You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Ikaapat na Markahan sa Araling Panlipunan

Pangalan: ______________________________________________________ Iskor: __________________


Seksyon: _______________________________________________________ Petsa: _________________

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ang sagot sa patlang.
______1. Ayon sa kanya ang pagsulong ay nakikita at nasusukat.
a. F.Fajardo b. S. Smith c. M.Todaro d. Webster
_____ 2. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng pagsulong, maliban sa:
a. gusali b. kalsada c. bangko d. mababang GNP
_____ 3. Ayon kay Amartya Sen ang kaunlaran ay matatamo kung _________.
a. mapapaunlad ang yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa yaman ng ekonomiya nito.
b. bibigyang pansin ang pagtanggal sa mga ugat ng kawalang kalayaan tulad ng kahirapan at diskriminasyon
c. uunahing palaguhin ang mga kompanyang nagmula sa abroad
d. A at B
_____ 4. 1. Sektor ng ekonomiya na nauukol sa paghahalaman at pag-aalaga ng hayop.
a. Agrikultura b.Industriya c. Impormal d. Impormal
_____ 5. Ang Impormal na sektor ay tinatawag na underground economy at black economy sapagkat ito ay ang
ekonomiyang nakatago at ilegal, ang halimbawa sa mga transaksyon nito ay ang:
a. Pag-aalaga ng iba’t-ibang uri ng hayop c. Pagbibili ng mga pribadong sektor ng mga korporasyon
b. Maling pagdedeklara ng buwis d. Pakikipagkalakalan sa labas ng bansa
_____ 6. Kabilang sa sektor na ito ang mga taong naghahanapbuhay o kasali sa mga gawaing pang-ekonomiko na labag
sa batas.
a. Impormal b. Industriya c. Agrikultura d. Pangangalakal
_____ 7. Ang NFA ay isa sa mga ahensya ng gobyerno na tumutulong sa sektor ng agrikultura. Alin sa mga sumusunod
angginagampanan ng ahensyang nito?
a. Nagbibigay ng pondo upang matugunan ang pangangailangan ng agrikultura.
b. Tumutulong sa pag-aangkat ng mga buto ng iba’t-ibang uri ng halaman upang gawing pananim.
c. Bumibili ng mga ani ng mga magsasaka sa tamang presyo.
d. Tagatambak ng maraming bigas para sa pangangailangan ng mamamayan.
_____ 8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga kahalagahan ng sektor ng agrikultura?
a. Nagsisilbing “market” o pamilihan ng mga produkto sa industriya.
b. Pangunahing pinagmumulan ng hanapbuhay.
c. Nagbibigay ng maraming kaalaman sa mga manggagawa.
d. Pinagkukunan ng pagkain at material sa mga industriya.
_____ 9. Ang patakarang pang-ekonomiyang communism ay unang iminungkahi ni:
a. Adam Smith b. Thomas Maltus c. David Ricardo d. Karl Marx
_____ 10. Bakit nakakatulong ang pag-aanunsyo sa pagkonsumo ng isang produkto?
a. Sapagkat ang produkto ay kailangan ng mga tao.
b. Sapagkat nahihikayat nito ang mga tao na tangkilikin ang produkto dahil sa mga impormasyon nito.
c. Sapagkat nakakatulong ito upang mapabatid sa lahat na mayroon silang ganung produktong binebenta.
d. Sapagkat ito’y nakakatulong sa paglago ng ekonomiya dahil sa kita ng endorsement sa pag-aanunsyo.
_____ 11. Bakit pilit pinupuksa ng pamahalaan ang impormal na gawain kahit ito ay nakakatulong sa kabuuang GNP
ng bansa?
a. Dahil ito ay nakakapagpataas ng kriminalidad sa bansa.
b. Dahil hindi nito natutugunan ang pangangailangan ng maraming mamamayan.
c. Dahil nakakatulong ito sa pagpasok ng mga produkto mula sa ibang bansa.
d. Dahil mas tinatangkilik ang mga produktong yari sa impormal kaysa sa pormal naekonomiya.
_____ 12. . Ito ay tumutukoy sa halaga ng mga produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng bansa kasama ang ginawa ng
mga dayuhan.
