You are on page 1of 5

ANG PAMILIHAN:

ESTRUKTURA AT UGNAYAN
SA PAMAHALAAN
MELC 10 & 11
AP 9 Intervention Material for 2nd QUARTER
Matapos malaman ang mga konsepto ng demand, suplay, at ang interaksyon ng bawat isa sa ekonomiya, ngayon
naman ay iyong tutuklasin ang pamilihan at ang tungkol sa mga estruktura ng pamilihan na magbubukas ng iyong
isipan bakit may mga kalakal na mangilan ngilan lamang ang nagtitinda, may maraming nagtitinda at may iisa lamang
ang nagtitinda sa pamilihan. Makikita at mapag-aaralan din natin ang ugnayang mayroon sa pagitan ng pamahalaan
at ng pamilihan at kung paano nagtutulungan ang bawat isa upang mas maging maayos ang takbo ng ekonomiya ng
isang lugar.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO: Sa pagtatapos ng Aralin, inaasahan na ang mag-aaral ay…

Nasusuri ang kahulugan at iba’t ibang istruktura ng pamilihan at napahahalagahan ang bahaging ginagampanan ng
pamahalaan sa regulasyon ng mga gawaing pangkabuhayan. (MELC 10& 11)

TIYAK NA LAYUNIN:
a. Naibibigay ang kahulugan ng pamilihan
b. Naiisa-isa ang iba’t ibang estruktura ng pamilihan;
c. Naibibigay ang kahulugan ng iba’t ibang estruktura ng pamilihan;
d. Naihahambing ang katangian ng iba’t ibang estruktura ng pamilihan,
e. Napangangatwiranan ang kinakailangang pakikialam at regulasyon ng pamahalaan sa mga gawaing
pangkabuhayan sa iba’t ibang istraktura ng pamilihan upang matugunan ang pangangailangan ng mga
mamamayan.

KARD NG PATNUBAY

Mga Tanong:
1. Ano ang ipinapakita ng larawan?
2. Paano nagkakaugnay ang isang pamilihan at pamahalaan? Ibigay ang sariling ideya.

KONSEPTO NG PAMILIHAN
Ang pamilihan ay mahalagang bahagi ng buhay ng prodyuser at konsyumer. Isang mekanismo o lugar na
nagtatagpo ang mga mamimili at nagtitinda ng mga produkto. Ito ang nagsisilbing lugar kung saan nakakamit ng isang
konsyumer ang sagot sa marami niyang pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mga produkto at
serbisyong handa at kaya niyang ikonsumo.

Prodyuser - ang siyang nagsisilbing tagapagtustos ng mga serbisyo at produkto upang ikonsumo ng mga tao.

Konsyumer - ang bumibili ng mga produktong gawa ng mga prodyuser, samantalang ang prodyuser
naman ang gumawa ng mga produktong kailangan ng mga konsyumer sa pamamagitan ng mga salik ng produksiyon
na pagmamay-ari ng mga sambahayan.

Ang pamilihan ay maaring lokal, panrehiyon, pambansa o pandaigdigan ang lawak. Ang palengke ay tumutukoy sa
istruktura kung saan nagaganap ang bentahan ng produkto o serbisyo samantalang ang pamilihan ay isang
pamamaraan kung saan ang mga mamimili at nagbibili ay nagkakaroon ng ugnayan upang bumili at magbili ng
produkto o serbisyo.
Pamilihang May Ganap na Pamilihang May Hindi Ganap na
Kompetisyon Kompetisyon

