You are on page 1of 4

Alawihao National High School

Araling Panlipunan 10

Ikatlong Markahang Pagsusulit

Pangalan:________________________________ Seksyon:_____________ Iskor:__________

Panuto: Basahin at Unawain ang bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.

1. Ang nagtatakda ng Price Ceiling at Price Floor


a. Konsyumer b. Prodyuser c. Pamahalaan d. Dayuhang Namumuhunan
2. Ang pinakamababang itinatakdang presyo ng isang produkto
a. Price Floor b. Price Ceiling c. Price Control d. Price Stabilization
3. Ang nakikinabang sa pagtatakda ng Price Support
a. Broker b. konsyumer c. prodyuser d. pamahalaan
4. Pinakamataas na presyong itinatakda sa isang produkto
a. Price Tag b. Price Control c. Price Support d. Price Ceiling
5. Ang pagkakaroon ng kakulangan ng produkto sa pamilihan ay nagbubunga ng:
a. Pagtaas ng presyo c. Pagbaba ng presyo
b. Pagtatago ng produkto d. Pag aangkat ng Pamahalaan
6. Malaki ang papel ng pamahalaan upang mapanatili ang katatagan ng presyo ng pamilihan.
Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag nito?
a. Panghuhuli sa illegal vendors na nagkakalat sa paligid
b. Pagtatakda ng price floor at floor rice upang magkaroon ng gabay sa presyo ng bilihin
c. Pagtataguyod ng mga batas sa pangangalaga sa karapatan ng konsyumer
d. Patuloy na panghihikayat sa mga maliliit na negosyante na palawakin pa ang negosyo
7. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
a. Ugnayan ng bawat sector ng ekonomiya
b. Kita at gastusin ng pamahalaan
c. Kalakalan sa loob at labas ng bansa
d. Transaksyon ng mga institusyong pampinansyal
8. Ang unang modelo ng Pambansang Ekonomiya ay nagpapakita ng:
a. Sistema ng Pagbubuwis
b. Simpleng Ekonomiya
c. Kalakalang Panlabas
d. Sistema ng Pamilihan
9. Sa paikot na Daloy ng ekonomiya, papaano nagkaka-ugnay ang Sambahayan at Bahay
Kalakal?
a. Sa Sambahayn nagmumula ang mga salik ng produksyon na sumasailalim sa
pagpoproseso ng bahay kalakal
b. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa mga bahay
kalakal
c. Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto na
gagamitin ng mga bahay kalakal
d. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang
trabaho para sa mga bahay kalakal
10. Sa _______________ nagaganap ang pag iimpok at pamumuhunan
a. Factor market b. World Market c. Financial Market d. Product Market
11. Ang sumisingil ng buwis upang makalikha ng pampublikong paglilingkod.
a. Sambahayan b. Bahay Kalakal c. Kalakalang Panlabas d. Pamahalaan
12. Ang kita mula sa buwis ay tinatawag na:
a. Tax b. Public Revenue c. Regulatory Tax d. Regressive Tax
13. Ang kumo konsumo ng produkto at pinagmumulan ng salik ng produksyon
a. Sambahayan b. Bahay Kalakal c. Pamahalaan d. Panlabas na Sektor
14. Bakit mahalaga sa ekonomiya ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa paggawa:
a. Upang unti unting alisin ang manual labor sa ekonomiya
b. Upang maging globally competitive sa pandaigdigang pamilihan ng ating lokal na
produkto
c. Upang mabawasan ang mga empleyado ng isang pagawaan
d. Upang maantala ang pagluwas n gating mga lokal na produkto sa pamilihan
15. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na negatibong epekto ng malayang kalakalan?
a. Pagpasok sa bansa ng dayuhang namumuhunan
b. Pagbagsak ng ilang industriyang lokal
c. Pangingibang bansa ng mga manggagawang Pilipino
d. Pang angkat ng mga dayuhang kalakal at serbisyo
16. Ang kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mamamayan ng isang
bansa sa loob ng isang taon
a. GNI b. GDP c. CPI d. NNP
17. Alin sa mga sumusunod ang hindi ginagamit na paraan ng pagsukat sa GNI?
a. Expenditure Approach
b. Economic Freedom Approach
c. Industrial Origin
d. Income Approach
18. Kailan makikita na positibo ang economic performance ng bansa?
a. Kapag malaking bilang ng lakas paggawa ay walang trabaho
b. Kapag gumagamit ng makabagong teknolohiya ang mga bahay kalakal
c. Kapag may pag angat sa GDP ng bansa
d. Kapag lumalaki ang utang panlabas ng bansa
19. Hinahangad ng bansa na lumago ang GNI upang:
a. Maging tanyag
b. Maibahagi ang kita
c. Makautang sa ibang bansa
d. Mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan
20. Paano nasusukat ang pambansang produkto?
a. Sa pamamagitan ng naghahanap buhay sa ibang bansa
b. Sa pamamagitan ng dami ng nagtatrabaho sa loob ng bansa
c. Sa pamamagitan ng pagbibigay insentibo sa mga negosyante ng pamahalaan
d. Sa pamamagitan ng kabuuang halaga ng kita ng produksyon ng bansa
21. Ito ang kabuuang halaga ng produkto at serbisyong gawa ng Pilipino at dayuhan sa loob ng