a. Gross National Product b. Patakarang Piskal c. Gross Domestic Product d. Alokasyon
_____ 13. Ito ay anyo ng impormal na sektor na bumubuo sa mga gawaing ipinagbabawal ng batas subalit ginagawa ng
mga tao.
a. Counter-trade b. Ilegal na ekonomiya c. Di-nakarehistro d. Di-nakatalang ekonomiya
_____ 14. Ang mga sumusunod ay mga sector na bumubuo sa sector ng agrikultura maliban sa isa, alin ito?
a. Paghahayupan b. Paghahalaman c. Pangisdaan d. Pagmamanupaktura
_____ 15. Ang sektor ng pangangalakal ay isa sa mahalagang sektor ng ekonomiya ng isang bansa. Alin sa mga
sumusunod angkahalagahan ng sektor na ito sa mga mamamayan ganun din sa iba pang sektor ng ekonomiya?
a. Ito ay nakapagbibigay ng malayang transaksyon ng hanapbuhay sa labas at loob ng bansa.
b. Nakakatulong ito sa pagbibili ng mga produkto na yari sa sarili nating bansa.
c. Natutugunan nito ang pangangailangan ng mga mamamayan.
d. Nagbibigay ito ng hanapbuhay sa maraming manggagawa at nakakatulong sa pagbibili ng mga produktong
industriyalat agrikultural
_____ 16. Ang Impormal na sektor ng ekonomiya ay ang mga gawaing nakatago at mga hindi nakatala samakatuwid,
may tuwiranbang pakinabang ang pamahalaan sa sektor na ito?
a. Meron, sapagkat nakapagbibigay ito ng mga produkto na kinakailangan ng mga ordinaryong mamamayan.
b. Meron, sapagkat ito ay nakakapagbigay ng buwis sa pamahalaan.
c. Hindi, sapagkat hindi naman ito kasali sa pagtataya ng kabuuang GDP ng bansa.
d. Hindi, sapagkat hindi nakakakolekta ang pamahalaan ng buwis na pantugon sana sa pangangailangan ng bansa.
_____ 17. Kung ikaw ay isa sa mga magiging opisyales ng pamahalaan na nangangalaga sa agrikultura, ano ang iyong
gagawin upangmaisaayos ang kalakarang agrikultural ng bansa?
a. Magtutuon sa mga sektor ng agrikultura na nagbibigay ng malaking kita sa bansa.
b. Magbibigay ng malaking pondo para sa sektor na ito.
c. Mag-aaral at makikipagtulungan sa iba pang eksperto kung paano mapaunlad ng bansa.
d. Hahayaan na lamang sa mga agriculturist ang desisyon para sa agrikultura ng bansa.
_____ 18. Paano nakakatulong ang sektor ng agrikultura upang makakuha ng kita mula sa labas ng bansa?
a. Nagsusuplay ang sektor na ito ng karagdagang pondo tulad ng kapital o lakas-paggawa sa ibang sektor ng
ekonomiya.
b. Sinusuplayan ng agrikultura ang pagkain at iba pang pangangailangan ng mga tao.
c. Pangunahing iniluluwas ng mga umuunlad na bansa ang mga produktong agrikultural upang madagdagan ang kita.
d. Nakakapangutang ang sektor ng agrikultura sa ibang bansa upang pantustos sa pangangailangang pang-agrikultural
namakakatulong sa paglago ng ekonomiya.
_____ 19. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na tumulong sa pagsagip sa kalikasan, ano ang iyong gagawin?
a. Magtatanim ng maraming puno upang maibalik ang mga nawalang puno sa kagubatan.
b. Sasali sa mga pambansang kilusan na laban sa illegal na pagtotroso.
c. Magtatanim ng maraming bakawan upang maging alternatibo sa mga puno na nawala.
d. Maglilinis ng kapaligiran at magtatapon ng basura sa tamang tapunan nito.
_____ 20. Ito ay tumutukoy sa industriya ng pagtatayo ng mga gusali, pagawaan, pabrika at iba pang istruktura.
a. Pagmimina c. Elektrisidad, Gas at Tubig
b. Pagmamanupaktura d. Konstruksyon
_____21. Ang mga sumusunod ay ang mga bumubuo sa sektor ng industriya maliban sa isa, alin ito?
a. Konstruksyon c. Pagmamanupaktura
b. Pangisdaan d. Elektrisidad, Gas at Tubig