- Ito ang estruktura ng pamilihan na kinikilala bilang Monopolyo – Ito ay ang uri ng pamilihan na iisa
modelo o ideal. lamang ang prodyuser na gumagawa ng produkto at
nagbibigay-serbisyo kung kaya’t walang pamalit o
- Sa ilalim ng ganitong sistema, walang sinuman sa kahalili.
prodyuser at konsyumer ang maaaring makakontrol sa Ang mga halimbawa ng mga prodyuser na nasa
takbo ng pamilihan partikular sa presyo. ganitong uri ay ang mga kompanya ng kuryente sa
aspekto ng transmission, tubig, at tren.
- Ito ay nangangahulugang hindi kayang idikta ng isang
prodyuser at konsyumer ng mag-isa ang presyo. Monopsonyo – Sa ganitong uri ng pamilihan, mayroon
lamang iisang konsyumer ngunit maraming prodyuser
Ang pamilihang may ganap na kompetisyon ay may ng produkto at serbisyo. Sa ganitong kalagayan, may
sumusunod na katangian: kapangyarihan ang konsyumer na
maimpluwensiyahan ang presyo sa pamilihan.
- Maraming maliliit na konsyumer at
Ang mabisang halimbawa ng ganitong anyo ng
prodyuser – Dahil sa marami at maliliit ang pamilihan ay ang pamahalaan na nag-iisang kumukuha
konsyumer at prodyuser, walang kakayahan ng serbisyo at nagpapasahod sa mga organiko at di-
na maimpluwensiyahan ang presyo na organikong personahe ng Philippine National Police
papabor sa interes ng sinuman sa pamilihan. (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau
- Magkakatulad ang produkto (Homogenous) of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management
– Ito ay nangangahulugang maraming and Penology (BJMP), mga guro ng Department of
produkto na magkakatulad kung kaya’t ang Education (DepEd), mga nars sa Department of Health
konsyumer ay maraming pagpipilian. (DoH), mga Traffic Enforcers ng Metro Manila
- Malayang paggalaw ng sangkap ng Development Authority (MMDA) o iba pang mga
produksiyon – Dahil walang direktang may kawani ng pampublikong sektor ay estrukturang
kontrol sa mga salik ng produksiyon, maraming monopsonyo sa dahilang iisa lang ang kumukuha ng
kanilang serbisyo.
mapagkukunan ng mga sangkap para
makabuo ng mga produkto.
Oligopolyo – Ito ay isang uri ng estruktura ng
- Malayang pagpasok at paglabas sa pamilihan na may maliit na bilang o iilan lamang na
industriya – Ang pamilihan partikular na ang prodyuser ang nagbebenta ng magkakatulad o
sistema ng pagnenegosyo ay bukas sa lahat magkakaugnay na produkto at serbisyo. Ilan sa mga
ng may kapasidad na maibahagi. halimbawa ng ganitong uri ng produkto sa pamilihan ay
- Malaya ang Impormasyon ukol sa pamilihan ang semento, bakal, ginto, at petrolyo.
– Dahil ang sistema ay malaya, ang pagdaloy
ng impormasyon lalo na sa pagtatakda ng Monopolistic Competition – Sa ilalim ng ganitong uri
presyo at dami ay bukas para sa kaalaman ng ng estruktura ng pamilihan, maraming kalahok na
lahat. prodyuser ang nagbebenta ng mga produkto sa
pamilihan subalit marami rin ang mga konsyumer.
Dahil sa product differentiation, ang katangian ng mga
produkto na ipinagbibili ay magkakapareho ngunit hindi
UGNAYAN NG PAMILIHAN AT PAMAHALAAN eksaktong magkakahawig. Ang kanilang
pagkakapareho ay maaaring sa uri ng produkto gaya
Price Ceiling – Ito ay kilala rin sa katawagan bilang ng shampoo,sabon, o toothpaste. Sila ay nagkakaiba-
maximum price policy o ang pinakamataas na presyo iba sa packaging, labeling, presentasyon, at maging sa
na maaaring ipagbili ng isang prodyuser ang kaniyang lasa o flavor.
produkto. Mahigpit na binabantayan ang mga produkto
nakabilang sa mga pangunahing pangangailangan Suggested Retail Price (SRP) – Presyong itinakda ng
gaya ng bigas, asukal, kape, harina, tinapay, itlog, at pamahalaan para sa isang kalakal.
maging ang mga instant noodles na minamarkahan ng
pamahalaan ng tinatawag na suggested retail price Price Freeze - Pagbabawal sa pagtataas ng presyo sa
(SRP). pamilihan. Ipinatutupad ito ng pamahalaan upang
mapigilan ang pananamantala ng mga negosyante sa
Price Floor – Ito ay kilala rin bilang price support at labis na pagpapataw ng mataas na presyo ng kanilang
minimum price policy na tumutukoy sa mga produkto. Labag sa Anti-Profiteering Law ang
pinakamababang presyo na itinakda ng batas sa mga labis na pagpapataw ng mataas na presyo.
\ produkto at serbisyo. Itinatakda ito ng mas mataas sa
equiblibrium price. Katulad ng price ceiling, Price Support - Ito ay paraan ng pamahalaan na
isinasagawa ito ng pamahalaan upang matulungan bigyan ng tulong ang mga negosyante upang
ang mga prodyuser. maiwasan ang pagkalugi o mabawasan ang kita.
Kabilang dito ang mga subsidy, tax exemption o tax
deduction, discount at bonus. Layunin nito na
mapanatili ang mababang halaga ng produksyon
upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng bilihin.
KARD NG GAWAIN

GAWAIN 1: Sa gawaing ito sagutin mo ang mga tanong sa ibaba at isulat ang iyong mga sagot sa
sagutang papel.

GAWAIN 2: MARKET STRUCTURE IDENTIFICATION: THREE WORDS ONEMARKET STRUCTURE

GAWAIN 4: TEKS-TO-INFORM – DISCUSSION WEB CHART

Sagutin ang discussion web chart at mga pamprosesong tanong na nasa ibaba batay sa tekstong iyong nabasa.

Pamprosesong mga tanong

1. Bakit mahalaga ang pamahalaan


sa isang bansa?
2. Paano nagkakaroon ng bahagi ang
pamahalaan sa pamilihan?

KARD NG PAGTATAYA
KARD NG PAGPAPAYAMAN

1. Bilang isang kasapi ng pamayanan, gaano kahalaga na matutunan ang pagkakaiba ng


estruktura ng pamilihan?
________________________________________________
2. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng ugnayan ng pamahalaan sa pamilihan?
_______________________________________________

KARD NG SANGGUNIAN

AKLAT NA GINAMIT:
Balitao B.R. et. al (2015), EKONOMIKS 9 Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag aaral
Unang Edisyon, Department of Education
Araling Panlipunan Ikasiyam Baitang PIVOT IV-A Learner’s Material Unang Markahan Unang
Edisyon, 2020

Inihanda nina:
Jonas Kevin H. Pineda
Zyrah Mae P. Bantegui
Joan P. Labitag
Mga Guro sa AP9

You might also like