You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF CITY OF BOGO
BUAC, CAYANG, BOGO CITY, CEBU
DON JOSE (PEPE) LEPITEN NATIONAL HIGH SCHOOL
SIOCON, BOGO CITY, CEBU
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EsP 9
Pangalan:____________________________ Puntos: ____________
Guro: _______________________________ Petsa: _____________

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na aytem. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang.

1. Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng Pilisopiya sa Ateneo de Manila University, binubuo ng mga
tao ang lipunan at binubuo ng lipunan ang mga tao. Ito ay nangangahulugang __________.
a. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan at hinuhubog ng lipunan ang
mga tao.
b. b. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang ay nariyan na ang pamilyang
nag-aaruga sa kaniya; binubuo ng lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi
nito.
c. c. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mga kontribusyon ang nagpapalago at
nagpapatakbo dito; binubuo ng lipunan ang mga tao dahil ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng
tao.
d. d. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aruga sa tao at dahil matatagpuan ang
tao sa lahat ng bahagi nito; binubuo ng lipunan ang mga tao dahil sa lipunan makakamit ang
kaganapan ng kaniyang pagkatao.

2. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay___.


a. tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay
b. tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa;
c. mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag-isa.
d. mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan.

3. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang
magagawa mo para sa iyong bansa.” Ang mga katagang ito ay winika ni:
a. Aristotle c. John F. Kennedy
b. St. Thomas Aquinas d. Bill Clinton

4. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:


a. paggawa ng tao ayon sa kanyang pansariling hangad
b. pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba
c. pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para
sa pagkamit nito
d. pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan

5. Ano ang dahilan kaya nanatiling buo ang isang samahan? Mayroon silang ____________.
a. kontribusyon c. pagmamahalan
b. gampanin d. katalinuhan
6. Alin ang HINDI kabilang sa mga hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat?
a. paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad
b. pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba
c. pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para
sa pagkamit nito
d. pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan

7. Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad?


a. Sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhin o layunin samantalang sa komunidad ang
mahalaga ay ang pagkakabukod- tangi ng mga kabilang nito.
b. Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes, mithiin at pagpapahalaga
samantalang sa komunidad, ang namumuno ang nagbibigay ng direksiyon sa mga taong kasapi nito.
c. Sa lipunan, ang namumuno ay inaatasan ng mga mamamayan na kamtin ang mithiin ng mga kasapi
nito samantalang sa komunidad, ang mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang
mga mithiin.
d. Sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nakasasakop samantalang sa komunidad ay mas maliit
na pamahalaan.

8. Paano nakaaapekto sa buhay ng tao ang lipunang kanyang kinabibilangan?


a. Ang lipunan ay nakatutulong sa pagbubuo ng pagkatao.
b. Ang tao ay hinuhubog ayon sa lipunang kaniyang kinabibilangan.
c. Ang tao kailanman ay hindi naaapektuhan ng lipunan.
d. Ang lipunan ay walang kontribusyon sa paghubog ng pagkatao.

9. Alin ang HINDI nagpapakita ng halimbawa ng kabutihang panlahat?


a. Pakikipagkapwa-tao c. Panghuhusga
b. b. Pagbibigayan d. Paggalang

10. Ang bawat sektor ng lipunan ay nakaaapekto sa paghubog ng isang tao.


Aling sektor ang nakaaapekto sa kaalaman ng tao?
a. Pamahalaan c. Paaralan
b. Simbahan d. Ekonomiya

11. Alin ang nagpakita ng kabutihang panglahat? “Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa
tunguhin ng bawat indibidwal” Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil sa ganitong pagkakataon matitiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan.
b. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipunan.
c. Mali, dahil may ibat-ibang katangian at pangangailangan ang bawat isang indibidwal.
d. Mali, dahil ang bawat indibidwal ng ating lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin.

12. Paano maisakatuparan ang konsepto ng katagang ito? “Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang
nararapat na manaig sa lipunan”
a. Ang kalayaan ay mahalaga upang mangingibabaw ang paggalang sa mga karapatan ng tao.
b. Pagkapantay pantay makamit ng tao sa lipunan ayon sa likas na batas.
c. Sa kalayaan masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal.
d. Sa pagitan ng kalayaan at pagkapantay pantay lahat ay mag alay ng sakripisyong mithiin.

13. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pagpapakita ng kabutihang panglahat?
a. Pagbisita ng regular sa bahay ng mga pinabayaang matatanda.
b. Pag-aalay ng magagandang mensahe para sa mga frontliners ng pandemyang covid 19.
c. Pagtulong sa pamamahagi ng pagkain at damit sa mga nasalanta ng bagyo.
d. Pagtanggap ng mga pagkaing bigay ng pamahalaan.
14. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng kabutihang panlahat?
a. Nakikitang naglalaro si Jane sa kalsada kasama ang mga kaibigan.
b. May bayanihan sa paglilinis ng pamayanan nina Marko at isa siya sa tumutulong magbuhat ng mga
mabibigat na bagay.
c. Naglilinis ng bahay ang nanay ni Ella habang siya ay nakahiga.
d. Nagluluto ang mga magkaklase na sina Andrew at Charlene para sa piknik.

15. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kabutihang panlahat?


a. Makisali sa kaguluhan sa inyong barangay.
b. Makilahok sa programa ng barangay sa pag-abot ng tulong sa mga nangangailangan.
c. Hayaan na lamang ang mga opisyal ng barangay ang gumawa ng paraan.
d. Magbigay ng ambag sa abot ng makakaya upang makatulong.

16. Ano ang tawag sa pinaka maliit na yunit ng komunidad?


a. pamilya b. simbahan c. paaralan d. bansa

17. Paano makatulong ang institusyong paaralan sa paghubog ng moral sa mga kabataan?
a. Udyuking sumali sa mga paligsahang local.
b. Magsagawa ng mga adbokasiyang naglalayon sa positibong pananaw sa buhay.
c. Udyukin na mag-aral sa semenaryo.
d. Hubugin ang mga mag-aaral para pampolitikang adhikain.

18. Alin sa mga salita ang nagpapakita sa tunay na kahulugan ng pamayanan?


a. institusyong pinapairal ng batas
b. institusyong binubuo nga prinsipyong political
c. isang pangkat na nag-uugnayang tao
d. isang pinaka importanteng institusyon sa Lipunan

19. Bakit tinaguriang mas higit pa sa kayamanan at salapi ang lipunan?


a. Ito’y dahil sa natatanging nakabaon na mga ginto sa mga lupain.
b. Ang mga tao ang siyang nagbigay buhay sa panlipunang pagkakaisa.
c. Nakasalalay ang adhikaing pang ekonomiya sa katatagan ng pagkakaisa.
d. Adhikaing moral ang nagbigay buhay sa malakas na lipunan.

20. Ano ang prinsipyo ng subsidiarity?


a. ng pagtulong sa paaralan
b. ang pagpatayo ng mga pampublikong gusali
c. ang pag kupkop sa mga dukha
d. ang pagtulong ng pamahalaan sa Pamayanan

21. Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang panlahat. Alin sa
sumusunod ang hindi tunay na diwa nito?
a. protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan
b. kondenahin ang mapagsamantala sa kapangyarihan
c. itaguyod ang karapatang- pantao
d. ingatan ang interes ng marami
22. Paano sinikap ng ating estado na iangkop ang kultura bilang pagkilala sa karapatan ng bawat
mamamayan?
a. sa pamamagitan ng pagbuo ng konstitusyon kalakip ang mga karapatan at proteksiyon ng
mga mamamayan
b. sa pamamagitan ng pagtatayo ng maraming imprastraktura senyales ng pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa
c. sa pamamagitan ng pagtatatag ng iba’t ibang samahan na ssagot sa pangangailangan ng
bawat mamamayan
d. sa pamamagitan ng paglikha ng maraming mga batas

23. Alin sa sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasiya?


a. magdudulot ito ng kasiyahan c. ito ay ayon sa mabuti
b. makapagpapabuti sa tao d. walang nasasaktan

24. Ano ang makakamit ng Lipunan kung ang lahat ng mamamayan ay nakikilahok?
a. pag-unlad c. kabutihang panlahat
b. pagkakaisa d. pagtataguyod ng pananagutan

25. Sa isang lipunang pampolitika, sino/ alin ang kinikilalang tunay na boss?
a. pangulo c. pinuno ng simbahan
b. mamamayan d. kabutihang panlahat

26. Alin sa mga sumusunod ang may tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng
pamayanan?
mga batas b. mamamayan c. kabataan d. pinuno

27. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mahusay na daloy ng pamamahala sa isang lipunan?
a. mula sa mamamayan patungo sa namumuno
b. mula sa namumuno patungo sa mamamayan
c. sabay
d. mula sa mamamayan para sa nasa mamamayan

28. Saan inihambing ang isang pamayanan?


a. pamilya b. barkadahan c. organisasyon d. magkasintahan

29. Ano ang dahilan ng pagiging pinuno ng isang indibidwal?


a. personal na katangiang pinagtitiwalaan ng pamayanan
b. angking talino at kakayahan
c. pagkapanalo sa halalan
d. kakayahang gumawa ng batas