_____22. Alin sa mga sumusunod ang hindi anyo ng Impormal na sektor ng ekonomiya?
a. Counter-trade c. Hangaring kumita
b. Di-nakarehistro d. Ilegal na Ekonomiya
_____23. Ito ay isa sa mga dahilan ng impormal na gawain na umukol sa ilang mga tauhan ng pamahalaan na
nagkukulang sapagpapatupad ng kanilang tungkulin.
a. Mga batas at regulasyon c. Mga ahensya ng pamahalaan
b. Ilegal na ekonomiya d. Hangaring kumita
_____24. Ito ay ahensya ng pamahalaan na gumagabay sa mga lokal at dayuhang mangangalakal sa pagtatatag ng
negosyo at ito rinang nangangalaga sa mga mamimili.
a. DTI b. BIR c. BFAR d. PEZA
_____25. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga ahensya ng pamahalaan na nangangalaga sa sektor ng
agrikultura?
a. Department of Environment and Natural Resources c. Department of Public Works and Highways
b. Mines and Geo-Sciences Bureau d. Department of Agriculture
_____26. Upang malutas ang mga suliranin sa agrikultura tulad ng pagkaubos ng kagubatan at mga lamang dagat, alin
sa mgasumusunod ang dapat gawin ng pamahalahaan para malutas ang mga ito?
a. Bibigyan ng malaking budget ng pamahalaan ang sektor ng agrikultura.
b. Magtatatag ng mga ahensya at programa na tutulong sa sektor na ito.
c. Magsasagawa ng isang kampanya upang humikayat na pangalagaan ang agrikultura.
d. Magbibigay ng maraming pananim at binhi ng mga isda sa mga mamayan upang alagaan.
_____27. Kung ikaw ay magiging isa sa mga opisyales ng pamahalaan, alin sa mga sumusunod ang gagawin mo upang
maiwasan anglalong pagdami ng impormal na gawain?
a. Maggagawa ng maraming batas laban sa mga gumagawa ng impormal na gawain.
b. Mas pagbubutihin ang trabaho at magiging tapat upang masugpo ang mga gumagawa ng mali.
c. Magbubuo ng mas marami pang ahensya na tutulong sa pagpuksa ng mga ito.
d. Hahayaan na lamang dahil nakakatulong naman sila sa ekonomiya ng bansa.
_____28. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga uri ng industriya.
a. Industriya sa Sambahayan c. Industriya sa Bahay-Kalakal
b. Maliliit at Katamtamang-laking Industriya d. Malaking Industriya
_____29. Ito ay ang mga pinagsanib na programa upang mapaunlad ang land tenure at maiayos ang mga hadlang na
nagpapabagal sapag-unlad ng agrikultura.
a. Repormang agraryo c. Comprehensive Land Reform Program
b. Repormang pang-agrikultura d. Encomienda
_____30. Kung ang sektor ng agrikultura ang nagkakaloob ng mga hilaw na sangkap, ano naman sa mga sumusunod
ang papel naginagampanan ng sektor ng ng industriya sa cycle naugnayan nya sa agrikultura?
a. Ipapadala sa ibang bansa ang mga yaring produkto.
b. Gagamitin ng industriya ang mga hilaw na sangkap upang lumikha ng yaring produkto.
c. Babayaran ang agrikultura para sa mga hilaw na sangkap nito.
d. Lalapit sa pamahalaan upang pagdesisyunan ang tungkol sa mga hilaw na produkto ng agrikultura.
_____31. Alin sa mga sumusunod ang isinasaad ng Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP?
a. Ipapamahagi ang mga pampubliko at pampribadong mga lupaing agrikultural anuman ang tanim at tenyur nito.
b. Ipapamahagi ang mga malalaking ektarya ng mga pampribadong lupain na hindi nakarehistro sa gobyerno.
c. Ipapamahagi ang mga pampublikong mga lupain para sa mga magsasakang matagal ng nagsasaka sa lupaing iyon.
d. Ipapamahagi ang mga pampubliko at pampribadong lupain kung magbabayad ang mga magsasaka ng 25% sa may
aring lupaing ito.
