You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Antipolo City

SAN ROQUE NATIONAL HIGH SCHOO


ANTIPOLO CITY

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO G9
TP 2019-2020

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Tukuyin ang wastong sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa sagutang papel.
1. Alin sa mga elemento ng kabutihang panlahat ang tumutukoy sa kapanatagan o kawalan ng kaguluhan sa
lahat ng aspekto ng buhay.
A. Ang paggalang sa indibidwal na tao C. Pagkakaisa at Pagtutulungan
B. Ang kapayapaan D. Ang tawag ng katarungan o kapakanan panlipunan ng pangkat
2. Ano ang tunay na layunin ng lipunan?
A. Kapayapaan C. Kasaganaan
B. Katiwasayan D. Kabutihang panlahat
3. Sino ang nagwika na ang kabutihang panlahat ay ay ang pangkalahatang kondisyong pantay na ibinabahagi
sa lahat ng kasapi ng lipunan?
A. St. Thomas de Aquianas C. John Rawls
B. John F. Kennedy D. Sto Tomas De Aquino
4. Ano ang hindi lubos na iiral kung hindi kikilalanin at pahahalagahan ang dignidad ng tao?
A. Katarungan C. Kapayapaan
B. Kabutihang Panlahat D. Seguridad
5. Anong prinsipyo ang nagpapakita ng pagnanais ng pamahalaaan na matulungan ang mga mamamayan na
magawa nila ang makapagpapaunlad sa kanila?
A. Kabutihang Panlahat C. Prinsipyo ng Subsidiarity
B. Prinsipyo ng Solidarity D. Lipunang Politikal
6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng Prinsipyo ng Solidarity?
A. Pagkakaroon ng kaaway C. “Fun Run” para sa kalikasan
B. Bayanihan at kapit-bahayan D. Pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong
7. Kanino inihahambing ang isang lipunan?
A. Barkadahan B. Pamayanan C. Pamilya D. Bansa
8. Ano ang tawag sa proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat?
A. Prinsipyo ng Pagkakaisa C. Likas na Batas Moral
B. Lipunang Politikal D. Prinsipyo ng Subsidiarity
9. Sino ang nagwika ng mga katagang,”Bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng magkakaibang lakas
at kahinaan. Nasa hulma ng ating katawan ang kakayahan natin maging sino.”
A. Max Scheler B. Max Lucado C. Tomas de Aquino D. Benigno Aquino
10. Ano ang ibig sabihin ng salitang Griyego na “oikos” at “nomos”?
A. bahay at lupa C. bahay at pamamahala
B. bahay at pamilya D. pamahalaan at lipunan
11. Ano ang tawag sa angkop na pagkakaloob ng ayon sa pangangailangan ng tao?
A. Priinsipyo B. Pamamahagi C. Ekonomiya D. Proportio
12. Kailan nagiging patas ang pagkakaloob batay sa Prinsipyo ng Proportio?
A. Kung ang pagkakaloob ay ayon sa kakayahan, at sa pangangailangan
B. Kung ang pagkakaloob ay marami ang nakikinabang.
C. Kung ang pagkakaloob ay ayon sa laki ng kayamanan
D. Kung ito ay binibigay sa lahat ng tao.
13. Ano ang pangunahing layunin ng lipunang sibil?
A. pagbibigay lunas sa suliranin ng karamihan
B. pagtatalakay ng mga suliraning panlipunan
C. pagpaparating ng mga karaingan sa pamahalaan
D. pagbibigay pansin sa pagkululang ng pamahalaan
14. Ano ang kahulugan ng mass media?
A. paghahatid ng maraming impormasyon
B. impormasyong hawak ng marami
C. impormasyong pinagpapasa-pasahan
D. isahan ngunit maramihang paghahatid ng impormasyon
15. Alin sa mga sumusunod na lipunang sibil ang nagtataguyod ng karapatan ng mga kababaihan?
A. 4 P’s B. DepEd C. Gabriela D. Mass Media
16. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa tamang tunguhin ng lipunan?
A. Kabutihan ng komunidad na nararapat na bumalik sa lahat ng indibidwal na kasapi nito.
B. Kabutihan ng komunidad na nararapat na bumalik sa iilang kasapi nito.
C. Upang mahubog ang pagkatao
D. Pagpapakita ng malasakit sa kapwa na wlang hinihintay na kapalit.
17. Paano masasabing ang isang indibidwal ay nakapagpapakita ng kabutihang panlahat?
A. Kung ito ay napapakinabangan ng mga mamamayan.
