You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V Bicol
Division of Catanduanes
PANGANIBAN NATIONAL HIGH SCHOOL – CAIC COMPOUND
Panganiban, Catanduanes

UNANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

PANUTO : Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat
ang titik ng tamang sagot.

1. Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang professor ng Pilosopiya sa Ateneo de Manila University, binuo ng lipunan ang mga
tao. Ito ay nangangahulugang:

A. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan at hinuhubog ng lipunan ang mga tao.

B. Ang mga tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang ay nariyan na ang pamilyang
nagaaruga sa kaniya; binubuo ng lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.

C. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mga kontribusyon ang nagpapalago at nagpapatakbo dito;
binubuo ng lipunan ang mga tao dahil ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng tao.

D. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aaruga sa tao at dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng
bahagi nito; binuo ng lipunan ang tao dahil sa lipunan makakamit ang kaganapan ng kanyang pagkatao.

2. Ang sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:

A. Paggawa ng tao ayon sa kanyang pansariling hangad.

B. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas Malaki ang naiaambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba.

C. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit
nito.

D. Pagkakait ng tulong para sa kapuwa na nangangailangan.

3. Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad?

A. Sa lipunan ang nangingibabaw ay iisang tunguhin o layunin samantalang sa komunidad ang mahalaga ay ang
pagkakabukod-tangi ng mga kabilang ditto.

B. Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes, mithiin, at pagpapahalaga samantalang sa
komunidad, ang namumuno ang nagbibigay ng direksyon sa mga taong kasapi nito.

C. Sa lipunan, ang namumuno ay inatasan ng mga mamamayan na kamtin ang mithiin ng mga kasapi nito
samantalang sa komunidad, ang mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mga mithiin.

D. Sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nakasasakop samantalang sa komunidad ay mas maliit na
pamahalaan.

4. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:

A. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamuhay.

B. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at kinikilos ay nakatuon sa ating kapuwa.

C. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag-isa.

D. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan.

5. Ang sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:

A. Kapayapaan

B. Katiwasayan

C. Paggalang sa indibidwal na tao

D. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat

6. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang magagawa
mo para sa iyong bansa.” Ang mga katagang ito ay winika ni:

A. Aristotle

B. St. Thomas Aquinas


C. John F. Kennedy

D. Bill Clinton

7. Ano ang tunay na layunin ng lipunan?

A. Kapayapaan

B. Kabutihang panlahat

C. Katiwasayan

D. Kasaganaan

8. Ano ang kabutihang panlahat?

A. Kabutihan ng lahat ng tao

B. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan

C. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan

D. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito.

9. Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal. Ang pangungusap ay:

A. Tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan.

B. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawatindibidwal sa layuning itinalaga ng lipunan.

C. Mali, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat isang indibidwal

D. Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin.

10. Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig sa lipunan. Ang pangungusap ay:

A. Tama, dahil ito ang mahalaga upang mangibabaw ang paggalang sa mga karapatan ng tao.

B. Tama, dahil ito ay inilaan na makamit ng tao sa lipunan ayon sa likas na Batas.

C. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihang panlahat at sa pagkakapantay-pantay, masasakripisyo


ang kabutihang indibidwal.

D. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal at sa pagkakapantay-pantay,


masasakripisyo ang kabutihang panlahat.

11. Alin sa sumusunod ang maaaring ihambing ang isang lipunan?

A. Pamilya

B. Barkadahan

C. Organisasyon

D. Magkasintahan

12. Alin sa sumusunod anf nagpapakita ng mahusay na pamamahala?

A. May pagkilos mula sa mamamayan patungo sa namumuno.

B. May pagkilos mula sa namumuno patungo sa mamamayan

C. May pagkilos mula sa mamamayan para sa kapuwa mamamayan lamang

D. Sabay ang pagkilos ng namumuno at mamamayan.

13. Sino ang may tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan at kinabukasan ng pamayanan.

A. Batas

B. Kabataan

C. Mamamayan

D. Pinuno

14. Ano ang pinakamahalagang dahilan upang maging pinuno ang isang indibidwal?

A. Personal na katangiann tanggap ng pamayanan

B. Angking talino at kakayahan sa pamumuno

C. Pagkapanalo sa halalan
D. Kakayahang gumawa ng batas.

15. Sino ang nagsilbing halimbawa ng may puso para sa lipuna dahil sa adbokasiya niya ng pagkilala sa tao lagpas sa
kulay ng balat?

A. Martin Luther King

B. Malala Yuosafzai

C. Nelson Mandela

D. Ninoy Aquino

16. Sa isang lipunang pampolitika, sino/alin ang kinikilala bilang tunay na boss?

A. Mamamayan

B. Pangulo

C. Pinuno ng simbahan

D. Kabutihang panlahat

17. Ano ang tawag sa proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng pamayanan upang
higit na matupad ang layuning ito?

A. Lipunang Politikal

B. Pamayanan

C. Komunidad

D. Pamilya

18. Ano ang tawag sa naboung gawi, tradisyon, paraan ng pagpapasiya, at mga hangarin ng isang pamayanan?

A. Kultura

B. Relihiyon

C. Batas

D. Organisasyon

19. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng Prinsipyo ng Subsidiarity?

