You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Division of Cebu Province
BORBON NATIONAL HIGH SCHOOL
Poblacion, Borbon, Cebu

1ST PERIODICAL TEST IN ESP 9

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at
isulat ang titik nito sa iyong sagutang papel.

1) Ang ___________ ay nagmula sa salitang ugat na “lipon” na nangangahulugang pangkat.

A. komun B. komunidad C. lipun D. lipunan

2) Bakit sinasabing ang buhay ng tao ay panlipunan?

A. Nabubuhay ang tao sa lipunan.

B. Nakikilahok ang tao sa lipunan.

C. Nakikibahagi at namumuhay ang tao sa kapuwa.

D. Nakikisang-ayon ang tao para maging matiwasay ang pakikitungo sa kapwa.

3) Alin sa mga sumusunod ang TAMANG pagkakaiba ng lipunan at komunidad?

A. Sa lipunan, ang pamahalaan ang sumasakop sa isang malaking pangkat samantalang sa komunidad, ito ay
may isang maliit na pamahalaang pinamamahalaan ang maliit ding pangkat.

B. Sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhin o layunin samantalang sa komunidad ang mahalaga ay
ang pagkakabukod-tangi ng mga taong kabilang nito.

C. Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes, mithiin at pagpapahalaga samantalang sa
komunidad, ang namumuno ang nagbibigay ng gabay sa mga taong kasapi nito.

D. Sa lipunan, ang namumuno ay inatasan ng mga mamamayan na isakatuparan ang mithiin ng mga kasapi nito
samantalang sa komunidad, ang mga tao ang nagdidikta sa kung ano ang gagawin sa pagkamit ng kanilang mga
mithiin.

4) “Binubuo ng tao ang lipunan, at binubuo ng lipunan ang tao.” Ano ang ibig sabihin nito?

A. Ang tao ang siyang bumubuo sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan at hinuhubog ng nito ang mga tao

B. Ang lipunan ay binubuo ng tao dahil ang kanilang mga kontribusyon ang nagpapalago at nagpapatakbo dito;
binubuo ng lipunan ang tao dahil ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng tao.

C. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang ay nariyan na ang pamilyang nag-aaruga sa
kaniya; binubuo ng lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.

D. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aruga sa tao at dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng
bahagi nito; binubuo ng lipunan ang tao dahil sa lipunan makakamit ang kaniyang kaganapan ng pagkatao.

5) Bakit sinasabing panlipunan ang pagnanais ng tao na mapag-isa?

A. Ang pagnanais ng tao na mapag-isa ay panlipunan sapagkat ang sangkot ay tao mismo at sa ating
pagkakaalam, ang tao ay bumubuo sa lipunan.

B Sa pag-iisa, mas makapag-iisip ng maaaring gawin para mapalago pa ang kakayahan na makipag-ugnayan sa
kapuwa.

C. Sa pag- iisa, maisaalang-alang ang sariling kabutihan sa pakikipag-ugnayan sa kapuwa.

D. Dahil may pakikipag-ugnayan pa rin sa iyong sarili kahit ang tao ay nag-iisa.

6) Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat MALIBAN sa:

A. Nakikilahok si Juan ayon sa kaniyang pansariling tunguhin.

B. Naaakit si Susana na tumulong sa kapwa na nangangailangan.


C. Pakiramdam ni Magda na mas malaki ang kanyang naiiambag kaysa sa nagawa ng iba.

D. Nakikinabang si Miguel sa benepisyong dulot ng programa sa kanilang kompanya subalit tinanggihan niya
ang pagbibigay ng ambag na tulong dahil sa kanyang gawain sa bahay.

7) Dahil sa nakikitang araw-araw na pagmamaltrato ng isang amo sa kasambahay, ipinaalam ito ni Janet sa Barangay
para ito ay matulungan. Anong elemento ng kabutihang panlahat ang ipinapakita nito?

A. Kapayapaan C. Paggalang sa indibidwal na tao

B. Katiwasayan D. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat

8) Ano ang tunay na layunin ng lipunan?

A. Kapayapaan B. Kabutihang panlahat C. Katiwasayan D. Kasaganaan

9) Ano ang kabutihang panlahat?

A. Kabutihan ng lahat ng tao

B. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan

C. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan

D. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito

10) “Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal.” Ang pangungusap ay:

A. Tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan

B. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipunan

C. Mali, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat indibidwal

D. Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin

11) Ano ang tawag sa prinsipyong ito: “Pagtulungan ng mga mamamayan at pamahalaan?