isang bansa?
a. GDP b. GNI c. CPI d. NFIFA
22. Ang pag unlad ng bansa ay ipinapakita ng:
a. Lumalagong GNI
b. Pagtaas ng per capita income
c. Maraming proyektong pambayan
d. Maliit na agwat ng mahirap at mayaman
23. Kung mabagal ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa base sa pag susuri sa economic
performance nito, dapat bang gumawa ng hakbang ang pamahalaan upang mapataas ito?
a. Oo dahil magiging kahiya hiya ang bansa sa buong daigdig
b. Hindi, dahil ang bansa naman ang haharap sa naturang suliranin
c. Hindi, dahil ang ekonomiya ng bansa ay walang kaugnayan sa ekonomiyang
pandaigdigan
d. Oo, dahil repleksyon ito ng hindi mahusay na pamamalakad ng ekonomiya
24. Si Mr. Chen, isang Chinese National ay nagtatrabaho sa kompanya na nasa Pilipinas. Saan
dapat isinasama ang kanyang kinita?
a. Sa GDP ng China dahil mamamayan siya nito.
b. Sa GNI ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita
c. Sa GDP ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita.
d. Sa GDP ng Pilipinas at China dahil parehong ditto nagmula ang kanyang kita
25. Sumusukat kung ilang bahagdan ang nagging pag angat ng ekonomiya kompara sa
nagdaang taon.
a. Growth Rate c. Real GNI
b. CPI d. GNI
26. Ano ang tawag sa paraan ng pagsukat ng pambansang kita sa pamamagitan ng GNI?
a. Capital Accounting c. Income Formation Accouting
b. National Income Accouting d. Growth Rate
27. Mahalaga ang sektor ng agrikultura sa Ekonomiya ng Pilipinas. Subalit sa kasalukuyan,
kung ihahambing sa iba pang sector ng produksyonn, ang agrikultura ang may pinakamaliit
na ambag sa taunang kita at produksyon ng bansa. Alin sa mga sumusunod ang
pangunahing dahilan?
a. Patuloy na pag angkat ng bansa ng produktong agrikultura mula sa China, Vietnam,
at Thailand
b. Hindi ganap na epektibo ang programa sa agraryo ng bansa at kapos sa teknolohiya
ang mga magsasaka
c. Patuloy na nasisira ang mga sakahan dahil sa kaingin at pagkakalbo ng mga
kagubatan
d. Walang suporta ang pamahalaan sa mga karaniwang magsasaka
28. Ang paglalagak ng pera sa negosyo ay tumutukoy sa:
a. Financial Investment c. Capital Investment
b. Economic Investment d. Individual Investment
29. Ito ang tawag sa taong marunong magtipid at mag impok
a. Impulse buyer c. Money Saver
b. Price Observer d. Wise Saver
30. Ano ang epekto ng mababang interes sa pagkonsumo ng mga tao?
a. Mahihikayat ang tao na umutang at tataas ang pagkonsumo
b. Mahihikayat ang tao na mag impok sa bangko dahil sa malaking tubo
c. Mahihikayat ang tao na mag angkat ng produkto sa ibang bansa
d. Mahihikayat ang mga tao na magtipid para sa hinaharap
31. Ang pagtatabi ng mga ilang bahagi ng kita para sa hinaharap
a. Pag iimpok b. Pagkonsumo c. Pagbabadyet d. Pamumuhunan
32. Deklarasyon ng lahat ng pag aari, pagkakautang at negosyo ng mga empleyado ng
gobyerno.
a. PDIC b. SALN c. NIA d. NFIFA
33. Sa tuwing magkakaroon ng bagyo, inaasahan ang pagkasira ng mga pananim. Ano ang
maaaring mangyari sa suplay sa ganitong pangyayari?
a. Pareho lamang
b. Dadami ang konsumo
c. Ang suplay ay lalong dadami
d. Bababa ang suplay, tataas ang presyo
34. Ang pagtaas ng presyo ng mga produktong kabilang sa basket of goods
a. Deplasyon c. Depresasyon
b. Implasyon d. Debalwasyon
35. Ang implasyon na bunga ng mas mataas na demand kaysa sa suplay
a. Cost push c. Hyperinflation
b. Demand Pull d. Structural Inflation
36. Ang implasyon na sanhi ng pagtaas ng gastos sa produksyon
a. Cost push c. Depresasyon
b. Implasyon d. Debalwasyon
37. Ang pagbaba ng presyo ng mga bilihin
a. Deplasyon b. Implasyon c. Depresasyon d. Debalwasyon
38. Ang kabuuang kita ni Jonas ay Php 25, 000 at ang kanya naming kabuuang gastusin ay
Php. 21, 000. Magkano ang maaari niyang ilaan para sa pag iimpok?
a. 1000 b. 2000 c. 3000 d. 4000
39. Bilang isang mamimili, paano ka makatutulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon?
a. Bumili lamang kung bagsak ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan
b. Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan
c. Bumili lamang sa mga supermarket o grocery upang matiyak ang presyo
d. Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon ng kakulangan
40. Sumusukat sa pagbabago sa presyo ng mga produkto
a. Cost of living c. Price Deflator
b. b. Basket of goods d. Consumer Price Index
41. Ano ang negatibong epekto ng implasyon sa ekonomiya?
a. Paghina ng halaga ng salapi sa pamilihan
b. Pagdami ng perang nasa sirkulasyon
c. Pagbagsak ng suplay ng mga produkto
d. Pagluwas ng mga kalakal sa ibang bansa

