You are on page 1of 2

I.

MULTIPLE CHOICE
Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang bawat katanungan. Bilugan ang tamang sagot.

1. Alin sa sumusunod na halimbawa ang hindi madaraig ng kamangmangan?


a. Pagliban ng isang estudyante na ang dahilan ay wala siya noong nagbigay ng takdang-aralin ang
kanilang guro.
b. Hindi pagsuot ni Mabel ng kaniyang ID kaya hindi siya pinapasok.
c. Pagpasiya ng isang estudyante na pumasok sa klase kahit pa laging huli sa pagpasok ang kanilang
guro.
d. Pag-uwi ng maaga ni Pedro dahil sa may emergency meeting ang mga guro ng araw na iyon.
2. Alin sa mga ito ang kilos na dahil sa takot?
a. Ang pagnanakaw ng kotse. c. Ang pagsisinungaling sa tunay na sakit.
b. Ang pag-iingat ng isang doctor sa pag-oopera. d. Ang pag-ilag ni Manny Pacquiao sa suntok.
3. Alin sa sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit hindi mapananagutan ang kilos dahil sa karahasan?
a. Dahil sa malakas na impluwensiya sa kilos c. Dahil hindi kayang maapektuhan ang isip
b. Dahil sa kahinaan ng isang tao d. Dahil hindi kayang maapektohan ang kilos-loob.
4. Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin?
a. Panliligaw sa crush c. Pagsugod sa bahay ng kaalitan
b. Pagbatok sa barkada dahil sa biglaang panloloko d. Panlilibre sa barkada dahil sa mataas na markang nakuha
5. Alin sa mga ito ang hindi maituturing na gawi?
a. Paglilinis ng ilong b. Pagpasok nang maaga c. Pagsusugal d. Maalimpungatan sa gabi
6. Isang matandang babae ang nagpapapalit ng malaking pera sa isang sari-sari store. Ngunit walang barya
na maaaring ipalit sa kaniyang pera. Ngunit ang totoo ay mayroon naman dahil maraming benta ang kanilang
tindahan. Ang tindera ay nagsinungaling. Anong salik ang nakaapekto sa sitwasyong ito?
a. Takot b. Karahasan c. Kamangmangan d. Masidhing damdamin
7. Kung kikilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ng isang taong nanakit sa kapuwa dahil
sa galit bilang reaksiyon sa panloloko sa kaniya?
a. Walang kusang-loob b. Kusang-loob c. Di kusang-loob d. Kilos-loob
8. Nakagagawa ng mali ang tao hindi dahil ninais niya kundi nakikita niya ito bilang mabuti at nakapagbibigay
ito ng kasiyahan. Ito ay sa kadahilanang ang _____ niya ay nakatuon at kumikiling sa mabuti sa kanya na
nakikita niya bilang tama.
a. Isip b. Kalayaan c. Kilos-loob d. Dignidad
9. Masipag at matalinong mag-aaral si Ali. Sa talakayan at pangkatang gawain ay hindi siya nagpapahuli.
Marami siyang mga gawain na nagpapatunay ng kaniyang galing. Dahil dito, naging paborito siya ng kaniyang
mga guro at lagi siyang nabibigyan ng papuri sa magaganda niyang ginagawa. May pananagutan ba si Ali
kung bakit nasa kaniya ang paghanga at mataas na pagtingin ng kaniyang mga guro?
a. Oo, dahil siya na lamang ang parating nagtataas ng kamay upang sumagot.
b. Oo, dahil hindi niya pinagbibigyan ang ibang kaklase upang sumagot.
c. Wala, dahil ginagawa niya ang tama bilang isang mag-aaral.
d. Wala, dahil talagang may kumpetisyon sa isang klase.
10. Ang tao ay inaasahan na dapat palagiang gumagawa ng mabuting kilos. Anuman ang mabuti ay dapat
isinasakatuparan niya. Ang mabuting gawa ba ay dapat gawin sa lahat ng pagkakataon?
a. Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihan ng lahat.
b. Oo, dahil ang hindi nito pagsakatuparan ay isang maling gawain.
c. Hindi, dahil walang obligasyon ang tao na gawin ito.
d. Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung ang hindipagsakatuparan nito ay
magdadala ng isang maling bunga.

II. TAMA O MALI


Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang TAMA kung ang ipinapahayag ay tama
at sagutin ng MALI kung ang ipinapahayag ay mali.

________1. Ang kilos ng tao ay ginagamitan ng isip at kilos-loob.


________2. Ang kilos ng tao ay walang aspekto ng pagiging mabuti o masama.
________3. Ang makataong kilos ay ginamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may kapanagutan ang tao sa
pagsasagawa nito.
________4. Kung mataas ang digri ng pagkukusa mas mababa ang pananagutan.
________5. Pananagutan ng taong nagsagawa ng makataong kilos ang bunga ng kanyang piniling kilos.
________6. Ang bigat ng pananagutan sa kinakaharap na sitwasyon ng isang makataong kilos ay nakabatay
sa bigat ng kagustuhan o pagkukusa.
________7. Kapag ang kilos ay kusang-loob ibig sabihin ang kilos na ito ay walang kaalaman ngunit may
pagsang-ayon.
________8. Ang kilos na di kusang-loob ay may paggamit ng kaalaman at pagsang-ayon.
________9. Ang kilos na walang kusang loob ay kilos na walang kaalaman at walang pagsang-ayon sa kilos.
________10. Ang makataong kilos ay sinadya gamit ang isip kaya pananagutan niya kahihinatnan ng kanyang
kilos, kabutihan man o kasamaan.

III. PUZZLE
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon at bilugan ang mga salita na may kinalaman sa paksang ating
tinalakay. Maaaring ito ay pahalang o pababa. Isulat sa patlang ang mga nabuong salita. (2
puntos)

A S A L I N D A K O L I M I N O K
1. ___________________ M A K A L L A S O N K I L P O U K
2. ___________________ M M A K A T A O N G K I L O S S I
3. ___________________ A Y T E D G M N B A H T E A L A L
4. ___________________
K H J K A A Q W E R D I N T A D K
5. ___________________
K I L O S L O O B R U G R E F N H
B A S D F G Q T J L L U T R A E F
D I K U S A N G L O O B Y E R K A
A W A F S A D W O Q I S I P F H S
C A S D F H M B O R W T F A G A C

IV. MALAYANG TALAKAYAN


Panuto: Basahin at suriin ang mga sitwasyon. Sagutin ang mga tanong.
Batayan:
Nilalaman: 6 puntos
Kaugnayan sa Paksa: 4 Puntos
Kabuuan: 10 Puntos

1. Tuwang tuwa ang iyong mga kaklase sa iyong pagiging No. 1 sa mga mag-aaral na nakakuha ng With
High Honors. Hindi mo akalain na may kaklase ka pala na sinisiraan ka dahil sa inggit sa iyo. Kahit
nakaramdam ka ng pagkapahiya mas minabuti mong manahimik at ipagsabalikat na lamang. May
kaibigan ka na nagsabing naniniwala silang hindi iyon totoo. Dapat ka bang magwala at magalit dahil
sa iyong pagkapahiya? Bakit?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

You might also like