A. Prinsipyo ng Lipunan C. Prinsipyo ng Subsidiarity

B. Prinsipyo ng Pagkakaisa D. Lahat ng nabanggit

12) Ang mahusay na pamamahala ay may kilos na ito.

A. Mula sa mamamayan patungo sa namumuno C. Sabay ang pagkilos ng namumuno at mamamayan

B. Mula sa namumuno patungo sa mamamayan D. Mula sa mamamayan para sa nasa mamamayan

13) Nasa kanilang kamay ang tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng pamayanan.

A. Mga Batas B. Mamamayan C. Kabataan D. Pinuno

14) Ang dahilan ng pagiging pinuno ng isang indibidwal ay…

A. Personal na katangiang pinagtitiwalaan ng pamayanan

B. Angking talino at kakayahan

C. Pagkapanalo sa halalan

D. Kakayahang gumawa ng batas

15) Siya ay isang halimbawa ng may puso para sa lipunan dahil sa adbokasiya niya ng pagkilala sa tao lagpas sa
kulay ng balat.

A. Ninoy Aquino B. Malala Yuosafzai C. Martin Luther King D. Nelson Mandela

16) Ang tunay na “boss” sa isang lipunang pampolitika ay ang…

A. mamamayan B. pangulo C. pangulo at mamamayan D. halal ng bayan

17) Ito ay ang proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang
higit na matupad ang layuning ito

A. Lipunang Pulitikal B. Pamayanan C. Komunidad D. Pamilya


18) Ito ay mga halimbawa ng Prinsipyo ng Subsidiarity, maliban sa…

A. pagsasapribado ng mga gasolinahan C. pagbibigay daan sa Public Bidding

B. pagsisingil ng buwis D. pagkakaloob ng lupang matitirikan para sa pabahay

19) Ito ay mga halimbawa ng Prinsipyo ng Solidarity, maliban sa…

A.sama-samang pagtakbo para sa kalikasan C. bayanihan at kapit-bahayan

B. pagkakaroon ng kaalitan D. pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong

20) Ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan.

A. subsidiarity B. Solidarity C. pagkakaisa D. pampolitiko

21) Bakit magkaugnay ang pag-unlad ng sarili sa pag-unlad ng bayan?

A. Nakikilala at sumisikat ang mga taong umuunlad.

B. Malaki ang maitutulong sa bansa kung maraming pera ang bawat tao.

C. Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng tao ay may mabuting dulot sa pag-unlad ng bansa

D. Nagkakaroon ng maraming oportunidad sa hanapbuhay ang taong mahilig paunlarin ang sariling kakayahan

22) Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na "ang tao ay pantay-pantay"?

A. lahat ay may kani-kaniyang angking kaalaman C. lahat ay iisa ang mithiin

B. lahat ay dapat mayroong pag-aari D. likha ang lahat ng Diyos

23) Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Sto. Tomas de Aquino?

A. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao

B. angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao

C. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao

D. pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao

24) Sa ating lipunan, alin sa mga sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao ang kaniyang sarili sa bagay?

A. mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula pamahalaan, kahit na kaya naman
niya itong bilhin o kaya ay hindi naman kailangan, dahil karapatan niya ito bilang mamamayang nagbabayad ng
buwis.

B. Hindi mabitawan ni Sheila ang kaniyang lumang mga damit upang ibigay sa kamag-anak dahil mayroon
itong sentimental value sa kaniya.

C. Inuubos ni Jerome ang kaniyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang bansa lamang mahahanap.
Ayon sa kaniya, sa ganitong paraan niya nakukuha ang labis na kasiyahan

D. Lahat ng nabanggit.

25) Alin ang hindi naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya?

A. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay.

B. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan

C. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao

D. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pamamagitan ng pangangasiwa ng
yaman ng bayan.

26) Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas?

A. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng
nararapat para sa tao batay sa kaniyang pangangailangan.

B. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng
nararapt parta sa tao batay sa kaniyang kakayahan.
C. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, patas ay ang
paggalang sa kanilang mga karapatan.

D. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagtiyak na
natutugunan ng pamahalaan ang lahat ng pangangailangan ng mga tao.

27) Paano masisiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa Lipunang Pang-ekonomiya?

