You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN 9

PRE-ASSESSMENT

Pangalan:______________________________________ Petsa:____________
Baitang:________________________________________ Iskor:________

PANUTO: Basahin ang mga sumusund. Piliin ang titik tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na tumutukoy sa paraan ng paggamit ng tao sa


kanyang ________________________ na pinagkukuang yaman upang matugunan ang kanyang
_______________________ na pangngailangan.
A. Sapat; walang hanggang C. Sapat; may hangganan
B. Limitado; walang hanggan D. Limitado; may hangganan
2. Nasasaklawan ng ekonomiks ang mga sumusunod maliban sa
A. Kakapusan B. Produksyon C. Distribusyon D. Pagkunsumo
3. Pangunahing tinatalakay sa ekonomiks ang suliranin sa
A. Kawalan ng trabaho B. Pagkasira ng pinagkukunang-yaman C. Gutom D. Kakapusan
4. Alin sa mga maka-agham na pamamaraan ang hindi ginagawa ng ekonomiks
A. obserbasyon C. pag-eeksperimento sa lboratoryo
B. pagkuha ng datos D. pagsusuri ng datos
5. Nakatutulong ang kaalaman at kasanayan sa ekonomiks sa paggawa ng wastong pagpapasya.
Nangangahulugan it na ang ekonomiks ay
A. Nagtuturo ng tamang sagot sa problema C. Humahatol sa problema
B. Nagbibigay ng kasanayan sa problema D. Humahanap ng problema
6. Noong nakaraang eleksyon, inihalal ni Jojo ang kaibigan niyang si Alex bilang Mayor ng kanilang
bayan.
Kilala ni Jojo si Alex bilang isang matapat at matalinong tao. Ang kasanayan sa ekonomiks na
nalinang kay Jojo ay ________.
A. Mabuting pakikipagkaibigan C. Matalinong botante
B. Mahusay na pakikisama D. Mabuting makisama
7. Sa taas ng presyo ng mga bilihin, nahihirapan ang iyong nanay na pagkasyahin ang sweldo ng
iyong tatay para tugunan ang mga pangangailangan ng pamilya. Ang pinakamalaki ninyong
gastusin ay napupunta sa pagkain. Ano ang iyong maimumungkahi upang mapagaan ang
problema sa pananalapi ng iyong pamilya?
A. Huwag nang gastusin C. Huminto muna sa ;pag-aaral
B. Bumili ng mura ngunit masustansyang pagkain D. Maghanap ng trabahong malaki ang
suweldo
8. Ang madalas na pagbiyahe ni Pagulong Arroyo ay nagpapakita ng kanyang pagiging
ekonomista. Alam niya na ang pagdalaw sa iba’t ibang bansa ay paraan upang…
A. higit na maunawaan ang mga pangyayari sa iba’t ibang panig ng daigdig
B. marating ang mga bansang may kaugnayan sa atin
C. magkaroon ng pagkakataon na makipagkaibigan
D. maranasan ang buhay sa mga bansang kanyang pinupuntahan
9. Ang pagkakaroon ng maayos nasistema ng transportasyon ay nakakatulong sa ekonomiya
sapagkat __________________.
10. Sa pinagtibay na desisyon ng Korte Suprema ukol sa Mining Act of 1995, nabuksan ang
pagmimina sa mga dayuhang interesado na mamuhunan sa negosyong ito. Alin sa palagay mo
ang pinakaangkop na pagtataya ukol sa epekto ng batas na ito sa pambansang ekonomiya?
A. Pagtingin sa bilang ng nadagdag na may trabaho
B. Maaring sa pagbabago ng pambansang kita
C. Pagtaya sa pagbabago ng produksyon ng ginto, pilak, tanso
D. Pagtantiya sa antas ng kita ng mga mamamayan
11. Ang pagguho ng lupa sa mga kabundukan ng Quezon dulot ng bagyong Winnie ay katunayan
na:
A. Malawak na ang pagkasira n gating kagubatan C. Mapanira ang bagyo
B. Mahirap pigilan ang ganti ng kalikasan D. Kailangang mag-ingat ang mga tao
kung may bagyo
12. Ang modernisasyon ng Philippine Navy ay magbubunga ng pangangalaga sa ating –
A. yamang lupa B. yamang tubig C. yamang mineral D. yamang gubat
13. Taglay ng yamang tao ng Pilipinas ang mataas na antas ng pagpapahalaga sa paggawa
sapagkat sila ay _____
A. Masisipag at matitiyaga C. Madalas mag-overtime
B. Nakatatanggap ng matataas ang sweldo D. Madaling matuto ng gawain
14. Malaking bilang ng populasyon ng Pilipinas ay binubuo ng mga taong nasa pagitan ng edad 0 –
19. Nangangahulugan ito na ang populasyon sa bansa ay _______
A. bata B. nasa lakas paggawa C. produktibo D. matanda
15. Malaki ang pangangailangan sa mga teknikal na kasanayan. Alin sa mga kurso sa ibaba ang
tutugon sa pangangailangang ito?
A. Commerce B. Law C. Medicine D. Engineering
