You are on page 1of 5

DEPARTMENT OF EDUCATION REGION X

MAHABANG PAGSUSULIT SA AP 9 (Ekonomiks)


Pangalan:_____________________________________ Pangkat:_______________
Petsa:_____________
Panuto:Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Sektor ng ekonomiya na nauukol sa paghahalaman at pag-aalaga ng hayop.
a. Agrikultura b. Impormal c. Industriya d. Pangangalakal
2. Ang Impormal na sektor ay tinatawag na underground economy at black economy sapagkat
ito ay ang ekonomiyang nakatago at ilegal, ang halimbawa sa mga transaksyon nito ay ang.
a. Pag-aalaga ng iba’t-ibang uri ng hayop b. Maling pagdedeklara ng buwis
c. Pagbibili ng mga pribadong sektor ng mga korporasyon
d. Pakikipagkalakalan sa labas ng bansa
3. Kabilang sa sektor na ito ang mga taong naghahanapbuhay o kasali sa mga gawaing pang-
ekonomiko na labag sa batas.
a. Impormal b.Industriya c. Agrikultura d. Pangangalakal
4. Ang Impormal na sektor ng ekonomiya ay ang mga gawaing nakatago at mga hindi nakatala
samakatuwid, may tuwiran bang pakinabang ang pamahalaan sa sektor na ito?
a. Meron, sapagkat nakapagbibigay ito ng mga produkto na kinakailangan ng mga ordinaryong
mamamayan.
b. Meron, sapagkat ito ay nakakapagbigay ng buwis sa pamahalaan.
c. Hindi, sapagkat hindi naman ito kasali sa pagtataya ng kabuuang GDP ng bansa.
d. Hindi, sapagkat hindi nakakakolekta ang pamahalaan ng buwis na pantugon sana sa
pangangailangan ng bansa.
5. Ang mga sumusunod ay mga sector na bumubuo sa sector ng agrikultura maliban sa isa, alin
ito?
a. Paghahayupan b. Pangisdaan c. Paghahalaman d. Pagmamanupaktura
6. Ang sektor ng pangangalakal ay isa sa mahalagang sektor ng ekonomiya ng isang bansa. Alin
sa mga sumusunod angkahalagahan ng sektor na ito sa mga mamamayan ganun din sa iba pang
sektor ng ekonomiya?
a. Ito ay nakapagbibigay ng malayang transaksyon ng hanapbuhay sa labas at loob ng bansa
.b. Nakakatulong ito sa pagbibili ng mga produkto na yari sa sarili nating bansa.
c. Natutugunan nito ang pangangailangan ng mga mamamayan.
d. Nagbibigay ito ng hanapbuhay sa maraming manggagawa at nakakatulong sa pagbibili ng mga
produktong industriyalat agrikultural.
7. Kung ikaw ay isa sa mga magiging opisyales ng pamahalaan na nangangalaga sa agrikultura,
ano ang iyong gagawin upangmaisaayos ang kalakarang agrikultural ng bansa?
a. Magtutuon sa mga sektor ng agrikultura na nagbibigay ng malaking kita sa bansa.
b. Magbibigay ng malaking pondo para sa sektor na ito.
c. Mag-aaral at makikipagtulungan sa iba pang eksperto kung paano mapaunlad ng bansa.
d. Hahayaan na lamang sa mga agriculturist ang desisyon para sa agrikultura ng bansa.
8. Paano nakakatulong ang sektor ng agrikultura upang makakuha ng kita mula sa labas ng
bansa?
a. Nagsusuplay ang sektor na ito ng karagdagang pondo tulad ng kapital o lakas-paggawa sa
ibang sektor ng ekonomiya.
b. Sinusuplayan ng agrikultura ang pagkain at iba pang pangangailangan ng mga tao.
c. Pangunahing iniluluwas ng mga umuunlad na bansa ang mga produktong agrikultural upang
madagdagan ang kita.
d. Nakakapangutang ang sektor ng agrikultura sa ibang bansa upang pantustos sa
pangangailangang pang-agrikultural namakakatulong sa paglago ng ekonomiya.
9. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na tumulong sa pagsagip sa kalikasan, ano ang iyong
gagawin?
a. Magtatanim ng maraming puno upang maibalik ang mga nawalang puno sa kagubatan.
b. Sasali sa mga pambansang kilusan na laban sa illegal na pagtotroso.
c. Magtatanim ng maraming bakawan upang maging alternatibo sa mga puno na nawala.
d. Maglilinis ng kapaligiran at magtatapon ng basura sa tamang tapunan nito.