A. Nagbibigay ng tulong pinansiyal ang pamahalaan sa mga mahihirap na pamilya.

B. Sa pangunguna ng estado, napangangasiwaan at naibabahagi ng patas ang yaman ng bayan

C. Sinisikap ng estado na mabigyan ng trabaho ang bawat mamamayan kahit hindi angkop sa

kakayahan

D. Tinutulungan ng estado ang mga manggagawa na makahanap ng hanapbuhay sa ibang bansa

28) Bakit mas epektibo ang patas kaysa sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan?

A. Sa pamamagitan nito, mas isaalang-alang ang kakayahan at pangangailangan ng bawat isa.

B. Walang kakayahang magpasiya para sa sarili at sa iba ang mga mamamayan.

C. Karapatan ng bawat mamamayan na matanggap ang nararapat sa kaniya.

D. Hindi pantay-pantay ang mga tao, ngunit may angkop para sa kanila.

29) Paano maipapakita ang tamang ugnayan ng tao sa kaniyang pag-aari?

A. Sa pagbibigay ng higit na mataas na pagpapahalaga ng kaniyang mga ari-arian kaysa kaniyang sarili.

B. Sa pagmamayabang sa mga kakilala at kaibigan ang dami ng naimpok na salapi.

C. Sa pagpapakita na may kakayahan siyang bumili ng mga mamahaling gamit.

D. Sa pag-iwas na maitala ang kaniyang halaga bilang tao sa kaniyang pag-aari.

30) Ito ay nagmula sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay “oikos” (bahay) at “nomos” (pamamahala).

A. hanapbuhay B. ekonomiya C. lipunan D. mayaman

31) Ang mga sumusunod ay halimbawa ng media maliban sa:

A. Dyaryo B. Mikropono C. Telebisyon D. Radio

32) Ito ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba:

A. Iba’t- iba tayo ng mga kakayahan.

B. Magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin.

C. Hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo ng mag-isa.

D. Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba.

33) Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na:

A. Ang lahat ay magiging masunurin.

B. Matutugunan ang mga pangangailangan ng lahat.

C. Bawat mamamayan ay may tungkulin dapat gampanan.

D. Walang pagmamalabis sa lipunan.

34) Ang sumusunod ay mga katangian ng lipunang sibil, MALIBAN sa:

A. Kawalan ng pangmatagalang liderato.

B. Pagsasalungatan ng iba’t- ibang paninindigan.

C. Kawalan ng kuwalipikasyon ng mga kaanib.

D. Panghihimasok ng estado.
35) May kasinungalingan sa mass media kung mayroon:

A. Paglalahad ng mga impormasyong hindi pakikinabangan

B. Pagpapahayag ng sariling kuro- kuro.

C. paglalahad ng isang panig ng usapin.

D. Pagbanggit ng maliliit na detalye.

36) Tungkulin ng mass media ang pagsasaad ng katotohanan dahil:

A. Wala tayong ibang mapagkukunan ng impormasyon.

B. Nagpapasiya tayo ayon sa hawak nating impormasyon.

C. Maaari nating salungatin ang isinasaad nitong impormasyon.

D. Pinaglalagakan lamang ito ng impormasyon.

37) Ang pananatili nating kaaanib ng isang institusyong panrelihiyon ay bunga ng:

A. Kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa.

B. Kalakarang kinamulatan natin sa ating mga magulang.

C. Kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon.

D. Pagkakatantong hindi tayo nag-iisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay.

38) Bakit nagukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakakarami?

A. Sa ganito natin maipapakita an gating pagkakaisa.

B. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa Gawain.

C. Walang iba maaaring gumawa nito para sa atin.

D. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tugunon.

39) Ang kahulugan ng mass media ay:

A. Impormasyong hawak ng marami.

B. Isahan ngunit maramihang paghahatid ng impormasyon.

C. Impormasyong nagpapasalin- salin sa marami.

D. Paghahatid ng maraming impormasyon.

40) Pangunahing layunin ng lipunang sibil ang:

A. pagpaparating ang mga karaingan sa pamahalaan.

B. Pagbibigay- lunas sa suliranin

C. Pagtatalakay ng mga suliraninng panliipunan

D. Pagbibigay- pansin sa pagkukulang ng pamahalaan.

“Nabubuhay tayo, hindi para bumitaw at bumigay, kundi para lumaban at matuto”

God Bless ^_^

Prepared by: Checked by: Approved by:

Mr. Jonel B. Rule Mr. Victor Dela Peña Mr. Primo L.. Zambo
Sub-Teacher 1 Departement Head Principal II

You might also like