Industriya 3, 000, 000 Serbisyo 1, 200, 000


Agrikultura 2, 500, 000 NFIFA 2, 300, 000

42. Gamit ang Income Approach, makokompyut ang GNI at GDP ng bansa. Base sa mga datos
na ibinigay, ano ang GDP?
a. 6, 300, 000 c. 6, 200, 000
b. 6, 500, 000 d. 6, 700, 000
43. Ano naman ng GNI?
a. 6, 000, 000 c. 8, 000, 000
b. 7, 000, 000 d. 9, 000, 000

Total Weighted Price (2016) 1, 800

Total Weighted Price (2015) 1, 500

44. Batay sa mga ibinigay na datos, alin ang tamang CPI?


a. 100 b. 110 c. 120 d. 130
45. Alin sa mga sumusunod ang antas ng implasyon?
a. 10% b. 20% c. 30% d. 40%
46. Ano naman ang halaga ng PPP (Purchasing Power of Peso)?
a. 83% b. 80% c. 85% d. 84%
47. Ano ang karaniwang ginagamit sa pagsukat ng implasyon?
a. CPI b. PPP c. Producer Price Index d. GNI Deflator
48. Kakayahan ng Piso na makabili ng produkto at serbisyo.
a. Antas ng Implasyon c. Purchasing Power of Peso
b. CPI d. Price Consumer Index
49. Alin sa mga sumusunod ang nagiging sanhi ng implasyon?
a. Pagtaas ng halaga ng piso laban sa dolyar
b. Pagbaba ng konsumo ng produkto sa pamilihan
c. Kawalan ng panustos sa produkto na kinakailangan ng mamimili
d. Ang pagkakaroon debalwasyon o pagbaba ng halaga ng piso sa World Market
50. Ang Implasyon ay may di mabuting epekto sa mga mamamayan. Alin sa mga sumusunod
ang masamang epekto nito?
a. Bababa ang suplay ng produksyon
b. Mas maliit ang palitan ng piso laban sa dolyar
c. Boluntaryong pagtanggi sa produktong mataas ang halaga
d. Paghingi ng dagdag sweldo ng manggagawa upang makatugon sa kanilang
pangangailangan

You might also like