B. Kung ito ay naaayon sa moralidad ng tao-sa Likas na Batas Moral.
C. Kapag ito ay naipapatupad ng pinuno
D. Kapag ito ay maayos na nasusunod ng buong bayan.
18. Kailan masasabing tunay na kinikilala ang dignidad ng tao?
A. Kung may kapayapaan ang bansa
B. Kung nagbibigayan ang mga mamayan
C. Kung nananaig sa lahat ng pagkakataon ang kabutihang panlahat.
D. Kung ang kabutihang panlahat ay naipapatupad ng mga namumuno.
19. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng Prinsipyo ng Subsidiarity?
A. Paniningil ng buwis C. Pagsasapribado ng mga ahensiya ng gobyerno
B. Pagkakaroon ng Public Bidding D. Pagkakaloob ng lupang matitirikan para sa pabahay
20. Paano naipapakita ang pagiral ng Prinsipyo ng Solidarity sa loob ng pamilya?
A. Sama-samang kumikilos ang bawat miyembro ng pamilya para sa ikabubuti ng bawat kasapi nito.
B. Madalas na pakikipag-ugnayan sa bawat isa.
C. Pagbibigay halaga sa pangangailangan ng bawat miyembro ng pamilya
D. Pagkakaloob ng magulang ng makakain ng kanilang mga anak.
21. Ang mga sumusunod na programa ng bansa ay halimbawa ng prinsipyo ng subsidiarity maliban sa:
A. 4P’s (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) C. Libreng tuition fee sa Kolehiyo
B. Voucher Program ng Senior High School D. K to 12 Program
22. Bakit mahalaga ang pagpupundar ng matatag at matibay na pamilya at lipunan?
A. Pagkikiisa at Pagtutungan C. Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa
B. Prinsipyo ng Subsidiarity D. Prinsipyo ng Pagkakaisa at Pagmamahal
23. Ano ang naipakikilala ng tao sa kanyang paggawa?
A. Kaibigan B. sarili C. ekonomiya D. kabutihan
24. Saan nakabatay ang ikayayaman ng tao?
A. sa pantay pantay na pagbabahagi ng kayamanan
B. sa pagtutulungan ng buong pamilya
C. sa pagbibigay ng pamahalaan ng tulong
D. sa kanyang pagkilos sa anumang ibinigay sa kanya.
25. Alin sa mga sumusunod na pangunugsa nagpapakita ng magandang resulta ng ekonomiya?
A. marami ang nag-aaral sa mga prestihiyosong unibersidad
B. lumalaki ang populasyon ng mga walang tahanan
C. nakapagpapatayo ng malalaking “mall”
D. marami ang natutulungan at natutugunan ng pamahalaan
26. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya maliban sa:
A. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay
B. Pagkilos para sa pakikinabang ng yaman ng bayan
C. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao
D. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pamamagitan ng pangangasiwa ng
yaman ng bayan
27. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang layunin ng lipunang sibil na Peace Advocates Zamboanga?
A. Pag-aralan ang ugali ng mga Muslim
B. Pagbibigay daan sa magandang kalakalan
C. Upang maging tagapagsalita ng Pangulo
D. Palakasin ang mabuting ugnayan ng mga Kristiyano at Muslim, at ng iba pang mga katutubo.
28. Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami?
A. Sa ganito natin maipapakita ang ating pagkakaisa.
B. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain.
C. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon
D. Walang ibang maaaring gumawa nito para sa atin.
29. Ano ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba?
A. Iba’t iba tayo ng mga kakayahan.
B. Hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo nating mag-isa.
C. Magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin.
D. Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba.
30. Aling sa mga sumusunod na katangian ng lipunang sibil ang nagpapakita na ang walang dinidiktahan sa
pagpapahayag ng saloobin?
A. Pagkukusang Loob C. Pagiging organisado
B. Walang pang-uuri D. Bukas na pagtatalastasan
31. Alin sa mga sumusunod ang HINDI elemento ng kabutihang panalahat?
