You are on page 1of 3

Learning Activity Sheet

Grade 9 – Edukasyon sa Pagpapakatao Week 2


Gawain 1 - Paghahanay
Pagyamanin
PANUTO. Hanapin sa HANAY B ang tinutukoy sa HANAY A.
HANAY A HANAY B
1. paaralan a. batas
2. simbahan b. magulang
3. pamilya c. paniniwala
4. mga negosyo d. pangkat tao
5. pamahalaan e. malasakit sa iba
6. lipunan f. kaalaman
7. institusyon g. ekonomiya
8. pakikipagkapwa-tao h. organisasyon
9. kabutihan i. pagbigay galang
10. respeto j. malinis na kalooban
Gawain 2 - Opinyon
Anong masasabi mo sa kalagayan ng bawat sector ngayon ng bans ana nasa ibaba?

 Paaralan
 Simbahan
 Pamilya
 Mga Negosyo
 Pamahalaan
Gawain 3
Tayahin
PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at
isulat ang titik nito sa sagutang papel.
1. Alin ang HINDI hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat?
a. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad
b. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba
c. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat at pagbabahagi para sa pagkamit nito
d. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan
2. Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad?
a. Sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhin o layunin samantalang sa komunidad ang
mahalaga ay ang pagkakabukod- tangi ng mga kabilang nito.
b. Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes, mithiin at pagpapahalaga samantalang
sa komunidad, ang namumuno ang nagbibigay ng direksyon sa mga taong kasapi nito
c. Sa lipunan, ang namumuno ay inatasan ng mga mamamayan na kamtin ang mithiin ng mga kasapi nito
samantalang sa komunidad, ang mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mga mithiin.
d. Sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nakasasakop samantalang sa komunidad ay mas maliit na
pamahalaan.
3. Paano nakaaapekto sa buhay ng tao ang lipunang kanyang kinabibilangan?
a. Ang lipunan ay nakatutulong sa pagbubuo ng pagkatao
b. Ang tao ay hinuhubog ayon sa lipunang kaniyang kinabibilangan
c. Ang tao kailanman ay hindi naaapektuhan ng lipunan.
d. Ang lipunan ay walang kontribusyon sa paghubog ng pagkatao.
4. Alin ang HINDI nagpapakita ng halimbawa ng kabutihang panlahat?
a. Pakikipagkapwa-tao
b. Pagbibigayan
c. Panghuhusga
d. Paggalang
5. Ang bawat sektor ng lipunan ay nakaaapekto sa paghubog ng isang tao. Aling sektor ang nakaaapekto sa
kaalaman ng tao?
a. Pamahalaan
b. Simbahan
c. Paaralan
d. Ekonomiya
6. Si Gwen ay mahilig magpopost sa social media sa tuwing siya ay nagbibigay donasyon sa mga mahihirap na
mga kababayan para maipagmalaki na siya ay mayaman at maipakita na siya ay tumutulong sa mga
mahihirap. Sang ayon ka ba sa ginawa ni Gwen?
a. Oo, dahil may karapatan si Gwen na ipakita sa buong mundo ang kaniyang ginagawang pagtulong.
b. Oo, upang magkaroon ng malaking utang na loob ang mga tao kaniya.
c. Hindi, dahil ang pagtulong sa kapwa ay dapat bukal sa puso at hindi pagpapakitang tao lamang.
d. Hindi, dahil pagpapasikat lamang ang kaniyang mga ginagawang pagtulong
7. Ang pakikilahok sa rally ng mga grupong aktibista, pagsalungat sa hakbang ng gobyerno, pagpa-post ng
bulgar na memes sa social media, paggawa ng mga sensitibong artikulo at pahayag laban sa gobyerno ay iilan
sa mga halimbawa ng “freedom of expression”. Matatawag ba na mga halimbawa ng kabutihang panlahat
ang nakasaad sa talata?
a. Oo, dahil ito ay paglalabas lamang ng sariling hinaing laban sa gobyerno.
b. Oo, dahil mas mabilis na maiintidihan ng iba ang sariling hinaing laban sa gobyerno
c. Hindi, dahil naaapakan mo ang integridad at pagkatao ng iyong kapwa ng walang tamang basehan.
d. Hindi, dahil may hangganan ang freedom of expression at ang mga ito ay hindi naaayon sa
karapatang pantao at mga pinapairal na batas.
8. Alin ang HINDI nagpapakita ng kabutihang panlahat?
a. Pagbibigay ayuda sa mga piling pamilya at indibidwal na nabibilang lamang sa low-income families sa
gitna ng COVID- 19 pandemic
b. Pagbabawal ng pagtanggap sa mga OFWs na nais bumalik sa kanilang probinsya sa gitna ng COVID-
19 pandemic sa hangaring maging ligtas ang ibang mamamayan.
c. Pamamahagi ng libreng konsultasyon, gamot at tulong- medikal sa lahat ng mamamayan sa bawat
komunidad.
d. Pagbibigay ng libreng PhilHealth sa mga kwalipikadong beneficiaries na walang kakayahang
magbayad ng Health Insurance.
9. Sa tahanan natin unang natutunan ang tamang asal at pag-uugali. Alin ang nagpapakita ng tamang
kabutihang panlahat sa tahanan at pamilya?
a. Pagpalo at pagpaparusa sa anak upang matuto sa pagkakamali.
b. Pagtatanim ng sama ng loob sa magulang dahil napagalitan.
c. Pagsunod sa utos at payo ng mga magulang na may paggalang.
d. Pagsunod sa mga ipinag-uutos habang nagdadabog at nagmamaktol.
10. Aling sektor ng lipunan ang sumasaklaw sa mga pinapairal na batas, alituntunin at katarungan para sa
pagkakapantay-pantay ng bawat isa – mahirap o mayaman?
a. Simbahan
b. Pamahalaan
c. Paaralan
d. Komunidad
Susi sa Pagwawasto
Pagyamanin Tayahin
1. f 6. d 1. c 6. c
2. c 7. h 2. d 7. d
3. b 8. e 3. b 8. a
4. g 9. j 4. c 9. c
5. a 10. i 5. c 10. b

You might also like