16. Batay sa pinakahuling surbey (Nobyembre 2004) ng Bureau of Labor Statistics, 13% ng lakas
paggawa ng Pilipinas ay walang trabaho. Ang suliraning ito ay matutugunan kung…
A. Mag-eempleyo ang pamahalaan ng karagdagang manggagawa
B. Maghihikayat ng maraming mamumuhunan
C. Kukuha ng mga dalubhasa upang magturo ng iba’t ibang kasanayan
D. Magbibigay ng sabsidiya (subsidy) ang pamahalaan sa mga walang trabaho
17. Ang pag-aaral na mabuti ay isang paraan upang magkaroon ng magandang trabaho. Ang
paglalahat na ito ay nagpapahiwatig na…
A. Mahirap matanggap sa trabaho ang isang hindi tapos sa pag-aaral
B. Ang kwalipikasyong edukasyonal ay kailangan sa trabaho
C. Ang kasanayan at kaalaman ay nahuhubog sa pag-aaral
D. Ang edukasyon ay susi upang magkatrabaho
18. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng palatandaan ng kakapusan?
A. pulubi na nagpapalimos sa kalye C. pagsisiksikan ng mga mag-aral sa
silid-aralan
B. mahabang pila ng mga pasahero sa sakayan D. pagkasira ng mga kagubatan upang
tirhan
19. Ang ating pamahalaan ay nananawagan na magkaisa sa pagbalikat ng suliranin ukol sa
kakulangan ng pondo. Mayroon tayong dipisit (deficit) sa badyet. Nangangahulugan ito ng
_____________ sa badyet.
A. kakulangan B. kakapusan C. kalabisan D. kahustuhan
20. Sa isang pinag-uutos na ekonomiya (command economy), and pagpapasya sa paggamit ng
mga pinagkukunang-yaman ay nasa kamay ng _____________
A. mamamayan C. mga sundalo
B. mayayamang tao sa lipunan D. estado
21. Ang pagkakataong magmay-ari ng mga pribadong tao ay nagyayari sa mga bansang
nagpapairal ng sistemang __________.
A. kapitalismo B. sosyalismo C. komunismo D. piyudismo
22. Ang departtamento ng pamahalaan na direktang kumakalinga sa serbisyong pangkalusugan ng
mga mamamayan?
A. DOH B. DILG C. DepED D. DSWD
23. Napasama ang iyong pangalan sa mga batang tatanggap ng libreng bigas at de lata. Programa
ito ng pamahalaan na Pagkain para sa Mahirap. Kapalit ng mga ito ay ang pagbibigay ng
community service ng iyong pamilya. Anong paglilingkod ang iyong maibibigay?
______________________
24. Ilagay sa tamang kolum ang mga bagay ayon sa katangian nito
PANGANGAILANGAN KAGUSTUHAN
________________ ______________
________________ ______________
________________ ______________
A. pagkain B. jag
C. Apartment D. eksklusibong paaralan
E. Cell Phone
25. Pagsunud-sunurin ang mga bagay sa ibaba ayon sa teorya ng panganga-ilangan ni Maslow.
1. pagkain
2. damit
3. tirahan
4. edukasyon
A. 1, 2, 3, 4 B. 2, 1, 3, 4 C. 3, 4, 2, 1 D. 4, 3, 2, 1
26. Alin sa mga paraan ng pag-aanunsiyo ang may pinakamalakas na epekto sa mamimili?
A. telebisyon B. radyo C. dyaryo D. billboards
27. Ang paggamit ng mga sikat o kilalang tao upang makilala ang produkto ay tinatawag na…..
A. band-wagon effect C. colonial mentality
B. status symbol D. testimonial
28. Gumagastos ang mga kompanya sa pag-aanunsiyo upang ipakilala ang produkto. Umaasa
silang ito ay magbubunga ng ….
A. higit na maraming benta at malaking tubo
B. makababawas sa buwis na babayaran ng kopanya
C. pangunguna sa kompetisyon
D. makapagpapasaya sa tauhan ng kompanya
29. Ang pag-aanunsiyo ay makaka-apekto sa pagkonsumo ng mga mamimili sa pamamagitan ng….
A. paghikayat B. pakikiusap C. panggagaya D. pagsunod
30. Ang mga halimbawa sa ibaba ay mga katangian ng matalinong mamimili, alin ang hindi
kabilang?
A. malikhain B. maselan C. matipid D. mapanuri
31. Paghahanda kung araw ng pista. Anong salik ang nakakaapekto sa pagkonsumo?
A. panlasa B. okasyon C. presyo D. panahon
32. Ang pagdadala ng listahan sa pamimili ay makatutulong upang makatipid sa…
A. pera B. enerhiya C. panahon D. lahat ng nabanggit
33. Bilang mamimili, karapatan mo na pumili ng produktong nais mong bilhin. Kaakibat ng
karapatang ito ay ang iyong pananagutan na…
A. utangin ang mga produkto C. tipirin ang pagggamit ng produkto
B. bayaran ang produktong binili D. bayaran ang biniling produkto
34. Sa anong salik ng produksyon nabibilang ang gusali ng pagawaan?
A. lupa B. lakas paggawa C. puhunan D. salapI
35. Ang katanungang “ ano ang gagawin, paano gagawin, at para kanino gagawin?” ay sinasagot ng

