You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ANTIPOLO
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
TP: 2022-2023
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

PANGALAN NG MAG-AARAL: ________________ PETSA: _____________________


BAITANG AT PANGKAT: ____________________ ISKOR: _____________________

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat
ang titik sa sagutang papel.

1.Saang elemento ng kabutihang panlahat nakapaloob na ang lahat ng tao sa loob ng lipunan ay
obligadong gumalang sa mga pangunahing Karapatan ng bawat tao?
a. Kapayapaan c. Pagpapaunlad ng lahat ng tao
b. Katarungan d. Pagrespeto sa Kapwa-tao

2. Aling elemento ng kabutihang panlahat ang pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan, at kawalan ng


kaguluhan sa lahat ng aspeto ng buhay ng isang tao?
a. Kapayapaan c. Pagpapaunlad ng lahat ng tao
b. Katarungan d. Pagrespeto sa Kapwa-tao

3. Ang namumuno ay inaasahang makapagpapasya at makapipili ng mga gawaing magbibigay sa bawat


tao ng pagkakataong makapamuhay bilang isang ganap na tao. Sa anong elemento ito nabibilang?
a. Kapayapaan c. Pagpapaunlad ng lahat ng tao
b. Katarungan d. Pagrespeto sa Kapwa-tao

4. Ano ang dapat taglayin ng tao upang magamit sa pagkamit ng Kabutihang Panlahat?
a. Kalayaan c. Pagpapahalagang Moral
b. Paghuhusgang Moral d. Pananagutan

5. Sinong pangulo ng Amerika ang nagsabi na “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng iyong
bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang magagawa ng iyong bansa para sa iyo”?
a. Barrack Obama c. George W. Bush
b. Bill Clinton d. John F. Kennedy
6. Ano ang kailangang gawin ng tao upang maibigay ang nararapat para sa kanya?
a. Maging makatao c. Paggalang sa dignidad
b. Maging makatarungan d. Pakikipagkapuwa

7. Ano ang kabutihang panlahat?


a. Kabutihan ng lahat ng tao
b. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
c. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
d. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito

8. Sama-samang nakikiisa ang mamamayan ng Baranggay Dalig sa pangunguna ng kanilang kapitan sa


Programang Oplan Katahimakan upang mapanatili ang katahimikan at mabawasan ang kaguluhan sa
kanilang pamayanan. Sa anong pangangailangang panlipunan kabilang ang nabanggit sa sitwasyon?
a. Pang-ekonomikal c. Pangkapayapaan
b. Pangkabuhayan d. Pangkultural

9. Saan nakatuon ang Kabutihang Panlahat?


a. Dignidad ng tao c. Pagpapaunlad ng lahat ng tao
b. Moralidad ng tao d. Pagrespeto sa Kapwa-tao

10. Ano ang dahilan kung bakit may lipunang political?


a. Para sa ikatatagumpay ng lahat c. Para sa kaunlaran ng lahat
b. Para sa kaayusan sa lipunan d. Para maipakita ang pagkakapantay

Page |1
11. Anong mahalagang prinsipyo sa lipunan ang dapat na isaalang-alang sa loob ng isang lipunan upang
makamit ang kabutihang panlahat?
a. Prinsipyo ng Pagkakaisa c. Prinsipyo ng Subsidiarity
b. Prinsipyo ng Proportio d. Prinsipyo ng ekonomiks

12. Saang prinsipyo ang nagbibigay kapangyarihan kahit sa pinakamaliit o pinakamababang sektor o grupo sa
lipunan na makagawa ng mga desisyon sa kanilang antas?
a. Prinsipyo ng Ekonomiks c. Prinsipyo ng Proportio
b. Prinsipyo ng Pagkakaisa d. Prinsipyo ng Subsidiarity

13. Sa tulong ng Scholarship Program ng DSWD ay makakapasok na ng kolehiyo si Jonnel upang simulang
tuparin ang kanyang mga pangarap para sa pamilya. Anong prinsipyo ng lipunan ang ipinakita sa
sitwasyon?
a. Prinsipyo ng Ekonomiks c. Prinsipyo ng Proportio
b. Prinsipyo ng Pagkakaisa d. Prinsipyo ng Subsidiarity