A. Pagkakaroon ng pagkakaisa C. Ang paggalang sa indibidwal na tao
B. Ang Kapayapaan D. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan o pangkat
32. Sa paanong paraan makakamit at mapanatili ang kabutihang panlahat?
A. Pakikipag-ugnanyan sa kapwa C. Pagtiyak ng kaayusan at kapayapaan ng lipunan
B. Pakikipagtulungan at Pakikibahagi D. Sama-samang pagkilos ng lahat ng kasapi ng lipunan
33. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mahusay na pamamahala?
A. Sabay ang pagkilos ng namumuno at mamamayan
B. Pagkilos mula sa namumuno patungo sa mamamayan
C. Pagkilos mula sa mamamayan patungo sa namumuno
D. May pagkilos mula sa mamamayan para sa kapuwa mamamayan lamang.
34. Madalas nagagalit ang guro sa kanyang mga mag-aaral dahil hindi nila napapanaltili ang kalinisan ng kanilang
silid sa kabila ng pagkakaroon ng lahat ng kagamitang panlinis. Anong prinsipyo ang kailangang matutunan
nila?
A. Prinsipyo ng Subsidiarity C. Lipunang Politikal
B. Prinsipyo ng Pagkakaisa D. Prinsipyo ng Pakikibahagi
35. Paano maipapakita ang pagkakapantay pantay sa lipunan ayon kay Max Scheler?
A. Mag-aral ng mabuti C. Sa pamamagitan pantay na pagtingin sa mga mamamyan
B. Magsumikap sa buhay D. Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng yaman ng bayan
36. Paano kumikilos ang estado na makamit ang magandang ekonomiya?
A. Sa pamamagitan ng pangunguna sa pangangasiwa at patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan.
B. Sa pamamagitan ng pagdadala ng mga produkto sa ibang bansa.
C. Sa pamamagitan ng pagsasanay sa mga kapitalista
D. Sa pamamagitan ng pagtatayo ng iba’t ibang imprastraktura.
37. Sa paanong paraaan nagagampanan ng mass media ang pagsasaad ng katotohanan?
A. Pinaglalagakan lamang ito ng impormasyon
B. Wala tayong ibang mapagkukunan ng impormasyon
C. Dahil nagpapasya tayo ayon sa hawak nating impormasyon
D. Dahil maaari nating salungatin ang isinasaad nitong impormasyon.
38. Paano ipinamalas ni Malala Yousafzai ang kanyang katapangan?
A. Sa pamamagitan ng paghimok sa mga kabataan babaeng Pakistani na igiit ang karapatang matuto.
B. Sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa mga Taliban patungkol sa mga lupain
C. Sa pamamagitan ng pagpopost sa Facebook ng mga pagmamalupit ng Taliban
D. Sa pamamagitan ng paggawa ng blog kung gaano kaganda ang bansang Pakistan
39. Nararapat ba na manaig sa lipunan.ang kalayaan at pagkakapantay-pantay?
A. Opo, dahil ito ang mahalaga upang mangibabaw ang paggalang sa mga karapatan ng tao
B. Hindi po, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihang panlahat, at sa pagkakapantay pangay,
masaskripisyo ang kabutihan ng indibidwal
C. Opo, dahil sa ito ay inilaan na makamit ng tao sa lipunan ayon sa Likas na Batas
D. Hindi po, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal
40. Ano ang ibig sabihin ng winika ni Dr. Manuel Dy na, “binubuo ng mga tao ang lipunan at binubuo ng lipunan
ang tao”?
A. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at ang lipunan naman ay hinuhubog ang tao.
B. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil sa kanyang kontribusyon dito, at ang lipunan naman ang
nagbubuklod sa lahat ng tao.
C. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula pagsilang ay nariyan na ang pamilyang kanyang
kinabibilangan.
D. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aaruga sa tao at matatagpuan ang tao sa lahat ng
bahagi nito; binubuo ng lipunan ang tao dahil sa lipunan makakamit ang kaganapan ng kaniyang pagkatao.
41. Anu-anong pangangailangan ang hindi kayang makamtan ng tao mag isa at makakamit lamang sa tulong ng
pamahalaan o organisadong pangkat?
A. pangkapayapaan,pangkalusugan, pag-aaral C. pangkalikasan, pansarili, pangpamilya