A. prodyuser B. konsyumer C. pamahalaan D. mamumuhunan
36. Itinuturing ang isang entreprenyur bilang ulo ng negosyo. Nangangahulugan ito na ang kanyang
gawain ay…
A. Maging manggagawa C. maghanap ng magpapatakbo ng negosyo
B. Pamahalaan ang buong negosyo D. taga-utos sa mga empleyado
37. Ang kakayahang entreprenyuryal (entrepreneurial skills) ay mahalagang sangkap sa paglago ng
ekonomiya ng bansa. Ang kanilang kontribusyon ay nauugnay sa…
A. produksyon B. pagkonsumo C. pamamahagi D. pag-
imbento
38. Ang demand ay tumutukoy sa kahandaan at kakayahang __________ ng prdukto at serbisyo.
A. bumili B. magbili C. lumikha D. mag-aksaya
39. Ang kahandaan at kakayahang magbili ng produkto at serbisyo sa pamilihan ay tinatawag na…
A. demand B. suplay C. presyo D. ekwilibriyo
40. Ang pagtaas ng demand sa produkto sanhi ng pagbaba ng presyo nito ay naaapektuhan ng salik
na…
A. panahon B. pagpili (preference) C. presyo D. populasyon
41. Ang pagtaas ng suplay sanhi ng paggamit ng makabagong makinarya ay sanhi ng salik na…
A. teknolohiya B. bilang ng industriya C. populasyon D. presyo
42. Ang presyo ay instrumento upang magkasundo ang _____________ at ___________ sa
pamilihan.
A. magkakagalit; nag-aaway C. mamamayan; pamahalaan
B. mamimili; nagbibili D. nagbibili; supplier
43. Ang pagpila ng mga tao upang makabili ng produkto ay palatandaan na ang pamilihan ay nasa
kalagayang..
A. ekwilibriyo B. kalabisan C. kakulangan D. katamtaman
44. Ang kondisyon na mataas ang suplay kaysa demand ay nagpapakita na ang pamilihan ay…
A. nasa ekwilibriyo B. may kakulangan C. may kalabisan D. may suliranin
45. Ang bahagdan (%) ng pagbabago ng demand at suplay kaugnay ng bahagdan (%) ng
pagbabago ng presyo ay tumutukoy sa…
A. demand B. suplay C. ekwilibriyo D. elastisidad
46. Ang bahagdan (%) ng pagbabago ng demand bunga ng pagbabago ng presyo ay tinatawag na

A. elastisidad B. elastisidad ng demand C. elastisidad ng suplay D. ekwilibriyo
47. Kung ang elastisidad ng produkto ay may epekto sa suplay, nangangahulugan ito na ang
elastisidad ay may epekto sa…
A. pagkonsumo B. produksyon C. demand D. suplay
48. Ang mekanismo ng pamilihan ay umiiral kung nagkakaroon ng ___________ sa pamilihan.
A. monopoly B. oligopolyo C. kartel D. kompetisyon
49. Ang paglalagay ng price control ay isang halimbawa ng impluwensiya ng pamahalaan sa
pamilihan. Isang halimbawa nito ay ang paglalagay ng pinakamababang presyo sa produkto.
Tinatawag itong…
A. price ceiling B. price floor C. buffer price D. fixed price
50. Pangunahing tungkulin ng pamahalaan ang pagtiyak na magkakaroon ng kaayusan sa mga
gawaing pang-ekonomiya. Ito ay sa pamamagitan ng …
A. regulasyon B. pagbabantay C. panghuhuli D. pag-eespiya

Inihanda ni: Bb. Jenny Rose E. Pabecca

You might also like