14. Ano ang tawag sa proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng
pamayanan?
a. Komunidad c. Pamayanan
b. Lipunang Politikal d. Pamilya

15. Saan maaaring ihalintulad ang lipunan?


a. Barkadahan c. Pamilya
b. Pamayanan d. Organisasyon

16. Sa aling ugnayan nakaangkla ang lipunang politikal?


a. Kapayapaan c. Pagmamahalan
b. Pagkakaisa d. Pananagutan

17. Sino ang may tungkulin na pangalagaan ang nabuong kasaysayan sa lipunan?
a. Mamamayan c. Pinuno
b. Gobyerno d. Pulis

18. Saang kilos nagmumula ang mahusay na pamamahala sa loob ng isang lipunan?
a. mamamayan para sa kapwa mamamayan c. namumuno patungo sa mamamayan
b. mamamayan patungo sa namumuno d. namumuno para sa kapwa namumuno

19. Saan nakabatay ang paglago ng ekonomiya sa isang lipunan?


a. Sa mga budget at pondong naitatago ng mga nasa pamahalaan
b. Sa mga buwis na nanggagaling sa mamamayan
c. Sa pamamagitan ng pag-aangkat sa ibang bansa
d. Sa pagtaas ng antas ng kakayahan na makapagbigay ng iba’t ibang produkto at serbisyo

20. Ano ang mahalagang palatandaan upang maituring na malago ang isang ekonomiya?
a. Maayos na hanapbuhay c. Mapayapang pamayanan
b. Magandang buhay d. Mataas na palitan ng dolyar

21. Saan maihahalintulad ang pamamahala sa isang ekonomiya?


a. Bahay c. Pamahalaan
b. Paaralan d. Pamilya

22. Ang mabuting ekonomiya ay napapaunlad ang lahat ng tao. Sa ganitong pahayag, ano ang dapat na taglay
ng tao upang siya ay maging maunlad ang pamumuhay at makatulong din sa pag-unlad ng bansa?
a. Kakayahan c. Kasipagan
b. Katatagan d. Kayamanan

23. Sino ang makikinabang kung ang ekonomiya ay magiging maunlad?


a. Mamamayan c. Sarili
b. Pinuno d. Lahat

Page |2
24. Ano ang kahulugan ng Prinsipyong Proportio?
a. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao
b. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao
c. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao
d. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao

25. Ano ang tunay na dahilan at katotohanan sa paniniwala na “ang tao ay pantay-pantay”?
a. Lahat ay dapat mayroong pag-aari c. Lahat ay iisa ang mithiin
b. Lahat ay may angking kaalaman d. Likha ang lahat ng Diyos

26. Anong prinsipyo ang umiikot sa Lipunang Pang-ekonomiya?


a. Hindi pantay pero patas c. Pantay pero patas
b. Hindi patas pero pantay d. Prinsipyo ng Proportio

27. Saan tunay na nakikilalala ang taong mayaman?


a. Kakayahan c. Karunungan
b. Katalinuhan d. Kayamanan

28. Aling institusyon ang kumakalinga sa mga taong napabayaan sa ating lipunan lalo na sa mga
inabandonang mga magulang at anak?
a. Bahay-ampunan c. Party-List
b. Gawad-kalinga d. Sabahan

29. Ang mga ito ang nagbibigay o naghahatid ng iba’t ibang impormasyon tungkol sa buhay, lagay ng
panahon, at mga isyung nakakaapekto sa buhay ng tao.
a. Bahay-ampunan c. Party-List
b. Media d. Simbahan

30. Sino ang kumakatawan sa iba’t ibang sektor ng lipunan na hindi masyadong nabibigyan ng wastong
pagkalinga
a. Bahay-ampunan c. Party-List
b. Media d. Simbahan