B. pangkabuhayan, pangkultural, at pangkapayapaan D. tirahan, pagkain at pangkalusuga
42. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dulot ng magandang ekonomiya?
A. Pamumuhunan ng mga may Kapital C. Kolektibong pag-unlad ng bansa
B. Pagtaas ng antas ng pamumuhan D. Paglaki ng utang ng isang bansa
43. Bakit mas epektibo ang patas kaysa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan?
A. Hindi pantay-pantay ang mga tao, ngunit may angkop para sa knila
B. Walang kakayahang magpasiaya para sa sarili at sa iba
C. Karapatan ng bwat mamayan na matanggap ang nararapat sa kaniya
D. Sa pamamagitan nito, mas naisasaalang-alang ang kakayahan at pangangailangan.
44. Sa paanong paraan naipakita ng samahan ng “Couples for Christ” ang kanilang suporta sa ating bayan?
A. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain sa mga mahihirap
B. Pagkakaloob ng scholarship sa mga kabataan
C. Pagpapatayo ng mga bahat sa mahihirap na pamilya
D. Sa pamamagitan ng paghihikayat sa mga kabataan na sumali sa isports
45. Alin sa mga sumusunod ang nagagawa ang mabuting nagagawa ng media?
A. Napapalutang ang mga ipormasyon tungo sa ikabubuti ng lahat
B. Nakapag papasiya ang tao patungkol sa mga bagay na dapat niyang gawin
C. Nasusukat ang kakayahan ng taong umunawa sa mga impormasyong hatid ng media
D. Naipapakita ang suporta sa lipunang ginagalawan
46. Bakit mahalagang matiyak na napapangalagaan ang integridad at katatagan ng isang pamilya?
A. Dahil ang pamilya ang pangunahing yunit sa paghubog ng mapanagutang mamayan.
B. Dahil ang pamilya ay maraming kasapi at kumikilos para sa lipunan.
C. Dahil ang pamilya ang gagabay sa kanyang mga anak.
D. Dahil ang pamilya ay maaring masira kung hindi ito mapapangalagaan.
47. Si Mang Nestor ay isa sa mga bilangong nahatulan ng habang-buhay na pagkabilanggo. Siya ay ginanawang
palasubukan ng gamot na maaring makatulong sa mga taong may sakit na hindi pa natutuklasan ang lunas. Ito
ba ay akma sa prinsipyo ng kabutihang panlahat?
A. Opo, dahil marami siyang matutulungang tao.
B. Opo, dahil magkakaroon ng kabuluhan ang kanyang buhay.
C. Mali, dahil isasakripisyo niya ang kanyang buhay para sa iba.
D. Mali, dahil hindi siya kusang loob na nag-alay ng kanyang buhay para sa kagalingan ng lahat ng may sakit
at sa mga taong posible pang dapuan nito.
48. Ang pag-unlad ba ng isang lipunan ay hindi gawa ng pinuno?
A. Mali, dahil Malaki ang kanyang tungkulin sa kanyang pinamumunuan.
B. Mali, dahil makapangyarihan ang pinuno kaya magagawa niya ang lahat ng kanyang naisin.
C. Tama, dahil gawa ito ng pagaambag ng talino at lakas ng mga kasapi sa kabuuang pagsisikap ng lipunan.
D. Tama, dahil hindi kayang gawin ng pinuno ang lahat ng bagay.
49. Sa paanong paanong paraan maipamamalas ang mabuting ekonomiya?
A. Napauunlad ang lahat-walang taong sobrang mayaman at maraming mahirap
B. Malayo ang agwat ng mayaman sa mahihirap.
C. Napauunlad ang lahat-walang taong naghihirap.
D. Ang lahat ng mamamayan ay may negosyo at hanapbuhay.
50. Kailan masasabing nagkakaroon ng pagpapakita ng kasinungalingan sa “mass media”?
A. Kung ito ay mayroong pagbanggit ng malilit na detalye.
B. Kung mayroong pagpapahayag ng sariling kuro-kuro
C. Kung ito ay naglalahad lamang ng isang panig ng usapin
D. Kung ang impormasyong inilahad ay hindi pakikinabangan.

Inihanda ni:

GLENDA P. ACERA
Guro EsP 9

Iwinasto ni:

MYRENE C. NATIVIDAD
Tagapamuno, EsP

Pinagtibay ni:

HENRY M. LICO
Principal II
MGA SAGOT

1. B
2. D
3. C
4. B
5. C
6. B
7. A
8. B
9. A
10. C
11.D
12.A
13.A
14.D
15.C
16.A
17. B
18. C
19. D
20. A
21. B
22.C
23. D
24. D
25. D
26. B
27. D
28. C
29. B
30. D
31.A
32.D
33.A
34.D
35.D
36.A
37.C
38.A
39.B
40.D
41.B
42.A
43.D
44.C
45.A
46.A
47.D
48.C
49.A
50.C

You might also like