikultura ay nanatili sa tradisyonal na pamamaraan ng
pagsasaka.
15. Alin sa sumusunod na pahayag ng nagpapakita ng limitasyon ng industriyalisasyon?
A. Ang malawakang paggamit ng inobasyon katulad ng mga makinarya ay nakaapekto sa pagkakaroon ng hanapbuhay para sa
mga manggagawa.
B. Ang mga makabagong teknolohiya ay nakatutulong sa paggawa ng mas maraming produkto at serbisyo.
C. Nakatutulong sa pagbabayad ng utang panlabas ng bansa bunga na rin ng matas na pambansang kita.
D. Unti-unting nasisira ang kapaligiran dulot ng polusyon at masyadong mabilis na industriyalisasyon.
16. Ano ang tungkulin ng sektor ng paglilingkod?
A. Sinsuplayan nito ng pagkain at mga hilaw na sangkap ang mga industriya.
B. Namamahala ang sektor na ito sa sa pagproproseso ng mga hilaw na material upang ito ay maging isang produkto.
C. Ito ang sektor na lumilikha ng serbisyo para sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa
D. Nangangalaga ito ng pagpapalitan ng mga kalakal at serbisyo sa loob at labas ng bansa.
17. Ang sektor ng paglilingkod ay binubuo ng sumusunod maliban sa:
A. Kalakalang pakyawan at pagtitingi C. sektor sa pananalapi
B. Serbisyong pampamayanan, panlipunan, at personal D. pagmimina
18. Alin sa sumusunod na pangungusap ang dahilan kung bakit patuloy pa ring problema ng kontraktuwalisasyon sa bansa?
A. Mas makatitipid ang mga kompanya kung ang mga manggagawa ay kontraktuwal dahil wala silang mga benepisyo tulad ng
SSS at PhilHealth.
B. Maliit lamang ang gastusin ng mga kompanya sa mga manggagawang kontraktuwal.
C. Hindi maaaring tumanggi ang mga manggagawang kontraktuwal sa mga overtime na trabaho lalo na sa mga peak season.
D. Lahat ng nabanggit
19. Gaano kahalaga ang papel na ginagampanan ng sektor ng paglilingkod?
A. Sila ang namumuhunan sa mga bahay-kalakal.
B. Sila ang nagk kaloob ng lakas-paggawa, kasanayan, kaalaman, at serbisyo.
C. Sila ang dahilan upang magkaroon ng opurtunidad sa pagkakaroon ng trabaho sa isang bansa.
D. Larawan sila ng mataas na antas ng pamumuhay sa isang bansa.
20. Alin sa sumusunod na sektor ang hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa
pagnenegosyo?
A. Agrikultura B. impormal na sector C. industriya D. paglilingkod
21. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng positibong epekto ng paglaganap ng impormal na sektor?
A. Ipinapakita nito ang pagiging mapamaraan ng mga Pilipino upang tugunan ang pangangailangan sa kabila ng krisis sa buhay.
B. Sumasalamin ito sa paglaganap ng backyard industries.
C. Ito ay larawan ng pagiging industriyalisado ng bansa.
D. Maraming mamamayan ang umasa na lamang sa pamahalaan.
22. Ang sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng mga bunga ng pamimirata sa bansa maliban sa :
A. Kakulangan ng komprehensibong kampanya sa mga tao ukol sa masasamang bunga nito
B. Kakulangan ng trabaho sa bansa
C. Kakulangan ng mahigpit na pagpapatupad ng mga batas na laban sa pamimirata.
D. Pagnanais ng ilang negosyante na kumita nang malaki kahit sa illegal na pamamaraan.
23. Ang mga bansa ay makikinabang sa isa’t isa ayon sa konsepto ng comparative advantage. Alin sa sumusunod na paraan sila
makikinabang?
A. Kasunduang multilateral C. espesyalisasyon at kalakalan
B. Trade embargo at quota D. sabwatan at kartel
24. Alin sa sumusunod na pangungusap ang pinakaakmang dahilan ng pakikipagkalakalan ng mga bansa sa daigdig?
A. Abot-kamay na ang angkat na produkto sa lokal na pamilihan.
B. Upang dumami ang mga produktong imported na maaaring gayahin o kopyahin.
C. Madaraagdagan ang pantugon ng mga panustos para sa pangangailangan ng lokal na ekonomiya
D. Maipagmamalaki ang kanilang produkto sa pandaigdigang pamilihan
25. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paghina ng kalakalang lokal at panlabas ng mga bansang naapektuhan ng
globalisasyon.
A. Ang pagkakaroon ng mga surplus sa mga pamilihan
B. Ang patuloy na paglawak ng mga korporasyong transnasyonal
C. Ang mas malayang pagdaloy ng puhunan at kalakal sa mga bansa
D. Ang pagbabago sa kabuuang pamumuhay ng mamamayan.
26. Ang balance ng kalakalan ay mabuti kapag ____________.
A. Ang iniluluwas ay higit na malaki sa inaangkat C. pantay ang dami ng iniluluwas sa inaangkat
B. Ang inaangkat ay higit na malaki sa iniluluwas D. wala sa mga nabanggit
27. Ipapalagay na turista ka sa Thailand. Bumili ka ng pagkaing nagkakahalaga ng 1,000 baht. Ang kasalukuyang antas ng palitan ay
200 baht bawat 1 dolyar. Magkano ang halaga sa dolyar ng pagkaing binili mo?
A. $0.50 B. $2 C. $5 D. $20

You might also like