31. Ang Basic Ecclesial Community ay isang maliit na yunit ng simbahang katoliko na naglalayong matugunan
ang iba’t-ibang pangangailangan ng pamayanan.Anong lipunang sibil ang nagsusulong sa kanila?
a. Bahay-ampunan c. Party-List
b. Media d. Simbahan

32. Ang Kapisanan ng mga Broadcaster sa Pilipinas (KBP) ay may hangaring isulong ang malayang at libreng
paghahayag ng balita at impormasyon sa buong Pilipinas. Anong uri ng lipunang sibil natukoy sa bilang?
a. Bahay-ampunan c. Party-List
b. Media d. Simbahan

33. Ano ang tawag sa mga indibidwal na bumubuo ng isang organisasyon na isinasaayos at pinananatiling
kapaki-pakinabang ang pamayanan para sa pagkakamit ng kabutihang panlahat?
a. Lipunang Pang-ekonomiya c. Lipunang Sibil
b. Lipunang Politikal d. Lipunang Agrikultural

34. Aling sektor ng lipunan ang tumutugon sa ating mga pangangailangang moral at ispiritwal na buhay kaya
nakagagawa tayo ng mga pagpapasya sa mga isyung moral?
a. Bahay-ampunan c. Party-List
b. Media d. Simbahan

35. Ang Couples for Christ ay kauna-unahang nagpatayo ng pabahay para sa mahirap na mag-anak sa
Caloocan City. Sa anong halimbawa ng lipunang sibil ang kanilang kinabibilangan?
a. Bahay-ampunan c. Party-list
b. Media d. Simbahan

36. Ang Tahanang Walang Hagdan ay isang institusyong nangangalaga sa kapakanan ng mga taong may
kapansanan upang maingat ang uri ng kanilang pamumuhay. Anong adbokasiya ang kanilang isinusulong?
a. Economic viability c. Spirituality
b. Gender Equality d. Socio-economic

Page |3
37. Si Mayor Ynares ay naglulunsad ng mga programang nakakatulong sa ikabubuti ng mamamayang
kanyang sinasakupan. Sinisigurado niya na ang bawat isa ay matutulungan. Saang elemento ng
kabutihang panlahat nakasaad ang kaniyang mga ginagawa?
a. Indibidwalismo c. Pagpapaunlad ng lahat ng tao
b. Kapayapaan d. Pagrespeto sa Kapwa-tao

38. Si Marriane ay taos pusong tumutulong sa kanyang kapwa at hindi matutumbasan ang kanyang mga
ginagawa. Aling hadlang ng kabutihang panlahat ang taliwas sa kanyang gawain?
a. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad
b. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan
c. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiaambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba.
d. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para sa
pagkamit nito.

39. Paano makakamit ang kabutihang panlahat sa loob ng isang lipunan?


a. Kung isasaalang-alang ang nakararami
b. Kung maipapakita ang malasakit sa bawat isa
c. Kung makikipamuhay sa kapwa-tao ang bawat isa
d. Kung may pagtutulungan ang mamamayan

40. Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan
b. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipunan
c. Mali, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat isang indibidwal
d. Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin

41. Paano inilalarawan na buhay ng tao ay panlipunan?


a. Dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipunan
b. Dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat isang indibidawal
c. Dahil sa pagkakataong ganito lamang matitiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan
d. Dahil ang bawat indibiwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin

42. Paano pinipili ang isang indibidwal na maging isang pinuno?


a. Angking talino at kakayahang mamuno
b. Kakayahang gumawa ng mga batas
c. Personal na katangiang tanggap ng lipunan
d. Pinagmulang angkan ng pamumuno

43. Ang buong mag-anak na Santos ay sama-samang dumadalo sa programang Clean and Green para sa
kanilang barangay tuwing araw ng Sabado. Anong pagpapahalaga ang nalinang sa kanila?
a. Kasipagan c. Pagkukusa
b. Pagkakaisa d. Pagmamahal