_____32. . Ang mga sumusunod ay ang mga inilunsad na repormang panlupa sa kasaysayan ng Pilipinas, alin sa mga
sumusunod anghindi kabilang sa mga patakarang inilunsad noong panahon ng mga Español?
a. Caciquismo b. Encomienda c. Corregimiento d. Inquilinato
_____33. Ano ang papel na ginagampanan ng Department of Trade and Industry sa industriya ng bansa?
a. Nagtatala o nagrerehistro sa mga kompanya sa bansa.
b. Tinutulungan nito ang mga nagsisimulang industriya.
c. Gumagabay sa mga lokal at dayuhang mangangalakal sa pagtatatag ng negosyo.
d. Naghihikayat sa mga dayuhan na mamuhunan na magnegosyo sa bansa. Alin sa mga sumusunod na ahensya na
tumutulong sa sektor ng agrikultura ang walang kinalaman sa pagtatanim?
a. NFA b. PhilRice c. DA d. BFARKEM
_____34. Ang paggamit ng droga ay isang halimbawa ng mapanganib na pagkonsumo, alin sa mga sumusunod ang
halimbawa namanng tuwirang pagkonsumo?
a. Pag-inom ng tubig c. Paggamit ng cellphone
b. Paggamit ng sinulid at tela sa paggawa ng damit d. Pagkain ng toblerone
_____35. Ang NFA ay isa sa mga ahensya ng gobyerno na tumutulong sa sektor ng agrikultura. Alin sa mga
sumusunod angginagampanan ng ahensyang nito?
a. Nagbibigay ng pondo upang matugunan ang pangangailangan ng agrikultura.
b. Tumutulong sa pag-aangkat ng mga buto ng iba’t-ibang uri ng halaman upang gawing pananim.
c. Bumibili ng mga ani ng mga magsasaka sa tamang presyo.
d. Tagatambak ng maraming bigas para sa pangangailangan ng mamamayan.
_____36.Ang mga sumusunod ay ginagamit panukat sa antas ng pag-unlad ng isang bansa, maliban sa:
a. GDP b. GNP c. Human Development Index d. Dami ng manggagawa
_____37.Ilang taon ang itinakdang bilang ng expected years of schooling ng UNESCO?
a. 12 b.15 c. 18 d.20
_____38. Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang mga
mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao.
a.UNESCO b. DENR c. HDI D. GNP
_____39.Sino ang nagpasimula ng Human Development Report?
a.Mahbub ul Haq b. Fajardo c. John Morton d. Mark Shrug
_____40.Ang mga sumusunod ay mga salik na nakakatulong sa pagsulong ng ekonomiya, maliban sa:
a. Likas na yaman b. Yamang-tao c. Kapital at Teknolohiya d. Input
_____41. Sino ang may-akda ng Economic Development ?
a.Todaro at Smith b. Fajardo c. John Morton d. Mark Shrug
_____42. Ano ang kahalagahan ng HDI o Human Development Index?
a. ito ay pamantayan upang masukat ang pagbaba ng ekonomiya ng bansa
b. ito ay pamantayan upang masukat ang dami ng mga bagong gusali
c. ito ay pamantayan upang masukat ng pag-unlad ng bansa
d. ito ay pamantayan upang masukat ang bilang mga mga sanggol na ipinapanganak kada araw
_____43. Palatandaang ginagamit upang masukat ang kahirapan sa mga bansang kasapi ng UN
a.HDRO b. HDI c. GDP d.Multidimensional Poverty Index
_____44.Sangay ng UN na naglalabas ng ulat tungkol sa estado ng Human Development sa mga kasaping bansa.
a. UNDP b. HDRO c. HDI d. GDP
_____45.Upang ang mga indibidwal ay makatulong sa pamahalaan na magkaroon ng sapat na halagang magagamit sa
serbisyong panlipunan, ano ang iyong dapat na gawin?
a. Tamang pagbabayad ng buwis c.Mailahok sa pamamahala ng bansa
b. Tamang pagboto d.Pagnenegosyo
_____46. Ano ang gagawin upang malabanan ang mga anomaly at korapsyon maliit man o malaki sa lahat ng
aspektong panlipunan?
a. magnegosyo c. sumali sa kooperatiba
b. makiaalm d. pagtangkilik sa produktong Pinoy
_____47. Ito ay ang pagsama-sama ng puhunan ng mga kasapi upang magtayo ng negosyo na papakinabangan ng mga
kasapi.
a. kooperatiba b. sole proprietor c.negosyo d. wala sa nabanggit