10. Ito ay tumutukoy sa industriya ng pagtatayo ng mga gusali, pagawaan, pabrika at iba pang
istruktura.
a. Pagmimina b. Elektrisidad, Gas at Tubig
c.Pagmamanupaktura d. Konstruksyon
11. Ang mga sumusunod ay ang mga bumubuo sa sektor ng industriya maliban sa isa, alin ito?
a. Konstruksyon b. Pagmamanupaktura
c. Pangisdaan d. Elektrisidad, Gas at Tubig
12. Alin sa mga sumusunod ang hindi anyo ng Impormal na sektor ng ekonomiya?
a. Counter-trade b. Hangaring kumita
c. Di-nakarehistro d. Ilegal na Ekonomiya
13. Ito ay isa sa mga dahilan ng impormal na gawain na umukol sa ilang mga tauhan ng
pamahalaan na nagkukulang sapagpapatupad ng kanilang tungkulin.
a. Mga batas at regulasyon b. Mga ahensya ng pamahalaan
c. Ilegal na ekonomiya d. Hangaring kumita
14. Ito ay ahensya ng pamahalaan na gumagabay sa mga lokal at dayuhang mangangalakal sa
pagtatatag ng negosyo at ito rinang nangangalaga sa mga mamimili.
a. DTI b.. BFAR. c. BIR d. PEZA
15. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga ahensya ng pamahalaan na
nangangalaga sa sektor ng agrikultura?
a. DENR (Department of Environment and Natural Resources)
b. MGB (Mines and Geo-Sciences Bureau)
c. DPWH (Department of Public Works and Highways)
d. DA (Department of Agriculture)
16. Upang malutas ang mga suliranin sa agrikultura tulad ng pagkaubos ng kagubatan at mga
lamang dagat, alin sa mgasumusunod ang dapat gawin ng pamahalahaan para malutas ang mga
ito?
a. Bibigyan ng malaking budget ng pamahalaan ang sektor ng agrikultura
.b. Magtatatag ng mga ahensya at programa na tutulong sa sektor na ito.
c. Magsasagawa ng isang kampanya upang humikayat na pangalagaan ang agrikultura
.d. Magbibigay ng maraming pananim at binhi ng mga isda sa mga mamayan upang alagaan
17. Kung ikaw ay magiging isa sa mga opisyales ng pamahalaan, alin sa mga sumusunod ang
gagawin mo upang maiwasan anglalong pagdami ng impormal na gawain?
a. Maggagawa ng maraming batas laban sa mga gumagawa ng impormal na gawain.
b. Mas pagbubutihin ang trabaho at magiging tapat upang masugpo ang mga gumagawa ng mali
.c. Magbubuo ng mas marami pang ahensya na tutulong sa pagpuksa ng mga ito.
d. Hahayaan na lamang dahil nakakatulong naman sila sa ekonomiya ng bansa.
18. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga uri ng industriya.
a. Industriya sa Sambahayan b. Industriya sa Bahay-Kalakal
c. Maliliit at Katamtamang-laking Industriya d. Malaking Industriya
19. Ito ay ang mga pinagsanib na programa upang mapaunlad ang land tenure at maiayos ang
mga hadlang na nagpapabagal sapag-unlad ng agrikultura.
a. Repormang agraryo b. Comprehensive Land Reform Program
c. Repormang pang-agrikultura d. Encomienda
20. Kung ang sektor ng agrikultura ang nagkakaloob ng mga hilaw na sangkap, ano naman sa
mga sumusunod ang papel naginagampanan ng sektor ng ng industriya sa cycle naugnayan nya
sa agrikultura?
a. Ipapadala sa ibang bansa ang mga yaring produkto.
b. Gagamitin ng industriya ang mga hilaw na sangkap upang lumikha ng yaring produkto
c. Babayaran ang agrikultura para sa mga hilaw na sangkap nito
d. Lalapit sa pamahalaan upang pagdesisyunan ang tungkol sa mga hilaw na produkto ng
agrikultura.
21. Alin sa mga sumusunod ang isinasaad ng Comprehensive Agrarian Reform Program o
CARP?
a. Ipapamahagi ang mga pampubliko at pampribadong mga lupaing agrikultural anuman ang
tanim at tenyur nito
.b. Ipapamahagi ang mga malalaking ektarya ng mga pampribadong lupain na hindi nakarehistro
sa gobyerno.
c. Ipapamahagi ang mga pampublikong mga lupain para sa mga magsasakang matagal ng
nagsasaka sa lupaing iyon.
d. Ipapamahagi ang mga pampubliko at pampribadong lupain kung magbabayad ang mga
magsasaka ng 25% sa may aring lupaing ito
.22. Ang mga sumusunod ay ang mga inilunsad na repormang panlupa sa kasaysayan ng
Pilipinas, alin sa mga sumusunod anghindi kabilang sa mga patakarang inilunsad noong panahon
ng mga Español?
a. Caciquismo b. Corregimiento c. Encomienda d.