44. Si Mang Danilo ay mahusay na pinunuo ng kanilang barangay. Maraming proyekto siyang sinimulan at
ginagawa para sa kaayusan ng kanilang lugar.Ngunit hindi niya binibigyan ng pagkakataon na makibahagi
ang kanyang nasasakupan. Ang katuwirang niya dahil siya naman ang namumuno ay tanging siya lamang
ang masusunod. Sa sitwasyong nabanggit, naipakita ba niya ang Prinsipyo ng Subsidiarity at pagkakaisa
sa kanyang pinamumunuan?
a. Mali, dahil sa kanyang personal na naisin na maging mahusay ang sarili.
b. Mali, sapagkat dapat binigyan niya ng pagkakataon na maibahagi ng kanyang pinamumunuan ang
kanilang mga kaalaman.
c. Oo, sapagkat maipapakita nya ang kanyang galing at kahusayan.
d. Oo, sapagkat sa mamamayan naman ang balik nito.

45. Paano ginagamit ang salitang “Boss” upang ipaliwanag ang dinamismo ng pagpapatakbo ng estado?
a. Ang batas ang syang susundin sa lahat ng pagkakataon
b. Ang kabutihang panlahat ay kailangan tingnan at timbangin sa maayos na ugnayan
c. Ang pinuno lamang ang kikilos upang maging maayos ang lipunan
d. Kailangan na masunod ang kagustuhan ng mamamayan

Page |4
46. Sa ating lipunan, alin sa mga sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao ang kanyang sarili sa mga
bagay na mayroon sya?
a. Hindi mabitawan ni Stella ang kanyang lumang mga damit upang ibigay sa kamag-anak dahil mayroon
itong sentimental value sa kanya.
b. Inuubos ni Jenny ang kaniyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang bansa lamang
mahahanap. Ayon sa kaniya, sa ganitong paraan niya nakukuha ang labis na kasiyahan
c. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula pamahalaan, kahit na kaya
naman niya itong bilhin o kaya ay hindi naman kaliangan, dahil karapatan niya ito bilang mamamayang
nagbabayad ng buwis.
d. Nag-iipon si Razel upang makapagpundar ng bahay para sa kanyang mga magulang at kapatid.

47. Ang DOLE ay naglunsad ng mga livelihood program na makakatulong upang magkaroon ng maayos na
hanapbuhay ang mga tao. Ang layunin nito ay mahasa ang kanilang angking kahusayan sa iba’t ibang
kasanayan. Magiging epektibo ba ang ganitong hakbang upang mapaunlad ang ekonomiya?
a. Hindi, sapagkat aksaya lamang ito sa oras ng bawat isa.
b. Hindi, sapagkat pamahalaan lang din naman ang makikinabang sa huli.
c. Oo, sapagkat ang proyektong ito ang tutugon sa pangangailangan ng mga tao.
d. Oo, sapagkat magkakaroon na sila ng hanapbuhay.

48. Paano matitiyak na magiging maayos ang ekonomiya ng bansa?


a. Maging maluwag sa pagpapatupad ng batas sa kalakalan
b. Taasan ang pangongolekta ng buwis
c. Tangkilikin ang mga produkto na galing sa ibang bansa
d. Tayahin ang pangangailangan ng mga lalawigan o bayan upang maibigay ang tunay na
pangangailangan

49. Sa paanong paraan nagkakaiba ang pantay at patas sa Lipunang Pang-ekonomiya?


a. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay
pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang pangangailangan
b. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat tao sa lipunan, ang patas ay
pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang kakayahan
c. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, patas ay ang
paggalang sa kanilang mga karapatan
d. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay
pagtiyak na natutugunan ng pamahalaan

50. Paano matitiyak na magiging maayos ang ekonomiya ng bansa?


a. Maging maluwag sa pagpapatupad ng batas sa kalakalan
b. Taasan ang pangongolekta ng buwis
c. Tangkilikin ang mga produkto na galing sa ibang bansa upang tumaas ang importasyon ng bansa
d. Tayahin ang pangangailangan ng mga lalawigan o bayan upang maibigay ang tunay na
pangangailangan

