You are on page 1of 6

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

PRE-ASSESSMENT

Pangalan:______________________________________ Petsa:____________
Baitang:________________________________________ Iskor:________

1. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:


A. Tama dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay.
B. Tama, dahil n gating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa
C. Mali, dahil may mga pagkakataon ang tao ang nagnanais makapag-isa.
D. Mali dahil may mga pagkakataon maliban sa pagiging panlipunan.
2. Ang sumusunod ay mga element ng kabutihang panlahat maliban sa
A.. Kapayapaan
B. Katiwasayan
C. Paggalang sa indibidwal na tao
D. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat
3. Ano ang kahulugan ng Kabutihang panlahat?
A. Kabutihan ng lahat ng tao
B. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
C. Kabutihan ng bawat indibidwal sa lipunan
D. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng kasapi ng lipunan
4. Sa Lipunang pampolitika, sino/alin ang kinikilalang tunay na boss?
A. Mamayan
B. Pangulo
C.pinuno ng simbahan
D. kabutihang panlahat
5. Ano ang tawag sa nabuong gawi, tradisyon, paraan ng pagpapasya at mga hangarin ng isang
pamayanan?
A. Kultura
B. Relihiyon
C. Batas
D. Organisasyon
6. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng prinsipyo ng subsidiarity?
A. Pagsasapribado ng mga gasolinahan
B. Paniingil ng buwis
C. Pagbibigay daan sa public bidding
D. pagkakaroon ng lupang matitirikan para sa pabahay.
7. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng prinsipyo ng Solidarity
A. Sama-samang pagtakbo para sa kalikasan
B. Pagkakaroon ng kaalitan
C. Bayanihan at kabitbahayan
D. Pagkakaroon ng panhon para sa pagpupulong
8. Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportion ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
A. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao.
B. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa kakayahan ng tao
C. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao
D. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahn at kailangan ng tao.
9. Alin sa sumusunod ang hindi naglalarawan sa Lipunang pang-ekonomiya?
A. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay.
B. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan
C. Pangangasiwa ng yaman ng bayanayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng
tao.
D. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay maging tahanan sa pamamagitan ng
pangangasiwa ng yaman ng bayan.

10. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng mga bats upang matiyak na;
A. Ang lahat ay magiging masunurin
B. Matutugunan ang pangangailangan ng lahat
C. Bawat mamamayan ay may tungkulin dapat gampanan
D. Walng magmamalabis sa lipunan
11. Tungkulin ng Mass Media ang pagsasaad ng katotohanan dahil;
A. Wala tayong ibang mapagkukunan ng impormasyon
B. Nagpapasya tayo ayon sa hawak nating impormasyon
C. Maaari nating salungatin ang isinasaad nitong impormasyon
D. Pinaglalagakan lamang ito ng impormasyon.
12. Ang Likas na Batas Moral ay:
A.Nilikha ni Sto. Tomas de Aquino C. Nauunawaan ng mga tao
B. Inimbento ng mga pilosopo D. Mula sa Diyos
13. Para saan ang mga batas sa lipunan?
A. Protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan
B. Ingatan ang interes ng nakararami
C. Itaguyod ang karapatang-pantao
D. Pigilan ang mga masasamang tao
14. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa karapatang pantao?
A. Pagbibigay kalayaan sa tao na paunlarin ang sarili at ang pamilya.
B. Pagkondena sa mga paniniil at paglapastangan sa tao.
C. Pagpapanatili ng kapayapaan para sa kaligtasan ng tao.
D. Lahat ng nabanggit
15. Ito ang nagsisilbilng mekanismo ng pamahalaan upang isakongkreto ang ______________
_______________ sa tao.
A. pangkalahatang pagpapahalaga C. Pangkalahatang batas
B. pangkalahatang paninindigan D. Pangkalahatang alituntunin
16. Ano ang totoo para sa karapatan, kasunduan, kabutihan at kawanggawa?
A. Ito ay mga gabay na pansarili lamang
B. Ito ay mahahalagang bagay na nararapat na mayroon ang bawat tao
C. Ito ay mahalagang bagay para sa lahat ng tao
D. Ito ay magdudulot ng pagkakapantay-pantay sa tao.
17. Ang _______ ay gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad,pagkukusa,at
pagkamalikhain at ang produkto ay dapat nagdudulot ng pagbabago sa buhay ng tao.
A. Pakikilahok B. Paggawa
C. Tungkulin D. Pananagutan
18. Sa paggawa maaaring maiangat ng tao ang kultura at ________ ng lipunang kinabibilangan.
A. Teknolohiya B. Agham
C. Kultura D. Moralidad
19. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kailangan niya upang _____________ang
pangunahing pangangailangan.
A. Kasikatan C. Pagpapahalaga
B. Yaman D. Salapi
20. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggawang nagbibigay kabuluhan sa pag-iral ng
tao?
A. Pagtratrabaho ng ama para sa pag-aaral ng mga anak.
B. Paglalaba ng isang anak dahil may gustong hingin sa ina
C. Hindi paggawa ng takdang aralin ng mga mag-aaral
D. Pagpapasugal sa sariling bahay bilang negosyo
21. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita na ang paggawa ay nakapagdudulot ng
pagkakataong ipakita ang tunay na pagbibigay ?
A. Pagtatrabaho ni ate dahil gustong may pambili ng cellphone
B. Pagtatrabaho ng mga magulang para sa mga anak
C. Pagplantsa ni ate sa sariling uniporme
D. Lahat ng nabanggit
22. Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para kapwa, sa kanyang pamilya sa lipunan na
kanyang kinabibilangan at sa bansa. Ito ay nangangahulugang:
A. Hindi dapat isipin ng tao ang kanyang sarili sa kanyang paggawa.
B. Kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa iba.
C. Kailangang makahanap ng trabaho ang tao na ang layunin ay makatulong sa kapwa.
D. Lahat ng nabanggit

23. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?


A. Proseso na pinagdaanan bago malikha ang produkto
B. Kalidad ng produkto na nilikha ng tao
C. Tunay na layunin ng tao sa kanyang paglikha ng produkto.
D. Yamang makakamtan mula sa paggawa
24. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng kahalagahan ng Pakikilahok ng isang tao?
A. Pagganap sa tungkulin ng isang tao
B. Nagkakaroon ng pagkakataon upang magtulungan ang mga tao.
C. Nahuhubog ang kakayahan,talent at pakikipag-ugnayan ng tao
D. Lahat ng nabanggit
25. Saan nakatuon ang pansin sa pagsasagawa ng bolunterismo?
A. Sariling adhikain
B. Kasikatan
C. Paglilingkod at pagmamahal sa kapwa
D. Lahat ng nabanggit
26.Bilang isang tao, tayo ay karapatan magtamasa ng katarungan. Ano ang ibig sabihin ng
katarungan?
A. Paggalang sa sarili C. Pagtrato sa tao bilang kapwa
B. Pagsunod sa batas D. Lahat ng nabanggit
27.Ang mga batas ay ginawa para sa kaayusan ng lahat. Sino ang may tungkuling ipatupad ang
batas?
A. Mamamayan C. Pulis
B.Pamahalaan D. Lahat ng nabanggit
28. Ano ang tamang pagpapatupad ng katarungan?
A. Ikulong ang lumabag sa batas C. Tumawid sa tamang tawiran
B. Patawarin ang humihingi ng tawad D. Bigyang limos ang namamalimos
29. Ayon sa kasaysayan , noong panahon ng Martial Law ay maraming mga bumabatikos sa
pamahalaan ang nawala at ang ilan ay natagpuang patay. Ang nasabing pahayag ay:
A. Tamang pagpapatupad ng katarungan para sa mga nasa pamahalaan.
B. Nagpapakita ng pagpapahalaga sa katarungang panlipunan
C. Nagpapakita ng paglabag ng mga nasa pamahalaan sa katarungang panlipunan
D. Nagpapakita ng pagbibigay katarungan sa kalayaan ng tao sa lipunan.
30. Alin sa mga sumusunod ang di nagpapakita ng paglabag sa katarungang panlipunan sa isang
baranggay?
A. Pagsasawalang bahala ng mga tanod sa mga kabataang tumatambay sa alanganing oras
ng gabi
B. Pagkakaroon ng Ghost employees sa barangay
C. Pagnanahimik ng mga residente sa mga naglipanang kabataang gumagamit ng
ipinagbabawal na gamot
D. Paggawa ng programa ng baranggay upang matugunan ang problema sa mga kabataang
gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
31. Tumutukoy sa ginagawang pagtugon ng pamahalaan sa mga pangunahing pangangailangan ng
mamamayan sa abot ng kanilang makakaya.
A. Kapayapaan C. Katarungang panlipunan
B. Katarungan D. Katarungang pansarili
32 .Alin sa mga sumusunod na katangian ang kailangan mong taglayin sa pagsasabuhay ng mga
pagpapahalaga na tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang Gawain ng walang
pagmamadali at buong pagpapaubaya?
A. Masigasig C. Matiyaga
B. Kasipagan D. Malikhain
33. Ang mga sumusunod ay kahulugan ng kasipagan maliban sa:
A. Ito ay ang pagsisikap gawin o tapusin an gang isang gawain na mayroong kalidad.
B. Ito ay pagtingin sa kasiyahan at negatibo sa isang gawain
C. Nakatutulong ito sa tao sa kanyang pakikipagrelasyon sa kanyang gawain,kapwa at
lipunan
D. Tumutulong itosa tao na malinang ang mga kakayahan at katangian
34. Paano makatutulong sa tao ang katangian at birtud ng pagtitipid?
A. Nabibili ang nais at gusting bilhin C. Natututong makuntento sa kung ano
ang meron ka
B. Nagiging interesado ka sa material na bagay D. Nabibigyan ng magandang
edukasyon ang anak