_____48. Ugaliing pag-aralan ang mga programang pangkaunlaran ng mga kandidato bago pumili ng mga iboboto.
a.pagnenegosyo b. pakikilahok sa pamamahala sa bansa c. makialam d. tamang pagboto
_____49.Ang yaman ng bansa ay mawawwala kung tinatangkilik ang mga imported na produkto. Ano ang dapat mong
gawin upang hindi mamatay ang mga produktong Pinoy?
a. ibenta sa Pilipinas ang mga branded na damit
b. ipamigay sa mga nangangailangan ang mga imported goods
c. tangkilikin ang mga produktong gawang Pinoy
d. wala sa nabanggit
_____50. Ilan ang tinatayang isla sa Pilipinas?
a. 8,000 b.7,000 c. 7,100 d.10,000
_____51.Ito ay tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri mula sa iba’t-ibang uri ng tubig
pangisdaan.
a. Aquaculture b. Munisipal c. Komersiyal d.Pangingisda
_____52. Ito ay programa ng pamahalaan na naglalayong ituro ang teknolohiya sa mga mamamayan ng wastong
paglinang sa likas na yaman ng bansa.
a. TESDA b. CLASP c.NIPAS d. CARP
_____53. Ito ay sistemang Torrens sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano na kung saan ang mga titulo ng lupa
ay ipinatala.
a. Public Land Act ng 1902 b. P.D no. 27 c. R.A 1160 d. Land Registration Act
_____54. Ayon sa batas na ito maaaring mag may-ari ng lupa ang mga pamilyang nagbubungkal nito ngunit hindi ito
hihigit ng 16 na ektarya.
a. Public Land Act ng 1902 b. P.D no. 27 c. R.A 1160 d. Land Registration Act
_____55. Ito ang batas na nagbibigay proteksyon laban sa pang-aabuso, pangsasamantala at pandaraya ng mga may-ari
ng lupa sa mga manggagawa.
a. R.A 1160 b. R.A 1190 c. Public Land Act d. Land Registration Act
_____56.Ang batas na ito ay mas kilala bilang CARL na inaprobahan ni dating Pangulong Cory.
a.atas ng pangulo blg. 25 b. R.A 163 c. R.A 1902 d.R.A 6657
_____57. Ito ay ang programa na ang pangunahing layunin ay maingatan at protektahan ang kagubatan.
a. CLASP b. NIPAS c. Sustainable Forest Management d. TESDA
_____58.Ito ang pananaliksik at pagtingin sa potensyal ng teknolohiya tulad ng aquaculture marine resources
development, at post harvest technology.
a.Pagtatayo ng mga daungan b. Phil. Fisheries Code c. Fishery Research d. A at B
_____59.Ito ay sekondaryang sector na kung saan ang mga metal, di-metal, at enerhiyang mineral ay kinukuha upang
gawing produkto.
a.Pagsasaka b. Pangingisda c. Pagmimina d. Pagtotroso
_____60.Kabilang dito ang mga gawaing tulad ng pagpapatayo ng mga gusali, estraktura at iba pang land
improvements.
a. Konstruksyon b. Utilities c. Pagmamanupaktura d. Pagtotroso
_____61. Mga gawaing may kaugnayan sa pagpapalitan ng iba’t-ibang produkto at paglilingkod.
a. Pananalapi b. Paglilingkod ng pampubliko c. Real Estate d. Kalakalan
_____62. Lahat ng paglilingkod na ipinagkaloob ng pamahalaan.
a.Panglilingkod sa Pampubliko c. Paglilingkod ng Pampribado
b. Pananalapi d. Kalakalan
_____63.Napapabilang ditto ang mga paupahan tulad ng mga apartment, mga developer ng subdivision, town house at
condominium.
a. Real Estate b. Pananalapi c. Kalakalan d. Transportasyon
_____64. Ang mga ay di- mabuting epekto ng Industriyalisasyon, maliban sa:
a.mataas na antas ng polusyon
b.pagbaba ng pagkakaisa sa mga miyembro ng komunidad dahil sa lakas ng kompetisyon
c. hindi pantay na kalagayang pang-ekonomiko
d. napapabilis ang paggawa ng output
_____65. Ang mga sumusunod ay mga kahinaan ng sector ng Industriya, maliban sa:
a. Policy Inconsistency c. Inadequate Investment
b. Macroeconomic Volatity d. Polusyon

