correct answer. 1. Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad? A.Sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nakasasakop samantalang sa komunidad ay mas maliit na pamahalaan.
B.Sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhin o
layunin, samantalang sa komunidad ang mahalaga ay ang pagkakabukod-tangi ng mga kabilang dito. C.Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes, mithiin at pagpapahalaga samantalang sa komunidad ang namumuno ang nagbibigay ng direksyon sa mga taong kasapi nito. D. Sa lipunan, ang namumuno ay inatasan ng mga mamamayan na kamtin ang mithiin ng mga kasapi nito samantalang sa komunidad, ang mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mga mithiin. 2. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay: • A.Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamuhay. • B.Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa. • C.Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ay nagnanais na makapag-isa • D.Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan 3. Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal. Ang pangungusap ay: A.Tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan. B.Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin. C.Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipunan. D.Mali, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat indibidwal. 4. Alin ang maaaring ihambing ang lipunan? A.Pamilya B. Barkada C. Organisasyon D. Magkasintahan 5. Ano ang tawag sa proseso ng paghahanap ng kabutihang panlahat? A.Pampolitika B. Pamayanan C. Komunidad D. Pamilya 6. Aling sector ng lipunan ang sumasaklaw sa mga pinaiiral na batas alituntunin at katarungan para sa pagkakapantay-pantay ng bawat isa – mahirap o mayaman? A.Simbahan B. Pamahalaan C. Paaralan D. Komunidad 7. Ano ang tawag sa angkop na pamamahagi ng yaman/bagay na naaayon sa pangangailangan ng isang indibidwal? A. Prinsipyo ng Proportio B. Prinsipyo ng Subsidiarity C. Prinsipyo ng Pagkakaloob D. Prinsipyo ng Solidarity 8. Alin ang hindi nagpapakita ng halimbawa ng kabutihang-panlahat? A.Pakikipagkapwa-tao B. Pagbibigayan C. Paggalang D. Paghuhusga 9. Ang sama-samang paggawa ng ______ ay maituturing na gawain ng isang lipunang sibil. A.Pagsisid sa mga bahura B. Pagtatanim ng mga puno C. Pagmamasid sa iba D. Pagdalo sa fiesta 10. Isang Prinsipyo na kung saan sinisikap ang pagkakapantay-pantay sa pamamahagi ng yaman ng bayan A. Pagkakaisa B. Subsidiarity C. Pagkakapantay-pantay D. Lipunang pang-ekonomiya 11. Ano ang tunay na layunin ng lipunan? A.Kaapayapaan B. Kabutihang Panlahat C. Katiwasayan D. Kasaganaan 12. Sino ang may tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan at kinabukasan ng mamamayan? A.Batas B. Kabataan C. Pinuno D. Mamamayan 13. Ano ang kahulugan ng “hanap-buhay”? A. Paghahanap ng trabaho B. Paghahanap ng pera para sa pangangailangan C. hinahanap ng gumawa ang kaniyang buhay D. lahat ng nabanggit 14. Ang lipunan ay samahan ng mga tao na may __________ A. Magkakaugnay na mithiin B. Iisang layunin C. magandang pangarap D. Iisang paniniwala 15. Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na “ang tao ay pantay- pantay”? A. Lahat ay may kani-kaniyang angking kaalaman B. Lahat ay dapat mayroong pag- aari C. lahat ay iisa ang mithiin D. likha ang lahat ng Diyos 16. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa.” Ito ay winika ni: A. Aristotle B. St. Thomas Aquinas C. John F. Kennedy D. Dr. Manuel Dy, Jr. 17. Ang mga sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa: A. Kapayapaan B. Katiwasayan C. Paggalang sa indibidwal D. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan 18. Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad? A.Sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nakasasakop samantalang sa komunidad ay mas maliit na pamahalaan.
B.Sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang
iisang tunguhin o layunin, samantalang sa komunidad ang mahalaga ay ang pagkakabukod-tangi ng mga kabilang dito. C.Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes, mithiin at pagpapahalaga samantalang sa komunidad ang namumuno ang nagbibigay ng direksyon sa mga taong kasapi nito. D. Sa lipunan, ang namumuno ay inatasan ng mga mamamayan na kamtin ang mithiin ng mga kasapi nito samantalang sa komunidad, ang mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mga mithiin. 19. Isa sa mga mahalagang pananagutan ng pinuno sa pagpapatakbo sa lipunang pampolitika A.Pangalagaan ang nabuong kasaysayan ng pamayanan B.Pag-iral sa pagkakanya-kanya ng mga layunin C.Pagtiwala na pangunahan at pangasiwaan ang grupo D.Paniniwala na ang lipunan ay gawa lamang ng pinuno 20. Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig sa lipunan. Ang pangungusap ay: A.Tama, dahil ito ang mahalaga upang mangibabaw ang paggalang sa mga karapatan ng tao. B. Tama, dahil ito ay inilaan na makamit ng tao sa lipunan ayon sa Likas na Batas. C.Mali, dahil sa Kalayaan masasakripisyo ang kabutihang panlahat at sa pagkakapantay- pantay, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal. D. Mali, dahil sa Kalayaan masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal at sa pagkakapantay- pantay, masasakripisyo ang kabutihang panlahat. 21. Ano ang tunay na kahulugan ng kabutihang panlahat? A.Ang kabutihan ng lahat ng tao. B.Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan. C.Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan. D.Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito. 22. Nagkukusang mag- organisa at tumugun ang mga sibilyan sa pangangailangan ng nakakarami sapagkat... A.walang ibang maaaring gumawa nito para sa bawat isa B.sa ganito natin maipapakita ang ating pagkakaisa C.ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain D.hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon 23. Mahalaga ang Prinsipyo ng Pagkakaisa dahil ito ay naging... A.motibasyon para makiisa ang mamamayan sa pamahalaan B.daan para tumulong sa panahon ng pandemiya C.instrumento para gawing mag-isa ang mga gawain D.opinion para gawin ang gawain ng ibang tao 24. Paano natin masasabi na Mabuti ang ekonomiya ng isang bansa? A.Kung ang bawat indibidwal ay may hanapbuhay at makatutulong sa pag- angat ng ekonomiya. B.Kung ang mga may kapital ay magbibigay ng ayuda sa bawat kasapi ng kanilang negosyo. C. Kung iniingatan lamang natin ang ating bayan. D. Lahat ng nabanggit 25. Pagmasdan at suriin ang larawan. Ang mga lalaki ay ang magkakaibigang sina Andrew na makikitang itinaas ang kaliwang kamay, Berto na nasa gitna at Carlos na makikitang nakataas ang dalawang kamay na wiling-wili sa panonood habang nakatayo sa dalawang upuang-kahoy. Sa iyong pagmamasid, sa aling prinsipyo kaya nabibilang ang nasa kanang bahagi ng larawan? A.Prinsipyo ng pagkakapantay-pantay, dahil nagpapakita ito ng pantay na pagkakaloob ng tulong. B.Prinsipyo ng Proportion,dahil maaaring hindi pantay ang pamamahagi ng upuang- kahoy ngunit patas silang nakakapanood ng laro. C.Prinsipyo ng Entrepreneurship, dahil nabibigyan ng pagkakataon na makapagnegosyo ang bawat indibidwal sa loob. D.Prinsipyo ng Lipunang Ekonomiya, dahil nabibigyan ang lahat ng pagkakataong mapanood ang kinahihiligang isports.