Inquilinato
23. Ano ang pagkakaiba ng sambahayan sa bahay-kalakal?
a. Ang sambahayan ang nagkakaloob ng mga hilaw na sangkap, samantalang ang bahay-kalakal
naman ang gumagamit samga hilaw na sangkap upang makabuo ng panibagong produkto.
b. Ang sambahayan ang bumibili ng mga produkto na yari sa bahay-kalakal na sila mismo ang
nagbebenta sa pamilihan
.c. Ang sambahayan ang gumagawa ng mga panibagong produkto na yari sa mga hilaw na
sangkap na ipinagkaloob ngbahay-kalakal upang matugunan ang pangangailangan ng mga tao.
d. Ang sambahayan ang nagbabayad sa lahat ng gastusin ng bahay-kalakal sa paglikha ng mga
produkto upang matugunanang pangangailangan ng sambahayan
24. Ano ang papel na ginagampanan ng Department of Trade and Industry sa industriya ng
bansa?
a. Nagtatala o nagrerehistro sa mga kompanya sa bansa
.b. Tinutulungan nito ang mga nagsisimulang industriya.
c. Gumagabay sa mga lokal at dayuhang mangangalakal sa pagtatatag ng negosyo.
d. Naghihikayat sa mga dayuhan na mamuhunan na magnegosyo sa bansa.
25. Alin sa mga sumusunod na ahensya na tumutulong sa sektor ng agrikultura ang walang
kinalaman sa pagtatanim?
a. NFA b. PhilRice c.DTI d.BFARKEM
26.Bakit mahalagang alamin ang kabuuang Gross National Product o GNP na umiiral sa
ekonomiya ng bansa?
a. Sapagakat ito ay ang pamantayan ng antas ng kaunlaran ng isang bansa.
b. Sapagkat ito ang pamantayan kung marami bang mga produkto ang nalikha sa loob ng isang
taon.
c. Sapagkat ito ang pamantayan kung tinangkilik ng mga dayuhan ang mga lokal nating mga
produkto.
d. Sapagkat ito ang pamantayan kung maayos bang napaghatian ang budget ng pamahalaan.
27. Ito ay anyo ng impormal na sektor na bumubuo sa mga gawaing ipinagbabawal ng batas
subalit ginagawa ng mga tao.
a. Counter-trade b. Ilegal na ekonomiya
c. Di-nakarehistro d. Di-nakatalang ekonomiya
28. Ito ay tumutukoy sa halaga ng mga produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng bansa kasama
ang ginawa ng mga dayuhan.
a. Gross National Product b. Patakarang Piskal
c. Gross Domestic Product d. Alokasyon
29 Bakit pilit pinupuksa ng pamahalaan ang impormal na gawain kahit ito ay nakakatulong sa
kabuuang GNP ng bansa?
a. Dahil ito ay nakakapagpataas ng kriminalidad sa bansa.
b. Dahil hindi nito natutugunan ang pangangailangan ng maraming mamamayan.
c. Dahil nakakatulong ito sa pagpasok ng mga produkto mula sa ibang bansa.
d. Dahil mas tinatangkilik ang mga produktong yari sa impormal kaysa sa pormal naekonomiya.
30. Ang paggamit ng droga ay isang halimbawa ng mapanganib na pagkonsumo, alin sa mga
sumusunod ang halimbawa namanng tuwirang pagkonsumo?
a. Pag-inom ng tubig b. Paggamit ng sinulid at tela sa paggawa ng damit
c. Paggamit ng cellphone d. Pagkain ng toblerone
31. Bakit nakakatulong ang pag-aanunsyo sa pagkonsumo ng isang produkto?
a. Sapagkat ang produkto ay kailangan ng mga tao.
b. Sapagkat nahihikayat nito ang mga tao na tangkilikin ang produkto dahil sa mga impormasyon
nito.
c. Sapagkat nakakatulong ito upang mapabatid sa lahat na mayroon silang ganung produktong
binebenta
.d. Sapagkat ito’y nakakatulong sa paglago ng ekonomiya dahil sa kita ng endorsement sa pag-
aanunsyo.
33. Ang NFA ay isa sa mga ahensya ng gobyerno na tumutulong sa sektor ng agrikultura. Alin sa
mga sumusunod ang ginagampanan ng ahensyang nito?
a. Nagbibigay ng pondo upang matugunan ang pangangailangan ng agrikultura
.b. Tumutulong sa pag-aangkat ng mga buto ng iba’t-ibang uri ng halaman upang gawing
pananim.
c. Bumibili ng mga ani ng mga magsasaka sa tamang presyo.
d. Tagatambak ng maraming bigas para sa pangangailangan ng mamamayan.
34. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga kahalagahan ng sektor ng agrikultura?
a. Nagsisilbing “market” o pamilihan ng mga produkto sa industriya.
b. Pangunahing pinagmumulan ng hanapbuhay.
c. Nagbibigay ng maraming kaalaman sa mga manggagawa.
d. Pinagkukunan ng pagkain at material sa mga industriya.
II.

You might also like