II. Ibigay ang mga hinihiling.

(1-5) Ibigay ang 5 kahalagahan ng Agrikultura


(6-11) Anu-ano ang mga batas tungkol sa sector ng Agrikultura
(11-15) Ang sector ng Industriya ay nahahati sa 4 na sekondaryang sector, anu-ano ang mga ito?

III. Isulat ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng


katotohanan at MALI kung ang pangungusap ay walang katuturan.
_____ 1. Sa tulong ng teknolohiya nagagamit ng mas episyente ang mga pinagkukunang yaman.
_____ 2.Ang HDI o Human Development Report ay pinasimulan ni Cory Aquino.
_____ 3.Ang TESDA ay nagsusulong ahensya ng Gobyerno na tumutulong sa mga mamamayan upang sanayom at
paunlarin ang kasanayan ng mga manggagawa sa bansa.
_____ 4. Ang CHED ang sumusubaybay sa mga propesyonal upang matiyak ang kahusayan sa paghahatid ng mga
serbisyong propesyunal sa bansa.
_____5. Ang Holiday Pay ay tumutukoy bayad ng mga manggagawa na katumbas ng isang araw na sahod kahit hindi
pumasok sa araw ng pista opisyal.
_____6. Ang mga manggagawa na nakapaglingkod nang hindi bababa sa 1 taon ay dapat magkaroon ng service
incentive leave na 15 na araw.
_____7. Mayroong karagdagang bayad sa trabaho ng lampas oras.
_____8.Ang DOLE ay ang ahensyang tumutulong sa mga biktima ng karahasan
_____9.Bilang isang manggagawa kailangan ay mayroon kang mga benepisyo tulad ng SSS, Philhealth at Pag-ibig
_____10. Hindi maaaring kumuha ng paternity leave ang isang tatay kung ang kanyang asawa ay nakakuha na ng
maternity leave.

IV. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na Acronym


1. DOLE
_______________________________________________________________________________________________

2. TESDA
_______________________________________________________________________________________________

3. PRC
_______________________________________________________________________________________________

4. OWWA
_______________________________________________________________________________________________

5.POEA
_______________________________________________________________________________________________

6. CHED
_______________________________________________________________________________________________

7.SSS
_______________________________________________________________________________________________

8.CLASP
_______________________________________________________________________________________________

9. NIPAS
_______________________________________________________________________________________________

10.NSO
_______________________________________________________________________________________________

You might also like