You are on page 1of 5

Bataan School of Fisheries

Orion, Bataan
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
August 8-10, 2018

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito
sa sagutang papel.

1. Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng Pilosopiya sa Ateneo de Manila University, binubuo ng tao ang lipunan at binubuo ng
lipunan ang tao. Ito ay nangangahulugang:

a. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan at hinuhubog ng lipunan ang mga tao
b. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang ay nariyan na ang pamilyang nag-aaruga sa kaniya;
binubuo ng lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.
c. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mg kontribusyon ang nagpapalago at nagpapatakbo dito; binubuo ng
lipunan ang tao dahil ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng tao.
d. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aruga sa tao at dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito;
binubuo ng lipunan ang tao dahil sa lipunan makakamit ang kaniyang kaganapan ng pagkatao.

2. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:

a. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad

b. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba

c. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit nito

d. Pagbibigay ng tulong sa iyong kapamilya.

3. Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad?

a. Sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhin o layunin samantalang sa komunidad ang mahalaga ay ang
pagkakabukod-tangi ng mga kabilang nito.

b. Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes, mithiin at pagpapahalaga samantalang sa komunidad, ang
namumuno ang nagbibigay ng direksiyon sa mga taong kasapi nito.

c. Sa lipunan, ang namumuno ay inatasan ng mga mamamayan na kamtin ang mithiin ng mga kasapi nito samantalang sa
komunidad, ang mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mga mithiin.

d. Sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nakasasakop samantalang sa komunidad ay mas maliit na pamahalaan.

4. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:

a. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay

b. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa

c. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag-isa

d. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan

5. Ang mga sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:

a. Kapayapaan

b. Katiwasayan

c. Paggalang sa indibidwal na tao

d. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat

6.)“Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong

mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa.” Ang mga katagang ito ay winika ni:

a. Aristotle

b. St. Thomas Aquinas

c. John F. Kennedy

d. Bill Clinton

7. Ano ang tunay na layunin ng lipunan?

a. kapayapaan
b. kabutihang panlahat

c. katiwasayan

d. kasaganaan

8. Ano ang kabutihang panlahat?

a. Kabutihan ng lahat ng tao

b. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan

c. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan

d. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito

9. Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal. Ang pangungusap ay:

a. Tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan.
b. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipunan.
c. Mali, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat isang indibidwal.
d. Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin.

10. Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig sa lipunan. Ang pangungusap ay:

a. Tama, dahil ito ang mahalaga upang mangibabaw ang paggalang sa mga karapatan ng tao.

b. Tama, dahil ito ay inilaan na makamit ng tao sa lipunan ayon sa Likas na Batas

c. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihang panlahat at sa pagkakapantay-pantay, masasakripisyo ang kabutihan ng
indibidwal

d. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal at sa pagkakapantay-pantay masasakripisyo ang kabutihang
panlahat

11. Alin sa sumusunod ang maaaring ihambing ang isang lipunan?

a. Pamilya

b. Barkadahan

c. Organisasyon

d. Magkasintahan

12. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mahusay na pamamahala?

a. May pagkilos mula sa mamamayan patungo sa namumuno.

b. May pagkilos mula sa namumuno patungo sa mamamayan.

c. May pagkilos mula sa mamamayan para sa kapuwa mamamayan lamang.

d. Sabay ang pagkilos ng namumuno at mamamayan.

13. Sino ang may tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan at kinabukasan ng pamayanan?

a. Batas

b. Kabataan

c. Mamamayan

d. Pinuno at pamahalaan

14. Ano ang pinakamahalagang dahilan upang maging pinuno ang isang indibidwal?

a. Personal na katangiang tanggap ng pamayanan

b. Angking talino at kakayahan sa pamumuno

c. Pagkapanalo sa halalan

d. Kakayahang gumawa ng batas

15. Sino ang nagsilbing halimbawa ng may puso para sa lipunan dahil sa adbokasiya niya na pagkilala sa tao lagpas sa kulay ng balat?

a. Malala Yousafzai

b. Martin Luther King

c. Nelson Mandela
d.Ninoy Aquino

16. Sa isang lipunang pampolitika, sino/alin ang kinikilala bilang tunay na boss?

a. mamamayan d. kabutihang panlahat

b. pangulo

c. pinuno ng simbahan

17. Ano ang tawag sa proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang higit na
matupad ang layuning ito?

a. Lipunang Politikal c. Komunidad

b. Pamayanan d. Pamilya

18. Ano ang tawag sa nabuong gawi, tradisyon, paraan ng pagpapasiya, at mga hangarin ng isang pamayanan?

a. kultura c. batas

b. relihiyon d. organisasyon

19. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng Prinsipyo ng Subsidiarity?

a. pagsasapribado ng mga gasolinahan

b. paniningil ng buwis

c. pagbibigay daan sa Public Bidding

d. pagkakaloob ng lupang matitirikan para sa pabahay

20. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng Prinsipyo ng Solidarity?

a. sama-samang pagtakbo para sa kalikasan

b. pagkakaroon ng kaalitan

c. bayanihan

d. pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong

21. Ang paniniwala na “ang tao ay pantay-pantay” ay nakaugat sa katotohan na...

a. lahat ay dapat mayroong pag-aari

b. lahat ay may kani-kanyang angking kaalaman

c. lahat ay iisa ang mithiin

d. likha ang lahat ng Diyos

22. Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Sto. Tomas de Aquino?

a. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao

b. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao

c. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao

d. Patas na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao

23. Sa ating lipunan, alin sa mga sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao ang kanyang sarili sa bagay?

a. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula pamahalaan, kahit na kaya naman niya itong bilhin o
kaya ay hindi naman kailangan dahil karapatan niya ito bilang mamamayang nagbabayad ng buwis.

b. Hindi mabitawan ni Sheila ang kanyang lumang mga damit upang ibigay sa kamag-anak dahil mayroon itong sentimental value sa
kanya.

c. Inuubos ni Jerome ang kaniyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang bansa lamang mahahanap. Ayon sa kaniya, sa
ganitong paraan niya nakukuha ang labis na kasiyahan.

d. Lahat ng nabanggit

24. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya maliban sa:

a. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay

b. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan

c. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao.


d. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pamamagitan ng pangangasiwa ng yaman ng bayan.

25. Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas?

a. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa
tao batay sa kanyang pangangailangan.

b. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao
batay sa kanyang kakayahan

c. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, patas ay ang paggalang sa kanilang mga
karapatan

d. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagtiyak na natutugunan ng
pamahalaan ang lahat ng pangangailangan ng mga tao

26. Paano masisiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa Lipunang Pang-ekonomiya?

a. Nagbibigay ng tulong pinansiyal ang pamahalaan sa mga mahiirap na pamilya.

b. Sa pangunguna ng estado, napangangasiwa at naibabahagi ng patas ang yaman ng bayan.

c. Sinisikap ng estado na mabigyan ng trabaho ang bawat mamamayan kahit hindi angkop sa kakayahan.

d. Tinutulungan ng estado ang mga manggagawa na makahanap ng hanapbuhay sa ibang bansa.

27. Bakit mas epektibo ang patas kaysa sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan?

a. Sa pamamagitan nito, mas isaalang-alang ang kakayahan at pangangailangan ng bawat isa.

b. Walang kakayahang magpasiya para sa sarili at sa iba ang mga mamamayan.

c. Karapatan ng bawat mamamayan na matanggap ang nararapat sa kaniya.

d. Hindi pantay-pantay ang mga tao, ngunit may angkop para sa kanila.

28. Paano maipapakita ang tamang ugnayan ng tao sa kaniyang pag-aari?

a. Sa pagbibigay ng higit na mataas na pagpapahalaga ng kaniyang mga ari-arian kaysa kaniyang sarili.

b. Sa pagmamayabang sa mga kakilala at kaibigan ang dami ng naimpok na salapi.

c. Sa pagpapakita na may kakayahan siyang bumili ng mga mamahaling gamit.

d. Sa pag-iwas na maitali ang kaniyang halaga bilang tao sa kaniyang pag-aari.

29. Bakit magkaugnay ang pag-unlad ng sarili sa pag-unlad ng bayan?

a. Nakikilala at sumisikat ang mga taong umuunlad.

b. Malaki ang maitutulong sa bansa kung maraming pera ang bawat tao.

c. Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng tao ay may mabuting dulot sa pag-unlad ng bansa.

d. Nagkakaroon ng maraming oportunidad sa hanapbuhay ang taong mahilig paunlarin ang sariling kakayahan.

30. “ Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa bunga ng kaniyang paggawa. Hindi sa pantay-pantay na
pagbabahagi ng kayamanan ang tunay na kayamanan. Nasa pagkilos ng tao sa anumang ibinigay sa kaniya ang kaniyang
ikayayaman.” Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?

a. Ang tunay na mayaman ay hindi takot gumastos para sa mga hilig niya.

b. Naipakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa husay niya sa paggawa.

c. Mahusay ang taong may kakayahang makabili ng lahat ng kaniyang naisin.

d. Maipagmamalaki ng tao ang kaniyang sarili sa mga kagamitan na mayroon siya.

31. May kasinungalingan sa mass media kung mayroong:

a. paglalahad ng mga impormasyong wlang sapat na ebidensiya

b. pagpapahayag ng sariling kuro-kuro

c. paglalahad ng isang panig ng usapan

d. lahat ng nabanggit

32. Ang samahang nagsasagawa ng _______________ ay maituturing na isang lipunang sibil.

a. malayuang pagbibisikleta

b. paghuli ng mga paubos ng hayop


c. patatanim ng mga puno

d. papoprotesta araw-araw sa Luneta

33. Ito ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba:

a. Iba’t iba tayo ng mga kakayahan.

b. Magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin.

c. Hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo at magagawa natin ng mag-isa.

d. Nais natin magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba.

34. Isang musmos na nanindigan para sa karapatan ng kababaihan na makapag-aral sa Pakistan sa kabila ng pagtatangka sa kanyang
buhay

a. Malala Yousafzai c. Nelson Mandela

b. Jacques Maritain d. Martin Luther King

35. Pangunahing layunin ng lipunang sibil ang:

a. pagpoprotesta sa mga nanunungkulan

b. pagbibigay-lunas sa suliranin n karamihan

c. pgbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan

d. mabigyan-pansin ang suliraning-pansarili

II. A Enumeration: Ibigay ang mga sektor na bumubuo sa lipunan.

36. ___________________________________

37. ___________________________________

38. ___________________________________

39. ___________________________________

40. ___________________________________

B. Magbigay ng mga halimbawa ng mass media

41. __________________________________

42. ___________________________________

43. ___________________________________

44. ___________________________________

45. ___________________________________

III.) TUKUIYIN ANG MGA SUMUSUNOD.AYUSIN ANG MGA GINULONG LETRA PARA MABUO ANG KASAGUTAN.

_______________46. Salitang ugat ng Lipunan ( NLPIO )

_______________47. Ibig-sabihin ay Lipon ( KGNTAAP )

______________ 48. Salitang latin ng Komunindad ( MMNSCOUI )

______________ 49. Nangangahulugang nagkakapareho ( NOOCMM )

_______________50. Nangangahulugang bahay-pamamahala (AYIMONOKE)

You might also like