35. Bakit mahalaga ang kasipagan at pagpupunyagi sa buhay ng tao?


A. Dahil ito ang tumutulong sa taoupang mapaunlad ang sarili at ang kabuhayan
B. Dahil ito ang magdadala sa tao sa katanyagan
C. Dahil ito ang makapag-papalalim sa ating pakikipagkapwa tao
D. Dahil ito ang batayan ng pagiging mabuti ng isang tao
36. Bakit kailangan tukuyin mo muna ang iyong layunin o hangarin ng isang Gawain?
A. Upang matapos mo ito ng mabilisan.
B. Dahil ito ang magbibigay direksyon sa nais mong matupad.
C. Para marami ka pang magawa.
D. wala sa nabanggit.
37. Bakit kailangang tasahin ang mga Gawain?
A. Para mabilis kang makatapos.
B. Upang marami kang magagawa.
C. Upang maumpisahan ang isang Gawain mula sa pinakamaliit hanggang sa mabuo at
matapos ang isang Gawain.
D. lahat ng nabanggit.

38. Ano ang maitutulong ng pag-iwas sa mañana habit sa isang mag-aaral?


A. Naipapasa sa takdang oras ang mga proyekto/awtput
B. Naiiwasang maipunan ng mga gawain o proyekto sa iba’t-ibang asignatura
C. Nabibigyan ng sapat na panahon ang paggawa ng mga proyekto sa paaralan
D. Lahat ng nabanggit
39. Ayon sa Teorya ng Multiple Intelligences, ang lahat ng tao ay may taglay likas na kakayahan,
talent o talino. Sino ang may akda ng Teoryang ito?
A. St. Thomas Aquinas C. Dr. Edward Gardner
B. Dr. Stephen Covey D. Dr. Howard Gardner

40. Isa sa pansariling salik sa pagpili ng kurso na tumatalakay sa mga bagay na gustong gawin at
nagbibigay ng kasiyahan.
A. Kasanayan C. Talino
B. Hilig D. Mithiin
41. Ang tao ay maaaring magtaglay ng magkakaibang talent ayon sa Teorya ng Multiple
Intelligences. Anong uri ng talento ang taglay ng tao na mahusay sa paggawa ng ula at mga
kuwento?
A. Musical/Rhythmic C. Intrapersonal
B. Visual Spatial D. Verbal/Linguistic
42. Kung ang isang tao ay magaling sa isports at pagsayaw, anong uri ng talent ang taglay niya?
A. Visual Spatial C. Interpersonal
B. Bodily/ Kinesthetic D. Musical/Rhythmic
43. Ang kasanayan ng tao ay nasa apat na kategorya, anong uri ng kasanayan mayroon ang tao na
mahusay sa pag-aayos ng dokumento, impormasyon, bilang at mga files?
A. Kasanayan sa datos C. Kasanayan sa pakikiharap sa tao
B. Kasanayan sa mga bagay-bagay D. Kasanayan sa Ideya
44.. Ang mga taong may kahusayan sa pagpapaandar, pagpapanatili at pagbuo ng makina ay may
kasanayan sa ____________.
A. datos C. bagay-bagay
B. pakikiharap sa tao D. Ideya
45. Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon lamang ang misyon natin sa buhay ng kapangyarihan
kung;
A. nagagamit sa araw-araw ng may pagpapahalaga
B. nakikilala ng tao ang kanyang kakayahan at katangian
C. nagagampanan ng balance ang tungkulin sa pamilya,trabaho at komunidad.
D. kinikilala niya ang kanyang tungkulin sa kanyang kapwa
46. Ayon kay Rev. Fr. Jerry Orbos, ang tunay na misyon ay ang paglilingkod sa Diyos at kapuwa.Ano
ang maibibigay nito sa tao sa oras na isinagawa niya ito?
A. Kapayapaan C. Kaligayahan
B. Kaligtasan D. Kabutihan
47. Bakit mahalaga ang magkaroon ng tamang direksyon ang isang tao?
A. Upang siya ay hindi maligaw
B. Upang matanaw niya ang hinaharap
C. Upang mayroon siyang gabay
D. Upang magkaroon siya ng kasiyahan
48. Saan dapat nakabubuti ang isinasagawang pagpapasya?
A. Sarili, simbahan at lipunan C. Paaralan,kapuwa at lipunan
B. Kapuwa,lipunan at paaralan D. Sarili,kapuwa at lipunan
49. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng Personal na Misyon sa buhay?
A. Ito ay batayan ng tao sa kanyang pagpapasya
B. Ito ay katulad ng isang personal na kredo o motto na nagsasalaysay ng nais mong
mangyari sa iyong buhay.
C. Isang magandang paraan ito upang higit na makilala ang sarili
D. Ito ay gawain tungo sa paglilingkod sa kapuwa.
50. Ang Personal na Misyon sa Buhay ay maaring mabago o palitan.
A. Tama, dahil araw-araw ay mayroong nababago sa tao.
B. Mali, dahil mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay babaguhin o papalitan.
C. Tama, dahil patuloy na nababago ang tao sa konteksto ng sitwasyon sa buhay
D. Mali, dahil ito na ang saligan sa buhay. Maaaring magkaroon ng problema kung ito ay
babaguhin pa.

Inihanda ni: Bb. Jenny Rose Pabecca


Guro

You might also like