30. Ano ang tawag sa proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng
pamayanan upang higit na matupad ang layuning ito?
a. lipunang pulitikal c. komunidad
b. pamayanan d. pamilya

31. Paano masisiguro na ang bawat bahay ay maging tahanan sa Lipunang ang-ekonomiya?
a. Nagbibigay tulong pinansiyal ang pamahalaan sa mga mahihirap na pamilya.
b. Sa pangunguna ng estado, napangangasiwaan at naibabahagi ng patas ang yaman ng bayan.
c. Sinisikap ng estado na mabigyan ng trabaho ang bawat mamamayan kahit hindi angkop sa
kakayahan.
d. Tinutulungan ng estado ang mga manggagawa na makahanap ng hanapbuhay sa ibang bansa
32. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya MALIBAN sa:
a. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay.
b. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan.
c. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao.
d. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pamamagitan ng
pangangasiwa ng yaman ng bayan.

33. Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na “ang tao ay pantay- pantay”?
a. Pantay ang lahat ng tao sa mata ng Diyos.
b. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao.
c. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao.
d. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao.

34. Ano ang angkop na salita sa pagbibigay ng parehong benipisyo sa lahat ng tao sa lipunan?
a. pantay na benipisyo c. budget na benipisyo
b. yaman na benipisyo d. patas na benipisyo

35. Alin ang angkop na salita na nagpapaunlad ang lahat na walang taong sobrang mayaman at
maraming mahirap?
a. pagkakapantay-pantay c. patas
b. mabuting Ekonomiya d. pagbabudget

36. Alin ang nangunguna sa pangangasiwa at patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan?


a. bansa b. estado c. komunidad d. lipunan

37. Alin ang prinsipyong angkop na pagkakaloob ng ayon sa pangangailangan ng tao?


a. budget b. ekonomiya c. yaman d. proportio

38. Bakit magkakaugnay ang pag-unlad ng sarili sa pag-unlad ng bayan?


a. Nakilala at sumikat ang mga taong umuunlad.
b. Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng tao ay may mabuting dulot sap ag-unlad ng bansa.
c. Nagkakaroon ng maraming opurtunidad sa hanapbuhay ang taong mahilig paunlarin ang sariling
kakayahan.
d. Malaki ang maitutulong sa bansa kung maraming pera ang bawat tao ay may mabuting dulot sa
pag-unlad ng bansa.

II. Isulat sa patlang ang TAMA kung ang isinasaad ng mga pangungusap ay katotohanan at MALI kung hindi.
___________1. Ang lipunang pulitikal ay laging nauugnay sa salitang kapangyarihan.
___________2. Ang lipunang pulitikal ay ang nangangasiwa ng ating pamayanan, ang mga material na
pangangailangan nito at lalo na ang katahimikan at kapayapaan.
___________3. Pag wala ang lipunang pulitikal kaya paring makamtan ang kapayapaan at matiwasay na
pamumuhay sa isang baryo o lungsod.
___________4. Ang layunin ng politika ay upang paganahin ang mga miyembro ng isang lipunan
kolektibong makamit ang mga mahahalagang layunin ng tao na hindi nila makamit nang
paisa-isa.
____________5. Sa isang lipunan maaring sundin natin ang kahit sinong magbibigay ng panuto, gabay o
batas at opinion nang kahit sinong myemro nito kahit na ito ay magdudulot ng kaguluhan.
____________6. Ang ating mga pinuno ang siyang tagagawa ng mga hakbang at plano ukol sa mga
programang makakatulong sa mga mamamayan na magkaroon ng matiwasay na
pamumuhay.
____________7. Isa sa magandang epekto ng sistemang pulitikal na ginagamit ang prinsipyong subsidiarity
ay ang inisyatibo ng indibidwal at grupo ay nabibigyan ng maximum na saklaw upang
malutas ang mga problema.
____________8. Ang ating lipunang pulitikal ang siyang pangangasiwaan ng mga mamamayan upang
magkaroon sila nang magandang kabuhayan.
____________9. Minsan ang ating lipunang pulitikal ang nakakatulong sa atin na makamit natin ang mga
pangangailangan gaya nang edukasyon, tahimik na pamayanan at iba pang importanteng
serbisyo sa komunidad.
____________10. Madami ang hindi nakaka intindi sa tunay na halaga ng lipunang pulitikal dahil sa mga
maling hakahaka ukol sa mga kontirbusyon nito sa pamayanan

You might also like