A. Pagkakaloob ng lupang matitirikan para sa pabahay.

B. Pagsingil ng buwis

C. Pagbibigay daan sa public bidding

D. Pagsasapribado ng mga gasolinahan

20. Alin sa sumusunod ang hind nagpapakita ng Prinsipyo ng Solidarity?

A. Sama-samang pagtakbo para sa kalayaan

B. Pagkakaroon ng kaalitsn

C. Bayanihanat kapitbahayn

D. Pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong

21. Ano ang katotohanansa likod ng paniniwala na “ang tao ay pantay-pantay”?

A. Lahat ay may kaniya-kaniyang anking kaalaman.

B. Lahat ay dapat mayroong pag-aari

C. Lahat ay iisa ang mithiin

D. Likha ang lahat ng Diyos

22. Sa ating lipunan, alin sa sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao ang kaniyang sarili sa bagay?

A. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula pamahalaan, kahit na kaya naman niya
itong bilhin o kaya ay hindi naman kailangan, dahil karapatan niya ito bilang mamamayang nagbabayad ng
buwis?

B. Hindi mabitawan Shiela ang kanyang lumang mga damit upang ibigay sa kamag-anak dahil mayroon itong
sentimental value sa kaniya.
C. Inuubos ni Jerome ang kaniyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang bansa lamang mahahanap.
Ayon sa kaniya sa ganitong paraan niya nakukuha ang labis na kasiyahan.

D. Lahat ng nabanggit.

23. Alina ng hindi naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya?

A. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay.

B. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan.

C. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao.

D. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pamamagitan ng pangangasiwa ng
yaman ng bayan.

24. Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas?

A. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng
nararapat para sa tao batay sa kaniyang pangangailangan.

B. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat tao sa lipunan, ang patas ay pgbibigay ng
nararapat [ara sa tao batay sa kaniyang kakayahan.

C. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas na paggalang sa
kanilang karapatan.

D. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagtiyak na
natutugunan ng pamahalaan ang lahat ng pangangailangan ng mga tao.

25. Paano masisiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa Lipunang Pang ekonomiya?

A. Nagbibigay ng tulong pinansyal ang pamahalaan sa mga mahihirap na pamilya.

B. Sa pangunguna ng estado, napapangasiwaan at naibabahagi ng patas ang yaman ng bayan.

C. Sinisikap ng estado na mabigyan ng trabaho ang bawat mamamayan kahit hindi angkop sa kakayahan

D. Tinutulungan ng estado ang mga mangagawa na makahanap ng hanapbuhay sa ibang bansa.

26. Bakit mas epektibo ang patas kaysa sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan?

A. Sa pamamagitan nito, mas isaalang-alang ang kakayahan at pangangailangan ng bawat isa.

B. Walang kakayahang magpasiya para sa sarili at sa iba ang mga mamamayan

C. Karapatan ng bawat mamamayan na matanggap ang nararapat sa kaniya.

D. Hindi pantay-pantay ang mga tao, ngunit may angkop para sa kanila.

27. Paano maipapakita ang tamang ugnayan ng tao sa kaniyang pag-aari?

A. Sa pagbibigay ng higit na mataas na pagpapahalaga ng kaniyang mga ari-arian kaysa sakanyang sarili.

B. Sa pagmamayabang sa mga kakilala at kaibigan ang dami ng naimpok na salapi.

C. Sa pagpapakita na may kakayahan siyang bumili ng mga mamahaling gamit

D. Sa pag-iwas na maitali ang kaniyang halaga bilang tao sa kaniyang pag-aari.

28. Bakit magkaugnayang pag-unlad ng sarili sap ag-unlad ng bayan?

A. Nakikilala at sumisikat ang mga taong umuunlad.

B. Malaki ang maitutulong sa bansa kung maraming tao ang bawat tao.

C. Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng tao ay may mabuting dulot sap ag-unlad ng bansa.

D. Nagkakaroon ng maraming oportunidad sa hanapbuhay ang taong mahilig paunlarin ang sariling kakayahan.

29. “Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa bunga ng kaniyang paggawa. Hindi sa pantay-pantay
na pagbabahagi ng kayamanan . Nasa pagkilos ng tao sa anumang ibinigay sa kaniyang ikayayaman.” Ano ang
kahulugan ng pahayag na ito?

A. Ang tunay na mayaman ay hindi takot gumastos para sa mga hilig niya.

B. Naipakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa husay niya sa paggawa.

C. Mahusay ang taong may kakayahang makabili ng lahat ng kaniyang naisin.

D. Maipagmamalaki ng tao ang kaniyang sarili sa mga kagamitan na mayroon siya.


30. Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Sto. Tomas de Aquino?

A. Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao.

B. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao.

C. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sapangangailangan ng tao.

D. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao.

Test II- Ipaliwanag ang mag sumusunod na mga katanungan (5pts. Each)

31-35- Sa usaping lipunang pang-ekonomiya, paano makakapanahanan ang mga tao sa loob ng Lipunang Pang-ekonomiya?

36-40. Paano malalampasan ang mga balakid sa paggamit ng tunay na layunin ng lipunan? Magbigay ng halimbawa sa
bawat isa at ipaliwanag.

Inihanda ni:

JERSON J. PASUENGOS
T-I

Itinama ni:

ARNOLD M. VALLEDOR
Punong Guro II

You might also like