51. Paano isinusulong ng media ang katotohanan?


a. Nagpapasya ayon sa hawak na impormasyon
b. Pagbanggit ng malilit na detalye
c. Paglalahad ng iisang panig ng usapin
d. Pagpapayahag ng sariling opinion

52. Paano masasabi na ang lipunan ay isang huwaran?


a. Kung magkakaroon ng tunay na pagkakapantay sa karapatan at tungkulin
b. Kung nagtutulungan at may pagkakaisa ang bawat tao sa lahat ng bagay
c. Kung isinasaalang-alang ang kapakanan ng bawat mamamayan
d. Kung maipapakita ang kahalagahan ng bawat tao

53. Bakit kailangan nating magpatulong sa ibang tao?


a. Hindi lahat ng pangangailangan natin ay natatamo ng mag-isa
b. Iba’t iba tayo ng mga kakayahan
c. Magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin
d. Nais natin magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba

54. Si Marina ay isang mag-aaral sa Colegio De San Agustin, bilang paghahanda sa kanilang Community
Immersion mula sa isa nilang asignatura ay nagtulong-tulong silang buong klase upang magsagawa ng
Tree Planting sa isang bundok na nakakalbo sanhi ng pagpuputol ng mga puno. Anong aspeto ng lipunan
ang kanilang ipinakitang tugon?
Page |5
a. Pagmamahal sa Kalikasan c. Pagtulong sa bayan
b. Pagmamalasakit sa Kapwa d. Pagpapakita ng kasipagan

55. Bakit mahalaga ang pagsisikap ng bawat tao na makamit at mapanatili ang kabutihang panlahat?
a. Sapagkat ito ang magpapatatag sa lipunan c. Sapagkat ito ang nararapat na gawin ng tao
b. Sapagkat kailangan itong isaalang-alang d. Sapagkat bahagi na ito ng gampanin ng tao

56. Bakit kailangan ang kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig sa lipunan?
a. Dahil kailangan para sa ikakabubuti ng nakararami
b. Dahil masasakripisyo ang kabutihang panlahat
c. Upang makamit ng tao sa lipunan ayon sa Likas na Batas Moral
d. Upang mangibabaw ang paggalang sa mga karapatang pantao

57. Bakit kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao?


a. Dahil ang kanyang pag-unlad ay nakasalalay sa pag-unlad ng lipunan
b. Dahil ito ay nararapat sapagkat ikaw ay tao
c. Dahil dito mo makikita ang sarili mo
d. Dahil mapapaunlad nito ang sangkatauhan

58. Bakit mahalagang umiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Solidarity?


a. Dahil mapapanatili ang kaayusan at katiwasayan sa lipunan
b. Dahil matutulungan ang bawat kasapi ng lipunan
c. Maisasaalang-alang ang dignidad ng bawat kasapi ng pamayanan
d. Naipapakita ang diwa ng pagtulong sa nangangailangan

59. Bakit mas epektibo ang patas kaysa sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan?
a. Hindi pantay-pantay ang mga tao ngunit may angkop para sa kanila
b. Karapatan ng bawat mamamayan na matanggap ang nararapat sa kaniya
c. Sa pamamagitan nito mas isasaalang-alang ang kakayahan at pangangailangan ng bawat isa
d. Walang kakayahang magpasya para sa sarili at sa iba ang mga mamamayan

60. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami?


a. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain.
b. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon.
c. Sa ganito natin maipapakita ang ating pagkakaisa.
d. Walang ibang maaaring gumawa nito para sa atin.

Inihanda ni: Ipinasa kay:

MA. CHERYL CYD J. GARCIA MARY ANN N. NAVAJA


Guro sa ESP9 Tagapangulo , Kagawaran ng ESP

Sinuri ni: Binigyang pansin ni:

ROSEMARIE A. DELA CRUZ HENRY M. LICO


Guro sa Filipino9 Punong-guro II

Page |6
Page |7

You might also like